CHAPTER 17

FIVE SENSES

CHAPTER 17: REASON

"Pagkatapos nating kumain ay may mga pupuntahan tayong muli. I'm sure na magugustuhan niyo ang mga lugar." tila nananabik na sabi ni Demmy sa mga bata habang nag-aagahan.

Pinilit na ngumiti ni Entice dahil binabagabag pa rin siya ng ginawa niya kay Andy. Hindi niya maiwasan na sumulyap sa dalaga na nakatulala habang kumakain.

"Kino, Andy, are you okay? Para kayong kinulang sa tulog." puna ni Kris habang nakatingin sa kaliwang bahagi ng mesa kung nasaan si Kino at Andy na mukhang matamlay dahil kinulang sa tulog.

Walang gana na tumingin si Kino sa ama.
"Dad? Pwede bang hindi na kami sumama ni Andy? Gusto pa namin matulog." pamimilit ni Kino sa ama ngunit tinanggihan nito.

"NO. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin dahil umuwi ka ng lasing." may halong inis na sabi ni Kris.

Napanguso si Kino bago inilapat ang likuran sa upuan at lumiyad.
"Agh, nagbibiro nga lang ako no'n." palusot ni Kino.

Sinamaan siya ng tingin ng ama.
"Puwes, ako hindi. Bilisan niyo na sa pagkain at maghahanda pa tayo sa paggagala." sabi nito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Walang nagawa si Kino at sumulyap kay Andy na napipikit pa habang kumakain. Siniko niya si Andy na ikinabigla nito.

"Ang ganda ng boses ni Krem.." biglang nasabi ni Andy na tila nanaginip ng gising.

Napahinto ang lahat sa pagkain at napatingin kay Andy na nagising ang diwa. Inikot ni Andy ang paningin at pinilit na ngumiti.

"Good morning." maganang bati niya bago ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.

"Sino si Krem, Hija?" puno ng kuryosidad na tanong ni Demmy.

Huminto sa pagkain si Andy bago umiling.
"W-wala po Tita—"

"Crush niya iyon, Mom." sabad ni Kino habang pinipigilan ang pagtawa.

Kumunot ang noo ni Andy at kaagad na sinuntok si Kino sa braso.
"Hindi ko iyon crush!" pagtanggi ni Andy.

Nangingiting inilapit ni Kino ang mukha kay Andy.
"Ah, talaga ba?" pang-aasar niya na ikinainis ni Andy.

"Hindi nga." sagot ni Andy.

"Kremir Con Regino ba ng Music Club?" sabad ni Denum sa usapan ng dalawa.

Nagliwanag ang mukha ni Andy bago tumingin kay Denum.
"Iyon ba ang full name niya?" nakangiting tanong ni Andy.

Hindi sumagot si Denum at nanatili lang na nakatingin kay Andy. Nawala ang ngiti sa mukha ni Andy bago inikot ang paningin.

"Pero hindi ko po talaga siya crush.. Ahm, Ideal guy ko po." pag-amin niya para matapos na ang issue.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagpigil ng tawa.

"So, mahilig ka pala sa musician Andy?" napapatango na sabi ni Kris. "Mahilig si Kino sa paggigitara nung bata pa siya.. bigla lang nahinto." kwento ni Kris bago tumingin sa anak na hindi makapaniwala sa ginagawa ng ama.

"Bakit po?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Tipid na ngumiti si Kris sa kanya.
"That was a long story, ang masasabi ko lang ay masyado siyang dedicated sa paggigitara noon." sagot ni Kris.

Napaawang ang bibig ni Andy bago ibinaling ang tingin kay Kino na mukhang walang ideya sa sinasabi ng ama. Nagkibit-balikat ang binata bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Alam niyo ba na mahilig sa piano si Denum nung bata pa siya? He played like a veteran musician. But, he stopped because of uncertain issue. How I wish he continued to play the piano again." medyo malungkot na kwento ni Demmy na nakatingin sa anak na patuloy lang sa pagkain at hindi siya tinitingnan.

Bumaling ang atensyon ni Andy kay Denum. Napaisip siya kung ano ang mga dahilan ng pagkawala ng hilig ng mga ito sa mga bagay na natukoy.

'Coincidence lang ba?' tanong ni Andy sa isipan.

Napansin ni Denum ang mga mata ni Andy na nakatingin sa kanya kaya kaagad niya itong sinulyapan. Namilog ang mata ni Andy bago umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Siguro naman ay may plano ka na para mapapunta natin yung tour guide sa bundok." mahinang sabi ni Andy habang naglalakad paakyat ng hagdanan.

Ngumisi si Kino bago tumango.
"Meron kaso kailangan mong mauna sa bundok at magdala ka ng ballpen at papel para makapag-usap sila." sagot ni Kino.

Tumango si Andy at inihanda ang kailangan. Dala niya rin ang pinapadala ni Kino pati na rin ang Polaroid camera.

Habang bumibiyahe ay hindi maiwasan ni Andy na humikab dahil sa antok habang katabi si Denum na nagbabasa ng libro. Si Entice naman ay katabi ni Kino, tahimik lang ito na nakakapanibago kay Andy.

"Bat ang tahimik mo, Entice? Uwing-uwi ka na ba?" biro ni Kino para maalis ang pagkabagot.

Tinaasan siya ng kilay ni Entice.
"Baka ikaw, mauna ka na." she said full of sarcasm.

Umirap sa kawalan si Kino.
"Bat ba ikaw ang katabi ko? May LQ ba kayo ni Denum?" tila pinipilit na lang na dumaldal ni Kino.

Hindi kumibo si Entice dahil sa naalala niyang sinabi ni Denum.

'Nakita ko ang ginawa mo, Entice. Subukan mong ulitin, mapipilitan akong tanggalin ka sa Club ko.'

Napalunok siya ng ilang beses bago sumulyap sa front mirror kung saan nakikita niya si Andy na papikit-pikit at katabi si Denum.

Kumuyom ang kamao ni Entice at dumilim ang mukha.
'Ano bang meron sa iyo at mukhang interesado sa iyo si Denum?' tanong niya sa kanyang isipan.

Papikit-pikit si Andy dahil naramdaman na naman niya ang kakulangan sa tulog. Hindi na niya napigilan na sumandal sa salamin habang nakapikit at dinala ng antok.

Abala sa pagbabasa si Denum nang mapansin na natutulog ang katabing dalaga. Sinulyapan niya ito ng tingin at napangiwi siya nang makita ang itsura nito na hinahalikan ang salamin ng sasakyan. Mabilis niyang kinuha ang camera na nakalabas sa bag na dala nito.

Lumayo siya ng kaonti at hinanapan ng anggulo ang dalaga bago kinuhaan. Nagpipigil siya ng tawa ng makita ang larawan bago itinago sa bulsahan niya at ibinalik ang camera sa bag ni Andy.

Nagising si Andy ng maramdaman na huminto ang sinasakyan. Mabilis niyang inayos ang sarili bago tumingin sa katabi na nagbabasa pa rin ng libro.

"Nakarating na ba tayo?" tanong niya rito. Imbes na sumagot ay inunahan siya sa pagbaba ni Denum.

Nakasimangot na bumaba si Andy na nilapitan kaagad ni Kino.
"Napasarap ka ng tulog ah, sana all." bungad ni Kino na ikinairap sa kawalan ni Andy.

"Monggiii.. Ang boring kasi kasama ni Denum, parang stuff toy lang. Maganda tingnan pero hindi makausap." naiiritang sabi ni Andy.

"Guys, narito tayo ngayon sa Spider Web Trail. Ito ang isa sa pinakabinibisita ng mga turista dito." panimula ng tour guide na nakilala nila bilang Marco. Itinuro nito isang Spider web na gawa sa makakapal na uri ng lubid.

Nanguna sa pagpunta roon ang mag-asawang sina Kris at Demmy na sinundan ni Andy para kaagad na makuhaan ng larawan.

"Try niyo po mahiga tapos kukuhaan ko kayo." suhestiyon ni Andy bago umalis sa Spider web trail para mas makuhaan ng magandang shot ang mag-asawa.

"Sumama kayo sa amin. Gusto ko may litrato tayo habang nakaupo rito." pag-aaya ni Kris kaya inabot ni Andy sa tour guide ang camera at hinayaan na kuhaan sila.

Napatingin si Andy sa kamay ni Kino na nakaakbay sa kanya habang nasa kabilang gilid niya si Denum na walang reaksyon habang nakatingin sa camera. Katabi ni Denum si Entice na pinilit na ngumiti kahit naiilang.

Nang matapos ang pagkuha at umalis ang mag-asawa kasama si Entice ay binalingan ni Andy si Kino.
"Mahiga tayo tapos magpakuha tayo ng larawan na tatlo." pag-aaya niya bago bumaling kay Denum na akmang tatayo na.

Hinawakan ni Andy si Denum sa braso bago muling pinabalik sa pagkakaupo sa tabi niya at sumenyas sa tour guide na kuhaan sila ng larawan. Hindi nakagalaw si Kino at Denum ng akbayan sila ni Andy at hinila sila pahiga sa Spider web.

"HaHaHaha!" tawa ni Andy habang nakaakbay pa rin sa dalawa na nakatulala. Mabilis na tumayo si Andy at kinuha ang camera sa tour guide.

"Kayong dalawa naman.." utos niya sa dalawa na mabilis na ikinailing ng mga ito. Ngunit bago pa sila makatayo ay nakuhaan na sila ng larawan ni Andy.

"Ang cute niyong magkapatid.." komento ni Andy habang tinitingnan ang larawan.

Nagkatinginan ang dalawa bago parehong kinilabutan at umiwas ng tingin.

Nang matapos ang papunta nila sa Spider web trail ay sunod naman nilang pinuntahan ang Regina Rica shrine at nagdasal roon. Papasok palang ay narinig na ang tawa ni Kino.

"Ingat ka, Denum. Baka tablan ka ng dasal." biro nito kaya siniko siya ni Andy.

Hindi kumibo si Denum na katabi ni Demmy at hinayaan lang si Kino na tumawa. Nang matapos sila ay dinala sila ng tour guide na si Marco sa Calinawan Cave.

Namamangha si Andy habang kinukuhaan ng larawan ang mga napupuntahan nila ngunit mas kinukuhaan niya ang mag-asawa.

"Kumain muna tayo bago tayo pumunta sa dalawang huling destinasyon natin." nakangiting sabi ni Kris na mukhang nagustuhan ang nangyayari.

Nagpahinga sila at kumain ng mga iniluto ni Demmy. Nang makapagpahinga ay kaagad silang dumiretso sa napakalawak na lugar kung saan nagtataasan ang mga Wind Mill.

"Picture!" paanyaya ni Andy bago itinaas ang camera at kumuha ng mga larawan.

"Alam mo, Andy. Kahit ilang libo pa ang kunan mo na kasama ka namin. Hindi no'n mababago na sampid ka lang sa vacation trip na ito." mahinang sabi sa kanya ni Entice habang abala ang iba sa pakikinig sa tour guide.

Patuloy lang sa pag-ayos ng mga larawan si Andy at hindi pinansin ang sinabi ni Entice.

"Bakit ba ang dali mong nauto ang mga kamag-anak ko? Dinaan mo siguro sa pag-arte, Pilay." naiiritang sabi ni Entice.

Tumingin sa kanya si Andy bago malawak na ngumiti.
"Kapag naiingit raw ang aso ay tumatahol. No wonder why are you talking too much." paika-ikang lumapit si Andy kay Entice. "Kung naiingit ka, 'wag ka tumahol na parang aso. Magsalita ka na parang tao para maintindihan kita."

Namumutla si Entice dahil sa inis habang sinusundan ng tingin si Andy na kausap ni Kino.

"May araw ka rin sa akin, Pilay. Sa ngayon, hindi muna kita papatulan." nakangising sabi ni Entice.

"Bat kailangan ng blindfold, Tito Kris?" tanong ni Andy habang dahan-dahang humahakbang at nakahawak sa mga braso ng nasa unahan niyang si Kino.

"Secret nga, Andy." sagot ni Kris habang hawak ang kamay ng asawang si Demmy at nahuhuli sa paglalakad.

Hiniling kasi ng mag-asawa na magsuot ang apat ng blindfold dahil surpresa ang huli nilang pupuntahan, kinuha rin nito ang mga gamit nila. Huminto si Denum sa paglalakad kaya nahinto si Entice na kasunod nito. Nahinto rin si Kino at dahil sa kadaldalan ni Andy ay nauntog siya sa likuran ni Kino.

"Aw, ang sakit!" daing niya.

Napaharap naman si Kino kay Andy at dahan-dahan hinawakan ang dalaga sa mukha.

"Sorry..." paghingi nito ng tawad bago tumungo ang mga kamay sa noo ni Andy. "Nasira na ba ang paliparan ng Pilipinas?" natatawang sabi nito na ikinainis ni Andy at sinuntok ito ng mahina sa dibdib.

"Monggii.." bulong ni Andy bago natawa.

Nagkatinginan sila Demmy at Kris bago nangingiting tumingin sa dalawa.

"Tama na harutan.. Malapit na tayo." sabad ni Demmy bago pinaayos ang dalawa at muling naglakad.

Nang makarating sa destinasyon ay nagsenyasan ang mag-asawa at ang tour guide bago sabay-sabay na tinulak ang apat sa tubig. Dahil sa pagkabigla ay kaagad na tinanggal ng apat ang blindfold at bumungad sa kanila ang napakagagandang lugar na..

"Daranak falls!!" sabay na sigaw nilang apat bago lumangoy.

Si Kino naman ay mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ni Andy para alalayan itong hindi malunod.

Dumiretso kaagad sila sa ilalim ng talon at sinulit ang magandang tanawin at malinis na tubig.

Hindi makalangoy ng malalim si Andy kaya pinanood niya na lang ang tatlo habang nasa mababaw siyang bahagi. Naramdaman niya ang pag-upo ni Demmy sa kanyang tabi kaya nginitian niya ito.

"Mukhang nag-e-enjoy po ang mga anak niyo sa surpresa niyo." panimula ni Andy.

Tumango si Demmy bago bumaling sa kanya.
"At pasasalamat ko iyon sa iyo, sinabi sa akin ni Denum na ikaw ang pumilit sa kanya. Salamat sa tulong mo, maiiwan ko siyang muli na masaya." sabi ni Demmy bago hawakan ang kamay ni Andy. "Sana alagaan mo ang dalawang anak ko lalo na si Denum, kahit may ugali ang anak ko ay masasabi ko na mabait siya."

Tumango si Andy bago ngumiti.
"Narito naman po kami ni Kino para sa kanya. 'Wag kayong mag-alala." paniniguro ni Andy kahit naalala niya ang sinabi kay Kino na hindi niya magiging ka-close si Denum.

Natapos ang araw na sinulit ng lahat ang mga nangyari. Katulad ng napag-usapan ay pumunta kaagad si Andy sa bundok.

Inilabas niya ang notebook at ballpen bago inikot ang paningin.
"Sana narito ka.." bulong ni Andy.

Ilang sandali pa ay dumating na si Kino kasama ang tour guide na si Marco. Nilapitan siya ng mga ito.

"Sigurado ka ba na dito nawala yung phone mo?" bungad ng tour guide na si Marco.

Tumaas ang kilay ni Andy bago sinulyapan si Kino na tumango sa kanya.

"Ah, Oo.. Kahapon pa namin hinahanap kaso ito na lang ang hindi namin napuntahan." tugon ni Andy.

Habang nagpapanggap na naghahanap ay lumapit si Kino kay Andy.
"Nandito na siya.." bulong ni Kino bago tumingin sa kaluluwa na nasa tabi ni Marco.

Lumapit si Andy kay Marco at kasabay nito ang paghiwalay ng kaluluwa ni Andy sa katawan niya. Nagulat si Marco at akmang tutulungan si Andy ng unahan siya ni Kino.

Kinuha ni Andy ang papel at ballpen na ikinagulat ni Marco dahil nakakita siya ng lumulutang na bagay.

"Ano 'to?" kinakabahang tanong ni Marco kay Kino.

"Kami ang Paranormal Club at may gustong kumausap sa iyo, Marco." tanging nasabi ni Kino.

Inabot ni Andy sa kaluluwa ang mga hawak bago hinayaan ang babae sa pagsusulat.

Nagsulat ang babae bago ipinakita sa kaharap ang notebook.

"Hi sweety.." namilog ang mata ni Marco sa nabasa at may itinuro sa harapan niya.

"Chesca.." hindi makapaniwalang sabi ni Marco.

"Nakilala ka niya.." sabi ni Andy sa babae na nagngangalang Chesca dahil alam niyang hindi ito narinig ng babae.

Napangiti si Chesca bago muling nagsulat at ipinakita sa lalake.
"Bakit mo ako niloko?" naningkit ang mata ni Marco bago umiling.

"Hindi ko kayang sagutin.." pagtanggi ni Marco na ikinakunot ng noo ng tatlo. Inuulit ni Andy ang mga sinasabi ni Marco para maintindihan ni Chesca.

Naluha si Chesca bago muling nagsulat at ipinakita sa lalake.
"Kasi hindi mo talaga ako minahal?" mariing umiling si Marco.

"Mahal kita at hindi nagbago iyon." sagot ni Marco.

"Kung ganoon, bat ayaw mong sagutin ang huli niyang tanong?" sabad ni Kino.

"Kapag nalaman mo ang rason, baka iwan mo ako sa ikalawang pagkakataon." naluluhang ngumiti si Marco. "Alam kong narito ka, ramdam ko. Pero wala akong magawa para makausap ka kasi hindi ko alam kung paano."

Napakagat ng labi si Chesca. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

Hinawakan ni Andy ang kamay ni Chesca para pakalmahin ito. Si Kino naman ay mas lumapit kay Marco.

"Hindi siya makakaalis rito kung patuloy mong itatago ang katotohanan, nahirapan na siya bago siya mamatay. Huwag mo na siya pahirapan ngayong patay na siya." mahinang sabi ni Kino.

Napayuko si Marco bago umiling at tumingin kay Chesca.
"Kasalanan ko lahat, I am very sorry.. That was all a prank of my friends. Nung bachelor party namin ay pinainom nila ako ng drugs para tablan ako at itinabi sa isang babae. May nangyari pero hindi ko iyon ginusto. Totoo.. Labis kong pinagsisihan ang nangyari sa iyo kaya umalis ako sa Opisina at nagtrabaho rito para makasama ka. Iniwan ko lahat pati mga kaibigan ko dahil mahal kita." paglalahad nito ng kwento.

Tahimik na nakatingin si Chesca bago ngumiti at nagsulat sa papel. Ipinakita niya iyon kay Marco. Napaluhod si Marco bago humagulgol dahil sa nabasa.

Napapikit si Andy ng maaninag ang liwanag. Narinig niya ang pagkahulog ng papel at ballpen bago dahan-dahan dumilat. Nawala na si Chesca pero iniwan niya ang mga letra na nagpangiti kay Andy.

'Thank you, I love you, I'm sorry. You're forgiven.'

"She forgive and forget even the pain she received is the reason why she died." sabi ni Kino habang nasa tabi ni Andy.

@mayora

Awtsue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top