CHAPTER 25

CHAPTER 25: THE TWINS

Napatakip si Andy ng bibig dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita. Talagang magkahawig ang dalawang tao sa harapan niya pero hindi kaagad mapapansin dahil sa magkaiba ng pormahan ang mga ito.

Lylia is used to wear her black make up, black eyeliner, and black lipstick but it doesn't change the face of an angel she has, only the looks, not the behavior. Plus, the highlight of the violet on her black hair gives everyone a goosebumps, she's a look alike of a mobile game character.

On the other hand, there is Krem who used to wear his headphone 24/7. He always wear his good behavior everytime. Contrast to his twin, who always wear the most irritating smile you've ever seen. She can easily annoys anyone, everyone.

Kaya hindi agad maiisip na kambal sila, pero halos magkapareho sila ng korte ng mukha, bibig at mata kaya napaniwala kaagad si Kino at si Denum na tahimik na nakikinig.

'Bakit hindi ko man lang napansin?' tanging naitanong ni Andy sa kanyang sarili dahil sa buong oras na nakasama niya ang kambal ay iniisip ni Andy na may 'something' ang dalawa.

'Pero iba talaga ang tingin ng babaeng ito kay Kino, e. Nakakairita.'

Napanguso si Andy ng mahuli ang mga mata ni Lylia na nakatitig kay Kino na seryoso namang nakatingin sa kanya. Umirap sa kawalan si Andy ng magkatinginan silang muli ni Kino at tinuon ang atensyon sa blanko na blackboard. Wala siyang balak makita ang paraan ng pagtingin ni Lylia sa kaibigan.

Dumating na ang iba pa nilang kasama at hindi katulad nung nakaraang araw ay tahimik nilang sinayang ang oras sa Detention room. Halos lahat ng mga kasama ni Andy ay nanibago sa pagiging tahimik ng dalaga.

Nakatungo ito habang nakapikit at pinipilit na matulog. Gusto lang niya na matapos ang oras na ito at makapagpahinga.

Malapad ang ngiti ni Lylia habang sinusulyapan si Kino na nakapangalumbaba at sinusulyapan ang tahimik na si Andy.

"Fourth year ka 'di ba?" biglaang tanong ni Lylia kay Kino kaya nakuha niya ang atensyon nito.

Tumango si Kino, "Oo, bakit?"

Umayos ng upo si Lylia at hinarap si Kino na dahilan para matakpan niya si Andy. Tumaas ang dalawang kilay ni Kino at walang nagawa ng hindi na niya makita ang nakatungo na si Andy.

Ginawang sandalan ni Lylia ang isa niyang kamay na nakapatong sa armchair at nakapangalumbaba na tinitigan si Kino.

"Nahihirapan kasi ako sa Periodic table of elements, pwede ba na turuan mo ako? Tutal naman, napagdaanan mo na iyon." sagot ni Lylia habang patuloy pa rin na nakatingin kay Kino.

Medyo nailang si Kino sa ginagawa ni Lylia kaya napatayo siya at napamulsa.

"Ahm, busy kasi ako dahil last year ko na bilang high school student. Hindi kita matutulungan." pagtanggi ni Kino.

Lylia frowned, "Okay, I understand. Pero pakipaliwanag naman kung paano mahahanap yung electrons, neutrons at protons."

Pinilit na ngumiti ni Kino bago sinulyapan si Andy na nakatungo pa rin.

"Okay, ipapaliwanag ko.." sabi ni Kino bago muling umupo sa tabi ni Lylia.

Habang nakikinig si Andy sa pag-uusap ng dalawa ay hindi niya magawang makatulog. Kahit mahina lang ang boses ng dalawa ay rinig niya ang tawanan kaya umayos siya ng upo at sinulyapan ang dalawa na masayang nag-uusap ng ibang bagay.

"Nakakatakot ba maging Paranormal Club President?" tanong ni Lylia.

Umiling si Kino, "Hindi naman nakakatakot maging Paranormal Club President, nakakabaliw lang pero hindi naapektuhan ang kagwapuhan ko." sabay kindat nito kay Andy.

Napangiwi si Andy, "Akala ko ba magpapaturo lang. Bakit naiba na?" mahinang tanong niya sa sarili at sa ibang lugar ibinaling ang atensyon.

Hindi niya maiwasan na mapatingin sa puwesto ni Denum na nakatingin sa kanya. Ngingitian sana niya ito pero kaagad itong umiwas nang tingin na ikinagulat niya.

"Anong problema niya?" naguguluhang tanong ni Andy sa sarili.

Bigla na lang itong nagbago nang makita niya ito na kausap si Kino. Nagpantay ang mga kilay ni Andy.

'Meron silang pinag-usapan na patungkol sa akin, siguro. Imposible naman na magsungit 'to bigla kasi kausap ko lang siya kahapon, maliban na lang kung inasar siya ni Kumag.'

Nabalik siya sa reyalidad ng maramdaman niya na may magpatong ng kung ano sa tenga niya. Nilingon niya kung sino iyon at nakita si Krem na isinuot sa kanya ang hindi nito hinuhubad na headphone. Nakangiti nitong sinalubong ang mga tingin niya.

"Maganda yung kanta para makatulog ka.." sabi nito ng bigyan ni Andy ng nagtatanong na ekspresyon.

Hindi na kumibo si Andy at pinakinggan ang tugtog sa headphone. Binasa niya ang kanyang mga labi nang makilala na ito ang kinanta ni Krem nuong una niya itong makitang mag-perform.

'Maganda..' sabi ni Andy sa kanyang isipan ngunit isang cover ang ipinarinig sa kanya ni Krem.

Kaagad siyang napaharap sa puwesto ng binata nang marinig ang boses nito sa suot na headphone. Ramdam ni Andy ang pamumula ng kanyang pisnge habang nakatingin sa binata na nakangiti lang sa kanya. Ginantihan niya ito ng ngiti bago dahan-dahang pumikit para damhin ang boses ng binata.

Hindi nawala ang saya na nararamdaman ni Andy habang pinapakinggan ang buo na boses ni Krem at ang pag-strum nito ng gitara. Nabubuo sa kanyang isipan ang memorya nito habang umaawit at may hawak na gitara sa harapan niya.

'He is an ideal boyfriend, indeed.' nabuo niyang deskripsyon sa binata.

Habang nag-uusap sina Kino at Lylia ay hindi maiwasan ni Kino na tingnan si Andy na nakatalikod sa kanila at mukhang may kausap kaya pinilit niyang silipin kung sino iyon.

Huli na ng mapansin niya na wala si Krem sa tabi niya kaya napatayo siya para kompirmahin ang hinala. Napaismid siya ng makita na nakangiti si Krem habang nakatingin kay Andy na may suot na headphone.

'Ang galing, iniiwasan niya ako pero hindi niya magawang layuan yung dalawa..' may pagkadismayang sabi ni Kino sa isipan.

Medyo nagulat si Lylia sa ginawa ni Kino kaya sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Namilog ang mata niya ng makita ang kakambal na nakangiti kay Andy habang suot nito ang headphone na ibinigay niya sa kakambal.

Kaagad na tumayo si Lylia at hinablot kay Andy ang headphone na ikinagulat ng lahat. Lalo na si Andy na malapit ng matulog habang pinapaulit-ulit ang kanta.

Napatayo si Krem at hinarap ang kakambal, "Ibalik mo iyan sa kanya," nakangiti na sabi ni Krem.

Tumaas ang mga kilay ni Lylia bago tinapunan ng masamang tingin si Andy.
"Pati ba naman kapatid ko, isasama mo sa mga koleksyon mo." puno ng inis na sabi ni Lylia kaya mabilis na tumayo si Andy at hinarap ang dalaga.

Nakakunot ang noo ni Andy habang pinipilit unawain ang sinabi ng kaharap. Binigyan siya ng isang nakakalokong ngisi ni Lylia.

"Nangongolekta ka ng mga Club President, mabuti naman at kumalat ang tsismis."

*Pak

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Andy kay Lylia na mas ikinagulat ng lahat, maliban kay Lylia na hindi nawala ang ngisi sa mga labi.

Nanginginig ang mga kamay ni Andy habang naluluhang tiningnan si Lylia, "I-ikaw ba ang nagpakalat non?"

Hindi sumagot si Lylia at napahalukipkip lang ang mga braso. Napakuyom ang kamao ni Andy at handa ng tumama kay Lylia ngunit biglang humarang si Kino.

Nahinto si Andy sa gagawin at nakakunot ang noo na tiningnan si Kino pero imbes na sumagot ay binigyan siya ng isang dismayadong pag-iling. Umawang ang mga labi ni Andy bago napagtanto ang gagawin kay Lylia. Tiningnan niya ang bawat isang kasama niya sa Detention room na mukhang nadismaya sa ipinakita niyang reaksyon bago napayuko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang guro na magsasabi kung kailan tapos na ang Detention hours nila. Nagpantay ang kilay ng guro sa nasaksihang tagpo.

"What happened?" seryosong tanong nito.

Hindi na kumibo si Andy at nakayukong lumabas ng Detention room. Naramdaman niyang may nakasunod sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at halos tumakbo na para makapunta sa pinakatagong lugar.

Nakarating siya sa isang kwarto na walang laman at mukhang kakaalis lang ng mga estudyante. Mabilis niyang isinarado ang pinto at pumunta sa pinakatagong lugar ng kwarto. Umupo siya sa sahig at tumungo sa kanyang mga tuhod para umiyak.

Hindi pa rin maintindihan ni Andy kung bakit nadadamay ang pagkakaroon niya ng kaibigan sa mga nabuong issue patungkol sa kanya. Bihira na lang siya magkaroon ng kaibigan pero palaging negatibo ang nakikita ng mga tao kaya walang tumatagal sa mga pinipilit niyang kilalanin. Kaya mas ninais niyang mag-isa kaysa makita ang mga tao na nakapaligid sa kanyang paonti-unti siyang iwan kapag nasa pinakamasayang yugto nang buhay niya.

Bumukas ang pinto at nakarinig siya ng mga hakbang na palapit sa kanya. Huminto siya sa paghikbi ng marinig na malapit na sa kanya ang mga hakbang. Dahan-dahan niya itong tiningnan at sinalubong siya ng nakangiting si Krem habang suot ang headphone nito. Mabilis na umiwas ng tingin si Andy at inayos ang sarili.

"Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ng kapatid mo at magalit siya kapag nakitang kasama kita." tanong ni Andy habang pinupunasan ang basang mukha.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Krem at naupo sa harapan ni Andy.

"Don't mind, Lylia. She was just worried that I might lost myself when I took this headphone away from me for too long." paliwanag ni Krem na ikinakunot ng noo ni Andy.

"Bakit? May sakit ka ba sa pandinig kaya siya nag-aalala?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Tumango si Krem, "Yes, but don't worry.. Walang nangyari sa akin nung pinahiram ko sa iyo ang headphone ko." paglilinaw ni Krem ng makita ang pag-aalala sa mukha ni Andy.

Tumango si Andy bago niyakap ang mga tuhod at tumingin kay Krem, "Sorry for what I did to your twin. I didn't mean it, nadala lang ako sa mga sinabi niya." pinilit na magsalita ni Andy kahit naluluha siyang muli, "Although, I know that she has a bad attitude, hindi ko inakala na siya ang magpapakalat ng ganoong tsismis sa akin. Wala naman akong ginagawang masama, gusto ko lang ng kaibigan, ganoon ba kahirap magkaroon ng ganoon?" naluluhang tanong ni Andy habang pinipilit na kontrolin ang panginginig ng boses.

Tahimik lang na nakikinig sa kanya si Krem bago inabot ang puting panyo sa dalaga. Dahan-dahan iyong kinuha ni Andy bago pinunasan ang mg luha sa kanyang mga mata.

"Bakit mo ba pinahiram sa akin yung headphone? Kung alam mo na pwedeng magalit si Lylia." biglaang tanong ni Andy ng may pumasok na ideya sa kanyang isipan.

Mabilis na umiling si Krem at namilog ang mga mata nang makuha ang pupuntahan ng tanong ni Andy, "Hindi ko sinadya na pahiramin ka ng headphone para magalit si Lylia. Pinahiram ko ang headphone ko dahil gusto kong makatulog ka." mabilis na paliwanag ni Krem para mawala ang pagdududa ni Andy.

Napatanga si Andy bago mahinang tumawa dahil sa ikinilos ni Krem. Mas nakita ang cute side ng binata dahil sa ikinilos nito.

"Hindi naman iyon ang iniisip ko, gusto ko lang itanong kung bakit sinayang mo ang oras mo para isipin ako. Marami namang tao na mas gugustuhin ang atensyon na ibinibigay mo, bakit sa akin pa?" naiilang na tanong ni Andy.

Kumalma si Krem at napaisip sa tanong ng dalaga bago muling ngumiti, "Because I want to know more about you, I'm curious about you more than the way you are curious about yourself. Gusto kitang makilala bukod sa pagkakakilala ko sa iyo bilang babaeng palaging nahihimatay sa halos lahat ng klase para makaiwas sa mga activity.. I want to be your friend." mahabang sagot ni Krem.

Napaawang ang mga labi ni Andy at naramdaman niyang muli ang pamumula ng mga pisnge niya ngunit mabilis niyang pinigilan ang nararamdaman at seryosong tumingin kay Krem.

"Huwag mo akong kaibiganin. Ayokong madamay ka sa issue about sa akin, baka masira ka sa mga fangirl mo." napapailing na sabi ni Andy.

Umiling si Krem, "Don't mind issues, hindi naman mawawala iyon. Ang mga kaibigang totoo ang pwedeng mawala lalo na kung papadaig ka sa mga problemang dumaraan sa iyo. Kung may problema sila sa iyo, hayaan mo silang mamroblema, daanan mo lang ang problema na sila ang dahilan."

Hindi makapaniwalang lumiwanag ang mukha ni Andy.

"Naniniwala ka ba na nahimatay lang ako dahil trip ko lang?" tanong niya sa binata.

Muling napaisip si Krem bago umiling, "No. I know that there is a reason in every actions we did." seryoso niyang tiningnan si Andy bago tumango. "And that reason is none of my business. Nasa sa iyo na kung sasabihin mo o hindi, basta nandito lang ako para makilala ka."

"Kung may rason ang bawat isa sa mga ikinikilos nila, ano ang tingin mong rason ni Lylia para siraan ako?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Mariing umiling si Krem, "It is none of my business too. Kapag inisip natin ang dahilan ng isang tao kung bakit niya ginawa ang isang bagay, hindi na natin makikita ang totoong dahilan niya dahil magkakaroon tayo ng ibang rason bukod sa paliwanag niya. Ang hindi pa maganda, mawawalan na ng lakas ng loob ang isang tao na sabihin ang mga gusto niya dahil puro pagdududa na ang makikita niya." paliwanag ni Krem.

"Pero naniniwala ka bang si Lylia ang nagpakalat ng tsismis sa akin?" tanong muli ni Andy para subukas si Krem.

Napaisip si Krem bago ngumiti, "Lylia has a bad attitude but she is not a gossiper. She hates gossips and I don't think she used it just to pissed you off. So, it is a 'no' for me. Pero nasa iyo kung maniniwala ka sa kanya, hindi kita pipiliting maniwala sa akin." sagot ni Krem.

Napangiti si Andy habang nakatitig pa rin kay Krem, alam niyang hindi siya madidismaya sa sagot nito kaya hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ang kamay sa binata bago tumango.

"Fine, I'll take your request to know me more.." sambit niya na ikinatuwa ni Krem at mabilis na tinaggap ang kamay niya.

"Good! By the way, I am Kremir Con Regino, 15, 3rd year, the Music Club President." pakilala ni Krem habang ginagaya ang tono ng pananalita ni Andy nang magpakilala ito sa Clubroom.

Napairap sa kawalan si Andy bago ngumiti, "I am Andrea Firey Samson, 15, 3rd year, a Paranormal Club member." pakilala ni Andy bago bumitaw sa pagkakahawak ng kamay kay Krem.

"Don't mind, Lylia. She is a little bit annoying but she has a secret wings around her violet highlights. Nakatago nga lang." biro ni Krem na ikinatawa ni Andy.

"Nga pala, what's her full name?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy bago iabot kay Krem ang panyo na tinanggap naman ng binata.

"Lylia Amediya Regino, she is way older than me." sagot ni Krem.

Napanguso si Andy, "Pero bakit ganoon, parang mas isip-bata pa siya sa iyo."

"Natutulog kasi siya palagi nung mga bata pa kami, hindi niya na-enjoy ang childhood life kaya bumabawi ngayon."

Nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Krem.



@mayora

Layag, Kremdy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top