CHAPTER 14
FIVE SENSES
CHAPTER 14: HIKING
HUMINTO sa isang malaking resort ang Van na sinasakyan nila Andy. Ilang oras rin ang inabot bago sila nakarating sa lugar.
"Mga anak, aayusin muna namin yung reservation natin bago tayo pumasok kaya maghintay muna kayo, okay?" paalala ni Demmy sa mga bata.
Ngumiti si Andy at tumango. Si Denum naman ay hindi kumibo at sinuot ang itim na face mask, habang si Kino ay mahimbing pa rin na natutulog sa balikat ni Andy.
"Sige po, Tita Dem." masayang sabi ni Entice. Bumaba na ang mag-asawa at pumunta sa kung saan.
Napairap sa kawalan si Andy.
"Entice, ang bida-bida.." naiirita na bulong ni Andy.
Napansin niyang may nakatingin kaya sinulyapan niya ang side mirror. Nakita niya ang mga mata ni Denum na nakataas ang kilay sa kanya. Pinilit niyang ngumiti nang maalala na papakisamahan niya ang binata.
'Monggii.. Makakaya ko ba?' nagdadalawang-isip niyang tanong sa isipan.
Naalis ang tinginan ng dalawa ng maramdaman ni Andy ang pagyakap ni Kino sa kanya. Nanlaki ang mga mata at naalarma kaya mabilis niyang inalis ang kamay ni Kino. Ngunit maya-maya lang ay muli na naman itong yumakap kaya sumama na ang timpla ng mukha ni Andy at buong lakas na tinulak si Kino. Nasubsob naman sa salamin ang mukha ni Kino kaya nagising ito at nakakunot ang noo na tiningnan si Andy.
"Ang sakit ah." nakangusong sabi nito.
Pinilit ngumiti ni Andy bago mag-peace sign. Saktong dumating naman ang mag-asawa.
"Nakahanda na yung mga rooms niyo kaya bumaba na kayo dahil ibababa na nila ang mga gamit." pambungad ni Kris habang may kasamang mga staff ng resort.
Mabilis na bumaba si Andy at inilibot ang tingin sa paligid. Bumungad sa kanya ang matataas na bundok at mapupunong bahagi nito. Isama na ang mahamog na kalangitan ngunit kumakaway ang sikat ng araw. Hindi maiwasang mapangiti ni Andy habang tinititigan ang pagpapakita ng araw.
"Maganda ba?" tanong ni Kino na nasa gilid niya.
Tumango si Andy.
"Magandang mag-picture kaso wala akong cellphone." dismayadong sabi niya kay Kino.
Tumango si Kino bago may inilabas sa bulsa. Namilog ang mata ni Andy sa nakita.
"Woah, isang Polaroid camera.." namamangha na sabi ni Andy.
Iniabot ito ni Kino sa kanya.
"Naisipan kong bumili dahil naalala ko na wala kang phone, ingatan mo iyan dahil bigay ko na iyan sa 'yo."
Malawak ang ngiti na tinanggap ni Andy ang Polaroid Camera at hindi makapaniwalang tiningnan si Kino.
"S-sigurado ka, Kumag? Bigay mo na 'to sa akin?" tanong ni Andy.
Ngumiti si Kino bago isinuot kay Andy ang hood ng jacket nito.
"Medyo malamig pa, dapat mag-ingat ka rito." paalala nito.
Tumango si Andy bago sinubukan ang camera at kinuhaan ang magandang sikat ng araw. Nakangiti lang na pinapanood siya ni Kino. Napansin ni Kino na may nakatingin kaya kaagad niyang sinulyapan si Denum na umiwas ng tingin.
Namamangha na ipinakita ni Andy kay Kino ang larawan na lumabas.
"Ang ganda 'no?" malawak ang ngiti na sabi ni Andy.
Tumango si Kino.
"Mag-picture tayo, Kumag." sabi ni Andy.
Tumaas ang dalawang kilay ni Kino.
"Why?"
"Para may remembrance tayo ng pagkakaibigan natin." paliwanag ni Andy bago tumingin sa puwesto nina Denum at nilapitan ito.
"Pwede mo ba kaming kuhaan ng larawan?" tanong niya kay Denum na nakatakip ng face mask ang mukha.
Kukuhain na sana ni Denum ang camera nang unahan siya ni Entice.
"Sige.. Basta kuhaan mo rin kami ni Denum." nakangiting sabi ni Entice.
Nawala ang ngiti sa labi ni Andy bago tumango.
"Ah, okay.."
Muling lumapit si Andy kay Kino at nag-peace sign. Si Kino naman ay nag-peace sign rin sa camera.
"Tapos na.." wika ni Entice habang hinihintay na lumabas yung larawan.
"Isa pa.. Twist bomb naman." suhestiyon ni Kino bago nakipagtwist bomb kay Andy. Pareho silang natawa matapos makuhaan.
Nang iabot ni Entice ang mga larawan sa kanila ay nagbigay pa ng isa si Kino.
"Isa pa... Heart naman." suhestiyon nito.
Kumunot ang noo ni Andy ganoon rin ang kay Denum na tahimik silang pinagmamasdan. Tumango naman si Entice.
"Sige, kukuhaan ko uli kayo." pumwesto itong muli.
Si Kino naman ay inakbayan si Andy bago kumorte ng kalahating puso. Samantalang si Andy naman ay nag-peace sign.
Nang ibigay sa kanila ang ikatlong larawan ay kaagad na sumimangot si Kino sa nakita.
"Bat hindi ka nagheart sign? Peace ang wala." napailing na sabi ni Kino.
Mahinang tumawa si Andy bago sinuntok sa braso si Kino.
"Hindi naman tayo magjowa." tanging nasabi ni Andy.
"Required ba iyon?" walang ideya na tanong ni Kino.
Inirapan lang siya ni Andy.
"Sige, kami naman ni Denum ang kuhaan niyo ng larawan." masayang sabi ni Entice habang hinihila si Denum sa pinagpuwestuhan nila Andy.
Tumango si Kino bago kinuha ang camera kay Entice.
"Game.." sabi nito.
Malawak na ngumiti si Entice bago niyakap si Denum na walang ginawa kundi tumingin kay Andy na nakatingin sa pagkuha ni Kino.
"Itaas mo yung hawak mo sa camera para makuhaan rin yung sikat ng araw." puna ni Andy kay Kino.
Tumango si Kino at inayos ang pagkuha.
"Tapos na.." sabi niya sa dalawa.
"Isa pa, gusto ko naman ay nakafinger heart kami." sabi ni Entice kay Kino. Tumango si Kino.
Kumunot ang noo ni Andy.
"Ang demanding naman nito.." bulong niya.
Habang nakayakap pa rin ang isang braso kay Denum ay nagfinger heart si Entice.
"Gayahin mo ako, Denum." pamimilit nito sa binata.
Umirap sa kawalan si Denum bago itinaas ang kamay. Nagpipigil ng tawa si Andy nang makita ang itinaas ni Denum.
Nang ibigay kay Entice ang dalawang larawan. Dismayado itong tumingin kay Denum.
"Bat middle finger ang itinaas mo? Finger heart nga eh." malungkot na sabi nito.
Nagkibit-balikat si Denum.
"Maganda ang meaning niyang larawan, 'Fuck that love'." paliwanag nito bago bumalik sa Van at tumulong sa pagbaba ng mga gamit.
Parehong kumunot ang noo nina Kino at Andy bago nagkatinginan at ginaya ang sinabi ni Denum.
"Fuck that love.." pareho nilang sabi bago nag-apir at tumawa.
"Pumasok na tayo sa loob." pag-aaya ni Demmy na nauna ng pumasok sa resort.
Sinalubong sina Andy ng napakalaking swimming pool na nasa gitna ng mga hotel. Inilibot ni Andy ang paningin, manghang-mangha sa nakikita.
Huminto sila sa isang malaking bahay. Nakangiting humarap sa kanila si Kris.
"Ito ang magiging resthouse natin. May lima itong kwarto at tatlong comfort room." sabi ni Kris bago ipinakita ang limang susi.
Binigyan niya ng isa-isa sina Denum, Andy, Kino at Entice. Tiningnan nila ang mga susi bago muling ibinaling ang tingin kay Kris.
"Hanapin niyo na ang mga kwarto niyo at ayusin ang mga dala niyo, pagkatapos niyo ay magbre-breakfast na tayo. Naiintindihan niyo ba?" nakangiting sabi ni Demmy.
Tumango ang lahat bago kinuha ang kanya-kanyang bagahe. Napatingin si Andy kay Kino na kaagad binuhat ang bag na dala niya.
"Ako na, halata naman na nahihirapan ka pang humakbang." tugon ni Kino ng bigyan siya ng naguguluhang mukha ni Andy.
Hindi na nagsalita si Andy at sinulyapan si Entice na humihingi ng tulong kay Denum kahit magaan lang ang dala niyang bag. Hindi ito pinansin ni Denum at inunahan silang pumasok sa bahay.
Napangisi si Andy nang masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Entice. Inunahan siya ni Entice na pumasok sa pintuan.
Sinalubong sila ng magandang sala kung saan nakaupo ang mag-asawa. Sinundan ni Andy si Kino na umakyat sa hagdan. Namali siya ng hakbang at madudulas na nang hawakan siya ni Kino sa braso.
Magkasalubong ang mga kilay ni Kino.
"Sabi ko sa iyo, mag-iingat ka rito."
Pinilit na ngumiti ni Andy bago tumango. Nang makarating sa ikalawang palapag ay sinubukan na ni Andy ang susi sa unang kwarto ngunit hindi gumana. Sinubukan niya iyon sa dalawang kasunod ngunit hindi bumukas.
Napatingin siya sa pinakadulo kung saan may dalawang magkatapat. Napangiti siya ng bumukas sa isa sa mga kwarto. Nakarinig siya ng bumukas na pinto kaya tiningnan niya ang katapat. Medyo tumaas ang kilay niya ng makita si Denum na mabilis na pumasok ng kwarto.
"Magkatabi tayo." masayang sabi ni Kino bago ibinigay sa kanya ang gamit niya. "Ayusin mo na ang gamit mo, hihintayin kita sa baba." bilin nito bago pumasok ng sariling kwarto.
Napangiti si Andy at mabilis na inayos ang mga gamit. Pagkalabas ng pinto ay sinalubong siya ni Denum na may suot pa ring face mask.
"Bakit?" tanong niya.
Ipinakita ni Denum ang cellphone bago pinindot ang isang recording. Napangiwi si Andy nang marinig ang pag-uusap nila nung nakaraang gabi.
"Oo, hindi ko naman kinalimutan. Kaso kasama mo si Entice, hindi pa ba sapat presensya niya?" biro ni Andy.
Kumunot ang noo ni Denum kaya mabilis na umiling si Andy.
"Biro lang.. Sige, sasamahan na kita." tanging nasabi ni Andy bago nauna na bumaba.
Nakita niya naman kaagad si Kino na nag-aabang sa gilid ng hagdanan. Nakangiti itong sinalubong siya.
"Ang tagal mo naman bumaba." reklamo nito.
"Ah, kasi.."
Hindi na natuloy ni Andy ang sasabihin nang makita ni Kino na nasa likuran niya si Denum. Kumunot ang noo ni Kino at nakasimangot na lumabas ng resthouse.
Napangiwi si Andy at sinulyapan si Denum na walang reaksyon.
"Bat ka nakaface mask?" pag-iiba ni Andy ng mood.
"Trip ko lang." tipid na sagot nito.
"Ah, okay.." pinilit na ngumiti ni Andy dahil medyo naiilang siya na samahan si Denum.
Nakarating sila sa isang cottage kung nasaan ang apat na kasama nila ang nagsisimula ng kumain. Magkatabi sina Kino, Kris at ang asawa na si Demmy. Si Entice naman ay masama ang tingin na binigay sa kanila.
"Andy, Denum! Kumain na kayo.. Marami pa tayong pupuntahan pagkatapos natin makapagpahinga." maganang sabi ni Kris habang sinusubuan ng asawa sa pagkain.
Ngumiti si Andy at mabilis na inilabas ang camera na nasa bulsahan niya lang. May pumasok sa kanyang ideya.
"Pwede ko po ba kayong kuhaan bilang isang pamilya?" masayang tanong niya sa mga kumakain.
Huminto sa kanya-kanyang ginagawa ang apat.
"Sige, ayos lang." sagot ni Demmy.
Tumingin siya kay Denum bago ngumuso sa mga magulang nito.
"Tumayo ka sa tabi ng mga magulang mo." utos niya rito.
Binigyan siya ng hindi makapaniwalang ekspresyon nito. Hinila ni Andy ang suot na mask ni Denum kaya natanggal iyon.
"Pumunta ka na sa tabi nila para makakain na tayo." pamimilit niya rito.
Inirapan siya nito bago walang gana na nilapitan ang mga magulang at tumingin kay Andy. Nagulat si Andy ng mabilis na tumayo si Entice at tumabi kay Denum.
"One.. Two.. three.." pagka-click ni Andy ay saktong niyakap ni Entice si Denum.
Napangiwi si Andy dahil hindi masyadong maganda ang kuha.
"Isa pa po.. Pero sana ay wala ng extra movements para hindi pumanget ang kuha." sabi niya bago muling kinuhaan ang pamilya.
"Sumama ka sa susunod na picture, Andy." pag-aya sa kanya ni Kino.
Tumango si Andy bago itinaas ang camera at nagsalita.
"One, two, three.. Say cheese!" nakangiting sabi ni Andy.
"Cheese!" tugon ng apat, maliban kay Denum.
Matapos nito ay saka niya lang ibinalik ang face mask ni Denum.
Nang makatapos kumain at makapagpahinga ay kaagad na may pumunta sa kanilang tour guide. Sinabi nito ang mga pupuntahan nilang destinasyon pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Nagdala sila ng bag na may laman na tubig, pagkain, ilaw, pito at mapa para hindi sila mawala. Ngunit hindi kinalimutan ni Andy na dalhin ang camera.
"Ang una po natin na pupuntahan ay ang Treasure mountain Sea of Clouds." panimula ng tour guide bago nauna sa kanilang paglalakad.
"Andy.." tawag ni Kino ng mapansin nito na nahihirapan sa paghakbang si Andy. "Kaya mo pa ba o bubuhatin na kita?"
Umiling si Andy.
"Huwag na, kaya ko naman." pagtanggi niya.
Tumango si Kino at aalalayan sana siya sa paglalakad ng magsalita si Denum.
"Ako na ang bahala sa kanya.." sabad ni Denum.
Kumunot ang noo ni Kino.
"Baka ipahamak mo lang siya kagaya nung nakaraan." naiinis na sabi ni Kino.
Napangisi si Denum.
"Ikaw lang naman ang may dala ng kamalasan sa mga miyembro mo."
Napatiim-bagang si Kino at kinuwelyuhan si Denum.
"Anong sabi mo?!"
Mabilis silang nilapitan ni Kris at ng tour guide para paghiwalayin. Nilapitan ni Andy si Denum.
"Kumalma ka, Kumag. Ayos lang ako." pagpapakalma ni Andy.
Pinilit kumalma ni Kino bago nauna sa paglalakad. Malungkot na pinanood ni Andy si Kino.
"Humawak ka sa braso ko."
Tumingin siya kay Denum na nakasuot na ng face mask at inaalok ang braso nito ngunit umiling si Andy.
"Hindi na. Kaya ko ang sarili ko." pagtanggi niya at paika-ikang humakbang.
Lumapit si Entice kay Denum at bumulong.
"Tingnan mo ang pilay na iyon, tinutulungan mo na nga ay ayaw pa." naiiritang sabi ni Entice.
Hindi kumibo si Denum at sumunod na kay Andy.
Nang makarating sila sa itaas ng bundok ay namangha sila ng makita ang mga ulap na mukhang alon habang kita ang araw sa gitna nito. Mas maganda ang bahaging ito dahil nasa itaas sila ng bundok.
Mabilis na kinuhaan ni Andy ng litrato ang nakikita.
"Andy, mag-ingat ka baka mahulog ka." paalala ni Demmy bago nakinig sa sinasabi ng tour guide.
Nagpatuloy si Andy sa pagkuha at akmang lalapitan niya si Denum ngunit nahinto siya ng may maramdaman na kakaiba. Nakaramdam siya ng hilo at sa isang iglap ay naramdaman niya na nahuhulog siya sa mataas na bundok.
Nang bumagsak siya sa isang puno ay dumiretso siya sa lupa. Mariin siyang napapikit at pilit na dinadama ang sakit ngunit laking-gulat niya ng wala siyang maramdaman. Mabilis niyang idinilat ang mga mata at napanganga ng mapagtanto na isa siyang kaluluwa.
Dahil sa inis na nararamdaman ay hindi nabantayan ni Kino si Andy at mas itinuon ang atensyon sa pakikinig sa tour guide. Tumaas ang isang kilay niya ng may makita siyang babaeng nakaputing gown na biglang nawala.
"May namatay ba rito?" biglang tanong ni Kino.
Natahimik ang tour guide bago wala sa sariling napatango.
"Oo, ang nobya ko." sagot nito.
Namilog ang mata ni Kino at mabilis na hinanap ng mata si Andy na papalapit kay Denum. Nahinto si Kino ng makita na lumapit kay Andy ang babaeng kaluluwa.
Kitang-kita niya kung paano nahinto sa paglalakad si Andy at mabilis na humiwalay ang kaluluwa sa katawan nito. Ngunit mas kinabahan siya sa pagkahulog ng kaluluwa ni Andy sa mababang bahagi ng bundok.
"Hindi! Andy!" sigaw niya habang patakbong tinungo ang pinaghulugan ni Andy ngunit nawala ito sa paningin niya dahil natakpan ng mga puno.
"Oh my gosh! What happened?!" natatarantang tanong ni Demmy sa asawa.
Mabilis nilang pinuntahan ang katawan ni Andy na walang malay. Tumawag ng tulong sa cellphone ang tour guide bago binuhat ang katawan ni Andy. Si Denum naman ay tahimik na pinapanood ang nangyayari habang nakayakap sa braso niya si Entice na tila natatakot sa nangyari.
Nagkatinginan sina Denum at Kino. Umiling si Kino bago lumapit sa katawan ni Andy.
"Nawawala ang kaluluwa ni Andy." mahinang sabi ni Kino ngunit sapat na para mabasa ni Denum.
----END OF CHAPTER 14----
Hala?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top