Chapter 8 - Fate Seems Moving...

Buong gabi ako nag-isip sa sinabi saakin ni Aaron, halos di ako mapa-kali, pag-kumakain, laging wala sa sarili, sa oras na sa tulog, di makatulog, palagi akong binababag sa sinabi ng  King, ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig?

dapat na akong matulog, MATULOG KANA UTAK!!! wag mo na siyang isipin pa!! baka na-kalog lang yung utak niya tapos bigla niya lang naisip na sabihin yun sa harap ko, ok?! ok??!!!!  di yun totoo ang sinabi niya, baka nalito rin siya o di naman kaya ay...lasing,

sa kwarto ko palagi akong naka-tingin sa cellphone, reading useless texts just to waste some time kasi naman, di ako mapakali hanggang di na ako makatulog sa pag-iisip ng PUTA- *ehem* kainis na yun!! 

ano ba!!! 2:30 AM na!! di parin ako makatulog!! di pa ako dinadalaw ng antok, tingin ako ng tingin sa cellphone ko, para na akong bata, naglalaro ng games sa CP, pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan ang sinabi ng King at matulog nalang dahil baka ako pa ang magka-sakit nito!!

at sa pagbasa-basa ko ng mga messages at paglalaro ko ng games sa CP, biglang may dumating na message, nagulat ako dahil sa tunog, at sa ganitong oras pa talaga nag-send,

tiningnan ko ang message at ito ay galing kay Shena, 

{Jasmine!! sure kana bukas hah! nag-yes kana! magma-mall tayo bukas kaya wag kang aayaw!! pag umayaw ka susuntukin talaga kita, kita nalang tayo sa terminal!!} by Shena

grabe, malapit na mag alas tres ng umaga, gising pa siya? grabe tong kaibigan ko, umu-o na ako noh!

oo nga naman pala, nakalimutan kong may sunduan pala kami ni Shena, pinangakuan kong sasamahan ko siyang mag-malling bukas,

dahil sa kaiisip ko ng mga walang kwentang bagay kagaya ng sinabi ni Aaron, nakalimutan ko tuloy ang lakad ko ngayong umaga, hahayzz naman... kalimutan na kasi yun...

8:00 AM

tapos na akong maligo at nag-breakfast na, ang CP ko naman puno na ng messages galing kay Shena,

{Jasmine excited na ako!! excited ka ba hah?}

{hoy Jasmine!! reply naman jan!!}

{ano kaba Jasmine!! wala kang load noh? ang poor mo naman, pa load naman jan kahit 20 lang}

{Jasmine!! reply na!! nakakapagod kayang mag-type!}

TANGINA!!! kung napagod ka eh wag ka ng mag-text!! punong-puno na tong inbox ko sayo!!! at oo.. walang ako load heheheh,

eto na ako nagbibihis, namimili ng dapat suotin, hmmm...

then later on... IM READY!!

sumakay na ako ng jeep at nakarating na sa terminal kung saan kami magkikita ni Shena pero wala pa siya sobra siguro yun sa excitement kaya di nakatulog at napagod, bahala siya,

Shena stop texting me, naliligo siguro yun, ayan kasi!! text ng text, di pa natulog kahapon at palaging nagre-remind sa lakad namin ngayon at siya ang LATE, kainis...

then later on, sa paghihintay ko, narinig kong may tumawag saakin, pamilyar ang boses pero alam kong hindi yun si Shena,

"Jasmine?"

at... si Aaron yun,

bat ba siya nandito? HALA!!! naalala ko tuloy ang nangyari saamin kahapon sa school, hala bobo pala ako, anong gagawin ko?! wait nga... bat ba siya nandito?

"A-aaron? bat ka nandito?"

"mamamasyal kasi kami ni Seighart ngayon, dito kami magkikita, ikaw rin ba? mamamasyal rin kayo ni Shena?" -Aaron

"a-ah, oo ehh pero di pa siya dumadating" sabi ko,

"ganun ba"

then naging awkward na, well naghihintay naman kami, natural lang siguro yung tahimik kami pero sa taong magkakilala naman tas hindi nag kikibuan, malayong natural to... hala ano ba!

tinakbuhan ko pa siya kahapon, lalong di ko siya kayang harapin ngayon, pero bat ba kung saan ako nandun rin siya?! GOD naman! please!! stop it!!

"Jasmine, tungkol pala kahapon..." -Aaron

ayan na!! nagsisimula na siya!!

"....."

"Jasmine, alam kong nalilito ko ngayon kaya sorry, di ko kasi pilit naisip na maguguluhan ka, sorry talaga, wag mo nang isipin ang narinig mo saakin kahapon, pero... at least... alam mo" -Aaron

di ako kumibo, di ko alam kung anong sasabihin ko, baka masaktan ko ulit siya, mahal ko naman din siya pero feel ko talaga hindi tama eh, siguro first time ko tong naranasan na may nagkagusto saakin kaya ganun,

then,

"HAH?!" sigaw ni Aaron,

"a-anong problema?" tanong ko sakanya,

"di makakapunta si Seighart... ano bayan!! nakakapagod naman!" -Aaron

oh... so di pala sila mamamasyal ngayon, 

"that Seighart, is he planning to tire me out?!" -Aaron

later on that time, di parin umalis si Aaron, kahit alam niya nang di sila mamamasyal ngayon, nanatili parin siya, baka nga siguro napagod talaga siya,

tinext ko si Shena, di siya nag-reply, nagpa-load ako hah! para lang sakanya tas ngayon di na siya rereply? anong problema ng babaeng yun?!

"A-aaron, ma-may hinihintay ka pa ba?" tanong ko sa kanya,

"wala... ikaw lang kasi mag-isa, delikado"

*badum* * badum* ... wag kang mag-joke Aaron, umalis ka na lang! ok lang ako! kahit anong gusto kong sabihin sakanya di ko masabi, nanatili akong speechless everytime we talk,

then... may nag-message na, si Shena,

{Jasmine!!! sorry talaga!! di ako matutuloy ngayon!! T_T paano kasi di ako pinayagan ni mama na lumabas! at wala pa akong baon! sorry talaga!!}

"ANO?!" sigaw ko,

"eh? anong problema Jasmine?"

"wa-wala..."

that Shena... MAMAMATAY KA TALAGA SAKIN NGAYONG LUNES!!!

"ka-kasi di kami matutuloy ni Shena ngayon" sabi ko,

"oh, ganun ba..."

Shena...Shena...Shena... prepare to die BITC- ehem, I mean, you idiot!! alam mo ba nakakapagod bumangon dahil palagi kang nagre-remind sa lakad natin ngayon tas IKAW NA MISMO DI MATUTULOY?! ANO BA!!?!!?!?!

"si-sige Aaron, aalis na ako"

"wait! Jasmine!"

"ano yun?"

"kung di kayo matutuloy, di naman rin kami matutuloy, why dont we spend this time together? matagal-tagal rin tayong di nakaka-bonding, sige na, please?" -Aaron

"eh?"

hala, anong isasagot ko?

"su-sure..."

HALA!!! ANONG BANG SINABI KO!!! di ko siya matanggihan, ano bayan Lord...

namasyal kami sa mall, kami lang dalawa, pumunta kami sa Arcades naglalaro, kumain ng ice cream, halo-halo at iba pa at alam niyo ba? libre niya LAHAT! ang yaman talaga nito!

namasyal kami sa ibat-ibang parte sa mall, pumunta sa mga books, kasi sabi niya hilig ko daw ang mga libro kaya ibibili niya daw ako kung anong gusto ko, pero tumangi ako pero namilit siya, sabi niya, favor nalang daw yun saakin kaya pumayag nalang ako,

nag-lunch kami sa restaurant and again, libre niya ulit, sinabi ko sakanya na ang mahal dito kaya wag na, siya nalang ang kumain pero pumilit ulit siya saakin, minsan lang daw to kaya ok lang, di ulit ako nakatanggi,

bit by bit, naglalaho ang negative seeing ko sakanya at bit by bit, lumalaki ang pagmamahal ko sakanya, kung ganito lang sana siya noon hanggang ngayon, kung ganito lang siya kasaya at kabait, sana nawalan na ako ng kontol sa sarili ko at nagtapat na ako sakanya na mahal ko siya,

kung mababalik lang ang panahon sana... minahal ko siya ng lubos kahit nagbago siya, kung maibabalik lang ang kahapon, sana di ako tumakbo at sinabi rin sakanya na mahal ko rin siya, talaga naman, totoo pala talaga ang kasabihan, nasa huli ang pagsi-sisi,

4:30 PM,

umupo kami sa 5th floor sky view ng mall,

"WOOW! ang saya non!! Jasmine, nag-enjoy kaba?"

"oo, salamat sayo Aaron"

"ok lang, minsan lang naman to!"

"...."

gusto kong sabihin!! ayokong manahimik! at pabayaan siya lumayo saakin!! dapat may gawin ako!

"Aaron..."

"ano yun?"

"alam mo naman siguro, best friend kita noon, hanggang nagbago ka pero wala naman akong karapatan na magalit dahil nagbago ka... di naman kita kaano-ano" sabi ko,

"Jasmine..."

"alam mo kasi... para ka kasing tatay ko" -Jasmine

"HAH?! FATHERZONE?! worst than friendzone!?" -Aaron

"hindi ganun! ano ba! kasi naman, noon, ako yung nagpro-protekta sayo pero ngayon ikaw naman tong bumabawi at nag-mature kana talaga, naging responsable ka na kaya ganun"

"hey...Jasmine, mamahalin kita, kahit ano pang sabihin mo saakin, di yun magbabago, pero gusto ko lang marinig ang tinig mo, ang sagot mo... kahit ba kaunti... minahal mo ba ako?" -Aaron

"...."

"hindi.." -Jasmine

"ganun ba..."

"hindi... hindi kaunti Aaron, minahal talaga kita Aaron, noon hanggang ngayon"

tumingin siya saakin,

"totoo ba yan Jasmine?"

"... o-oo! wag mo akong paulit-ulitin!"

"...."

"oh? bat ka tumahimik?!"

"Jasmine... wag mong sabihing tatay lang ako sa buhay mo..."

"Aaron?"

"kung naging reponsable ako at ako na ang nagpro-protekta sayo, then... hindi ako tatay Jasmine...  asawa ako... at ikaw ang nagiisang mamahalin ko"

"EH?!"

"hindi rin tatay... magiging tatay ako ng ANAK mo"

"eh?! wait Aaron, ano bang pinagsasabi mo?!"

"Jasmine... I love you"

"e-eh?!!!! wa-wait!! ano bang isasagot ko?!"

"HAHAHAHAH!!! matalino ka diba? ano kaya ang sagot?" -Aaron

"I love you... too"

"yan! isa nalang ang kulang"

"ano?-"

di ako nakatuloy dahil... hinalikan niya ako,

"Aaron?!"

"yun ang kulang, ngayon, girlfriend na kita Jasmine, wala nang atrasan, inamin mong mahal mo rin ako" -Aaron

"wait wait!!! di ako handa!! ayoko!!"

"hindi pwede! sakin kana ngayon!"

"Aaron!! AYAW!!"

"HAHAHAHAHAHA!! WALA KANG MAGAGAWA!!" -Aaron

then that's how my love for him extends more and more, naging kami nga ni Aaron, gusto kong itago sa lahat pati rin sa school na kami na pero di niya to tinago, sinabi ni Aaron sa lahat na girlfriend niya na ako, pinagyayabang niya iyun pati rin kay Seighart,

sinabi yang kung may Shena siya, meron rin siyang Jasmine... *badum* *badum* oy puso! wag kang kilig na kilig jan! kainis na Aaron to, di pinalamapas ang pagkakataon!! KAINIS!! 

well... mahal ko rin siya... ipaglalaban ko siya, kahit mahirap, babangon ako at ipapangako kong sayo lang ako at ikaw ay sakin lamang, wala akong paki kung anong sabihin ng iba, ganun naman talaga diba? Now or Never, once you choose, you should never regret it,

totoong nagbago siya but still si Aaron ay si Aaron, noon siguro malapit naming kalimutan ang pagkakaibigan namin... but then again... that was our First Mistake.

----------------------------------------------------------------END----------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top