Chapter 6 - I Know But Still...
Pagkatapos ng party na yun, I spend my whole 2 days of weekends thinking about what I said to Seighart when we dance in the party, sa kabobohan ko lang naman nasabi ko ang mga salitang iyon sa harapan niya,
I forgot, di lang ang nasabi ko ang iniisip ko at prino-problema ko, assignments rin pala, nanghingi ako ng tulong kay Jasmine pero anong ginawa niya? sinabihan niya akong gumawa ng assignments...may point naman siya...
then it's already Monday, ang bigat ng katawan ko habang nag-lalakad patunggo classroom dahil? NAGPUYAT LANG NAMAN AKO KAGABI KAKAGAWA NG ASSIGNMENTS!!!
"...laki ng eye bags mo Shena" -Jasmine
"HALATA NOH?! iniisip ko pa yung problema ko sa party dumagdag pa talaga ang batalyong assignments na to!" -Shena
umupo ako at K.O.!
"natapos mong assignments mo?"
"oo...I managed"
"then it's my turn now... anong gagawin mo sa sinabi mo sa party?" -Jasmine
tumingin ako sakanya, tinitigan...
"Jasmine...bakit ba kita tinawagan? di ko kasi alam kung anong gagawin!! duh?!"
"halata naman"
"NAMAN JASMINE!!! TULONG!!!!"
"....."
tumahimik si Jasmine nang sandali...
"then? are you planning to be an idiot again? same as past 3 years? ikaw lang kasi ang nakaka-alam ng gagawin mo, katawan at desisyon mo yan eh" -Jasmine
"...ewan ko ba Jasmine, di ko kayang kausapin siya ngayon o kahit iharap man lang tong mukhang to sakanya!"
"ano kaba naman Shena, di mo alam diba? baka iba ang ibig niyang sabihin"
"sana nga tama ka..."
then maya't maya pa ay dumating na si Seighart,
ayan na siya, kahit nga tignan ko ang kanyang mukha sa malayo di ko parin kayang harapin siya dahil baka! BAKA narinig talaga niya! if worst case possible happened, kung narinig niya, parang nag-confess ako tas wala siyang sinagot, parang ayaw niya pero di nalang siya sumagot dahil ayaw niyang masaktan ako,
pero di parin ako mapakali!! anong gagawin ko?! kasalanan ko kasi to eh!! bat ko ba sinabi yun sa harap niya?! lumalandi ako noh? kainis na dila to!! SHIIIT!!!! curios ako!!! sana di niya talaga narinig!!!
Lunch time, sabay kaming kumain ni Jasmine pero sa classroom lang, alam ko kasing pupunta si Seighart dun mag-isa kaya at least, umiwas naman ako,
di pa nga ako sure sa sinabi niya saakin nung party, iniiwasan ko agad siya, di ko kasi maiwasang mag-taka at mag-duda na baka talagang narinig niya ang I love you ko o iba ang ibig sabihin niya, kaya iiwas muna ako sakanya,
bumalik si Jasmine sa classroom mag-isa dahil may gagawin pa siyang utos ng guro, mataas pa ang vacant time kaya
naglakad-lakad muna ako, pumunta ako sa canteen at dun...nakita ko si Seighart nakaupo kasama ang dalawang babae,
nag-tatawanan at nag-aaliwan sila, parang maganda ang pinag-uusapan nila,
then....nakita kong hinawakan ni Seighart ang kamay ng isang babae na kasama niya, kinilig yung babae,
sinabi naman ng isang babae na ang unfair daw kaya ang ginawa ni Seighart, inakbayan niya ang isang babae at dun wala nang reklamo ang dalawang babaeng kasama niya, nag-patuloy ang tawanan at usapan nila,
di ko talaga maintindihan, sabi kasi ni Aaron, a-a-ako yung unang minahal niya, pero eto yung makikita ko... lumalandi lang siya sa ibang babae, nag-sisinungaling nga talaga si Aaron tungkol dun....at umasa naman ako na totoo yun, ulit naging tanga ako pero at least nalaman ko ng maaga bago pa may mangyaring malala,
totoo, nasaktan ang puso ko sa nakita ko, lalo na maraming babaeng nakatingin sakanya, umasa ako at eto...nasaktan ulit naging tanga dahil minahal ko ang taong hiniya ako noon, ang taong kinaawaan ko,
sure naman diba? obvious naman talaga na di ako ang mahal niya, wala namang taong maiin-love sa babaeng wala pang panlaban sa ITSURA, wala na sa TALINO, wala pa sa PERA, ang plain ko naman kasi...bat niya ako magugustuhan?
Afternoon snack time, nakita ko ulit si Seighart may kasamang mga babae, parang busy ang kamay niya sa pag-akbay sa mga babae...
binaniwala ko yun at umupo sa stairs, nag-isip ng malalim at pinoproblema ang katangahan ko ng paulit-ulit, then dumating si Aaron at kinausap ako...
"Shena? anong problema?"
"ikaw pala Aaron...wala, walang problema..."
"wag kang ganyan, ang PANGIT ng mukha mo" -Aaron
"ini-emphasize talaga yung pangit noh?! grabe! ganyan na ba kasama ang mukha ko?!"
"it's just a joke!!"
"......."
"then? anong problema? wag mo akong sasagutin na walang problema kasi mayroon talaga, kita sa mukha mo" tanong ni Aaron,
"Aaron...tanong ko lang, totoo ba talaga yung sinabi mo saakin?" -Shena
"di ka parin ba naniniwala dun? totoo yun lahat Shena"
"pero bakit ganun...parang hindi naman..."
"wag kang ganyan, baka nga mukhang hindi pero di mo lang kasi alam kung anong nangyayari" sabi ni Aaron,
"....ewan ko ba Aaron, ayokong maniwala sa sinabi mo..."
"alam mo Shena, makikita mo rin kung bakit ko yun nasabi, makikita mo rin at mawawala ang katanongan mo"
"....salamat Aaron, kahit nga kaaway kita, tinutulungan mo parin ako"
"walang anuman, sige alis na ako"
"Bye!"
umalis si Aaron at bumalik narin ako sa room, papuntang room, nakita ko si Seighart, parang nag-papaalam na sa mga babae na kasama niya kanina,
"Prince Seighart BYE!! see you!!!"
"bye Prince!!"
"Bye!" -Seighart
"Prince! one more!! say I love you to me!"
"sakin rin!!"
"I love you!!" -Seighart
"AYYY!!! BYE!!"
malanding Prince, di siya kontento sa isang babae lang? gusto niya talaga tatlo? may I love you pa!! TANGINA!!!....kainis ka Seighart, di na kita naiintindihan,
umalis ako saglit, umupo sa stairs dahil iniiwasan ko si Seighart, at maya't maya pa ay pumunta ako sa rooftop, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin para naman mawala ang problema ko,
matagal-tagal na rin akong hindi tumitingin sa langit at sa ulap since pumasok ulit si Seighart sa buhay ko at worst than that, na-inlove ako ulit sakanya,
sa pag-pasok ko sa rooftop, nakita ko si Seighart,
"Shena?"
"Seighart...?"
"buong araw di kita nakausap, buti naman nag-kita tayo dito"
"....."
"Shena? bat di ka kumikibo?"
"....."
I want to shout it to his face...
"Shena? may sakit ka ba?" -Seighart
"........Seighart..."
I want him to know what I feel...
"ano yun? hoy Shena!"
I want him...to say to me in words!!
"Seighart!! MAHAL KITA!!" -Shena
"Shena....?"
"Seighart mahal kita!! kahit niloko mo ako noon at nagmukha akong tanga sa lahat ng student dito sa school, napahiya pa ako sa tawanan ng lahat dahil P200 lang yung halaga ko sayo, mahal parin kita!!" -Shena
umiiyak akong sinabi ang mga iyon...di ko na mapigilan ang nararamdaman ko,
"MAHAL KITA!! at MAHAL MO RIN AKO!!! sinabihan ako ni Aaron tungkol dun! ayokong maniwala pero ganun pa man, dahil sa pagmamahal ko sayo nagpaka-tanga ulit ako at umasa!!" -Shena
"Shena!-"
"pero bat ganun Seighart? naniwala akong mahal mo ako pero ang nakikita ko, hindi naman...hindi talaga...imposibleng mangyari, pero kahit ganun pa man, gusto kong malaman mo na mahal kita! ikaw na nang-loko saakin noon! OO! MAHAL KITA!!...mahal ki--"
natigil ako sa aking sinabi dahil...
hinalikan niya ako....
nagulat ako sa ginawa niya,
"Se-seighart... sa-sandali-"
di niya inawat ang paghalik saakin, dahil dun, di ako nakapag-salita, di siya kumibo at pinatuloy lang ang pag-halik saakin,
"Seighart sa-sandali!-"
hanggang may narinig kaming ingay na parang may mga taong papunta dito sa rooftop,
"Seighart!! may tao! tu-tumigil kana!"
at that moment, tumigil siya at hinawakan ang kamay ko at tumakbo pababa ng rooftop,
"Seighart! saan mo ba ako dadalhin!? hoy! bitawan mo a-ako!" -Shena
"...."
di siya kumibo,
"wait...si Prince Seighart yun diba?"
"sino ba yung kasama niya?"
"ewan..."
di niya ako binitawan kahit anong pilit ko sakanya, di rin siya kumikibo simula nung kanina, hanggang dinala niya ako sa storage room, narinig ko ang lock ng pintuan,
then, Seighart started to kiss me again,
"Seigha-"
di niya ako binigyan ng pagkakataong mag-salita, di niya pinigilan ang pag-halik saakin... hanggang nagpumilit ako, tinulak ko siya ng malakas at natumba siya,
"Seighart! ano bang problema mo?! all of the sudden?!" -Shena
"DI KO KASI ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO!!!" -Seighart
tumingin siya saakin habang sinabi niya yun,
"hah?!"
"SHENA MAHAL RIN KITA!! PERO DI KO ALAM ANG GAGAWIN KO SA HARAP MO!!" sinabi niya,
di ako kumibo, first time kong nakita ang reaksyon niya na ganun,
"DAHIL FIRST TIME KO TO!!! FIRST KONG MA-INLOVE SHENA!!" -Seighart
"wala akong magawa Shena, ayokong mag-mukhang tanga sa harap mo kaya dapat alamin ko muna ang dapat kong ikilos sa harap ng isang babae para di ako mukhang katawa-tawa sa harap mo!!" -Seighart
"kasi ikaw ang unang minahal ko sa buong buhay ko!! eto yung first time na naramdaman ko to! tuwing kasama kita, masaya ako at napapatawa mo ako, naiintindihan mo rin ako sa problema ko at dinamayan!" -Seighart
"Shena...narinig ko eh...narinig kong I love you mo nung party, dahil sa saya, nag-simula na akong matuto kung ano ang dapat kong iasal sa harap ng babae" -Seighart
"narinig mo?!" -Shena
"dinig na dinig ko..."
"...."
tumahimik siya... seryoso talaga siya sa lahat ng sinabi niya, wala nang rason na di siya paniwalaan, mahal ko siya, mahal niya rin ako, di ko akalaing mangyayari rin pala ang ganitong sitwasyon sa buhay ko...
"Seighart... di mo kailangang gawin yan"
"...."
"di mo kailangang mag-hanap ng babae para praktisan ng asal mo para sa pag-harap mo saakin, maayos ka" -Shena
"Shena...."
"dahil alam mo? mahal kita...at tanggap kita kung ano mang iasal mo sa harap ko, niloko mo ako noon, in past 3 years, naging bato ang puso ko at di nagmahal ulit pero..."
"bumalik ako dito at ulit.... nakita kita at ulit... na-inlove, umasa ulit at nagpaka-tanga pero minahal parin kita kahit gaano kasakit ang ginawa mo saakin noon, minahal parin kita"
"Shena...sorry, pero nung tinanung kita na minahal mo ba talaga ako noon, at sinagot mo na oo, nagalit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko sayo... at sa lahat ng ginawa ko sayo, nakuha mo paring tumabi saakin kahit gaano ako kaiba sa Prince na kilala ng lahat" -Seighart
nilapitan niya ako,
"Shena, I love you, no matter what happened, I will always love you...so please, love me too"
"you dont need to say that Seighart, mahal kita, in the past 3 years, na-inlove ako sayo at nasaktan pero bumalik ako at nakita ka ulit, minahal ulit kita kahit alam kong di mo ako mamahalin... pero mahal mo rin ako... di ko inexpect ang lahat pero kahit ganun pa man, mahal kita, malayo man ang ating agwat sa buhay, mamahalin kita" -Shena
then he kissed me...
in the first time of my life, ang mahal ko minahal ako, mostly, sa TV at sa fairytale lang nangyayari ang ganun pero ang prinsipe na mahal ko, minahal rin ako, at masaya rin ako dahil ako ang una niyang minahal sa buong buhay niya,
lumabas kami sa storage room,
"hoy Seighart! kung di mo alam ang gagawin mo eh bakit mo ako hinalikan? alam mo bang pwede yung sexual harassment?"
"eh nataranta ako eh tapos all of the sudden, nag-salita ka agad kaya pinigilan ko ang bibig mo" sabi ni Seighart,
"d-di mo kailangang gawin yun!!!"
"madaldal ka kasi" -Seighart
"HINDI AKO MADALDAL!!"
"HAHAHAHAHA!!!!"
nagpaka-tanga ulit ako para sakanya but then... I think di nasayang ang pagpapaka-tanga dahil.....minahal rin niya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top