CHAPTER 20

CHAPTER 20: VOICE OF AN ANGEL

Masama ang timpla ni Andy ng makita ang pagpasok ni Kino sa Clubroom nila. Kaagad niya itong binato ng mga bolang papel na nabuo niya kakahintay sa binata. Hindi inaasahan ni Kino ang gagawin ni Andy kaya hindi siya nakaiwas at nasalo ang mga bolang papel na binato nito.

"Anong problema mo?" naguguluhang tanong niya kahit may ideya na siya.

Mabilis na tumayo si Andy bago paika-ikang lumapit kay Kino. Pantay ang kilay nito bago inalagay sa beywang ang mga kamay.

"Ang problema ko ay ang pangtri-trip mo sa akin at panlalait sa akin nung babaeng iyon na halata namang may gusto sa iyo." mataray na sabi ni Andy.

Natawa si Kino dahil sa inaasal ni Andy.
"Para kang nagseselos na girlfriend.." mahinang sabi ni Kino ngunit hindi narinig ni Andy at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Dahil sa pakikipagharutan mo sa Lylia na iyon ay hindi na tayo nakapagpractice, ano na lang ang gagawin natin mamaya? Pagtatawanan nila tayo?!" natatarantang sabi ni Andy.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Kino habang tinitingnan ang dalaga.

'Hiyang-hiya ako sa pagpapantasya mo kay Krem..' sabi ni Kino sa kanyang isipan.

"May oras pa naman tayo, kumalma ka." pagpapakalma niya kay Andy ngunit mas sumama ang timpla ng mukha nito.

"Kumalma?! Paano ako kakalma kung hindi naman talaga ako kumakanta?! Tsaka ikaw, paano ka magpe-perform? Hindi ka na naman mahilig sa music, wala tayong talent." malungkot na sabi ni Andy na tila nawawalan na ng pag-asa.

Tumango si Kino bago hinawakan ang ulo ni Andy at ginulo ang buhok nito.
"Basta ibigay na lang natin ang best natin. Ikaw lang naman dapat ang mag-o-audition pero dinamay mo ako kaya parehas nating ipapahiya ang mga sarili natin. Kung hindi tayo matanggap, atleast nagkaroon tayo ng way para makilala si Lylia. Isang gateway ang audition para makalapit tayo sa grupo nila." paliwanag ni Kino para mapakalma si Andy.

Malalim ang bawat paghinga ni Andy bago tumango.
"Okay, basta bahala na. Sanay na naman ako sa kahihiyan.. Pero sa oras na laitin ako nung Lylia na iyon, tatakutin ko siya kapag naging kaluluwa ako." biglang napangisi si Andy sa naisip na ideya.

Tumango si Kino, "O, siya, ikaw ang bahala.. Basta, kapag nahuli kitang nakipagharutan sa Krem na iyon, sasabihin ko na crush mo si Denum." pagbabanta ni Kino. "Alalahanin mo, hindi si Krem ang dahilan ng paglapit natin sa Music Club kaya huwag mo siya gawin priority."

Napairap sa kawalan si Andy.
"Huwag kang mag-alala, dahil sa sinabi ng admirer mo. Hindi ko na gusto na lapitan ang mga 'gaya mo, baka nga kay Denum na talaga ako lumapit dahil siya na rin ang nagsabi na hindi siya magandang lalake." biro ni Andy.

Kumunot ang noo ni Kino, "Subukan mo lang. Aist!"

Umirap sa kawalan si Andy bago naghanap ng kanta na gagamitin sa performance nilang dalawa.

"Magpakilala kayo." panimula ni Krem habang nakatingin sa dalawang estudyante na nasa harapan niya.

Napakagat ng labi si Andy bago tumingin kay Kino at siniko ito. Ngumiti si Kino.

"Kino Lorenzo De Vera, 16, a 4th year high school. I want to join in your club as a guitarist." pakilala ni Kino bago ipinakita ang hawak na gitara.

Tahimik na nakikinig ang apat ngunit may kakaibang kislap sa mga mata ng nag-iisang babae habang nakatitig kay Kino. Napansin iyon ni Andy kaya tinaasan niya ito ng kilay. Samantalang si Krem ay pinanatili ang pagtingin kay Andy na hindi pa rin nagpapakilala.

Nabaling ang atensyon ng lahat kay Andy na hindi pa rin nagsasalita at nakatingin pa rin ng masama kay Lylia.

"Ehem, baka gusto mo na magpakilala.." nangingiting sabi ni Krem kaya tumingin sa kanya nang masama si Andy.

Sumeryoso ang mukha nito nang makita ang mas lumawak na ngiti sa mga labi ni Krem. Kumuyom ang kamao ni Andy bago nagsalita.

"Andy, 15, 3rd year. Singer." maikli niyang pagpapakilala.

"Masyado kang tamad para sa 3rd year." komento ni Lylia.

"Masyado kang pakielamera para maging bokalista." tugon ni Andy na ikinatawa ng tatlong katabi ni Lylia.

Pinilit matawa ni Lylia bago nakapangalumbaba na tinitigan si Andy.
"Siguraduhin mo lang na may ibubuga ang pagiging pilosopo mo." tanging nasabi ni Lylia.

Ngumiti na parang aso si Andy bago hinigpitan ang hawak sa mikropono. Tumingin siya kay Kino bago sinenyasan ito.

Nagsimula ng mag-strum ng gitara si Kino at sa panimula niya ay nagpantay kaagad ang mga kilay ng apat na miyembro ng Music Club. Ngunit walang nagpahinto sa kanya dahil ang mga mata ng lider nila ay kay Andy pa rin nakatingin.

Napapikit ang sina Gus at Alu dahil nagpapantig na ang mga tenga nila sa pagtugtog ni Kino. Itataas na sana ni Gus ang kamay para pahintuin si Kino ng pigilan siya ng nakangiting si Lylia.

"Hayaan mo siya, ang cute niya.." tanging sagot ni Lylia na ikinatahimik ni Gus.

Huminga ng malalim si Andy bago pumikit upang hindi mailang sa mga taong nasa harapan.

(Song playing: Don't Know Why by Norah Jones)

I waited 'til I saw the sun
I don't know why I didn't come
I left you by the house of fun
I don't know why I didn't come
I don't know why I didn't come

Napapikit si Krem habang pinapakinggan ang pagkanta ni Andy. She is stammering while singing the lyrics but the deep voice she has wanted Krem to hear more. To feel those lines.

Namamangha na tumingin si Kino kay Andy habang pinipilit mag-strum ng gitara na hindi naman talaga siya marunong. Hindi niya inaasahan na kahit putol-putol ang boses ni Andy sa pagkanta ay maganda pakinggan ang boses nito.

My heart is drenched in wine
But you'll be on my mind
Forever

Nakakunot ang noo ni Lylia habang tinitingnan ang mukha ni Kino na humahanga sa paraan ng pagkanta ng dalaga na putol-putol ang liriko. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikitang reaksyon sa pag-awit ni Andy na para sa kanya ay..

"Walang kwenta.." bulong niya bago tinapunan ng tingin si Krem na nakapikit pa rin. Dismayado siyang tumawa. "At kailan ka pa humanga sa walang kwentang performance, Kremir?" mahinang tanong niya sa katabi.

Ngumiti ito habang nanatiling nakapikit.
"Ngayon palang.." sagot nito kay Lylia.

Dahil sa pagkairita ay kaagad na tumayo si Lylia at kumuha ng isang mikropono. Nagulat ang lahat ng sabayan niya ang pagkanta ni Andy.

Something has to make you run
I don't know why I didn't come
I feel as empty

Napahinto sa pag-strum ng gitara si Kino ng makita ang papalapit na mga kaluluwa sa puwesto ni Lylia na malapit kay Andy. Bago pa siya makalapit kay Andy ay napahinto na ito sa pagkanta at hindi na natapos ang huling liriko dahil nawalan na ito ng malay.

Nag-aalalang lumapit si Kino sa walang malay na si Andy. Binitawan niya ang hawak na gitara bago tinapunan ng tingin ang kaluluwa ni Andy na nakapikit pa rin.

Mukhang hindi naramdaman ng dalaga ang paghiwalay ng kaluluwa sa sariling katawan kaya patuloy ito sa pag-awit kahit tapos na ang kanta.

'Kailangan ko mapahanga si Krem para makasali ako sa banda niya.' sabi ni Andy sa kanyang isipan kaya inulit niyang muli ang pagkanta.

Napatayo sina Gus at Alu para tulungan si Kino na buhatin si Andy palabas. Samantalang si Lylia ay kinakabahang sinundan ang mga lalake papunta sa kung saan.

Habang patuloy sa pagkanta si Andy ay napansin niya ang pagkawala ng tugtog mula sa gitara ni Kino kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata kahit puno ng kaba ang boses niya na paputol-putol at nanginginig. Napahinto siya nang makita na wala na si Kino sa kanyang tabi at tanging si Krem na nakapikit pa rin ang tanging naiwan sa silid kung nasaan sila.

Mariing pumikit si Andy bago umiling.
"Saan napunta yung iba?" mahinang tanong niya bago muling tinapunan ng tingin si Krem.

Inakala niyang tulog ang binata kaya dahan-dahan siyang humakbang paalis.

"Bakit ka huminto? Pinapakinggan pa kita, ituloy mo lang.."

Napahinto si Andy dahil sa sinabi ni Krem at namimilog ang mga mata na binalingan ng tingin ang binata.

"Ano? Nawawala yung partner ko at yung mga kasama mo. Hindi mo nahalata?" naguguluhang sabi ni Andy bago muling lumapit kay Krem na nakapikit pa rin.

Nang magkaharap silang muli ni Krem ay dumilat ito at nagkatapat ang mga mata nila. Inikot ni Krem ang paningin at medyo nagulat ng walang makita sa kwarto.

"Bakit nawala sila? Nawala rin bigla si Andy?" nagtatakang sabi ni Krem bago tumayo at lumabas ng silid.

Tumaas ang kilay ni Andy habang iniisip kung bakit hindi siya nakita ni Krem, mukhang narinig naman nito ang pagkanta niya.

Tumingin siya sa repleksyon niya sa gitara na naiwan ni Kino. Napaawang ang kanyang bibig at namilog ang mga mata.

!OoO!

"Naging kaluluwa pala ako.." hindi makapaniwala na sabi ni Andy.

Habang naglalakad sa corridor at hinahanap si Kino ay nakasalubong niya si Denum na walang kamalay-malay na nakasalubong na pala siya dahil abala ito sa binabasang notebook. Wala na dapat balak si Andy na pansinin ito ngunit nakaisip siya ng kalokohan kaya marahan niya itong sinundan. Nang makarating ito sa lugar na wala masyadong estudyante ay pinitik niya ang noo nito.

Kumunot ang noo ni Denum dahil sa naramdamang kung ano na pumitik sa noo niya na kumikirot ngayon. Kumunot ang noo niya at pinakiramdaman ang paligid. Nang masiguro kung nasaan ang hinahanap ay mabilis niyang hinawakan ito.

"Aray!" daing ni Andy ng mahawakan siya ni Denum. Nagtago pa naman siya sa likuran ng mga halaman para hindi siya maramdaman nito ngunit nagkamali siya.

Napayuko siya dahil naglakad ito habang hila ang buhok niya. Wala siyang nagawa kundi sundan ito. Nang huminto ito sa isang tagong lugar at bitawan ang buhok niya ay buong lakas niya itong sinuntok sa panga.

"Monggii ka! Ginulo mo buhok ko!" naiinis na sabi ni Andy habang inaayos ang nagulong buhok.

Hinimas ni Denum ang nananakit na panga at tinitigan ng masama ang kaharap na hindi nakikita. Napairap siya sa kawalan ng mapagtanto kung sino ang kaharap.

"Ikaw ang mapanakit na kaluluwa na nakilala ko. Kung hindi kita nakilala, masusuntok rin kita kahit babae ka pa." nakasimangot na sabi ni Denum bago sinuntok ang puno na nasa tabi niya upang doon ibunton ang galit.

Hindi nakagalaw si Andy ng maramdaman ang lakas ng suntok na ibinigay ni Denum sa kawawang puno. Ilang beses na napalunok si Andy habang tinitingnan ang mga nahuhulog na dahon.

'Kung hindi niya pala ako nakilala, baka matuluyan na ang pagiging kaluluwa ko. Monggiii..'

Nang maibuhos ni Denum ang negatibong nararamdaman sa puno ay saka niya binalingan ng tingin ang puwesto ni Andy na mukhang hindi na gumagalaw.

"Buhay ka pa ba?" kunot-noo na tanong ni Denum.

Napailing si Andy bago binatukan si Denum.
"Monggii, hindi ako mamamatay dahil kaluluwa pa ako." naiiritang sagot ni Andy kahit hindi narinig ni Denum.

"Sumusobra ka na?!" sinamaan ni Denum ng tingin si Andy at aambahan ito ng suntok.

"AHHHHH! MAY NAHULOG!"

Nahinto si Andy at Denum ng marinig ang sigaw sa kung saan. Mabilis na tumakbo si Denum sa pinanggalingan ng sigaw, sumunod sa kanya si Andy.

Naabutan nila ang nagkukumpulan na mga tao. Hinawi ni Denum ang mga tao na nakaharang para makita ang nangyari, si Andy naman ay dire-diretsong dinaanan ang mga nakaharang.

"Oh, monggii.." ikinabigla ni Andy ang nakita habang nasa tabi ni Denum.

Isang lalake na duguan at nakabaliko ang mga kamay dahil sa matinding bali nito ang pinalilibutan ng mga estudyante. Mabilis itong nilapitan ni Denum at tiningnan kung humihinga pa ang lalake. Napaatras siya ng mapagtanto na wala na itong malay. Muli siyang tumayo bago nilingon ang mga estudyante.

"Call 911! Huwag kayong tumayo na lang basta at makichismis!"seryosong sigaw ni Denum na pinakinggan ng mga nakapaligid sa kanya.

Si Andy naman ay inikot ang tingin at biglang napahawak sa braso ni Denum ng makita ang kaluluwa ng lalakeng nasa harapan niya na nasa hindi kalayuan. Tinapunan siya ng tingin ni Denum kahit hindi siya nakikita.

Napansin niya na may tinitingnan ito sa itaas kaya sinundan niya ang tinitingnan nito. Namilog ang mata ni Andy ng may makilala ang babae na nakasilip ngunit kaagad na umalis ng mapansin na papatingin na si Denum sa lugar niya.

"Isa itong murder.." tanging nasabi ni Denum kaya nakaramdam ng kaba si Andy bago tumingin sa lalake na nahagip ng mata niya.

Si Kino na nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Denum. Mabilis na bumitaw si Andy na medyo ikinagulat ni Denum.



#FIVESENSES

Update, update.. Update...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top