CHAPTER 23
CHAPTER 23: THE ONLY FRIEND
"Bakit hindi mo sinabi na si Jonil Suarez ay ang secret true friend mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy kay Denum ng sabihin nito ang dahilan ng pagluha niya.
"Dahil maraming magsasabi na kaya ko lang hinahanapan ng hustisya ang pagkamatay niya ay dahil sa pagiging magkaibigan namin, walang maniniwala sa akin kung ipapakita ko na naapektuhan ako sa pagkamatay niya." paliwanag ni Denum.
"Kagaya kanina, nadala ka ng galit mo," nagpantay ang mga kilay ni Andy, "Pero bakit palihim lang ang pagiging magkaibigan niyo?"
Napayuko si Denum kaya hinawakan ni Andy ang balikat nito.
"Huwag kang mahiya na magkwento, wala namang makakalabas sa ating dalawa." paniniguro ni Andy.
Lingid sa kanyang kaalaman ay pinapanood sila ng dalawang binata na nasa hindi kalayuan.
"Bakit ba tayo nandito? Bakit hindi natin sila lapitan?" nagtatakang tanong ni Krem habang nagsisiksikan sila sa maliit na espasyo ng halaman.
"Kasi mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano na lang sasabihin nila kung makita nila tayo na nakikinig? Mga tsismoso." sagot ni Kino.
Ngumisi si Krem bago inayos ang headphone, "Ikaw lang naman ang nakikinig sa kanila, nanonood lang ako." paglilinaw ni Krem.
Umismid si Kino bago umiling, "Aist, daming reklamo, wala naman pumilit sa iyo na sumama sa akin. Ikaw ang sumunod dito."
Napangiwi si Krem ng maalala na nadala lang siya ng kuryosidad kaya sumunod siya kay Kino at ngayon, pinanonood nila ang binata at dalaga na magkasama.
"Dahil ayoko siyang mapahamak. Jonil was the only friend I had. The only true friend that I lost." panimula ni Denum.
"Bakit? Hindi mo ba kaibigan sina Entice at Rizalino? Ka-club mo sila 'di ba?" naguguluhang tanong ni Andy.
"They were my clubmates, not a friend, just clubmates. Magkasama lang kami sa paglutas ng kaso pero hindi sa problema ng bawat isa dahil may kanya-kanya rin silang buhay." paliwanag ni Denum. "Although, Entice is with me anytime, I don't feel any comfort from her, just an admiration that she always show to me."
Namilog ang mga mata at bibig ni Andy ng marinig ang sinabi ni Denum.
"So, ramdam mo pala na may gusto sa iyo si Entice? Hala ka, monggii.." nangingiting sabi ni Andy. "Kung gusto mo siya, huwag mo na pahirapan."
Umangat ang isang kilay ni Denum, "Wews, sinong nagsabi na gusto ko siya?"
Napapalakpak si Andy habang tumatawa, "So, hindi mo pala siya gusto? Hahahaha!"
Kumunot ang noo ni Denum, "Bakit ang saya mo? Gusto mo ba ako?"
Natahimik si Andy bago mas natawa sa sinabi ni Denum.
"Baliw ka ba? Bakit mo nasabi iyan? Ang galing mo magbiro. Hahahahaha!" hindi mapigilan ni Andy ang pagtawa.
Tumingin sa ibang lugar si Denum, "I'm just enlighten the mood.."
Tumango si Andy bago tumigil sa pagtawa, "Effective naman.."
"I don't want any romantic relationship, ayoko sayangin ang oras ko sa walang kwentang bagay." pag-iiba ng usapan ni Denum.
Natahimik si Andy bago hinampas sa braso si Denum, "Hala ka, parehas tayo ng iniisip?!"
Nagkibit-balikat si Denum, "Mukha ngang bagay kayo ni Kino, tingin ko ay magiging kayo. "
Naestatwa si Andy sa narinig at mabilis na umiling, "G*g* ka ba? Hindi nagiging magkarelasyon ang magkaibigan!" singhal nito kay Denum.
Napatakip ng tenga si Denum at sinamaan ng tingin si Andy, "Wews, tingnan na lang natin.."
Umirap sa kawalan si Andy bago tiningnan ang papalubog na sikat ng araw sa hindi kalayuan kung nasaan sila.
"Ngayong wala ka na sa pagiging SSG officer at ordinaryong miyembro ka na lang ng Detective Club, anong magagawa mo para malutas ang kaso ni Jonil Suarez?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.
Balak sanang tulungan ni Andy si Denum gamit ang Paranormal ability niya, kaso lang ay alam niyang hindi maniniwala si Denum kahit ilang beses na siyang nahawakan nito bilang kaluluwa.
Sinundan ni Denum ang tingin ni Andy sa papalubog na araw.
"Bakit mo pa aalamin? Suicide ang tingin mo 'di ba?"
Tiningnan ni Andy si Denum, "Oo pero nacu-curious lang ako kung paano mo mapapatunayan na si Jessa Mae ang suspect?"
Hindi kumibo si Denum at inilabas ang butones na hinagis niya kay Jessa. Nakaplastic na ito ngayon.Naguguluhan na tinitigan ni Andy ang butones.
"Ano ba ang dahilan kung bakit mo ipinahamak ang sarili mo para sa isang butones?" tanong ni Andy.
Ngumisi si Denum, "Kakaiba ang puwesto ng butones na ito, hindi tulad ng mga ibang butones sa damit niya."
"Baka natanggal lang," napatingin si Andy kay Denum. "Natanggal habang.."
"Habang humihingi ng tulong sa kanya si Jonil." pagtutuloy ni Denum bago itinago sa bulsahan ang butones. "Ipapatingin ko ito sa mga kakilala kong taga-forensic. Kapag nag-match ang fingerprint ni Jonil, bingo!" paliwanag ni Denum.
Namamangha na tumingin si Andy sa araw, "Hayaan mo, kung lumubog ang araw na wala kang pag-asa, may panibagong bukas na magsisilbing bagong oportunidad."
Pinilit ngumiti ni Denum bago tumayo, "Umalis na tayo, may pupuntahan pa tayong detention." pag-aaya ni Denum at hinayaan si Andy na tumayo ng mag-isa.
Nainis si Kino sa ginawa ni Denum at balak sanang lapitan si Andy ngunit pinigilan siya ni Krem.
"Sayang lang ang pagtatago natin kung magpapakita ka lang." komento ni Krem kaya walang nagawa si Kino kundi panoorin si Andy.
Nakarating sina Denum at Andy sa Detention room. Sinalubong sila ng mga lalake at ni Jessa. Dumiretso si Denum sa pinakadulong bahagi ng kwarto at umupo sa armchair.
Kumuha si Andy ng chalk at nagsimulang magsulat sa unahan. Nabigla ang mga kasama niya sa nakikita.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Kino na kakapasok lang sa kwarto, kasunod si Krem na sumisipol at mukhang sinasabayan ang tugtog na galing sa headphone.
Ngumiti si Andy bago ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Ang panget naman kung sasayangin natin ang oras na walang ginagawa," ipinakita ni Andy ang isinusulat. "Naisip kong maglaro muna tayo." dagdag ni Andy na ikinagulat ng lahat.
Kitang-kita sa mga mukha ng mga nakaaway nila na hindi ito mga sang-ayon.
"Tsh, isip-bata." komento ng isa sa mga lalake.
Binigyan ito ng nakakalokong ngiti ni Andy, "Laro lang ito ng mga may utak kaya bawal ka sumali."
Natahimik ang lalake at pinagtawanan naman siya ng mga nakarinig sa pangunguna ni Kino.
"So, paano iyan laruin?" tanong ni Krem bago umupo sa harapan kung saan nakatayo si Andy. Umupo sa tabi niya si Kino.
"Simple lang, ang tawag sa larong ito ay surrender. Dahil marami tayo, gagawa tayo ng dalawang grupo. At bawat isang grupo ay magsusulat ng linya depende kung ilang letters yung sagot at isang clue patungkol sa salitang iyon. Halimbawa, girl toy ang clue tapos anim na linya. Ang kabilang grupo ang magbibigay ng tig-iisang letter hanggang sa mabuo yung word, kapag mali yung letra na ibinigay ay lalagyan ng Ekis ang bawat isang letra ng word na surrender. Kapag hindi nasagutan at naubos ang word na surrender ay talo sila. Kapag natalo ang grupo ay kailangan nilang gawin ang dare ng nanalo." paliwanag ni Andy.
Namilog ang bibig nila Krem at Kino na mukhang interesado sa laro. Napangiti si Andy ng magtaas ng kamay si Denum.
"Barbie.." maikling sabi nito.
"Anong Barbie? Kailangan mo ngayon? Hahahaha!" sabad ng isa sa mga lalakeng nakapaligid kay Jessa.
Natawa ng mahina si Andy bago nagsalita, "Hindi mo naintindihan kasi b*b* ka," komento niya sa lalakeng nang-asar kay Denum. "Barbie ang sagot sa halimbawa na ibinigay ko."
Natahimik ang lalake at sinamaan ng tingin si Andy, "Pasalamat ka at babae ka." naiinis na sambit nito.
"O, edi thank you." pamimilosopo ni Andy bago malawak na ngumiti. "Pero pasalamat ka rin dahil b*b* ka. Kung matalino, himala iyon."
Nagtawanan ang mga tao sa loob ng detention room.
"Anong sabi mo?" tatayo sana ang lalake ngunit pinigilan siya ni Jessa.
"Masaya siya kausap, hayaan mo siya." pigil ni Jessa sa lalake na walang nagawa.
"Sige, simulan na natin." masayang sabi ni Kino sa mga kasama.
Bumuo sila ng grupo. Silang apat nila Krem, Kino, at Denum ay kalaban ang grupo ni Jessa.
Magsusulat na sana si Andy ngunit pumunta sa unahan si Denum at inagaw ang chalk.
"May naisip ako," sabi nito bago nagsulat sa blackboard. Umupo na si Andy sa tabi ni Krem at binasa ang isinulat ni Denum.
SURRENDER
CLUE: The act of one human killing another.
__ __ __ __ __ __ __ __
Naningkit ang mata ni Andy ng mapagtanto ang isinulat ni Denum. Napakunot naman ang noo ng iba pang kasama nila.
"Ah, homicide.." mahinang sabi ni Krem. "Ang dali lang naman niyan."
Tumaas ng isang kamay si Jessa. "Homicide."
Ngumisi si Denum, "Alam na alam mo.." may kahulugan na sabi nito bago isinulat ang sagot at inihagis ang chalk sa team nila Jessa.
Tumayo ang isa sa kanila at nagsulat.
SURRENDER
CLUE: PLACE
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
"Lugar na dose ang letra? Hmm.." napaisip si Krem.
Tumaas ng kamay si Andy, "P?"
Umiling ang lalake bago inekisan ang letrang 's'.
"A?" sabi ni Kino.
Tumango ang lalake at sinagutan ang ikalawa at ikalimang linya.
"U?" si Krem na nag-iisip pa rin.
Umiling ang lalake at inekisan ang letrang 'U'.
"O?" sagot ni Andy ngunit muling umiling ang lalake at inekisan ang letrang 'R'.
"E?" sagot ni Kino.
Sinagutan ng lalake ang ikasamung linya.
Mas naguluhan ang tatlo at si Denum lang ang kalmado sa grupo nila.
"B?"
"C?"
"D?"
"F?"
"G?"
"H?"
Nagtatalon sa tuwa ang kalaban nilang grupo dahil naubos ang word na surrender ngunit hindi nasagutan nila Andy ang pinapahula.
"Pang may utak lang raw pero hindi niyo nasagot. HAHAHAHAHAHAHAHA! Sino sa atin ngayon ang b*b*?" tuwang-tuwa na tanong ng lalake na nasa unahan.
Umirap sa kawalan si Andy, "Fine, ano ba yung sagot?"
"Massachusett." tugon ng lalake na ikinailing nila Andy.
"Anong Massachusett? Hindi ba, may letter 'S' sa dulo iyon?" naguguluhang tanong ni Kino.
Nagkibit-balikat ang lalake, "Isa lang naman yung lugar na tinutukoy ko kaya walang 's." paliwanag nito.
Napahilamos ng mukha sila Andy at nagpipigil ng tawa si Denum.
"Ay, b*b* nga.." bulong ni Andy.
Ngumiti yung lalake, "Wala namang rules na dapat tama ang spelling."
Napangiwi ang grupo nila Andy at walang nagawa kundi matawa.
"Ngayong natalo namin kayo, kailangan niyo sundin ang isang utos namin." masayang sabi ni Jessa.
Tumaas ang isang kilay ni Denum.
"At ano naman iyon?" tanong ni Andy.
Mas lumapad ang ngiti ni Jessa bago nagsalita.
"Sumayaw kayo ng Wap wap challenge." sagot ni Jessa.
Umawang ang bibig ng apat.
"Ano? Wak wak?" naguguluhang tanong ni Kino.
Natawa si Andy at Krem pati ang mga lalake sa paligid ni Jessa.
Napailing si Jessa bago inilabas ang smart phone at ipinanood ang isang video sa apat.
Napalunok ng ilang beses si Andy habang pinapanood ang video. Ang tatlo naman ay napapailing habang nanonood.
Nang matapos ang video ay napailing ang apat ng sabay-sabay.
"Hindi namin gagawin iyan?!" sabay-sabay nilang sabi na ikinatawa ng kalaban nila.
Umiling si Jessa, "Hindi kayo pwedeng tumanggi, may usapan."
Napanguso si Andy, "Wala namang kontrata."
"Pero meron kaming recording ng buong laro." tugon ng isa sa mga lalake habang pinapakita ang mga video.
Bumagsak ang balikat ni Andy, "Okay, pero pwede bang bukas na lang? Kailangan namin mag-practice."
Muling umiling si Jessa bago napahalukipkip ang mga kamay, "Bawal, alam naman namin na kakalimutan niyo na ang usapan kapag ipinagpabukas pa." pagtanggi nito.
Walang nagawa sila Andy kundi kuhain ang smart phone at panoorin ng paulit-ulit ang video hanggang sa makabisado nila.
Nang malapit na matapos ang oras ng detention nila ay sinayaw na nila ang wap wap challenge. Pinagbawalan nila na kuhaan sila ng larawan habang sumasayaw kaya hawak nila ang cell phone ng mga nakalaban.
Walang gana na sumayaw ang apat habang pinipilit na gayahin ang video. Tuwang-tuwa ang mga nanonood sa kanila.
Napapikit si Andy at nahihiyang ginawa ang pagsayaw habang nakatuwad sa sahig.
'Oh god, ipakain mo na kami sa lupa..' hiling ni Andy habang sumasayaw.
Nang matapos sila ay nahihiya silang lumabas ng kwarto.
"Hindi ko na uulitin ang paglalaro ng surrender." dismayadong sabi ni Andy.
"Aist. Kung hindi ka nagyaya, wala sana tayong kahihiyan." komento ni Kino.
Kaagad siyang siniko ni Andy, "Wow, hiyang-hiya ako sa atat na atat na maglaro."
"Akala ko kasi ay maganda ang laro." napapailing na sabi ni Kino.
Hinampas siya ni Andy, "Kunwari kapa, gustong-gusto mo nga yung pagsayaw sa sahig."
Napangiwi si Kino at nanginig.
"Ang arte mo ha?" naiiling na sabi ni Andy bago inunahan sa paglalakad si Kino at sinabayan si Denum na nasa unahan nila.
"Hala ka, nagalit na siya." pang-aasar ni Krem bago humiwalay sa kanila.
Sumimangot si Kino bago sinundan sina Andy at Denum na tahimik na naglalakad.
"Oy, Andy.. Suspended tayo dahil sa kanya. Layuan mo iyan." biro ni Kino.
Umirap sa kawalan si Andy, "Layuan kayong dalawa kamo, pareho kayong sakit sa ulo. Monggii.."
Inunahan sila ni Andy sa paglalakad.
Napailing si Denum, "Wala naman akong ginawang masama."
Ngumisi si Kino, "Mukha ka kasing masama."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top