CHAPTER 12
CHAPTER 12: MAZE
"Ang banda nila ay galing sa Music Club. Tinatawag ang banda nila bilang Maze. Binubuo ng mga third year students na sina Alu, Gus, Krem at ang nag-iisang babae na si Lylia." pakilala ni Kino sa mga taong nasa larawan na hawak ni Andy.
"So, Krem pala talaga ang pangalan niya?" mahinang tanong ni Andy sa sarili.
Hindi maiwasan na mapangiti ni Andy habang tinitingnan ang larawan ng lalake na may hawak na gitara, si Krem. Kaagad iyon napansin ni Kino kaya kinuha niya kay Andy ang mga larawan.
"Umamin ka nga, may gusto ka ba sa gitarista nila?" kunot-noong tanong ni Kino.
Namilog ang mata ni Andy bago umiling.
"Wala ah. Nagandahan lang ako sa paraan ng pagkanta niya. Isama mo na rin yung paraan niya ng paggigitara.." tila kinikilig na sabi ni Andy.
Nagpantay ang mga kilay ni Kino bago hinampas sa noo ni Andy ang mga litratong hawak niya.
"Kunwari ka pa, halata naman na gusto mo siya." napapailing na sabi ni Kino.
Hinampas ni Andy si Kino sa braso.
"Hindi nga, sabihin na natin na na-attract ako sa kanya pero hindi ko siya crush.. Hindi pa."
Napangiwi si Kino bago tinulak ng mahina si Andy.
"Maharot ka.." masama ang timpla ng mukha ni Kino.
Muntik na matumba si Andy. Mabuti na lang at nakahawak siya sa braso ni Kino.
"Biro lang, Kumag." natatawang sabi ni Andy.
Inirapan siya ni Kino bago inalis ang hawak ng kamay niya sa braso nito.
"Yay. Huwag mo nga ako lokohin, alam ko naman na type mo siya." diretsahang sabi ni Kino.
Napahalukipkip ang mga braso ni Andy.
"Yeah, okay. Type ko siya pero wala akong crush sa kanya. Siya lang ang ideal guy ko."
Sinamaan ng tingin ni Kino si Andy.
"What's the difference?"
Napaisip si Andy.
"Crush is an inspiration, Ideal guy is just an attraction."
Hindi kumibo si Kino.
"At lilinawin ko lang na hindi ko siya gusto. Siya lang yung perfect example ng pwede ko na magustuhan." paglilinaw ni Andy.
Nagkibit-balikat si Kino.
"Okay.." at umupo sa isang sofa.
"Back to the topic, ano ang gagawin natin para maibestigahan ang banda na maze?" pag-iiba ni Andy ng usapan.
Inayos ni Kino ang sombrero sa ulo bago ngumisi kay Andy.
"May gig sila sa isang mini bar tuwing biyernes. Manonood tayo." sabi nito bago ipinakita ang isang ticket.
Lumiwanag ang mukha ni Andy at mabilis na lumapit kay Kino.
"Seryoso ka?"
"Hindi. Ako lang ang pupunta, nakita mong isa lang ang hawak ko." seryosong sagot ni Kino.
Sumimangot si Andy.
"Monggiii.. Bat ikaw lang?" dismayadong tanong nito.
Ngumiti na parang aso si Kino.
"Mahihimatay ka lang.."
Umiling si Andy.
"Babantayan mo naman ako kaya walang makakalapit na kaluluwa."
"Hindi naman sa kaluluwa eh." umiiling na sabi ni Kino. "Kapag nakita mo si Krem. Baka mahimatay ka sa kilig."
Napanguso si Andy bago sinuntok sa braso si Kino.
"Alam mo, madamot ka." singhal ni Andy.
Ngumiti si Kino.
"Alam mo, maharot ka."
"Kumag.." bulong ni Andy. "Ano ang gagawin ko habang nagpapakasaya ka bukas?"
"Puntahan mo si Denum."
Sinamaan ni Andy ng tingin si Kino.
"Seryoso." tugon ni Kino. "Gusto kasi ni Mommy at Daddy na makasama sa dinner si Denum bukas. Gusto nila na ayain ito na magbakasyon for two days sa isang resort sa Tanay at balak gumala roon bago sila umalis next monday."
Muling lumiwanag ang mukha ni Andy.
"Pwedeng sumama?"
"Natural. Wala naman tayong gagawin sa bahay e." sagot ni Kino.
Napalakpak si Andy.
"Sige, ako na ang kakausap kay Kino."
Tumango si Kino bago nakipag-twist bomb kay Andy.
Nang makabalik si Andy ay nag-isip na agad siya ng paraan para mapilit si Denum. Nang matapos ang klase ay kaagad siyang dumiretso sa Detective Clubroom.
Nakataas ang kilay na sinalubong siya ni Entice.
"Ano na namang dahilan ng pagpunta mo rito?" halata ang pagkairita sa boses nito.
Ngumiti si Andy bago lumapit.
"Gusto ko makausap si Denum." tipid niyang sagot.
"Para ano? Masaktan mo ulit siya? Hindi ako papayag." matapang na pagtanggi nito.
Napataas ang kilay ni Andy bago umiling.
"Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo.." paika-ika siyang humakbang gamit ang saklay.
Nahinto siya ng humarang si Entice.
"Hindi ka pwedeng pumasok."
Napatiim-bagang si Andy dahil napipikon na siya bago nakataas ang isang kilay na tinitigan si Entice.
"Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag hindi ka umalis diyan." banta ni Andy.
Sakto naman na pagbukas ng pinto at pumasok si Rizalino. Namilog ang mata nito habang nakatingin sa kanila.
"What's going on?" walang ideya na tanong nito.
"Nothing/Wala!" sabay na sagot ng dalawang babae bago masama ang ipinukol na tingin sa isa't-isa.
Napangiwi si Rizalino bago kinuha ang naiwan na bag at naglakad palabas ng pinto.
"Okay.." huling sinabi nito bago lumabas.
"Anong gagawin mo? Bring it on, Pilay!" paghahamon ni Entice.
Napakagat ng labi si Andy bago iniangat ang saklay at malakas na inipit sa sapatos ni Entice.
"Ouch!" daing ni Entice habang pinipilit na alisin ang pagkakaipit ng saklay ni Andy.
"Ah, pilay pala?" nakangising sabi ni Andy bago itinaas ang saklay at hinayaan si Entice na dalhin ang sakit ng paa na dulot ng saklay.
Kaagad siyang pumasok sa kwarto kung nasaan si Denum. Nakita niya ito na may tinatahing kung ano na kaagad nitong tinago.
"Anong ginagawa mo rito?" medyo gulat na tanong nito.
"Didiretsuhin na kita dahil ayaw kitang makausap ng matagal. Pinapunta ako ng mama mo para ayain ka na sumama sa dinner bukas." mabilis na sabi ni Andy dahil ayaw niyang makita si Denum.
Ayaw niyang maalala ang ginawa nito nung nakaraang araw.
'Magnanakaw na maninirang demonyo.' bulong niya sa kanyang isipan.
Itinaas ni Denum ang mga paa sa mesa bago umiling.
"Paano kung ayaw ko?" tanong nito kay Andy.
Ngumiti si Andy.
"Edi wag. Anong akala mo pipilitin kita?" nang-aasar na sabi ni Andy at palabas na ng magsalita si Denum.
"Pupunta ako.. Pasabi kay Mama, ihanda ang paborito kong Adobo." pahabol ni Denum.
Palihim na ngumiti si Andy bago lumabas.
"Akala ko pahihirapan pa ako." bulong niya.
Nang palabas na siya ay hinarangan siyang muli ni Entice.
"Ano namang ginawa mo sa loob, Pilay?" pag-uusisa nito.
Ngumisi si Andy bago may naalala.
'May gusto nga pala 'to sa demonyo, maasar nga' sabi niya sa kanyang isipan.
"Inaya ko si Denum." tipid niyang sagot.
Tumaas ang isang kilay ni Entice.
"Inaya saan?"
Ngumiti si Andy.
"Na mag-date."
Kaagad na sumeryoso ang mukha ni Entice.
"Liar."
Napakibit-balikat si Andy.
"Edi itanong mo sa kanya." huling sinabi ni Andy bago tinabig si Entice para makalabas ng pintuan.
Kaagad na pumunta si Entice sa kwarto ni Denum. Naabutan niya ito na abala sa pananahi ng malaking stuff toy.
"What?" tanong ni Denum habang nakatingin sa tinatahi na laruan.
"Totoo bang inaya ka ni Andy at pumayag ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Entice.
Walang gana na tumango si Denum. Umawang ang bibig ni Entice.
"Bakit ka pumayag?!" naguguluhang tanong nito.
Huminto sa ginagawa si Denum bago sinulyapan si Entice.
"Si Mama at Tito Kris ang nagsabi."
Hindi nakapagsalita si Entice.
Nang makauwi si Andy nakangiting sinalubong siya ni Tita Demmy at Tito Kris na nag-uusap muli sa sala.
"O, Andy.. Bakit hindi mo kasama si Kino?" tanong ni Tito Kris.
"Mukhang may ginagawa pa po silang school activity kaya pinauna na niya ako." sagot ni Andy habang palapit sa puwesto ng mag-asawa.
"Ah, ganoon ba? Si Denum ba ay nakita mo?" tanong ni Tita Demmy.
Tumango si Andy.
"Opo, nasabi ko na rin po yung pinapasabi niyo at pumayag po siya. Pinapasabi niya po gusto niyang ihanda niyo ang paborito niyang adobo." kwento ni Andy.
Ngumiti si Tita Demmy. Mukhang nagustuhan ang narinig.
"Teka lang, bat ikaw ang nagsabi? Kay Kino namin inutos iyon?" nagtataka na tanong ni Tito Kris.
Pinilit matawa ni Andy.
"He he he.. Ako na po ang nagprisinta kasi alam niyo naman po na hindi maganda ang pagsasamahan nung dalawa." paliwanag niya.
"Ah, so kasundo mo pala si Denum? Hindi na ako mahihirapan na ireto siya sa iyo." biro ni Tita Demmy.
Umiling si Andy.
"Alam niyo po, mukhang hindi po ako ang tipo ng mga anak niyo. Huwag na po natin ipilit." pabirong sabi ni Andy.
Umiling ang mag-asawa.
"Nako, hindi kami naniniwala. Sa paraan ng pagtrato sa iyo ni Kino, iba e." hindi pagsang-ayon ni Tito Kris.
"Oo nga, pero mas grabe yung narinig ko nuong isang gabi. Nag-uusap kayo ni Denum sa loob ng kwarto mo, kakaiba iyon." nangingiting sabi ni Tita Demmy.
Nanlaki ang mata ni Andy at hindi makapaniwala sa narinig.
"A-alam niyo po na kasama ko si Denum?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy.
Tumango si Tita Demmy.
"Oo, alam kong pupunta si Denum kaya pupuntahan ko dapat siya kaso nag-uusap na kayo. So, hindi ko na kayo ginulo. Huwag kang mag-alala, hindi ako nakinig sa usapan niyo."
Napangiwi si Andy bago pinilit na ngumiti.
"Mabuti naman po.."
"Sigurado ka ba na kaya mong mag-isa?" tanong ni Andy kay Kino habang nasa Clubroom sila. "Pwede namang ako ang pumalit sa iyo.." pamimilit ni Andy.
Umiling si Kino.
"Can you stop? Masyadong obvious na patay na patay ka sa Krem na iyon." medyo naiirita na sabi ni Kino dahil kanina pa siya kinukulit ni Andy.
Napanguso si Andy.
"Hindi ko nga siya gusto.. Sadyang gusto ko lang mapanood na kumanta siya kasi ang galing niya."
Tumango si Kino.
"Hayaan mo, sa next gig ay isasama kita kapag nasiguro ko na hindi totoo ang nakita ko." pangako ni Kino. "Sa ngayon ay kailangan mong bantayan si Denum, panigurado na hindi magiging maganda ang pakikitungo niya sa ama ko." habilin ni Kino bago naunang lumabas ng Clubroom.
Tumango si Andy.
"Sige, ingat ka kumag.." paalam ni Andy.
Ngumiti lang si Kino bago sila naghiwalay ng landas. Papunta na si Kino sa gig ng Maze, habang si Andy ay pauwi na.
"Sabay na tayo.." medyo nagulat siya sa pagsulpot ni Denum sa gilid ng gate.
Hindi na kumibo si Andy at tahimik na naglakad.
"Bakit hindi mo kasabay umuwi si Kino?" tanong ni Denum.
"May aasikasuhin pa siya. Hindi siya makakasama sa dinner." sagot ni Andy habang hindi nililingon ang binata.
Tumikhim si Denum.
"Tungkol nga pala sa stuff toy.."
Huminto si Andy at walang gana na tiningnan si Denum.
"Hayaan mo na. Pakibalik na lang at ako na ang aayos dahil hinahanap na rin ni Kino."
Tumango si Denum. Nagsimula na muling maglakad si Andy.
"Pwede bang humingi ng pabor?" tanong ni Andy kay Denum na hindi ito tiningnan. "Sana huwag mong ipakita ang attitude mo sa harapan ng magulang niyo." dagdag ni Andy.
"Baka sa Papa lang ni Kino."
Tumango si Andy bago tumingin kay Denum.
"Kung iyon ang tingin mo. Gusto ko kasi na maayos ang dinner na hinanda ng mama mo para sa iyo. Pwede ba bilang ngayon lang kita makakasabay kumain?" pakiusap ni Andy.
Huminto si Denum at nakipagtitigan kay Andy.
"Sige.." tila nahihipnotismo na sabi ng binata bago muling naglakad.
Napangiti si Andy.
"Siguraduhin mo lang."
Nang makarating si Kino sa mini bar ay kaagad niyang napansin ang iilang tao na manonood. Dumiretso siya sa island counter at umorder ng isang bote ng Brandy.
"Bakit kaonti lang ang manonood sa kanila?" tanong ni Kino sa sarili.
"Ganiyan naman talaga rito, boss." sabad ng barista na nag-abot ng Brandy.
"Bakit? Magaling naman sila ah." may pagtataka na tanong ni Kino.
Tumango ang barista.
"Magaling nga sila pero nagmumukhang ritwal ang bawat performance nila." sagot nito kay Kino.
"Paano mo nasabi?"
Umiling ang bartender.
"Hindi ko po pwedeng sabihin, boss. Baka hindi ka na bumalik rito."
Nakangiting inilabas ni Kino ang isang libo. Mabilis naman tinanggap ng barista.
"Kasi kada performance ng banda ay may mga kababalaghan na nangyayari kaya nga malapit na ipasara itong bar." mahinang sabi nito.
Tumaas ang isang kilay ni Kino.
"Kung may kababalaghan na nangyayari, bakit may nanonood pa rin?"
"Kasi gusto nila ng kakaibang experience habang nanonood. Makikita niyo mamaya, boss." huling sinabi ng barista bago nagpatuloy sa ginagawa.
Ilang saglit pa ay nakita na ni Kino ang banda na magsisimula ng magperform. Kitang-kita niya ang mga tao mukhang hindi na makapaghintay sa kung anuman ang mangyayari.
Mataman na tinitigan ni Kino ang lalake na nakilala niya bilang 'Crush ni Andy'.
Napangisi siya.
"May itsura ka.." bulong niya bago tinungga ang bote. "Kaso mas guwapo ako."
Sunod naman niyang tiningnan ang babae na abala sa pag-aayos ng mikropono. Tumaas ang dalawang kilay ni Kino.
"Maganda siya.. Kaso hindi ko type ang maganda." napapailing na sabi nito. "Teka, maganda ba si Andy?"
Bigla niyang naitanong dala ng alak na iniinom.
Nang magsimula na ang gitarista sa pagpapatugtog ay nagtilian ang mga babae. Hindi iyon pinansin ni Kino at napairap sa kawalan.
"Yay. Panigurado na ganito rin ang magiging reaksyon ni Andy kung sinama ko iyon." naiinis na bulong niya. "Mabuti na lang at hinayaan ko siya sa bahay.."
Nang magsimula ng kumanta ang babae. Namilog ang mata ni Kino ng makita na dumarami ang tao.
Naningkit ang mata niya at napailing. Hindi tao ang nakikita niya, mga kaluluwa na nakikinood.
Inilibot ni Kino ang paningin para makasigurado. Laking-gulat niya ng nagtilian ang isang grupo ng manonood habang tinitingnan ang mga gamit na umaangat o gumagalaw ng kusa ngunit sa paningin ni Kino ay ginagalaw ng mga kaluluwa. Ngunit mas nagulat si Kino ng makita na hindi natatakot ang mga tao, bagkus ay namamangha ang mga ito sa napapanood.
Patuloy ang nangyayari hanggang sa matapos ang kanta. Nahulog ni Kino ang bote na iniinom ng biglang mawala ang mga kaluluwa.
"Yay.. Totoo nga ang kutob ko." sabi ni Kino bago dinapuan ng tingin ang babae na nakatingin rin sa kanya. "May Paranormal ability nga ang babaeng 'to." bulong niya.
@mayora
Yay...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top