CHAPTER 22
CHAPTER 22: DOUBLE TROUBLE
"Sabihin mo nga, paano mo nasabing murder ang nangyari?" kunot-noo na tanong ni Andy kay Denum habang kumakain ng french fries na natira nilang dalawa ni Kino nung nakaraang gabi.
Umangat ang isang sulok ng labi mi Denum habang tinitingnan ang pagkain ni Andy na mukhang napaglipasan na ng panahon ang kalagayan. Napansin ni Andy ang tingin ni Denum sa kinakain niya kaya inalok niya ito.
"Gusto mo ba? Kumuha ka lang."
Napangiwi si Denum at hindi makapaniwala sa sinabi mi Andy.
"Eww, mukhang pinulot mo lang sa kung saan ang kinakain mo tapos iaalok mo sa akin. Kadiri!" napapailing na sabi mi Denum na ikinairap sa kawalan ni Andy.
"Ang arte mo, kagabi lang 'to! Natira namin ni Kino dahil inilibre niya ako." paliwanag ni Andy na mas ikinangiwi ni Denum.
"Tinanong ko ba? Wala akong pake kahit sa date niyo pa galing iyan." masungit na sabi nito bago umupo sa tabi ni Andy.
Nililimliman sila ng mga dahon ng mga puno sa likurang bahagi ng Paaralan. Nakatingin sa malayo si Denum habang patuloy sa pagkain so Andy.
"Date ampotcha? Required ba na kapag magkasama ang babae at lalake ay nagde-date na agad?" nakasimangot na tanong ni Andy.
"Most of the time, para sa mga tsismosa, Oo.. but I don't really care." matipid na sagot ni Denum bago tumingin kay Andy na namilog ang mata dahil sa pumasok ng ideya.
"Hindi tayo nagde-date." tanging nasabi ni Andy nang makita na tumaas ang isang sulok ni Denum.
"Wala akong sinabi. Bat chismosa ka ba?" hindi nawala ang ngisi sa mga labi ni Denum.
Hinampas ni Andy sa braso si Denum, "Hindi mo sinabi pero yung ngiti mo ay kakaiba, hindi kapani-paniwala."
"Wews." tanging nasabi ni Denum bago tumingin sa ibang direksyon. "Sa ngayon, naglalaro pa sa isip ko kung murder or homicide ang nangyari dahil hindi ko natingnan ng maayos yung katawan pero hindi pumasok sa isip ko ang suicide."
Nagpantay ang mga kilay mi Andy bago napanguso habang iniisip ang nangyari at tumingin kay Denum.
"Teka lang, ano ba ang pinagkaiba ng murder at homicide?" tinaasan siya ng kilay ni Denum. "Pero suicide pa rin ang tingin ko dahil iyon ang sinabi nung kaluluwa ni Jonil." sagot ni Andy dahil hindi niya gusto ang naging reaksyon ng binata.
"Wews." usal ni Denum bago tumingin kay Andy. "Murder ang isang krimen kung pinlano ito, homicide kung ginusto mong pumatay pero hindi nakikitaan ng pagpaplano."
"You mean, biglaan lang?" biglang tanong ni Andy.
Tumango si Denum bilang sagot. Napatango ng ilang beses si Andy bago napahalukipkip ang mga kamay.
"Kahit naintindihan ko, suicide pa rin ang paniniwalaan ko." desididong sabi ni Andy na ikinakunot ng noo ni Denum.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." tanging nasabi ni Denum bago tumayo. "Tara na, may kakausapin pa tayo."
Umangat ang isang kilay ni Andy, "Tara na, may kakausapin pa tayo.. Pero huhulihin talaga niya." mahinang sabi niya bago tumayo at sinundan si Denum.
Hinintay lang nila ang lunch break bago napagdesisyunan na kausapin ang babaeng nagngangalang 'Jessa Mae Dalmacio' na kaklase ni Andy. Nang makita ang paglabas ng taong hinahanap nila sa canteen ay kaagad itong itinuro ni Andy.
"Ayon siya.." ininguso ni Andy ang babaeng hanggang braso ang itim na buhok at abala sa pakikipag-usap sa mga lalakeng nakapaligid sa kanya.
"Looks like she is a real b*tch." komento ni Denum na ikinasama ng tingin ni Andy sa binata saka siniko ito.
"Excuse me?" nakataas ang kilay na sabi ni Denum dahil sa ginawa ni Andy.
Umangat ang isang sulok ng labi ni Andy, "Excuse you? Hindi ka naman dadaan."
Natahimik si Denum at hindi na kinibo ang dalaga. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Jessa at mabilis na nilapitan ito. Namilog ang mata ni Andy sa ginawa ni Denum at lalapitan na niya ito ng may magsalita sa gilid niya.
"Bakit mag-isa ka?"
Halos mapatalon si Andy dahil sa gulat ng marinig ang malalim na boses ni Krem habang nakasuot pa rin ang headphone sa mga tenga nito.
Napangiwi si Andy ng kumirot ang kanyang kaliwang paa. Kaagad siyang inalalayan ni Krem papunta sa pinakamalapit na mauupuan. Dahil sa kasikatan ni Krem ay hindi maiwasan ang tinginan at usapan ng mga kasabayan nilang estudyante.
"Pasensya ka na kung nagulat kita." nag-aalalang sabi ni Krem bago dumako ang tingin sa paa niya na namumula.
Mabilis na umiling si Andy, "A-ayos lang, hindi naman masyadong masakit." pagsisinungaling ni Andy.
"Bakit ba mag-isa ka lang?" tanong ni Krem habang palinga-linga. "Nasaan yung partner mo?"
"Baka nasa klase niya pa." mabilis na sagot ni Andy.
Pinilit na ngumiti ni Andy ng maalala na hindi niya nasabi kay Kino ang gagawin nilang dalawa ni Denum.
'Baka hinahanap na niya ako sa classroom, patay.'
Ngumiti si Krem bago inilahad ang kamay, "Magla-lunch ka palang ba? Sabay na tayo, libre ko."
Nagliwanag ang mukha ni Andy ng makarinig ng libre at sasang-ayon na ng may umagaw ng atensyon nila. Ang babae na si Jessa Mae Dalmacio ay sinampal ang walang emosyon na mukha ni Denum. Napatayo si Andy dahil sa nakita, hindi niya inaasahan ang nangyari. At maging ang mga tao na nakapaligid sa kanila ay hindi makapaniwala sa nakita.
"Bastos ka! Bakit mo hinila ang butones ng damit ko?!" galit na tanong ni Jessa kay Denum.
Imbes na sumagot si Denum ay binigyan niya ng nakakalokong ngisi ang babaeng kaharap bago kinagat ang butones na hawak at hinagis sa mukha ni Jessa.
"Bingo.." tanging nasabi ni Denum habang nakadako ang tingin sa may dibdib ng babae na nasiraan ng butones.
Namilog ang mata ni Jessa at kaagad na napatakip ang mga braso sa katawan. Ang mga lalake naman na nakapaligid sa dalaga ay hinarangan ito na animoy isang barikada habang masama ang tingin kay Denum.
"Nakakabastos ka na, pre. Kung ayaw mong ma-hospital, umalis ka na." banta ng isa sa mga ito.
Nangungutyang tumawa si Denum bago ngumisi, "Kung may ma-o-hospital man dito, kayo iyon.. At ang malanding iyan ay sa kulungan naman ang diretso." sabi ni Denum habang nginunguso si Jessa na namutla sa sinabi ng binata.
Halata ang inis sa mukha ng grupo ng kalalakihan.
"Mayabang ka ha?!" kaagad na tugon ng isa sa mga lalake bago sinuntok sa labi si Denum na ikinadugo ng gilid ng labi nito.
Nanlaki ang mata ni Andy sa nasaksihan at napahawak sa braso ni Krem na nagulat sa ginawa niya pero napangiti ito.
"Maganda pala kapag nagugulat ka," komento ni Krem na hindi pinansin ni Andy dahil ang atensyon niya ay nasa pakikipag-away ni Denum.
Mabilis na sinipa ni Denum ang isang paa ng lalakeng katapat niya na dahilan para mapaluhod ito.
"Woah!!" hiyawan ng mga estudyante na nanonood sa nangyayari.
Kaagad na sinugod si Denum ng tatlo pang kalalakihan na nakapaligid kay Jessa na tahimik na nanonood. Hinawakan ng dalawang lalake si Denum na hindi pumalag at hinayaan ang isa pa na suntukin siya.
"Tarantado ka! Binabastos mo ang nililigawan namin!" galit na sabi ng lalake bago sunod-sunod na sinuntok sa mukha at tiyan si Denum na nakangisi lang at hindi kumikilos.
"Ayan ang dapat sa iyo, siraulo ka!"
Tumayo ang lalake na sinipa ni Denum at sinipa ang mga tuhod ng binata. Walang nagtangka na pumigil dahil nagugustuhan ng lahat ang napapanood na away.
Kumunot ang noo ni Andy at hindi na nakapagtimpi kahit medyo natutuwa siyang makita ang nangyayari kay Denum. Paika-ika siyang lumapit sa lalakeng sumusuntok kay Denum at hinawakan ito sa balikat kaya napahinto ito.
"Sino ka naman?!" galit na tanong ng lalake kay Andy na ikinangiti ni Andy.
"Ang nanay mo na magpapatulog sa iyo..." sagot ni Andy bago buong lakas na sinuntok ang lalake sa mukha.
Dahil sa ginawa niya ay tuloy-tuloy itong nahulog sa sahig na ikinagulat ng lahat, maliban kay Denum na mukhang inaasahan ang nangyari.
Hindi nakakibo ang lalake na sumipa kay Denum at hinarap niya si Andy para ambahan ng suntok. Namilog ang mata ni Andy at napapikit dahil sa biglaang kilos ng lalake.
Ngunit walang tumama sa kanya kaya kaagad siyang dumilat. Napaawang ang bibig niya ng makita si Kino na sinipa ang lalakeng nakahandusay na ngayon sa sahig. Si Krem naman ay pinagsusuntok ang dalawang may hawak kay Denum kaya nakalaya ito.
Hindi nakakibo si Andy habang tinitingnan ang tatlong lalake na nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay may tatlong aso na iniligtas siya sa mga nauulol na mga kalahi nito.
Inayos ni Kino ang asul na sombrero bago nakangiting humarap kay Andy, "Bigla mo akong iniwan kaya hinanap kita.."
Napangiti si Andy sa narinig at binalingan ng tingin si Denum, "G*g* ka, gumawa ka pa ng gulo."
Hindi kumibo si Denum at naestatwa sila nang marinig nila ang boses ng isang guro.
"Go to the guidance office now!" umaalingawngaw ang boses nito sa corridor na ikinangiwi ni Andy.
Mahinang natawa si Krem at walang nagawa kundi sumunod sa gurong mainit ang ulo. Nakarating sila sa Guidance office at nakaupo sa mga upuan habang pinapalibutan ang guro na tumawag sa kanila.
Wala pa ring malay ang dalawa sa apat na lalake at nakatakip naman ng panglamig si Jessa. Sa kabilang gilid ay ang magkakatabing sina Denum, Krem, Andy at Kino na mga walang reaksyon.
Kunot-noo na nagsalita ang guro, "Narito kayo ngayon dahil sa ginawa niyong gulo sa harapan ng Canteen. Gusto kong malaman kung ano ang mga nangyari."
Umiling si Krem, "Nanonood lang talaga ak-"
"SUNOD-SUNOD NA NANGYARI, Mr. Regino." mariin na sabi ng guro kaya natahimik si Krem.
Tumaas ng kamay si Jessa bago tinuro si Denum, "Ang lalakeng ito ay bigla na lang lumapit at hinila ang ikatlong butones ng damit ko. Imbes na humingi ng tawad ay sinabihan niya pa ang mga kasama ko na mapapunta sa Hospital at tinawag niya akong malandi na-" pinutol ni Denum ang pagsasalaysay ni Jessa.
"Na totoo naman," sabad ni Denum.
Sinamaan siya ng tingin ni Andy at Jessa pero ipinagpatuloy ni Jessa ang sinasabi.
"T-tinawag niya ako na malandi na didiretso sa kulungan." pagpapatuloy ni Jessa.
Tumaas ang isang kilay ng guro bago tinapunan ng tingin si Denum na nakakalokong tumawa ng mahina.
Mas sumama ang tingin ni Andy kay Denum, "Ang demonyo na 'to, ipapahamak pa kami." nanggigigil na bulong ni Andy sa sarili.
Ipinatong ng guro ang mga braso sa mesa bago diretsahang tiningnan si Denum.
"Ano naman ang rason mo, Mr. Gozo? Bakit mo binastos si Miss Dalmacio?" nag-uusisang tanong ng guro.
Napahalukipkip ng mga kamay si Denum bago nginisian ang guro, "Kasi gusto ko lang."
Kumunot ang noo nina Andy, Kino, Krem at ng iba pang nasa Guidance room. Napahilamos ng mukha si Andy.
'Patay, nalintikan na..' naiinis na sabi ni Andy sa kanyang isipan.
Umangat ang isang sulok ng labi ng guro bago sinabayan ang paghalukipkip ng kamay ni Denum.
"Alam mo ba na pwede kang ipakulong ni Miss Dalmacio dahil sa pambabastos mo sa kanya?" tanong ng guro na nakikipagtitigan kay Denum.
Mabilis na tumango si Denum, "Oo, kaso hindi ko naman siya binastos.." tinapunan niya ng tingin si Jessa na nakatingin sa kanya. "Binastos ba kita? May tiningnan o hinawakan ba ako na nakakabastos sa iyo?"
Mabilis na tumango si Jessa, "Tinawag mo akong malandi at mapupunta sa kulungan!"
"Na totoo naman," dugtong ni Denum bago ngumisi. "Siguraduhin mo na maipakukulong mo ako bago kita maipakulong." pagbabanta ni Denum.
Naestatwa si Jessa sa narinig at hindi na kumibo. Umubo ang guro para makuhang muli ang atensyon ng lahat.
"Dahil sa gulo na ginawa ni Mr. Gozo ay masususpinde kayong lahat at hindi kayo magiging aktibo sa mga Club na kinabibilangan niyo ng dalawang buwan." sabi ng guro na ikinagulat ng apat.
"Ano?/No." tugon nila Krem at Kino.
"Wews/Monggii." tugon nila Denum at Andy na nagkatinginan. Masama ang ipinukol na tingin ni Andy at inirapan si Denum.
"Hindi lang iyon, may karagdagan pang detention na isang linggo ang bawat isa sa inyo. Dalawang oras matapos ang mga klase niyo." karagdagan ng guro na mas ikinasama ng timpla ng mukha ng lahat.
"At para naman sa nagsimula ng gulo na si Mr. Gozo, ipapatanggal na kita bilang Presidente ng SSG, magiging ordinaryong miyembro ka na lang rin ng Club niyo." seryosong sabi ng guro habang nakatingin kay Denum na binigyan lang siya ng malademonyong ngiti.
Nawala ang inis sa mukha ni Andy dahil sa pagkagulat sa narinig. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay mawawala ang pangalan ni Denum.
"As if you can stop me in investigating the case of Mr. Jonil Suarez." tanging nasabi ni Denum bago mabilis na lumabas ng kwarto.
Tahimik siyang sinundan ni Andy na sinundan rin nila Krem at Kino. Nang makarating sa medyo tagong lugar ay naiinis na hinila ni Andy ang isang braso ni Denum.
"Bakit mo ba ginawa iyon, ha? Bakit mo ipinahamak ang sarili mo?" naguguluhang tanong ni Andy dahil nalilito na siya kung bakit ginawa ni Denum na ipahamak ang sarili para sa isang kaso.
Nakatalikod sa kanya ang binata at hindi siya hinaharap. Samantalang ang dalawa naman na sumunod sa kanila ay pinapanood ang nangyayari.
Napakagat ng labi si Andy ng maramdaman ang paggalaw ng balikat ni Denum kaya dahan-dahan siyang naglakad sa harapan nito. Naestatwa siya ng makita ang pagluha ng mga mata nito.
"Monggii.. Bat ka umiiyak?" naguguluhang tanong ni Andy.
Hindi kumibo si Denum at sa isang iglap ay niyakap si Andy. Hindi na nakagalaw si Andy at pinakinggan ang tahimik ng pagluha ni Denum.
Naningkit ang mga mata nina Krem at Kino sa nakita.
"Akala ko ba ikaw ang partner niya?" nangingiting tanong ni Krem kay Kino.
Umiling si Kino, "Akala ko rin ako lang.." may pagkadismaya na sabi ni Kino habang nakatingin sa dalawa na magkayakap pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top