CHAPTER 21
CHAPTER 21: MURDER OR SUICIDE?
Nilapitan ni Andy ang kaluluwa ng lalake habang pinapanood siya ni Kino. Nang makapunta siya sa harapan ng lalake ay kinuha niya ang atensyon nito.
"Ako nga pala si Andy, isang Paranormal Club member. Narito ako para tulungan ka." pakilala ni Andy.
Kumunot ang noo ng lalake.
"Saan mo ako tutulungan?" tanong nito.
"Hahanapin namin ang pumatay sa iyo, sinabi ng lalakeng iyon.." tinuro ni Andy si Denum. "Na murder ang nangyari."
Mariing umiling ang binata.
"Hindi murder ang nangyari dahil nagpakamatay ako." pag-amin ng binata na ikinagulat ni Andy.
"Ano? Kung nagpakamatay ka, bakit may babae akong nakita kung saan ka nahulog?" naguguluhang tanong ni Andy.
Pinilit na ngumiti ng lalake.
"Dahil pinigilan niya akong mag-suicide." sagot nito.
Napaatras si Andy at hindi makapaniwala sa sinabi ng lalake. Nalilito siya at wala ng pumasok na ideya dahil sa pagkalito niya sa mga nangyari. Magsasalita pa sana siya ng mapapikit ang mga mata niya.
"Pero—" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng pagdilat niya ay nasa harapan niya si Krem at ang mga miyembro nito.
Nakataas ang mga kilay ni Lylia habang nakatitig sa kanya. Umiwas ng tingin si Andy at mabilis na bumangon. Pahakbang na siya paalis ng hawakan siya ni Krem sa braso.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya.
"Hahanapin ko si Denum." mabilis niyang sagot at magsisimula ng humakbang nang tumayo si Krem at alalayan siya sa paglalakad.
Kumunot ang noo ni Andy at kaagad na lumayo kay Krem dahil alam niyang sinusundan siya ng tingin ni Lylia.
"Hindi ko kailangan ng tulong." seryosong sabi ni Andy bago paika-ikang lumabas ng Clinic.
Nilapitan ni Lylia si Krem at pinilit ngumiti sa binata.
"Siguraduhin mo na hindi siya makakasali sa grupo natin, aalis ako kapag isinali mo siya." pagbabanta ni Lylia na tinawanan lang ni Krem.
"Umayos ka nga, alam ko naman na hindi mo ako kayang iwan." biro ni Krem na ikinairap sa kawalan ni Lylia.
Nang makarating si Andy sa lugar kung saan nangyari ang aksidente o krimen ay kaagad niyang hinanap si Denum na kausap ang isang pulis. May harang na rin na tape ang lugar at may nakalagay na 'POLICE LINE DO NOT CROSS' kaya malayo ang mga estudyante.
"Denum!" sigaw ni Andy kaya nakuha niya ang atensyon ni Denum at ng pulis na kausap nito.
Nagtatanong ang mukha ni Denum habang nakatingin kay Andy kaya sinenyasan siya ni Andy na lumapit. Ilang segundo pa ay nagpaalam na ang binata sa pulis bago tinungo si Andy.
"Bakit?" masungit nitong tanong na ikinakunot ng noo ni Andy.
"Hindi murder ang nangyari." mabilis na sabi ni Andy.
Umangat ang isang kilay ni Denum bago napahalukipkip ang mga kamay.
"And how can you be so sure about that?" naniningkit ang mga mata na tanong ng binata.
Huminga ng malalim si Andy bago nagsalita.
"Nung kaluluwa ako, napahawak ako sa braso mo dahil nakita ko ang kaluluwa nung lalake.."
Mahinang natawa si Denum at pinipilit na hindi maniwala sa sinabi ni Andy. Hinampas siya sa braso ni Andy kaya naging seryosong muli ang mukha niya.
"Huwag mo akong tawanan, seryoso ako." naiirita na sabi ni Andy.
Sa una palang, alam na ni Andy na pagtatawanan lang siya ni Denum pero nasabi niya na tutulong siya sa kaluluwa kaya wala siyang magagawa kundi makisama.
"I'm dead serious, Andy. Hindi lang ako makapaniwala na ipipilit mo ang Paranormal abnormalities mo sa paglutas ko ng kaso." paliwanag ni Denum. "I'm sure that this case is a murder at malapit ko na malaman ang salarin." nakangisi na sabi ni Denum kay Andy.
Napahilamos ng mukha si Andy bago hinarap si Denum.
"Paano kung sabihin ko sa iyo na kilala ko yung hinahanap mo? At sasamahan kita sa kanya, basta.. makinig ka muna sa akin." pamimilit ni Andy.
"Are you trying to have a deal with me?"
Napakibit-balikat si Andy, "Kung iyan ang tingin mo."
Napamulsa si Denum bago umiling.
"I want to but that's a no for me, kaya ko naman masolusyunan ito ng mag-isa. Hindi kita kailangan." pagtanggi ni Denum at tinalikuran na si Andy.
Naalarma si Andy at mabilis na hinawakan sa braso si Denum.
"Gagawin ko ang isang utos mo, basta labas sa pagiging miyembro ko sa Paranormal Club kapag nakinig ka sa akin. Please? Kailangan mo lang makinig." pakiusap ni Andy.
Hindi nakakibo si Denum at bago pa siya makapagsalita ay dumating sina Kino at Entice. Sa kabilang gilid naman nila ay padaan sina Krem at Lylia.
Kaagad na tinapunan ng tingin ni Kino ang mga kamay ni Andy na nakahawak sa braso ni Denum. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi siya nakakibo. Sumama ang tingin ni Entice at kaagad na lumapit sa puwesto ng dalawa.
"Don't you dare touch him, Pilay! Madadamay mo siya sa kabaliwan na mayroon ka!! " naiinis na wika ni Entice bago marahas na tinanggal ang mga kamay ni Andy at tinulak ito.
Napaupo si Andy sa lupa na ikinagulat ng mga taong nakapaligid sa kanila. Wala na ang mga pulis kaya walang sumaway sa ginawa ni Entice. Hindi kaagad nakaresponde si Kino dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nakita niya.
Napahawak sa paa si Andy na sumakit dahil sa biglaang pagkaupo niya. Nang-aasar na ngumiti si Entice.
"Ahh, kawawa ka naman. Ang galing mo magpaawa para panigan ka ng lahat. Ganiyan ka kagaling, nakakabilib!" nang-aasar na sabi ni Entice habang pumapalakpak pa. "Dapat ka palakpakan dahil magaling ka umarte! Baliw!" nanggigigil na sabi ni Entice at akmang lalapitan si Andy ng may magsalita sa gilid nito.
"Kapag nilapitan mo siya, masasaktan kita." banta ni Lylia bago pumunta sa tabi ni Andy na medyo nagulat sa sinabi ni Lylia.
"Hawakan mo ang kamay ko." utos ni Krem habang inilalahad ang isang kamay. Kaagad iyon tinanggap ni Andy para makatayo siya ng maayos.
Hindi makapaniwalang tinapunan ng tingin ni Entice ang seryosong mukha ni Lylia at nilapitan ito. Nilayo ni Lylia ang mukha ng maamoy ang alak sa bibig ni Entice.
"Wow, binabantaan ako ng bokalista ng walang kwenta na Club. Akala mo natatakot ako sa iyo?" matapang na sabi ni Entice.
Nginisian siya ni Lylia, "Matapang ka lang kasi nakainom ka, kung iharap kaya kita sa guidance para malaman natin ang takot mo?"
Tumaas ang kilay ni Entice at akmang sasampalin si Lylia ng harangan ni Krem ang kamay nito at tinapunan ng masamang tingin si Entice.
"Ang laitin mo ang Club namin ay ayos pa pero ang sasaktan mo ang dalawang babae ng walang sapat na dahilan? Layuan mo ako, baka makalimutan ko na babae ka." seryosong sabi ni Krem bago marahas na ibinaba ang kamay ni Entice at inalalayan si Andy na maglakad palayo.
Si Lylia naman ay binigyan ng mapang-asar na ngiti si Entice at saka umiling, "Wrong move, girl."
Nag-init ang ulo ni Entice at susugurin si Lylia pero napigilan na siya ni Denum.
"Binantaan na kita, Entice. Mag-uusap tayo kapag nahimasmasan ka na." maawtoridad na wika ni Denum bago iniwan tulala si Entice.
Habang naglalakad si Andy at inaalalayan ni Krem ay dumako ang tingin niya sa lalakeng sinusundan lang siya ng tingin. Nagtatanong ang mga mata niya habang nakikipagtitigan kay Kino na walang ginawa.
Nakaramdam ng sakit si Andy sa kung saang parte ng katawan bukod sa namamanhid na paa. Hindi siya makapaniwala na ang inaasahan niyang tutulong sa kanya ay pinanood lang siya.
Nang madala siya sa Clinic ng dalawa ay kaagad na pinagamot ang paa niyang kumikirot.
"Ouch.." daing ni Andy habang humihigpit ang hawak sa kamay ni Krem na hindi siya binitawan.
Napayuko si Andy ng makaramdam siya ng luha na pumapatak sa isa niyang mata. Ayaw niyang ipakita sa dalawang kasama kaya palihim niya iyon na pinunasan.
Alam niyang hindi sa sakit ng paa ang dahilan ng pagluha niya pero pinanatili niya na lang na kalmado. Lingid sa kanyang kaalaman ay napansin ni Lylia ang pagluha niya kaya umirap ito sa kawalan bago naglabas ng panyo at naiilang na inabot sa kanya.
"Para saan iyan?" tanong ni Andy na nakayuko pa rin at sinulyapan lang ang panyo.
Pinilit na matawa ni Lylia bago umirap sa kawalan, "Abnormal and weirdos don't cry. Hayaan mo, hindi ako maiinis sa iyo.. Sa ngayon."
Nginitian ni Krem si Lylia bago siniko kaya inirapan siya ni Lylia. Nang mawala ang sakit sa paa ni Andy ay tumayo na siya at tiningnan ang dalawang nakasama.
"S-salamat sa inyo. Pasensya na kung naabala ko kayo." pinilit ngumiti ni Andy bago nauna sa paglabas.
Nagkatinginan ang sina Krem at Lylia bago sinundan ang paika-ikang si Andy.
"Akala ko hindi na naman siya magpapasalamat.." bulong ni Lylia sa binata.
Mahinang tumawa si Krem bago inakbayan si Lylia, "As if naman na kailangan mo iyon." biro nito na ikinanguso ni Lylia.
Nang makabalik si Andy sa Clubroom para kuhain ang gamit ay sinalubong siya ni Denum na seryosong nakatingin sa kanya.
"Maayos ka na?" seryosong tanong ni Denum.
Tumango si Andy bago kinuha ang bag at lumabas ng Clubroom. Tahimik siyang sinundan ni Denum sa madilim ma paligid.
"Lasing si Entice kaya nagawa niya iyon." pag-iiba ni Denum ng usapan.
Tumango si Andy, "Alam ko kaya hindi ko siya pinatulan. Bakit ka nasa Clubroom?"
Huminto si Denum kaya napahinto rin sa paglalakad si Andy. Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay nagsusukatan sila ng tingin. Mabilis na umiwas si Andy ng maalala si Kino na hindi na nagpakita.
"Jessa Mae Dalmacio.."
Nanlaki ang mata ni Andy at muling binalingan ng tingin si Denum dahil sa sinabi nito.
"P-paano mo nalaman na siya yung nakita ko sa rooftop?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy.
Napangisi si Denum, "Siya lang ang nakita na huling kasama ng namatay na si Jonil Suarez."
"Pero bakit hindi siya tinanong ng mga pulis?" tanong ni Andy.
"Simple lang, gumawa siya ng alibi na nasa cover court siya at nakikipag-date sa isa sa mga basketball player. Napatunayan nila dahil may litrato siya nung oras na nahulog si Jonil."
Namilog ang bibig ni Andy bago muling naglakad habang tumatango. Sinulyapan siya ni Denum bago palihim na binasa ang pang-ibabang labi.
"Yung about sa isang utos ko kapag pinakinggan ko ang sasabihin mo, tuloy pa ba?"
Napahinto si Andy at nagliwanag ang mukha dahil sa narinig, "Basta hindi about sa pagiging member ko ng Paranormal Club."
Tumango si Denum, "Deal."
Nakaramdam ng ginhawa sa pakiramdam si Andy.
"Sinabi nung kaluluwa na nag-suicide talaga siya at hindi si Jessa ang may kasalanan. Nandoon lang yung babae dahil pinipigilan siyang magpakamatay." paliwanag ni Andy.
Napaisip si Denum at napahalukipkip ang mga kamay, "Paano mo mapapatunayan na totoo ang sinabi mo?"
"K-kasi, sinabi mismo nung kaluluwa." tanging nasabi ni Andy.
Tumango-tango si Denum, "Sige nga, dalhin mo nga iyang sinasabi mo sa Police station. Tingnan natin kung may maniniwala." paghahamon ni Denum.
Nakasimangot na muling naglakad si Andy, "Monggii, ipapahiya ko lang sarili ko kapag sinabi ko iyon."
Tumangong muli si Denum, "Exactly, kung gusto mo patunayan na suicide iyon. Kailangan natin makausap si Jessa."
"Tamang-tama, kaklase ko siya. Pwede natin siyang kausapin bukas. Pero hindi ba pwedeng ikaw na lang?" pahabol na sabi ni Andy.
Nagpantay ang mga kilay ni Denum, "Edi magsasama na lang kaagad ako ng pulis para mahuli kaagad siya."
Mabilis na umiling si Andy, "Huwag! Sasamahan na kita bukas, basta walang pulis."
Tumango si Denum at hinayaan na mauna si Andy sa paglalakad. Hindi nila napansin ang nanonood na si Kino na nagtatago sa isang gilid.
Napabuntong-hininga si Kino bago umiling, "Dapat nilapitan mo siya, pinairal mo na naman ang pagiging matampuhin mo. Aist."
Nagtampo kasi siya kay Andy ng makita niya na mas komportable pa ito na kasama si Denum kaysa sa kanya na mas una nitong nakilala.
Bagsak ang balikat ni Kino habang palihim na sinusundan si Andy pauwi ng bahay. Nang makapasok ng pinto si Andy ay kaagad siyang nagtago sa gilid ng pintuan para gulatin si Kino na alam niyang nakasunod sa kanya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay walang pumasok ng pinto kaya sumilip si Andy sa awang ng pinto ngunit wala siyang nakita na Kino.
"Sinong sinisilip mo diyan?"
Halos mapatalon si Andy dahil sa gulat ng marinig ang boses ni Kino. Masama ang ibinigay niyang tingin rito.
"Bat ka nanggugulat?!" tanong ni Andy.
"Bakit ka sumisilip?!" sinabayan ni Kino ang lakas ng boses ni Andy.
Mas sumama ang timpla ng mukha bi Andy, "Bat ka sumisigaw?"
"Kasi sumisigaw ka rin, akala ko naglalaro tayo ng palakasan sa pagsigaw." seryosong sabi ni Kino na ikinangiti ni Andy.
"Saan ka dumaan?" puno ng kuryosidad na tanong ng dalaga.
Tinuro ni Kino ang backdoor, "Sa likod kasi.. Nahihiya ako sa iyo."
Tumango si Andy, "Dapat lang dahil hinayaan mo akong laitin ng pinsan mo."
Umiling si Kino bago lumapit kay Andy, "Nagtampo lang ako."
Umangat ang isang sulok ng labi ni Andy, "At bakit naman?"
Nahihiyang ngumiti si Kino, "Kasi nga, mukhang mas komportable ka na kasama si Denum kaysa sa akin."
Tumaas ang isang kilay ni Andy bago sinuntok sa braso si Kino, "Bakit? Nasusuntok ko ba si Denum ng ganito ha?" tinadtad ni Andy ng suntok sa braso si Kino.
Umiling si Kino, "Oo na, sorry na."
Malawak ang ngiti ni Andy bago umiling, "Hindi ako tumatanggap ng sorry, libre ang gusto ko."
Walang nagawa si Kino kundi matawa at mabilis na kinuha ang cellphone upang umorder ng pagkain para mailibre si Andy.
————End of Chapter 21—————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top