CHAPTER 27

CHAPTER 27

SERYOSO ang mga mukha nina Andy at Kino habang nagsusukatan ng tingin sa loob ng kanilang Clubroom. Hindi masagot ni Kino ang tanong ng dalaga dahil alam niyang magagalit ito.

Tumingin sa ibang direksyon si Kino bago pinilit na ngumiti, "Akala ko ba ay tutulungan natin si Denum na malaman ang totoo?" pag-iiba ni Kino ng usapan.

Naningkit ang mga mata ni Andy, "Paano natin siya matutulungan kung galit siya dahil sa mga sinabi mo?" napairap sa kawalan si Andy, "At ngayon, ayaw mo pang sabihin kung ano iyon."

Huminga ng malalim si Kino bago inayos ang asul na sombrero at mataman na tiningnan si Andy.

"S–sinabi ko lang naman na condolence dahil sa pag–pagkamatay ng kaibigan niya," napakagat ng ibabang labi si Kino bago nahihiyang magsalita, "A–at sana, mahanap niya ang hustisya kahit wala talaga."

Pagkarinig ni Andy ay dismayado siyang napailing. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Kino.

"Tapos sasabihin mo na hindi ka masaya na makita sa ganoong sitwasyon si Denum. Mongggii! Hindi ako makapaniwala sa 'yo." naiiritang sabi ni Andy bago ginulo ang nakalugay na buhok, "Paano natin siya matutulungan kung galit siya at walang tiwala sa atin? Ano ba naman iyan, Kumag? Naiinis ako sa iyo ngayon." pag-amin ni Andy habang nag-iisip ng paraan para makuhang muli ang tiwala ni Denum.

'Alam kong pinagkatiwalaan niya rin ako kahit hindi niya sabihin pero paano ko iyon maibabalik kung ginalit siya ni Kumag?' tanong ni Andy sa kanyang isipan.

Biglang nagkaroon ng ideya si Andy at nakakalokong ngiti ang ibinigay kay Kino. Lumunok ng ilang beses si Kino dahil nakaramdam siya ng kaba sa paraan ng pagngiti ni Andy.

"Mukhang hindi ko gusto ang naiisip mo, hindi ko gagawin ang sasabihin mo." pangunguna ni Kino.

Sinamaan siya ng tingin ni Andy, "Okay, hindi kita pipilitin pero hihilahin kita." buo ang loob na sabi ni Andy bago hinawakan ang kuwelyo ni Kino at kinaladkad ito palabas ng Clubroom.

Naalarma si Kino at pinilit alisin ang kamay ni Andy na nakahawak sa kuwelyo niya ngunit sinamaan siya ng tingin ng dalaga. Wala ibang nagawa si Kino bukod sa mapairap sa kawalan at walang gana na lumakad habang nagpapahila kay Andy. Nang makarating sa Clubroom ng Detective Club ay sumalubong sa kanila sina Entice at Rizalino na masayang nag-uusap.

Kitang-kita sa mukha ni Entice ang inis habang tinitingnan si Andy pero pinilit na ngumiti dahil biglang may pumasok sa kan'yang isipan. Si Rizalino naman ay hindi inaasahan ang pagpasok ng dalawa kaya nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang mga ito.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa Club na tumulong sa akin para makuha ang posisyon ko?" tanong ni Rizalino kaya nabitawan ni Andy ang kuwelyo ni Kino.

Nagulat ang dalawa at nakipagsukatan ng tingin sa mga kaharap. Si Andy ay pinanatili ang masamang tingin kay Entice, ganoon rin si Kino nakataas ang isang kilay habang nakatingin kay Rizalino.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Kino kay Rizalino.

Matamis na ngiti ang iginanti ni Rizalino sa kaharap, "I'm the new Student Council President and the President of the Detective Club. Huwag kayong mag-aalala dahil wala akong balak na sirain ang Club niyo hindi kagaya ng dating nakaupo, ituring niyo na iyon bilang pasasalamat ko." paliwanag nito.

Mas naguluhan sina Andy at Kino bago nagkatinginan. Mabilis na binalingan ni Andy ng tingin si Rizalino.
"Alam mo, wala kaming oras para pakinggan ang mga sinasabi mo. Wala rin kaming pakielam sa iyo at sa mga plano niyo," sabad ni Andy bago inilibot ang tingin, "Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan si Denum." dagdag ni Andy.

Muling nagbago ang ekspresyon ni Entice at pinaghalukipkip ang mga kamay.
"Hindi ka ba nakikinig sa tsismis about sa iyo? Balak mo pa talagang ipahamak si Denum." sabad ni Entice.

Pinilit na matawa ni Andy bago binalingan ng tingin ang dalaga, "Issues are issues, hindi naman iyon mawawala kahit layuan ko si Denum. And for your information, walang mapapahamak dahil walang totoo sa mga kumakalat," binasa ni Andy ang mga labi bago ngumiti, "Hindi ka siguro nabigyan ng buto kaya tumatahol ka na naman." pang-aasar ni Andy.

Napailing si Entice bago mahinang tumawa, "Sana masaya ka sa kasikatan na nakukuha mo, enjoy the moment.. Bihira lang sumikat ang mga pilay na 'gaya mo."

Nakagat ni Andy ang pang-ibabang labi at kumuyom ang mga kamao ngunit pinilit niyang kumalma. Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap ay nakarinig sila ng pagbukas ng pinto mula sa loob ng Clubroom kaya mabilis nilang binalingan iyon ng tingin.

Namilog ang mga mata nina Andy at Kino habang tinitingnan ang pumasok na lalake. Marami itong bitbit na mabigat na kahon habang may mga hawak na folder.

Sumipol si Rizalino bago mahinang tumawa, "Nandito na pala ang hinahanap niyo."

Hindi nakapagsalita sina Kino at Andy at seryoso habang pinapanood ang papasok na lalake na hindi napansin ang tingin nila at dire-diretso sa pagpasok kahit tila nahihirapan sa ginagawa. Nahinto ng ilang segundo sa paghinga si Andy nang mahulog ang mga folder sa ibabaw ng box na hawak ng binata. Marahang lumapit si Andy bago kinuha ang mga folder at iniabot iyon kay Denum na mukhang nagulat nang makita si Andy.

Malungkot na ngumiti si Andy, "Tutulungan na kita." pagpresinta ng dalaga ngunit malakas na ibinagsak ni Denum ang hawak na kahon sa sahig dahilan para mahinto si Andy.

Masama ang tingin na ipinukol ni Denum bago hinablot ang mga folder na hawak ni Andy.

"STAY AWAY FROM ME." may diin na sabi ni Denum bago tinulak si Andy palayo, "Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Napaupo sa sahig si Andy kaya mabilis siyang nilapitan ni Kino at inalalayang tumayo. Galit na tiningnan ni Kino si Denum bago sinuntok ang binata.

"That's enough! Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!" sigaw ni Kino bago ipinagpatuloy ang pagsuntok kay Denum na walang reaksyon at tahimik na sinasalo ang mga suntok ng kapatid.

Nabigla si Andy sa ginawa ng kaibigan at hindi kaagad nakapagreact sa nangyayari. Sina Entice at Rizalino naman ay hindi malaman ang ekspresyon.

"Kino! Tumigil ka na!" pagpapahinto ni Entice bago sinanggi si Andy at lumapit sa pinsan, "Magagalit sa iyo ang mga magulang niyo kapag pinagpatuloy mo iyan!" sigaw ni Entice nang mapagtanto na walang balak makinig si Kino.

Dahil sa galit na nararamdaman ay hindi mapigil si Kino sa pagsuntok kay Denum. Lubha siyang naapektuhan sa nakitang pagtrato nito kay Andy na ang gusto lang ay tumulong.

Biglang natauhan si Kino nang suntukin siya sa braso ni Andy. Mahina lang iyon ngunit paulit-ulit iyong ginawa ni Andy hanggang sa hinarap siya ng binata habang hinihingal dahil sa pagod.

Hindi nakakibo si Kino habang nakatitig sa naluluhang mata ni Andy. Dalawang beses na umiling ang dalaga bago mawalan ng malay. Nabigla ang lahat maliban kay Denum na walang reaksyon habang dinadama ang mga pasa at namamagang mukha dahil sa mga suntok ni Kino.

Hindi niya pinatulan ang binata dahil gusto na niya ng magpahinga. Tingin niya ay wala na siyang dahilan para mabuhay, pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya. Emosyonal na nag-iisa at walang mapagsabihan ng mga tumatakbo sa isipan niya.

Naramdaman niya ang pag-alalay sa kanya ni Entice kaya mabilis niya itong binalingan ng tingin. Nakaramdam ng kaba si Entice dahil sa paraan ng pagtingin ni Denum.

"D-dadalhin kita sa Clinic at ipapa-guidance natin si Kino." kinakabahang paliwanag ni Entice ngunit mabilis na binawi ni Denum ang mga kamay bago mabilis na lumabas. Inunahan niya si Kino na buhat ang walang malay na si Andy at patakbong tinungo ang Clinic na sarado kaya wala siyang nagawa kun'di patakbong tunguhin ang pinakamalapit na Hospital.

"Pasensya na, Andy. Hindi ko na uulitin iyon.." hinihingal na sabi ni Kino.

Nadaanan niya ang kambal na sina Lylia at Krem na mukhang nabigla sa nakita. Nagkatinginan ang kambal bago sumunod sa tumatakbong si Kino.

Nilapitan ni Rizalino ang malungkot na si Entice at tinapik ang balikat ng dalaga, "Kung sa akin mo ibinigay ang atensyon mo, hindi ka na mahihirapan sa pambabalewala niya sa iyo." pang-aasar ni Rizalino na ikinairap sa kawalan ni Entice bago tiningnan ang nakabukas na pinto kung saan lumabas si Denum.

Biglaang idinilat ni Andy ang mga mata dahil sa biglaan niyang pagkawala ng malay. Ipinalibot niya ang paningin sa Clubroom ng Detective Club at medyo nagulat na wala na ang kasama niya.

Napangiwi si Andy at mabilis na pinunasan ang namamasa niyang mga mata dahil sa naramdaman niyang paghihirap ni Denum. Tingin niya ay kailangan ng binata ng tao na makikinig sa kan'ya ngunit wala itong makita kaya sinasarili na lang nito ang problema.

"Panigurado na hindi matutuwa si Tita Demmy kapag nalaman niya ang nangyayari sa anak niya," may pag-aalalang sabi ni Andy.

"You need to stop him being miserable,"

Mabilis niyang nilingon ang kaluluwa ni Jonil na seryoso habang nakatingin sa kan'ya. Napailing si Andy.

"Ginawa ko na pero wala naman siyang balak makinig, gusto namin siyang tulungan pero mahilig siya mangtaboy.." malungkot na wika ni Andy.

Lumapit sa kan'ya si Jonil bago tumango na parang may iniisip, "I know him, he would never listen nor believe you unless you have an evidence about that particular topic," paliwanag ni Jonil, "He don't believe that true love exist, he do believe about wants and needs, lust and satisfaction, demons that exist here in the world. Yeah, he is the weirdest, yet a true one I'd ever known. I hope he is not blaming himself about what happened to me." malungkot na dagdag ng binata.

"Alam mo ba na nakakahawak siya ng mga kaluluwa?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Mahinang tumawa si Jonil bago napamulsa, "Oo, sa katunayan, ang huling kwento niya sa akin ay patungkol sa babaeng baliw na nagiging kaluluwa. Kinuwento niya na hinalikan daw siya ng babaeng iyon sa pisnge." kwento ni Jonil.

Napaisip si Andy sa sinabi ni Jonil bago may napagtanto at mabilis na tiningnan ang sarili sa salamin. Namilog ang mga mata niya dahil sa nalaman niyang naging kaluluwa siya ng hindi niya namamalayan.

"Mongggiiiii!!!" natatarantang sabi ni Andy.

Hindi na niya sinayang ang oras at hinanap kaagad kung nasaan si Kino.

Tahimik na binabagtas ni Denum ang kalsada habang nakatulala at pagod na pagod. Kitang-kita pa rin sa kan'yang mukha ang mga pasa at sugat na dulot ng pambubugbog ni Kino.

Nanginginig na ang mga kamay niya dahil sa buong araw siyang napagod sa pagtratrabaho bilang normal na miyembro ng Detective Club. Hindi niya rin maituloy ang imbestigasyon patungkol sa kaso ni Jonil, wala siyang magawa dahil pina-hold ni Rizalino ang ebidensya na ibinigay niya sa Forensic. Pinakielaman nito ang pag-iimbestiga niya dahil normal na lang siyang miyembro kaya wala na siyang kakayahan na makipag-usap sa mga opisyal na kakilala niya.

Tumingala siya sa kalangitan dahil sa namumugto niyang mga mata. Ayaw niyang may makakita ng paghihinagpis niya kaya pilit niyang pinipigilan na maluha.

Nanginginig na ang mga tuhod niya at tila na wala na siyang pag-asa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naramdaman niya lahat ng pagod at lungkot na itinatago, hindi na niya napigilan ang tuloy-tuloy na pagluha sa mga mata niya.

Nasa gilid siya ng kalsada at hinihintay na magred ang stop light nang mawala siya sa sarili at tuloy-tuloy na naglakad. Nabigla ang mga tao na kasabay niya sa pagtawid at pinilit siyang pigilan.

"Oy! May umaandar pang sasakyan!"

"Hala! Pigilan niyo siya!"

Hindi napansin ni Denum ang paparating na Bus kaya patuloy lang siya sa paglakad. Isang metro na lang ang layo sa kan'ya nito ng maramdaman niya na may tumulak sa kan'ya sa hangin dahilan para mapahiga siya sa sahig.

Narinig ang maingay na paghinto ng sasakyan at tilian ng mga tao sa nasaksihan. Biglang natauhan si Denum at naramdaman ang mabigat na dumadagan sa kan'ya. Napangisi siya ng makita na walang bagay o tao na nakadagan at nakilala niya kung sino iyon.

"Andy.." pinilit niyang matawa habang lumuluha.

Nang makarating si Kino sa Hospital ay kaagad niyang pina-admit si Andy. Medyo nabigla siya dahil sa biglaang pagsulpot ng kambal sa harapan niya.

"Woah! Bakit kayo nandito?" naguguluhang tanong niya.

Nagkatinginan ang kambal bago muling binalingan ng tingin si Kino.
"Sinundan ka namin, nakita ko kasi na dala mo si Andy. Anong nangyari sa kan'ya?" bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Krem.

Umangat ang dalawang kilay ni Kino bago sumagot, "Bigla siyang nawalan ng malay, pagod siguro." pagsisinungaling ni Kino kahit alam niyang nahimatay si Andy dahil biglang lumapit ang kaluluwa ni Jonil.

Napilitan siyang dalhin sa Hospital ang dalaga para walang maghinala sa nangyari.

Humalukipkip ang mga kamay ni Lylia, "Now, I'm wondering. Why she always fainted?" puno ng kuryosidad na tanong ng dalaga, "Hmm, pagod nga siguro." pagsang-ayon niya kay Kino.

Biglang pumasok sa isip ni Kino ang kaluluwa ni Andy na hindi niya kaagad nakita ng mawalan ito ng malay.

"Baka maligaw si Andy!" natatarantang sabi niya bago nanakbo palabas.

Naguguluhan na nagkatinginan ang kambal at hindi na sinundan si Kino. Habang nasa kalsada ay nakarinig si Kino ng malakas na ingay mula sa humintong Bus pati na rin ang mga tilian ng mga tao sa gitna ng malakas na ulan.

Nahinto siya sa paglalakad at tinitigan ang lalake na nakahiga sa kalsada habang nasa gilid ng Bus. May nakadagan dito na babae, huli na ng mapagtanto niya kung sino ang dalawang iyon.

"Andy.. Denum.." wika ni Kino.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top