CHAPTER 29

CHAPTER 29

"H-hi?" pangbungad ni Andy kay Denum para maalis ang pagkailang na nararamdaman.

Hindi kumibo ang binata at inilibot ang tingin sa buong Clubroom. Makikita ang mga instrumento at mga papel na puro lirikong nakapaskil sa pader.

'Ganito pala kakalat sa Clubroom ng mga walang pakinabang.' napapatango si Denum habang iniisip ang buong Clubroom.

Pantay ang mga kilay habang sinusundan ni Andy ang bawat hakbang ng binata.

"Ano naman ang dahilan para pumasok ka ng hindi kumakatok dito?" muling tanong ni Andy.

Humalukipkip ang mga braso ni Denum bago hinarap ang dalaga na medyo naalarma sa biglaang pagharap nito.

"May narinig kasi akong umuungol na baka kaya chine-check ko kung may katayan dito sa loob ng school." seryosong wika ni Denum.

Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bago hinampas ng malakas ang braso ni Denum.

"Monggii, anong umuungol na baka? Walang baka rito, demonyo lang ang meron." pamimilosong sabi ni Andy.

Umismid si Denum bago tinaasan ng isang kilay si Andy.
"Ah, demonyo ka pala.."

Mariing umiling si Andy, "G*g*! Ikaw 'yung sinasabihan ko." pagtatama ni Andy bago humawak sa beywang, "Umalis ka na nga, ginugulo mo ang vocalization ko." pagtataboy ni Andy na ikinatawa ng nakakaasar ni Denum.

"Ganoon pala mag-vocalise ang baka," pang-aasar ni Denum.

Namula ang mukha ni Andy dahil sa inis at mabilis na tinulak si Denum palabas.
"Bawal trespassing dito! Labas! Bawal demonyo! Chupi!" pagtataboy ni Andy bago tuluyang maisara ang pinto.

Narinig niya pa ang mga tawa ni Denum na tila nang-aasar.

"Goodluck sa pagpra-practice umungol na parang baka." huling sinabi ng binata bago lumisan.

Pagkaalis ni Denum ay naalala ni Andy ang mga sinabi ni Jonil sa kan'ya kung papaano si Denum bilang kaibigan.

Lihim siyang napangiti bago may naisip na paraan para mapaniwala si Denum na nakausap niya ang kaluluwa ni Jonil.

"Ang dami mong libre ngayon ah, himala 'to." masayang sabi ni Kino habang sabay silang kumakain ni Andy sa Canteen.

Naisipan ni Andy na bumawi sa mga pagkukulang niya bilang kaibigan kay Kino kaya mas dinamihan niya ang libre. Gusto niya rin humingi ng pabor sa binata.

Hinintay ni Andy na matapos sa pagkain si Kino bago magsalita.

"I have two good news and a bad news, which one do you prefer to hear first?" tanong ni Andy.

Naningkit ang mga mata ni Kino bago sumagot.
"Hmm, good news muna. Parang maganda dahil dalawa." pagpili ni Kino.

Tumango-tango si Andy bago magsalita, "I'll perform on Teacher's Day Event next week and the other good news is I have an idea on how we can force Denum to believe us."

Nagliwanag ang mukha ni Kino at nahinto sa pagkain ng french fries bago napapalakpak dahil sa narinig.

"Wow, totoong good news nga iyan," masayang sabi ni Kino bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Tila nakalimutan ang isang bad news na sasabihin ni Andy kaya pinilit na ngumiti ni Andy.

"And the bad news is, you need to apologize to Denum. Para bumalik ang kaonting-kaunti na tiwala niya sa atin." dagdag ni Andy.

Naestatwa si Kino at nabitawan ang hawak na pagkain.

"Aist." tanging nasabi ni Kino, "Ano bang plano?" kunot-noong tanong niya kay Andy.

Nang sumunod na araw ay sinamahan ni Kino na magpractice si Andy. Kaagad silang sinalubong ni Krem na abala sa pagtotono ng gitara.

"Dito ka, Andy! Papraktisin natin 'yung magiging blending ng boses natin at kung paano ipapasok 'yung second song bilang intro mo as a new band vocalist." pagtawag sa kanya ni Krem.

Walang nagawa si Kino kundi panoorin sa pagprapractice ang kaibigan at ang lalakeng gusto nito.

"Siguro nga, kailangan kong bawasan ang pagiging over protective sa kan'ya," napagdesisyunan ni Kino bago ngumiti at kinawayan si Andy ng tumingin ito sa puwesto niya.

Naisip niya na maaring magkaroon sila ng problema ni Andy kung palagi siyang didikit sa dalaga kahit napag-usapan nila iyon. May sarili silang mga buhay at hindi makabubuti kung maghihigpit siya sa mga lalapit sa kaibigan.

"Sana lahat may gwapong guard kagaya ni Andy,"

Mabilis na tiningnan ni Kino ang dalaga na nagsalita sa gilid niya. Nakapangalumbaba ito habang nakatitig kay Kino.

Napapailing na tumawa nang mahina si Kino at hindi makapaniwalang tumingi kay Lylia.

"Sa gwapo kong 'to? Tingin mo sa akin ay bodyguard? Aist, kung pwede lang manapak ng babae." disgustong wika ni Kino.

"Edi manapak ka, wala rin naman akong balak na kasuhan ka lalo na't masasayang ang mga kagaya mo." seryosong wika ni Lylia habang ngumunguya ng bubblegum.

"Bakit? Ano bang tingin mo sa akin?" puno ng kuryosidad na tanong ni Kino.

"You're almost perfect. A jolly person, a friendly one, a person whose strong enough to save a woman's heart and a kind-hearted person. Masuwerte ako kapag naging akin ka," binulong ni Lylia ang mga huling linya kaya hindi narinig ni Kino.

Naningkit ang mga mata ni Kino habang sumusulyap kay Andy na masayang kausap si Krem.

"Mabuti naman at hindi ka nainis sa kaibigan ko ng maagaw niya ang puwesto mo bilang bokalista?" pag-iiba ni Kino ng usapan.

Napaisip si Lylia bago nagkibit-balikat.
"Marami kasing responsibilidad kapag naging bokalista at isa na roon ang bawal makipagrelasyon," nanghihinayang na tinitigan ni Lylia si Kino, "Paano nalang tayo kung ipagpapatuloy ko ang pagiging bokalista ko?" mahina ngunit sapat na para marinig ni Kino.

Mas naningkit ang mga mata ni Kino dahil sa narinig at mabilis na tinapunan nang tingin si Andy.

"So, you are trying to say that Andy can't entertain any boys and commitments because it's one of the rules?" paglilinaw ni Kino.

Kaagad na tumango si Lylia at medyo nadismaya na isinantabi ni Kino ang mga huling sinabi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Kino bago nakakalokong ngumiti na tumingin sa puwesto ni Andy.

'Kawawa naman si Komasan, mukhang mapapanindigan ang pagiging single, hakhak!'

"Bakit parang ang saya mo?" puna ni Andy sa nakangiting si Kino.

Simula ng isama niya si Kino sa Practice ay maliwanag ang mukha nito hanggang sa ngayon na uwian na. Pumasok sa isip ni Andy ang naabutan niyang pag-uusap ni Kino at Lylia kaya nagkaroon na siya ng ideya.

"Monggii, masaya ka siguro dahil may lovelife ka na 'no?" pang-aasar niya na ikinakunot ng noo ni Kino bago mabilis na umiling.

"Ganiyan ba kalandi ang tingin mo sa akin? Bakit parang napapansin ko na palaging ang tingin mo sa akin ay 'playboy'?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Kino.

Napangiwi si Andy.
"Kasi nga, mukha kang tambay. Tambay para paglaruan ang mga babae." tanging naisagot ni Andy.

Hinubad ni Kino ang sombrero at inayos ang itim na buhok bago tinitigan si Andy. Kumikislap rin ang piercing nito sa labi at kaliwang bahagi tenga.

"Ganito ba kagwapo ang tambay para sa iyo?" ngumiti ng nakakaloko si Kino, "Ang mukhang tambay na ito ang hahanap-hanapin mong mukha sa susunod na School Year." paniniguro ni Kino bago kumindat sa harapan ni Andy.

Mas napangiwi ang dalaga at nagpigil ng tawa sa nakita.
"Iyong totoo? Hindi ba nagagamot ang kakapalan ng mukha?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

Nakakalokong tumawa si Kino bago umiling, "Hindi, kaya nga sixteen years na akong gw—"

"G*g*?" pagtatama ni Andy.

Sumama ang timpla ng mukha ni Kino bago nagkibit-balikat.
"Gwapo kasi, Komasan. Gwapo iyon.." tanging nasabi ni Kino bago nauna sa paglalakad.

Pinuntahan nila ang lugar kung saan namatay si Jonil. Inilibot ni Andy ang paningin bago tumingin kay Kino.

"Nandito pa ba siya?" tanong niya sa kasama.

Umiling si Kino bago naunang maglakad sa madilim na pasilyo ng building. Hinawakan niya ang kamay ni Andy para maalalayan ito sa pag-akyat sa hagdanan.

Palinga-linga silang dalawa habang papunta sa Rooftop. Nang makarating sila sa rooftop ay kaagad na nawalan ng malay si Andy. Hindi nasalo ni Kino ang katawan niya kaya dire-diretso ito sa sahig.

Napangiwi sina Andy at Kino ng mapakinggan ang malakas na pagkakabagsak ng katawan.

"Shoot." tanging nasabi ni Kino bago binuhat ang katawan ni Andy.

Ngumuso ang dalaga.

"Mongggii, akala ko pa naman babantayan mo ang katawan ko? May pasa na iyan mamaya?!" singhal niya kay Kino kahit hindi siya marinig.

Sa iba niya itinuon ang atensyon at nakahinga ng maluwag dahil nahuli ng mga mata niya si Jonil na nakaupo sa sahig habang pinagmamasdan ang kalangitan. Dahan-dahang umupo si Andy sa tabi ng binata bago sinundan ang mga tingin nito sa langit.

"When the brightest star fade away, there's a new star come to shine. Darkest day will find a new light and moods will lighten up to see a new smile." nakangiting sabi ni Jonil bago binalingan ng tingin si Andy, "Iyon ang palaging binabanggit ni Denum sa tuwing nag-uusap kami sa ilalim ng madilim na gabi. Palagi niyang binabanggiy iyon para bigyan ako ng pag-asa sa ibang paraan." paglalahad ni Jonil.

Ngumiti si Andy bago nilingon si Kino na tahimik habang pinapanood sila.

"Tatandaan ko iyon," wika ni Andy bago ibinalik kay Jonil ang tingin, "May naisip na akong paraan para makausap mo si Denum at mapaniwala siya."

Kumunot ang noo ng binata, "Papaano?"

Magsasalita palang si Andy nahinto sila dahil sa biglaang pagbukas ng pinto na dinaanan nila Andy. Umawang ang mga labi nila habang pinapanood ang lalake na pumasok sa pinto.

Mabilis na tumayo si Andy at naniningkit ang mga mata na tiningnan si Denum.

"Anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy bago tumingin sa direksyon ni Kino na mukhang nagulat rin sa pagpasok ng binata.

Walang emosyon ang mga mata ni Denum habang inililibot ang paningin bago tiningnan ang katawan ni Andy na walang malay. Napangisi ito at tinitigan ang kaharap na hindi makita.

"Nasaan si Jonil?" seryosong tanong ni Denum.

Hindi kaagad nakasagot si Andy kaya mahigpit na hinawakan siya sa mga braso ni Denum at nakipagtitigan sa kanya kahit hindi siya makita.

"Alam kong nandito siya, Andy. Iharap mo siya sa akin!" singhal ni Denum kaya naalarma si Kino.

"Nasa kaliwang gilid siya ni Andy," sabad ni Kino bago ibinaba ang walang malay na katawan ni Andy at nilapitan si Denum.

Hinawakan niya ang mga braso ni Denum bago pinilit alisin iyon mula sa pagkakahawak kay Andy.

"Bitawan mo na siya, nasasaktan siya sa ginagawa mo." pagpapahinto ni Kino bago tuluyang naalis ang mga kamay ni Denum sa nakatulalang si Andy.

Nang malaman ni Denum ang puwesto ng kaibigan ay mabilis niya iyong nilapitan at inambahan ng suntok.

Andy gasped in extreme tension because of the unexpected moment.

Hindi pumalag si Jonil at tinanggap ang mga suntok ng kaibigan na halu-halo ang emosyong makikita sa mga mata. Masaya siya habang tinatanggap ang galit na nararamdaman ni Denum.

"D-denum! Itigil mo iyan!" sigaw ni Andy at akmang lalapitan si Denum ng umiling si Jonil para pigilan siya.

Naguguluhang huminto si Andy at walang nagawa kundi panoorin ang mga nangyayari.

'Ang demonyo ay nagpupuyos sa galit habang sinusuntok ang nag-iisa niyang kaibigan, anong nag-udyok sa kanya para gawin ito?' hindi makapaniwalang tanong ni Andy sa kanyang isipan.

Ilang minuto pa ay huminto na si Denum dahil sa pagod at bumagsak ang katawan ni Jonil sa sahig na nanghihina.

"Jonil!" lumapit si Andy para tulungan na makatayo si Jonil at harapin si Denum, "Ikaw! Demonyo ka! Hindi ka na talaga titino! Pati kaibigan mo ay binugbog mo!" naiinis na sigaw ni Andy kahit hindi siya naririnig ng kaharap na binata.

"Bakit mo hinayaang mamatay ka, Jonil?! Bakit ayaw mong magpakita sa akin kahit paulit-ulit kitang tinatawag? Ganoon mo ba kamahal ang babaeng iyon para sirain mo ang pagkakaibigan natin kahit patay ka na?!" galit na galit na tanong ni Denum habang lumuluha.

Nagkatinginan sina Andy at Kino.

"Tingin ko ay ngayon na ang oras para gawin mo ang plano mo," wika ni Kino sa kaluluwa ni Andy.

Hinawakan ni Andy ang mga kamay ni Jonil bago inakay palapit kay Denum at pinahawak sa magkabilang balikat nito. Tumingin siya kay Kino bago itinaas ang isang kamay at nagfingerspelling.

"I-translate mo ang sasabihin ko.." basa ni Kino sa sinabi ni Andy kaya napatango siya.

Ibinaling ni Andy ang atensyon sa kaluluwa ni Jonil na seryoso habang nakatingin sa kaibigan.

"Ilang araw bago ako magpakamatay, sinabi ko na sa iyo ang mga problema sa bahay namin. Ang paghihiwalay ng mga magulang ko, ang pagsasabi ni Mama na hindi talaga nila ako anak at ang pagbagsak ko sa mga subjects," habang inilalahad ni Jonil ang mga gustong sabihin ay itina-translate ni Andy ang mga salita para maipaulit kay Kino.

Tahimik lang na nakikinig si Denum dahil ramdam niya ang hawak ng kaibigan niya sa kanyang mga braso para aalalayan siya. Pilit niyang pinapakinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig ng kapatid kahit ayaw niyang maniwala.

"Akala ko ay kaya ko na mabuhay kahit may mga nalaman ako na makakapagpabago na buhay ko. Pinilit ko namang mabuhay ng normal habang kasama ka, ikaw na nag-iisa kong kaibigan," lumuluhang umiling si Jonil, "Pero hindi sa lahat ng oras ay makakausap kita dahil abala ka sa pagiging mataas sa School natin. Hindi kita sinisisi, wala akong sinisisi. Kasalanan ko dahil mahina ako, nagpaubaya ako sa salitang 'Kamatayan na lang ang magpapalaya sa akin'. So I did it, I killed myself." malungkot na kwento ni Jonil.

Habang itina-translate ni Andy ang mga narinig ay hindi niya maiwasang malungkot at umiyak. Nanginginig rin ang mga boses ni Kino habang inuulit ang mga nababasa niya sa kamay ni Andy.

Mariing umiling si Denum.
"Hindi! Alam kong binabago mo 'yung kwento dahil ayaw mong makulong si Jessa! Hindi ako naniniwala!" lumuluhang sabi ni Denum, "At kung totoo man iyon, hindi mo ba naisip na masama ang magpakamatay? Ha? Bago mo ba ginawa iyon, pumasok ba sa isip mo na mali ang gagawin mo?!" galit pa rin ang tono ni Denum.

Tumango si Jonil at tinapik ang balikat ni Denum para pakalmahin ito.

"Hindi sinasadya na makita ako ni Jessa habang paakyat ako ng building. Pinilit niya akong pigilan pero ngumiti lang ako at nahawakan ko ang butones niya kaya inakala mo na pinatay niya ako," paliwanag ni Jonil, "Maiisip mo pa bang masama ang gagawin mo kung naging masama ang tadhana sa iyo? Nakulong ako sa mundong ako lang ang preso at puno ng mapanghusgang mga tao. Kasalanan ba na palayain ko ang sarili ko?" tanging naisagot ni Jonil sa mga tanong ni Denum.

Nang matapos sabihin ni Kino ang mga sinabi ni Jonil ay nanghina ang mga tuhod ni Denum at nabitawan ang kaibigan na nakangiti sa kan'ya.

Umiling si Denum, "Pasensya ka na. Sorry kung wala ako sa mga oras na kailangan mo ako. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkamatay mo kaya naibunton ko sa iba ang galit ko sa sarili ko." pag-amin ni Denum.

Tumango si Jonil bago hinarap si Andy.
"Si Denum talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko pang umalis, alam kong sisisihin niya ang sarili niya sa pagkamatay ko. Pakialagaan ang kaibigan ko, malakas lang siya sa labas pero mahina rin siya sa loob." habilin ni Jonil bago tuluyang nawala at kinuha ng liwanag.

Binasa ni Andy ang mga labi bago tumingin kay Kino. Ilang minuto pa ay nagising na siya sa kanyang katawan at mabilis na tumayo para lumapit kay Denum.

"Sometimes, the only way to set you free is to do what you are thinking. At sa oras na iyon, nakakalungkot na kamatayan na lang ang naiisip ni Jonil para makatakas sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. Mali ang magpakamatay pero paano mo siya mahuhusgahan kung wala kang nagawa para tulungan 'yung tao na gumawa ng tama? Kung naisip mo lang na tumulong ng mawala na siya, kung sumagi lang siya sa isip mo nung patay na siya. Paano mo masasabing mali ang ginawa niya kung wala ka sa sitwasyon na dahilan kung bakit niya ginawa iyon?" mga nabuong salita na lumabas kay Andy habang tinitingnan ang puno ng pagdadalamhating si Denum.

"Before we judge other people, we need to be on their shoes first. We have different problems, no one can save us more than ourselves. If you can't fight, no one will fight for you. That's life, more on independency." dagdag ni Kino bago tinapik ang kanang braso ni Andy.





————End of Chapter 29—————

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top