CHAPTER 30

Author's note: Most of the character names came from the reader I have in my writing account, my whole appreciation for supporting my first Paranormal story. If you want to join the journey of this story, just message me. I'll promise to do your request.

CHAPTER 30

ABALA sa pag-aayos ng mga gagamitin sina Andy at ang mga ka-bandmates niya. Ngayon ang araw kung kailan siya magpe-perform as the new vocalist of Maze.

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya at pakiramdam niya ay may mangyayari na hindi maganda o inaasahan.

Kitang-kita na marami ang manonood dahil sa mga nakalagay na stall sa gilid ng School ground. Puno rin ng mga dekorasyon at may nakapaskil na 'Happy Teacher's Day!'. Matatanaw ang mga estudyante na may mga hawak na sulat, bulaklak, tsokolate at iba pang pwedeng iregalo sa kanilang mga guro.

"Oy," pagpukaw ni Kino ng kanyang atensyon pagkatapos siyang sikuhin, "Huwag kang kabahan, nandito lang ako para sumuporta sa iyo." mahinang sabi ni Kino bago nag-fighting sign.

Napangiti si Andy at nakipagtwist bomb sa kaibigan.
"Basta babantayan mo ako ha? Ayokong mapass-out sa gitna ng Performance," may pag-aalalang bilin niya, "Ngayon ko lang masusubukang kumanta sa harap ng maraming tao, baka mapahiya ako hindi lang sa kanila kun'di na rin sa grupo ni Krem."

Humawak si Kino sa magkabilang beywang at inilibot ang paningin sa buong School ground para siguraduhing walang multo o kaluluwa ang pagala-gala.

"Wala akong nakikita ngayon, mukhang wala namang aabala sa Performance mo mamaya kaya maghanda ka na. Kung kinakabahan ka pa rin habang umaakyat ka ng stage, isipin mo ang mga taong gusto mong kasama at kusang mawawala ang kaba mo." paniniguro ni Kino.

Medyo humupa ang kaba na nararamdaman ni Andy bago magsimulang magpractice. Masaya siyang pinapanood ni Kino nang biglang may pumasok sa isip ni Andy.

"Teka, nakita mo na ba si Denum mula nung araw na nakaalis ang kaluluwa ni Jonil?" may pag-aalalang tanong ni Andy.

Napaisip si Kino bago umiling.
"Baka hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng kaibigan niya." opinyon ni Kino bago inakbayan si Andy, "Magpractice ka lang diyan, Komasan. Bibili muna ako ng pagkain. May gusto ka ba?" paalam niya sa dalaga.

Napaisip si Andy, "Hmm.. Ikaw.."

Umawang ang mga labi ni Kino, "Anong ako?"

Ngumiti si Andy, "Ikaw na lang, wala akong gana na kumain."

Tumigil sa pag-iisip si Kino bago tumango ng dalawang beses at pilit na tumawa.
"Ah! Akala ko kung ano na.." naliwanagang sabi niya bago magsimulang lumakad.

Nagpantay ang mga kilay ni Andy bago nagpigil ng ngiti.
"Monggii, iniisip niya ba na may gusto ako sa kan'ya?" hindi makapaniwalang tanong sa sarili.

Habang naglalakad si Kino sa isang pasilyo ay may nakakuha ng kanyang atensyon. Pinaningkitan niya kung ano iyon bago marahang humakbang palapit. Umismid si Kino habang pinapanood ang nangyayari.

"Kaya pala walang kaluluwa na nagpapakalat-kalat." napapailing na sabi niya bago humakbang paatras at tinalikuran ang nakita.

Ipinagpatuloy niya ang pagbili sa Canteen ng pagkain at nang makalabas sa pinto ay sinalubong siya ni Denum na mukhang napagod sa ginawa.

"Ang bait mo naman, tinulungan mo si Andy na hindi mahirapan para sa Performance niya mamaya." nakangiting sabi ni Kino bago hinawakan sa balikat si Denum.

Masamang tingin ang ibinaling sa kanya ng binata bago sinuklay ang medyo mahaba at magulo nitong buhok.
"What are you talking about? Ginagawa ko lang naman ang nagpapagaan ng pakiramdam ko," iritableng sabi ni Denum bago marahas na inalis ang kamay ni Kino, "And please, don't touch me as if we are friends, I don't have any one." dagdag nito bago lampasan si Kino.

Nagform ng 'O' shape ang bibig ni Kino bago mabilis na umiling.

"Hindi na talaga magbabago ang demonyo," mahinang wika ni Kino bago dumaan sa lugar kung saan niya nakita si Denum na may binubugbog na mga kaluluwa.

'Mabuti na lang at puro lalake ang nabalingan niya ng galit.' napapatangong sabi ni Kino habang tinitingnan ang mga kaluluwang sinaktan ni Denum.

Mabilis siyang umiwas ng tingin dahil mukhang napansin ng mga kaluluwa ang pagtingin niya sa mga ito.

Nagmamadali siya na maglakad para makalayo nang may sumulpot sa harapan niya kaya umatras siya.

"Ay pusa!" gulat na sigaw niya bago pinaningkitan ang kaluluwa ng isang babae.

Namilog ang mata niya at napangiti ng maalala kung sino iyon.
"Woah! Ikaw 'yung kaluluwa na palaging kumukuha ng sombrero ko. 'Yung dahilan kung bakit nakilala ko si Andy," natutuwang sabi ni Kino habang tinuturo ang kaharap.

Hindi siya maintindihan ng kausap niya kaya nagtatanong ang mga mata nito habang nakatitig sa kan'ya. Sinampal ni Kino sa kanyang noo ang isang palad ng maalala na hindi siya naiintidihan ng kaluluwa.

"Ay, hindi mo pala ako naiintindihan," nagsign siya ng 'wait' bago patakbong pinuntahan si Andy na kausap ni Krem.

"Komasan," pagtawag niya rito.

Nilingon siya ni Andy at kinunotan ng noo.
"Bakit ang tagal mo? Malapit na magsimula ang Event," nakasimangot na tanong ni Andy.

Napangiwi si Kino bago ipinalibot ang tingin. Doon niya lang napansin ang mga estudyante na may mga pila at mapupuno na ang School ground.

"Ahm, kasi, nakita ko 'yung —"

"Andy, doon na raw tayo sa likod ng stage magpractice!"

Hindi na naituloy ni Kino ang pagsasalita dahil sumigaw na ang isa sa mga kabanda ni Andy. Malungkot na tumingin sa kanya ang dalaga bago pilit na ngumiti.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, buong oras mamaya ay ikaw na ang sasamahan ko. Bye Kumag!" paalam ni Andy bago patakbong lumapit sa puwesto nila Krem.

Walang nagawa si Kino bukod sa bumuntong-hininga. Alam niyang hindi na lang sa kanilang dalawa iikot ang buhay ni Andy, kailangan na niyang sanayin ang sarili lalo na't may misyon rin silang magkaibigan at iyon ay ang mapasali si Lylia sa Paranormal Club.

Nang magsimula na ang Event ay napuno na ang buong lugar at nagkaroon ng iba't-ibang pagtatanghal para ipagdiwang ang araw ng mga guro. Napansin ni Krem ang panginginig ng mga kamay ni Andy habang magkatabi sila sa likuran ng stage.

Nginitian niya ang dalaga, "Kumalma ka," hinawakan niya ang kamay ni Andy, "Ilagay mo sa likod ang kamay mo kapag hindi tumigil sa panginginig mamaya." suhestiyon niya.

Kaagad na dumako ang mga mata ni Andy sa mga kamay nila ni Krem. Sa isang iglap ay nawala ang panginginig ng mga kamay niya at naramdaman niya na namamasa ito kaya mabilis niyang binawi kay Krem.

Napansin ni Krem ang ginawa ng dalaga ngunit hindi na lang siya kumibo.

"At ngayon, salubungin natin ng masigabong palakpakan.. Ang ipinagmamalaking banda ng ating Paaralan, Maze!"

Mariing pumikit si Andy bago huminga ng malalim dahil narinig niya. Tila nanlalamig na ang mga paa niya dahil sa bumabalik na kaba.

Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Kino.

'Isipin ko ang mga taong gusto kong makasama..'

Napaisip si Andy habang umaakyat ng hagdan.

"Teka, sino ba ang gusto kong makasama?" naguguluhang bulong niya sa sarili bago napangiti, "Kumag, kumag, kumag, si Denum? Hmm, sige na nga, kumag, demonyo, kumag, demonyo, kumag, demonyo." parang ritwal na ibinubulong niya iyon sa kanyang sarili.

Napansin iyon ng mga kasama niya na palihim na tumatawa. Nang makarating sila sa stage ay sinalubong sila ng tilian at hiyawan mula sa mga estudyante kasama ang mga guro.

"I love you, Kremir!"

"Akin ka na Papa Gus!"

"Oh my gosh! Pa mine po, Alu!"

Nabalot ng katahimikan nang mapansin ng mga manonood na iba ang kasama ng tatlong kalalakihan. Ang iba ay nagtaasan ng kilay at ang iba ay napapailing, tila hindi nila gusto ang nakikita.

"Seryoso pala sila na ang babaeng iyan ang papalit kay Lylia? Mukhang walang binatbat."

"Hindi siya maganda kumpara sa dating bokalista."

"Baka kasing panget niya ang boses niya."

Napakagat ng labi si Andy at umismid, "Looks like I'm in a trouble."

Si Lylia naman ay kaagad na tumabi kay Kino na nasa gilid ng stage at tahimik na nagmamasid. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi habang naririnig ang mga bulungan.

Kinuha ni Krem ang mikropono bago pilit na ngumiti.
"Andrea Firey Samson is the NEW vocalist of our band, wether you like it or not. I hope you still enjoy our Performance. Happy Teacher's Day!" bati ni Krem bago iniabot kay Andy ang mikropono.

Ibinalik iyon ni Andy sa stand at tumayo sa pinakaharapan ng banda na nasa kanya-kanyang posisyon na. Si Gus na nasa drums, si Alu na nasa keyboard at Krem na hawak ang gitara at may mikropono sa tapat. Tahimik ang lahat habang hinihintay ang susunod na mangyayari.

Nang magsimula ng magpatugtog sina Krem ay handa na para kumanta si Andy ngunit nahinto siya dahil sa tumama sa kanyang mukha na malagkit na bagay. Napapikit siya at napahilamos ng mukha bago tiningnan kung sino iyon.

Nagpipigil ng tawa si Entice habang may hawak na mga kakanin na mukhang binili niya sa isang stall, katabi nito si Rizalino na masaya rin sa nakikita.

"Oopps, sorry! Nadulas sa kamay ko!" masayang sabi ni Entice habang nasa harapan ni Andy.

Kumuyom ang kamao ni Andy at nagpipigil.

"Entice, umalis ka diyan!" sigaw ni Kino ngunit inirapan lang siya ng pinsan.

"Bakit? Eh, sa ayaw kong mapanood si Andy na magperform kasama ang favorite kong banda, hindi siya deserving para irepresent ang School." nakakalokong sabi ni Entice bago humarap sa mga estudyante na nasa likurang bahagi, "Alam kong ayaw niyo rin sa kanya, tulungan niyo akong paalisin siya sa stage." masayang pag-aaya niya sa mga kapwa-estudyante.

Akala ni Andy ay hindi susunod ang mga estudyante dahil matatawag na 'Bullying' ang nangyayari ngunit mukhang nabayaran rin ang mga guro dahil walang pumigil sa dalaga at sa iba pang estudyante nang magsimula itong bumato ng mga hawak nila.

Sinalag ni Andy ang mga tumatama sa kanyang mga bulaklak, tsokolate, maliliit na bato at iba pang mga pagkain. Ayaw niyang magpatinag sa mga ginagawa ng mga estudyante.

"Itigil niyo iyan!" sigaw ni Kino ngunit walang nakikinig kaya mabilis siyang tumakbo sa puwesto ni Entice at mahigpit na hinawakan ang braso nito.

"Baliw ka na talaga 'no?! Ipatigil mo 'to!" galit na tanong niya sa pinsan.

Binigyan lang siya ng nakakalokong ngisi ng dalaga bago umiling.
"No. She deserves all the hate, she is a gold digger and an attention seeker." panlalait ni Entice na mas ikinagalit ni Kino kaya itinaas niya ang isang kamay ngunit hindi niya magawang saktan ang pinsan lalo na't babae ito.

Mas lumawak ang ngiti ng dalaga.
"Hindi mo ako kayang saktan, duwag ka!" pang-aasar nito bago tinulak si Kino palayo.

Laking-gulat ni Kino at Entice nang tumapat sa kanya si Lylia na pantay ang kilay habang walang emosyon ang mukha. Tinaasan siya ng kilay ni Entice bago ngumisi.

"Ano? Tingin mo matatakot ako kahit may babysitter ka pang kapatid?" tanong ni Entice sa kaharap.

Ngumiti na abot hanggang tenga si Lylia bago umiling, "No. Matakot ka sa akin, SA AKIN LANG." may diin na sabi nito.

Naguguluhan si Entice at balak pang magsalita ngunit mabilis ang mga kamay ni Lylia na dumampi sa magkabilang pisnge niya. Hindi inaasahan ng dalaga ang nangyari kaya nakanganga siya habang galit na nakatitig kay Lylia.

"How dare you to slap me? Sino ka sa akala mo?" may inis na tanong nito.

Hindi nawawala ang malapad na ngiti ni Lylia bago tumugon.
"Ako lang 'to, si Lylia." tipid niyang sagot bago inabangan na sumunggab si Entice ngunit kaagad itong pinigilan ni Rizalino at hinila paalis ng School ground.

Namamangha na nakatitig si Kino sa kaharap. Nang humarap sa kanya ang dalaga ay walang ideya itong tumingin sa kanya.

"Ang galing mo," nakangiting sabi ni Kino, "Bakit mo ginawa iyon?"

Nagkibit-balikat si Lylia, "Ganoon talaga kapag gusto ko 'yung tinutulungan ko."

Natigilan si Kino at namimilog ang mga mata habang nakikipagtitigan kay Lylia na seryosong nakatingin sa kanya.

"Gusto kita, pwede bang manligaw?" prenteng tanong nito na mas ikinagulat niya.

Hindi na nakapagsalita si Kino dahil natigilan ang lahat nang marinig ang boses ng nasa unahan na dalaga.

Naramdaman ni Andy ang lagkit at dumi sa buong katawan niya habang patuloy na sinasalag ang mga hinahagis ng mga estudyante. Naramdaman niyang nabawasan ang tumatama sa kanya kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay.

Kitang-kita niya kung paano sinasalo ng tatlo niyang kasama ang mga binabato ng mga estudyante habang nakaharap sa kanya. Nalungkot siya sa nakikitang sitwasyon ng mga ito ngunit isang ngiti ang binigay sa kanya ng tatlo.

"Kumanta ka na," wika ni Krem habang nakaharap sa kanya, "Hayaan mo silang mapakinggan ang boses mo. Kami ang bahala sa iyo," paniniguro ni Krem.

Muling inilibot ni Andy ang paningin at nakaramdam siya nang kakaiba nang may makakuha ng kanyang atensyon.

Napangiti si Andy bago tumango dahil sa narinig. Hinawakan niya ang mikropono bago pumikit at dinama ang kanta sa kanyang isipan.

Hinayaan niya ang sarili na damhin ang kanta kahit walang tugtog. Hindi niya pinansin ang nakapaligid sa kanya.

Napangiti siya nang mapakinggan ang tugtog mula sa mga kasama niya. Mukhang nasa kani-kaniyang puwesto na itong muli.

Nang kinanta ni Andy ang chorus part ay itinaas ng mga estudyante ang kanilang kamay at tahimik na pinakinggan ang awitin.

Nang matapos ni Andy ang kanta ay magaan ang kanyang pakiramdam at mabilis niyang idinilat ang kanyang mga mata upang makita ang mga reaksyon ng mga manonood.

Hindi mapigilan ni Andy ang ngiti na pilit niyang pinipigilan.

"Ang galing mo, Lodi!"

"Bagay ka na maging bokalista ng Maze!"

"ANG GALING MO, Andy! I love you!"

Natigil sa pagngiti si Andy habang naguguluhang tinapunan ng tingin si Kino na malawak ang ngiti na sinasabayan ang tingin niya.

"As a friend.." basa ni Andy sa pagbuka ng mga labi ni Kino.

Inirapan niya ito at napailing nalang. Nakaramdam siya ng kaba sa sinabi ng kaibigan.

Habang patuloy sa pagbibigay ng suporta ang mga manonood ay muling tumugtog ang mga kasama ni Andy sa pangunguna ni Krem. Nilingon ito ni Andy at nginitian bago hinarap ang mga manonood.

"And for our last performance, we will dedicate this song to our beloved teachers. Happy teacher's day!" masayang sabi ni Andy bago hinawakan ang mikropono at dinama ang tugtog.

Natapos ang pagtatanghal na puno ng papuri ang bandang Maze lalo na sa bokalistang si Andy.

Habang nagliligpit ay nakangiting nilapitan ni Andy ang abalang si Krem.

"Kremir.." pagkuha niya ng atensyon ng binata na kaagad na tumingin sa kanya.

Ngumiti ito at napamulsa.
"Wow, ngayon mo lang ako tinawag in first name basis." pilyong tanong ng binata.

Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bago napakagat sa ibabang labi at pilit na ngumiti.

"G-gusto ko lang magpasalamat dahil hindi niyo ako pinabayaan kahit madamay pa kayo." puno ng sinseridad na sabi ni Andy.

"You don't need to, bilang miyembro ng banda.. It's our responsibility to help each other. We live as band, we harmony as one. Note that, hindi mo kailangan magpasalamat." paliwanag ni Krem bago mag-abot ng panyo kay Andy, "Even in dirty times.." natatawang dagdag nito.

Sinabayan ni Andy ang pagtawa ni Krem bago tinanggap ang panyo at nilinis ang mukha na may mga natirang dumi. Ibabalik niya na sana itong muli kay Krem ngunit nahiya na siya at itinabi na lang ang panyo.

"Lalabhan ko muna." pahabol ni Andy bago inilibot ang mga mata dahil may napansin siya.

Hindi na niya narinig ang mga sasabihin pa ni Krem dahil napako ang tingin niya sa lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan. Hindi katulad kanina ay seryoso ng muli ang mukha nito at wala na ang nakataas nitong mga kamay habang naka-thumbs up.

Hindi niya napigilang matawa dahil sa pag-irap nito sa kawalan nang magthumbs up siya rito. Mabilis na sinundan ng tingin ni Krem ang tinitingnan ni Andy ngunit wala siyang naabutan.

Napawi ang ngiti sa mga labi ni Andy nang may maalala.

"Hala? Nasaan si Kino?" tanong niya sa sarili.

"Kanina ko pa rin hindi nakikita si Lylia."dagdag ni Krem.








—————end of chapter 30————

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top