Chapter 7 - Complicated Childhood Friends
It's already Friday, di ko alam kung anong nangyari kay Shena at kay Seighart pero parang naging close pa silang dalawa, di lang siguro nawala ang kulitan ng dalawa, at tinanong ko si Shena kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa,
ang sabi niya, SILA na daw, di ko masyadong naintindihan pero parang totoo ang narinig ko, sila na nga siguro ng Prince, kinuwento ni Shena kung ano talaga ang nangyari, sinabi niyang una niyang narinig na mahal siya ng Prince ay sa King, kay Aaron,
at may plano ang Prince na ipakikilala niya si Shena sa magulang niya, magiging ok lang kaya yun? ok lang kaya si Shena sa harap ng magulang nila? well, sinabihan rin ako ni Shena na nakilala na siya ng magulang ng Prince,
pero di nila ikakalat sa school na sila na, sinabihan lang ako ni Shena dahil bestfriend niya ako, at may sinabihan rin daw ang Prince, si Aaron ang sinabihan nito,
ngayon, parang masaya silang nag-sasama kahit walang nakaka-alam na sila na pala, .... binalaan ko si Shena tungkol dito, na wag sana siyang maging TANGA ulit at umiyak naman at mawala, sinabihan ko siyang kung mangyari ulit yun, PAPATUKAN ko talaga siya sa ulo!
It's our last subject in the morning...
"Ms. Madrigal!"
"yes sir?" -Jasmine
"may ipapagawa ako sayo, gawin mo to after mong kumain ng lunch ok?"
"sige po...ano po iyun?"
"tumulong ka kay Aaron sa Chem Lab, marami kasing inaasikaso yung batang iyun, you as Top 3, tulungan mo siya sa gagawin niya"
sa lahat pa ng bagay, nanjan pa si Aaron... di naman ako galit sa kanya, nagulat lang ako sa laki ng pinagbago ng taong nakilala ko noong Grade 2,
alam kong childhood friend ko siya at yun lang yun, di rin matagal-tagal ang pagsasama namin, kaya wala nga siguro akong karapatang husgahan kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya... ang di ko lang natatangap ay pati si Shena, dinamay niya sa mga kalokohan niya,
"sige po"
*Dismissed*
"Shena, kumain na tayo, may gagawin pa ako pagkatapos kong kumain, magmadali tayo"
"atat mo naman, lunukin mo nalang agad yung lunch box mo para tapos na!" -Shena
"daldal mo, tara na"
"DI NGA AKO MADALDAL!!! naging malakas at palaban lang akong babae ok Jasmine? di naman ibig sabihing marami akong binibigkas na salita, madaldal na agad? DUH?!"
everyone knows it... ang taong maraming sinasalita ay MADALDAL...
pagkatapos naming kumain, pumunta agad ako sa Chem Lab...
"excuse me...nandito ako sa utos ni Mr. Salvador" -Jasmine
"Jassy? sige pumasok ka" -Aaron
"wag mo nga akong tawagin sa pangalan na yan"
"sorry...tara na, linisin natin ang gamit dito, may mago-observe kasi dito later" -Aaron
"sige..."
nakaka-inis talaga, he keeps calling me that name, it's already past in Grade 2, why would he still remember that name?
"Jassy- I mean, Jasmine" -Aaron
"ano yun? kailangan mo ng tulong jan?"
"hindi... gusto ko lang malaman, galit ka pa ba sakin?"
"alam mo Aaron, di naman talaga ako galit sayo, nagulat lang ako sa pinag-bago mo at lumaki ang galit ko sa loob dahil sa ginawa mo kay Shena pero buti naman may hiya ka pa sa loob at nag-sorry ka kay Shena, kaya di ako galit sayo, nagulat lang ako" -Jasmine
"ganun ba...so... can we become friends? like were in Grade 2?"
"sure ka ba jan Aaron? ang sikat mo dito sa school, di mo kailangan ng kaibigang tahimik katulad ko, at kung maging kaibigan mo man ako, surely, maraming problema ang maidudulot ko sayo"
"ano bang masama dun? natatakot ka bang pag-usapan ka ng mga babae dito sa school dahil kaibigan kita? hindi naman problema ang dulot mo saakin ehh, kung may mangyari mang ganun, it's my time to protect you kasi noon ikaw yung pinupuntahan ko pag umiiyak ako at pinoprotektahan mo ako" -Aaron
"ganun na nga, at... may kaibigan ka nang bago ngayon, mga pasaway nga lang, at kung mangyari man na ako ang susunod sa nangyari kay Shena, di ko naman kailangan ng protekta mo, kaya ko yun mag-isa" -Jasmine
"nadala lang ako sa kasawayan nila, pero ayoko talagang manakit ng ibang tao, alam mo yun diba?" -Aaron
"wag ka na kasing mag-rason pa Aaron, di ka naman madadala sa mga panloloko ng mga kaibigan mo pag may kontrol ka sa sarili mo at ALAM MO YUN! may sense of right ka diba? bat di mo yan gamitin para i-appreciate ang mga taong nasa paligid sayo?"
In Grade 2, mahal ko si Aaron... at hanggang umalis siya, siya parin ang mahal ko at hanggang nag-kita ulit kami sa school na to pero... ang Aaron na kilala ko, nag-laho na.... but then again... parang ako nga ako sumunod kay Shena... mahal ko parin si Aaron hanggang ngayon... kahit naging ano man siya, siya parin ang taong minahal ko noon hanggang ngayon....
"Jasmine...sorry talaga, mahalaga ka kasi sakin kaya ayokong ganun-ganun nalang yun matatapos ang pagkakaibigan natin, yun lang nga ang connection ko sayo!"
"napatawad naman kita Aaron ehh, wala naman talaga akong karapatan sa pinag-gagawa mo sa buhay mo, kung anong gusto mong gawin, kung PANLOLOKO ang gusto mong gawin eh gawin mo, wag mo lang idamay ang kaibigan ko" -Jasmine
"sorry talaga pero sana naman malaman mo na gusto kong mabalik ang pagkakaibigan natin noon..."
"sana nga ganun lang yun kadali Aaron... di mo lang kasi ako naiintindihan sa nararamdaman ko..."
yeah, I love him but... umaasa akong hanggang kaibigan nalang talaga ang kaya kong ibigay sakanya pero kahit ang pagkakaibigan ay hindi pwede... mabuti nalang na lumayo ako bago ako maging pabigat sa buhay niya...
then natapos na kaming mag-linis sa lab at bumalik na ako sa classroom, sinalubong agad ako ng malaking bibig ni Shena pag dating ko sa classroom...
"Jasmine!!! punta tayo mall bukas!! wala namang klase eh!! sige na!! OFF mo muna yang NERD MODE mo!! sige na!!!" -Shena
"nang-aasar kaba? baka gusto mong i-OFF ko yang bibig mo?" -Jasmine
"Jasmine naman!!! sige na!! biro lang ok? biro!!"
lakas talaga mang-asar tong kaibigan ko, bumalik lang since 3 years, dumaldal na,
"sige na, sasama na"
"YEY!!! MALL BUKAS!!"
namimilit ang bata... well, wala naman ang gagawin bukas kaya ok lang... sa karami-rami ko namang ginagawa hindi na ako nagkaroon ng time para naman maging masaya, busy naman talaga lalo na ikaw yung palaging inuutusan ng mga guro,
this is the good time para naman makapasyal kami ni Shena,
After Class...
"eh? Aaron? anong ginagawa mo dito sa rooftop?" -Shena
"oh Shena, naghanap kasi ako kay Sieghart, may pag-uusapan kami, kaso di ko siya nakita, so sa CP ko nalang siya sasabihan, kaya nagpapahinga nalang ako dito" -Aaron
"samahan kita hah?"
"sure..."
....
"so... masaya kayo ni Seighart, Shena?" tanong ni Aaron,
"oo... ipapakilala daw niya ako sa parents niya soon, nakaka-kaba naman yun pero buti nalang kilala na ako ng mama niya dahil sa party" -Shena
"ganun ba... buti pa kayo"
"ikaw ba Aaron, sure naman akong naranasan mo ng ma-inlove diba?"
"well... oo" -Aaron
"sa totoo nga ehh siya parin ang mahal ko hanggang ngayon" -Aaron
"since?"
"since...Grade 2" -Aaron
"hah? stick to one?! wow Aaron!! support ako sayo, tagal nun hah, siya parin hanggang ngayon? grabe ka ma-inlove hah! loyal mo naman pala Aaron eh!" -Shena
"hahahaha salamat!... pero para atang malabo eh"
"hah? bat naging malabo?"
"basta..."
"Aaron naman, nung una nga ang labo-labo ng pagmamahal ko kay Seighart, malayo pa ang agwat namin sa buhay pero in the end, minahal pala niya ako...at nag papasalamat ako sayo, so kaya mo yan Aaron, ikaw pa!" -Shena
"kaibigan lang kasi talaga ang tingin niya sakin eh, pero at least nga kaibigan..." -Aaron
"Aaron naman!! common naman niyang problema mo sa lovelife!! kaya mo nga yan!! tiwala lang talaga" -Shena
".... salamat Shena, oo nga naman, kung kaya ng mo edi kaya ko! diba? HAHAHAHAHA!" -Aaron
"EDI WOW!!! HAHAHAHA!!!" -Shena
5:20 PM,
para atang umuwi na si Shena, excited siguro yun sa pagpapasyal namin sa mall bukas... di man lang ako hinintay... uuwi nalang rin ako,
later on... nakasalubong ko si Aaron...
"Jasmine? you're still here?" tanong niya,
"oo, uuwi na rin ako, may kailangan ka ba sakin?"
"nope, there's nothing..." -Aaron
"so, alis na ako"
".........."
umalis ako pero.... hinawakan niya ako sa kamay at pinigilan,
"Jasmine..."
"ano bang kailangan mo Aaron? bitawan mo ako"
"Jasmine!! gusto kong makinig ka sakin!" -Aaron
"JASMINE I LOVE YOU!!"
eh?... ano bang sinasabi niya? di ko naiintindihan ang nangyayari...
"Aaron, sa-sandali lang..."
"Jasmine, alam kong kaibigan lang ang tingin mo saakin, alam ko ring may nagawa akong masakit para sayo at sa kaibigan mo pero...pero di ko kayang makita kang nawawala sa harap ko!! di ko kayang mabuhay na hindi ka nakikita!"
"Aaron, ano bang sinasabi mo?!"
"nung nahiwalay ako sayo noon, di ko alam kung anong gagawin ko, umiiyak ako at wala akong mapuntahan dahil malayo na tayo sa isa't isa... sinubukan kong mag-saya, nagkaroon ng barkada pero di yun sapat para tapakan ang kawalan mo sa buhay ko!" -Aaron
"wa-wait Aaron... di kita naiintindihan..."
ano ba to?.... nalilito ako, di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, paano ba?! bakit ba niya sinasabi ang lahat ng iyon all of the sudden?! nalilito ako...
"Jasmine please!!"
nalilito ako...
"Jasmine minahal kita noon hanggang ngayon, so please bumalik ka sakin! proprotektahan kita pangako!"
ano ba... di ko alam... ano b-ba?
"Jasmine!!"
natakot ako, di ako makapag-salita... di ko alam kung anong gagawin ko... nalilito ako...
at dahil sa kalituhan, inalis ko ang kamay niya sa kamay ko... at tumakbo, wala akong sinabing matino sa harap niya habang sinasabi niya ang lahat ng iyun,
"Jasmine!! sandali!!"
mahal niya ako...mahal ko rin siya!! pero anong nangyari sa bibig ko?! di ako makapag-salita... nalilito ako nung sinabi niya yun... baka kasi... natatakot akong masaktan... di ko naman kasi akalaing mahal pala niya ako noon pa at hanggang ngayon... pareho kami ng nararamdaman pero... pero DI AKO NAKAPAG-SALITA!! ano bang problema ko?! binaniwala ko siya at worst... tinakbuhan ko siya!!
ano bang ginagawa ko?! ang BOBO ko naman!!
sa pagtakbo ko kay Aaron, sa ginawa kong di ako nagsalita sa kanyang sinabi at nalito, tumakbo ako habang umiiyak, pinagsisihan kong naging duwag ako na pagsabi ng totoo kong nararamdaman...
feel ko di ko na siya kayang harapin o kausapin... sana naman di siya lumayo saakin, kung ayaw niyang lumayo ako sakanya noon, mas ayokong mawala siya sa buhay ko... nagmamasid lang ako sakanya since dumating ako sa school na to...
kahit anong pilit ko sa sarili ko na nagbago na ang taong mahal ko, di parin tumigil ang puso ko at minahal parin siya ngayon, sinabi niyang mahal niya rin ako...at wala akong sinabi at tumakbo lang... BOBO JASMINE!!! BOBO!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top