CHAPTER 28
CHAPTER 28
NAKAUPO si Denum sa isang bench habang umaambon at pinapanood ang mga dumaraan na taong may bitbit na payong.
Hapon na ngunit hindi makikita dahil sa madilim na kalangitan. Ilang oras na siyang tahimik dahil iniisip niya kung bakit hindi siya natuluyan sa nangyari. Ilang segundo pa ay bigla siyang tumawa.
"Muntikan ka ng mamatay tapos tumatawa ka pa?!" hindi makapaniwalang tanong ni Andy bago umiling, "Grabe ang demonyong 'to."
Habang tumatawa si Denum ay dahan-dahan naman itong umiyak. Mabilis na binalingan siya ng tingin ni Andy. Kahit naguguluhan sa pagbabago ng reaksyon ni Denum ay marahan niyang inilapat ang mga braso sa balikat ng binata bago lumapit dito para yakapin ito.
Mabuti na lang at walang naging bayolente na reaksyon si Denum, hinayaan niya si Andy sa pag-aalo sa kan'ya.
Pinilit na ngumiti ni Denum, "Ayokong mabaliw pero sana huwag mo muna akong iwan. Natatakot akong mag-isa ulit, baka may mangyari na naman sa akin." hiling niya kay Andy.
Tumango si Andy. Ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon ng biglang mawala si Andy na medyo ikinagulat ni Denum bago dismayadong tumawa.
"Kakasabi ko lang na huwag akong iiwan, iniwan kaagad ako." bulong niya sa sarili.
Nang dumilat si Andy ay sinalubong siya ng kambal na binabantayan ang paggising niya.
Ngumiti si Krem nang makita na nagising na si Andy, mabilis niya itong nilapitan.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong ni Krem.
Hindi nakasagot si Andy dahil naalala niya si Denum. Kaagad siyang bumangon at tinanggal ang karayom na nakatusok sa kan'ya. Dahil sa pag-aalala ay mabilis siyang lumabas.
"Andy! Andy!"
Maririnig ang sigaw ni Krem na humahabol ngunit hindi na nasundan si Andy dahil pinigilan ni Lylia.
"Hayaan mo siya, huwag kang masanay na palagi ikaw ang humahabol. Baka palagi ng mangyari." makahulugang sabi ni Lylia.
Nang makarating si Andy sa lugar kung nasaan si Denum ay mabilis niya itong nilapitan. Nakayuko ito at dinadama ang malakas na ulan.
Tinapik niya ang braso ng binata para makuha ang atensyon nito. Nang mag-angat ng tingin si Denum ay kaagad na ngumiti si Andy.
"O, tinupad ko 'yung gusto mo ha?" natutuwang sabi ni Andy bago umupo at nakisabay kay Denum na damahin ang malakas na ulan.
Hindi na kumibo si Denum at tahimik na pinanood ang bawat patak ng ulan. Walang ibang ginawa si Andy kundi bantayan ang binata.
"May itinuro sa akin na magic ang Papa ko para maalis ang lungkot ng kasama ko," pagbasag ni Andy ng katahimikan.
Hindi kumibo si Denum kaya umirap sa kawalan si Andy.
'Ang sungit talaga nito, sarap ibalibag.'
Kinuha ni Andy ang kaliwang kamay ni Denum kaya nakuha niya ang atensyon ng binata at tuluyan nang humarap sa puwesto niya.
"Anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Denum.
Ngumiti si Andy, "Yung magic nga!" singhal niya bago inilapat ang kamay niya at pinagsiklop sa mga kamay ni Denum, "Ayan, kapag nararamdaman mo na mag-isa ka, itong magic na ito ang magpapaalala na hindi." paliwanag ni Andy.
Ilang segundo na hindi nakakibo si Denum bago ngumiti kay Andy, "May gusto ka sa akin 'no?"
Nagpantay ang kilay ni Andy at nakipagtitigan kay Denum. Hindi niya narinig kaya wala siyang maisagot.
"A-ano?" pagpapaulit niya dahil wala siyang maintindihan sa tanong ngunit hindi na inulit ni Denum at tumingin sa ibang lugar.
Napanguso si Andy at sa ibang lugar tumingin.
"Ano na naman kayang sinabi ng demonyo na 'to?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.
Ilang oras silang nasa ganoong posisyon at tahimik na pinapanood ang paghinto ng ulan. Nang tumila na ay tumayo na si Denum na ikinagulat ni Andy at walang nagawa kundi tumayo na rin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Andy ng magsimulang humakbang si Denum, "Umuwi ka na, uuwi na rin ako." dagdag niya habang tinitingnan ang magkahawak nilang kamay.
'Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa amin? Monggggiiii...'
Naalarma si Andy nang dalhin siya ni Denum sa isang food cart kung saan may mga kapwa sila estudyante mula sa kanilang Paaralan. Hihilahin niya na sana ang kamay niya kay Denum ngunit huli na dahil may nakakita na sa kanila.
Mabilis ang mga mata ng estudyante bago nagbulungan ngunit walang pakielam si Denum at umorder ng dalawang shawarma at gulaman.
"Hala? Sila pala talaga? Akala ko si Kino?"
"Bakit basang-basa sila?"
"Omg, kailangan ito malaman ng buong school. Magtre-trend 'to bukas!"
"Hindi sila bagay, akala ko pinopormahan ni Girl si Krem?"
Napapikit si Andy at pinilit na hindi marinig ang sinasabi ng mga nakasabay hanggang sa makuha ni Denum ang mga binili at mabilis na hinarap ang mga babae.
Tinitigan niya ito bawat isa bago binigyan ng malademonyong ngisi, "Nakilala ko na ang mga mukha niyo, sa oras na kumalat 'to. Kita-kita na lang sa kulungan." banta ni Denum bago hilahin si Andy palayo sa lugar na iyon.
Nang makahanap sila ng mauupuan ay umupo na si Andy at hinila ang kamay na hawak ni Denum. Sinamaan niya ng tingin ang binata ng hindi nito bitawan ang kamay niya.
"Bitawan mo nga ako, hindi kita type!" naiiritang sabi ni Andy na ikinatawa ng mahina ni Denum.
"Pero kung makahawak ka sa kamay ko, wala ka ng balak bumitaw." pang-aasar nito.
Inirapan siya ni Andy at hinablot ang pagkain na binili niya.
"Monggii.. Kung hindi ka lang pinabantay sa akin ni Tita Demmy, hindi ko titiisin ang ugali mo." bulong ni Andy sa sarili bago magsimulang kumain.
"Nga pala, kumusta na 'yung imbestigasyon mo sa pagkamatay ni Jonil?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.
Hindi nakaimik si Denum at nawalan ng gana na kuhain ang iniaabot sa kan'ya ni Andy. Napansin ni Andy ang pagbabago ng ekspresyon ni Denum kaya hindi na siya kumibo.
"Kinuha ni Rizalino 'yung ebidensya," tanging nasabi ni Denum.
Nahinto sa pagkain si Andy at nawalan rin ng gana sa pagkain. Nagkaroon na siya ng ideya kung bakit hinahayaan ni Denum na ganoon ang trato sa kan'ya ni Rizalino.
Umuwi si Andy na basang-basa habang bitbit ang pagkain na binili ni Denum. Ipinauwi na lang sa kanya dahil wala rin itong gana.
Sumalubong si Kino na medyo basa rin ang damit. Seryoso itong nakatingin sa kan'ya kaya napahinto sa paglalakad si Andy.
"Saan ka nanggaling? Bakit basa ang damit mo?" tanong ni Andy at mabilis na lumapit kay Kino para tingnan kung mabuti ang pakiramdam ng binata.
Namilog ang mga mata niya habang tinititigan si Kino, "Mainit ka, bakit ka nagpaulan?" tanong niya rito.
Ngumiti si Kino bago hinipo ang noo ni Andy, "Mainit ka rin, bakit ka rin nagpaulan?"
Imbes na mainis sa panggagaya ni Kino ay mahinang tumawa si Andy bago sinuntok sa braso ang binata.
"Uminom ka ng gamot para hindi ka lagnatin," bilin niya kay Kino.
Tumawa ng mahina si Kino bago hinampas ng mahina sa braso si Andy, "Uminom ka rin ng gamot para hindi ka lagnatin," panggagaya ni Kino.
Kumunot ang noo ni Andy, "Ayoko ng gamot."
Sumeryoso ang mukha ni Kino, "Ayoko rin ng gamot."
Napanguso si Andy bago itinaas ang mga dalang pagkain.
"Fine, iinom tayo ng gamot pero kumain muna tayo." pagsuko niya sa binata.
Ngumiti si Kino bago inakbayan si Andy at sabay na pumasok sa loob ng bahay.
Nang sumunod na araw ay magkasabay na pumasok sina Kino at Andy para tingnan ang announcement sa Bulletin Board. Narinig kasi nila na nakahanap na ng bagong miyembro ang banda ng Maze.
ANNOUNCEMENT!
Andrea Firey Samson will be the next lead vocalist of the band, Maze. I hope you will support her the way you support our band, thank you!
From: Music Club
Nagkatinginan sina Andy at Kino bago parehong napatalon at nag-apir.
"Monggggiii! Natanggap ako!" masayang sabi ni Andy.
"Oo, mapapalapit ka na kay Krem." pang-aasar ni Kino kaya napahinto si Andy at mabilis na sinuntok ang braso ng binata.
"To tell you honestly, hindi ko na kailangan na sumali sa Music Club para makalapit kay Krem," kinagat ni Andy ang pang-ibabang labi bago magsalita, "Kasi siya na mismo ang nagtanong kung pwede kaming maging magkaibigan. Pumayag ako and then, boom! Magkaibigan na kami." paliwanag ni Andy.
Tila nagpantig ang mga tenga ni Kino dahil sa narinig.
"Ganoon lang iyon? Magkaibigan na agad kayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nagpipigil ng ngiti si Andy bago siniko si Kino.
"Nako, Kumag. Akala ko ba hindi ka na masyadong mangingielam sa buhay ko?" tanong ni Andy.
Natahimik si Kino bago hinawakan ang mga strap ng bag at parang bata na inunahan si Andy sa paglalakad. Natawa ng mahina si Andy bago sinundan si Kino.
'Nako! Nagfeeling bata na naman ang kumag na 'to.'
Inakbayan ni Andy si Kino at nginitian ito.
"Ililibre kita mamayang uwian para hindi na magtampo ang una kong kaibigan." pahabol ni Andy bago pumasok sa sariling classroom at nagpaalam kay Kino.
Nagpigil ng ngiti si Kino bago patakbong nilakad ang sarili niyang kwarto.
"Congratulations!" masayang bati ni Krem ng salubungin siya nito papasok ng Music Club. Kasama nito sina Alu at Gus na nakangiti rin habang tinitingnan siya.
Nahihiyang ngumiti si Andy sa mga kaharap bago yumuko.
"Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa akin, hindi ako mangangako pero ibibigay ko ang makakaya ko para maging mabuting miyembro ng banda niyo." wika ni Andy.
Napapalakpak ang tatlo sa narinig. Saktong pagbukas naman ng pinto at iniluwa ang nakasimangot na si Lylia. Nakaramdam ng kaba si Andy ngunit mas pinilit niyang maging kalmado dahil ayaw niyang maliitin siya ni Lylia.
Lumapit sa kan'ya ang dalaga habang hawak ang dalawang side ng buhok na nakaponytail at kitang-kita ang highlight na violet.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo ipapahiya ang banda ko," itinaas ni Lylia ang dalawang daliri at itinutok sa mga mata niya, "Babantayan kita.." banta ni Lylia bago itinapat kay Andy ang mga daliri.
Hindi na kumibo si Andy at napaisip sa pagbabanta ni Lylia.
'Akala naman ng mobile hero na 'to matatakot ako sa banta niya, es-esan ko kaya 'to.' nagpipigil ng tawa na sabi ni Andy na napansin ni Lylia.
Tumaas ang mga kilay ni Lylia at pinandilatan si Andy.
"Huwag mo akong tawanan, kaya kitang sipain palabas ng Clubroom dahil ako ang music director niyo." naiirita na sabi ni Lylia.
Umangat ang isang kilay ni Andy, "Kumalma ka, nangangagat ang aso kapag hindi napakalma. Baka mamaya, may rabies ka pa." nakangiting sabi niya kay Lylia.
Pinilit matawa ni Lylia bago sinipa ang kaliwang paa ni Andy kaya napadaing ito. Ngumiti na parang aso si Lylia.
"Mapipilayan ka ulit kapag hindi ka nanahimik. " banta ni Lylia bago umupo sa isang monoblock.
Tiningnan ni Andy ang paa niya na hindi na masyadong masakit ngunit maaaring mamaga kung uulitin ni Lylia ang ginawang paninipa.
"Masakit ba?" tanong ni Krem kaya mabilis na umiling si Andy.
"Hindi na masyado pero kung masisipa ulit ng aso, ipapatawag ko na si Kino para paamuhin 'yung aso." pagpaparinig ni Andy kay Lylia.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Lylia sa narinig at balak na tumayo para sipain ulit si Andy ngunit nagsalitang muli si Krem.
"Kailangan ng performer para sa gaganaping Teacher's day Event sa isang linggo." pagkuha ni Krem ng atensyon ng lahat, "Naisip ko na dapat ay si Andy na ang gawin nating lead para sa Performance next week upang masanay na siya sa crowd at makapa na niya kung paano tayo as a band." paliwanag ni Krem.
Nakaramdam ng kaba si Andy at namilog ang mga mata.
"Huh? H–hindi ba pwedeng si Lylia muna?" naguguluhang tanong niya, "What I mean is, masyadong mabilis kung ako na kaagad. Hindi ba maninibago 'yung mga fans niyo?"
Nagkatinginan ang tatlong lalake bago mga natawa.
"As a lead, you need to be more flexible and efficient member. Palagi namang may mababago sa isang grupo, minsan ay theme or genre, kaya dapat na masanay ka sa pagbabago." paliwanag sa kanya ni Alu.
"Hayaan mo ang mga fans na iyan, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong pakinggan ang sasabihin nila. Mas mabuting pakinggan mo ang boses mo kaysa ang boses ng nakararami, makakaapekto lang sila sa Performance mo." bilin sa kanya ni Gus habang inaayos ang drum set.
Tila ginanahan si Andy dahil sa mga narinig mula sa mga makakasama niya. Ang buong akala niya ay walang tiwala sa kanya ang mga ito.
"Sige, ihahanda ko ang sarili ko para sa Performance natin." desididong sabi ni Andy.
Itinaas ni Lylia ang mga folder at ipinamigay sa bawat isa. Kinulang ng isa kaya nginisian niya si Andy.
"Aww, sorry, hindi kasi kita naisama sa bilang." pang-aasar nito.
Nagpantay ang mga kilay ni Andy ngunit kaagad na kumalma ng lumapit sa kan'ya si Krem at iabot ang folder nito kung nasaan ang music na gagamitin nila.
"Hindi mo na ba kailangan?" tanong ni Andy.
Umiling si Krem, "Nakabisado ko na."
Tumango si Andy at may pagkamangha na tiningnan ang kakantahin nila.
Puro patungkol sa pagiging estudyante at pagmamahal sa guro. Mukhang ginawa ito ng miyembro ng Music Club.
"Okay lang ba sa iyo 'yung kanta?" nag-aalangan na tanong ni Krem.
Ngumiti ako at tumango, "Oo, hindi naman masyadong mataas yung mga kanta. Kaya ko naman siya pagpractisan."
Mukhang naginhawaan si Krem sa sinabi ko bago tinapik ang aking kaliwang balikat.
"Every 8AM to 10 AM ang practice. Sa susunod na biyernes naman ay isasama ka na namin sa Gig namin para maipakilala ka bilang bagong bokalista, ibibigay ko kaagad sa iyo ang mga kanta na ipe-perform para makapaghanda ka." paliwanag ni Krem kay Andy.
Napanguso si Andy, "Paano na si Lylia?"
Pareho nilang tinapunan ng tingin ang babae na abala sa pag-aayos ng mga music instruments.
"She will be our music arranger, director and our lyricist. Tinatamad na kasi siyang kumanta kaya gusto niya magpahinga." tugon ni Krem.
Tumango si Andy ng ilang beses bago sinimulan na mag-vocalise at simulan ang pagprapractice kasama ang bago niyang grupo.
Habang nagbubuhat ng mga panlinis si Denum ay hindi niya napansin na madaraanan niya ang Music Club. Nahulog niya ang basurahan at pinulot ang mga tumapon na papel.
Nahinto siya ng mapakinggan ang boses mula sa loob ng katapat na kwarto. Tila hinihila siya na buksan iyon kaya hindi siya nagdalawang-isip na buksan ang pinto.
Nahinto si Andy sa pagpra-practice mag-isa dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Denum. Naestatwa siya sa kinatatayuan habang nakikipagtitigan sa binata na medyo nagulat na mahuli siyang kumakanta.
—————End of Chapter 28–––———
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top