Chapter 4 - The Party

"Seighart, ok na ako, pwede ka nang bumalik sa klase" sinabi ko sakanya,

may parte saakin na gustong dumito muna siya at bantayan ako pero... ang selfish ko naman pag ginawa ko yun,

"ayoko..."

"hah? ok lang talaga ako dito, magpapahinga lang naman ako ehh"

"babantayan kita...at wag kang mag-alala, pagod rin kasi ako, gusto kong mag-pahinga" sinabi niya,

"ganun ba...sige"

at eto nanaman, tumahimik nanaman ang sitwasyon, naa-awkward talaga ako pag kasama ko siya, noon dahil sa galit ko sakanya, tuwing mag-kasama kami, ginagalitan ko talaga siya at iniinsulto pero ngayon....ewan,

later then....

"Shena...naalala mo ba nung sinabi ko sayo sa rooftop?"

"yun ba... oo, naalala ko yun"

"may pinag-sabihan ka ba?"

"wala..."

"salamat naman..."

"Seighart, bat ba ayaw mong ipag-sabi ko yun? wala namang mawawala sayo pag-sinabi ko yun diba? mas makikilala kapa nila ng lubos, ayaw mo ba nun? may umuunawa sayo?" tanong ko,

"ayoko...alam mo naman na Prince ako ng school, kahit ang principal at president may mataas na expectation saakin, pag nalaman nila ang nararamdaman ko, maaawa sila saakin...ayokong kinaawaan ako dahil marami akong dinadalang problema at isa pa, kakayanin ko naman yun ehh...mag-isa"

di ako naka-sagot sa sinabi niya, kahit sinabi niyang ayaw niyang kinaawaan siya, naaawa tuloy ako sakanya, naaawa ako sa taong nagpahiya saakin noon, tanga ko talaga,

"Seighart"

"ano yun?"

"...nandito ako"

napatingin siya saakin,

"nandito ako pag kailangan mo ng tulong o kausap, ako lang yung sinabihan mo diba? so ako yung makikinig sayo at isa pa Seighart, kahit matalino ka at mayaman, tandaan mo to...di mo kayang gawin ang lahat ng bagay MAG-ISA, kaya nandito lang ako, kahit ma-ma-madaldal ako..." 

tumahimik siya saglit pero tumitig lang siya sakin, di ko siya tinitigan noh! nakakahiya kaya! pero... ngumiti siya sakin...for the first time, ngumiti siya sakin...

"HAHAHAHA! madaldal ka nga! tama ka! xD"

"pero Shena, salamat... at sorry rin pala...noon"

"galit parin ako sayo dahil sa nagawa niyo sakin noon noh!!"

" pero Shena...isang tanong lang..." sabi niya,

"minahal...mo ba ako noon?"

...paano to, di yata ako handa sa tanong na to!!! tulong mga people!!! tulong!!!

"HAH?! ha-hah? e-ehh..."

"oo...minahal kita..." -Shena

"ganun ba...sorry..."

"alam mo naman sigurong hindi sapat ang sorry diba?"

pakipot pa ako...

"alam ko...kung hindi man sapat ang sorry, then maramihin ko para maging sapat...pero di ko yun...gagawin, bot-bot mo noh! HAHAHAH!!" tawang sabi niya, nangaasar ang puta!!! GRR!!!

"pero salamat parin sayo"

ngumiti siya sakin at sabay sabing...

"sige na Shena, magpahinga kana"

"lakas mo ring mang-asar noh!!...sige na, kung pagod ka rin naman, mag-pahinga ka rin jan"

"....."

nakita ko ulit ang mukha niya habang natutulog, inosenteng-inosente, malaki ang kalasalan saakin ng taong ito pero dahil sa katangahan ng puso ko, dahil sa LOVE or wut, nawala lahat ang galit ko sakanya, di ko alam,

bat ko ba malilimutan ang kasalanan ng tao pag may nagawa siyang maganda saakin? malaking-malaki ang kasalanan ni Seighart, halos tuwing gabi ako umiiyak noon tas ngayon....na-inlove pala ulit ako sakanya,

pag-gising ko, wala na siya at dumating sa tabi ko,pinuntahan ako ni Jasmine, umuwi kaming dalawa habang inalalayan ako ni Jasmine dahil di parin lubusang nawala ang sakit ng sugat ko sa paa,

sa pag-uwi ko naman, sinabihan ako ni mama ng isang balita, inimbitahan daw kami ng tita namin na kumain sa kanila bukas ng gabi dahil may malaking handaan sila, kind of business daw,

sinabi ko kay mama na wala tayong masusuot sa mga ganyang ka-BONGANG okasyon!! at alam niya ba kung anong sinagot ng mother ko? ang damit daw sponsored ulit ng tita ko, hahayzz naman buhay lahat sponsor, puro hiram, di rin naman ako nahihiya noh? halos lahat pati pag-aaral ko hiniram lang, naman~~ buhay poor,

but it's okay, as long as makaka-kain ako, OK LAHAT!! HAHAHAHAH!!! PAGKAIN!!! syempre, pagkain ang gusto kong ipunta dun, well, di naman ako tataba, taas ng metabolism ko eh anong choice? KAIN!! AHAHAHAHA!!!

Kinabukasan, sa 4th class namin, may pinagawa ang guro namin at by pair yun and...

"bat pa sa lahat ng makaka-pair ko, ikaw pa talaga tong tinadhana, tangina" -Shena

"di kapa nun? pair mo ang Prince? dont be so choosy, nakahanap ka na nga ng manok, dun ka pa sa itlog!"

"pano ka naging manok hah? para sakin lugaw ka lang!!"

"ehh ikaw? kanin ka lang!!"

lumapit si Jasmine,

"tumahimik kayo, nagka-klase tayo" sabi ni Jasmine,

"sorry..."

"oo nga pala, ang lugaw at kanin pareho lang" sabi ni Jasmine,

"EH!!!????" -Shena

"wait...alam ko naman yun" -Shena

"ngayon ko pa na-realize, pareho pala yun..." -Seighart

"HAHAHAHA for the 1st time, ang bobo mo Seighart!! HAHAHAH!"

"wag mo akong idamay sa kabobohan mo Shena, wag kang mang-damay"

"....mukha mo talaga...nakaka-irita"

"as well as your face" -Seighart

"WAAAA!!! TANGINANG PRINCE KA!!!! ENGLISH KA NG ENGLISH!!!!"

"TUMAHIMIK KAYONG DALAWA!!" sigaw ng guro namin,

napagalitan tuloy kami ng guro, kainis kasi tong Prince nato, bat ba sa lahat ng Prince siya lang ang pangit ang ugali? 

"pasensya na po.." -Shena

"ikaw kasi ehh Seighart!"

"wag ka ngang mang-damay, kasalanan mo yan, daldal mo kasi" -Seighart

lakas parin niyang mang-asar!! GRABE!!! nakaka-highblood!!!! pero...naging masaya ako, bakit? simple, dahil close na kami kahit kunti lang, at least, FRIENEMY ko na ang crush ko, heheheh namumula me!!! hehehhehe lakas kong kumilig heheheh, sige na Shena, stop na................................................hehehehheehehehe!!

Lunch Time, di kami nag-sabay ni Jasmine dahil may ginagawa pa siya, sinabihan ko siyang gawin yun pagkatapos kumain pero di siya nakinig, magkakasakit siya pero di parin siya nakinig...

para naman ma-iba yung lunch experience ko sa school, susubukan kong mag-lunch sa canteen, airconditioned dun kaya gusto kong ma-try, well, mag-isa lang naman akong kakain dun pero wala akong pake, ma-try lang ang lamig ng airconditioner HAHAHAA!!!

sa paglalakad ko patungo canteen, nadaanan ko ang Chemistry Lab, wala namang katao-tao pero nakita kong may isa pala, tinignan kong mabuti sa loob at dun, nakita ko si King Aaron, kumakain mag-isa, nakita rin niya ako at nilapitan,

"Shena, anong kailangan mo dito?" sinabi niya,

"wala lang naman...napatingin lang ako, kumakain ka kasi mag-isa"

"ahhh ganun ba, ikaw ba, where are you going?"

dora lang yung peg...english kasi ng english tong mga taong to,

"maglu-lunch ako sa canteen"

"si Jassy- I mean Jasmine, di mo kasama?"

"may ginagawa kasi siya kaya kakain ako mag-isa ngayon"

"ah! why dont we eat together here?"

kaaway ko tong lalaking to...pero, wala naman sigurong masama, kakain lang diba? at wala kasi akong kasamang mag-lunch pwede na siguro to, kain lang naman...kain ok? kalaban ko parin tong lalaking to,

"ayoko ko sana pero wala naman akong kasamang mag-lunch, ok pero ok lang ba? pwede ba akong pumasok dito?"

"ok lang, ako mag in-charge sa lab nato"

"wow, ok tara"

then we eat lunch,

"Aaron, di ibig sabihing nag-lunch ako kasama mo eh di na ako galit sayo hah! may kasalanan parin kayo ni Seighart saakin!

nung araw na yun halos lahat ng campus nakatingin saakin at pinag-lalait MALAKING kasalanan yun hah!! kaya wag kang mag-assume!! ok?" -Shena

ngumiti siya,

"oo, I know, malaki nga ang kasalanan namin sayo"

"buti naman maliwanag ang lahat"

then all of a sudden,

"HAHAHAHAH!"

"oy! anong nakakatawa? hah? ano?!"

"wala!!, wala naman...naiintindihan ko na si Seighart kung bakit siya sayang-saya tuwing nag-uusap kami" sinabi niya,

"hah? di kita maintindihan, niloloko niyo ulit ako?! HALA KAYO!! MAMAMATAY TALAGA KAYO SAAKIN!!!"

"di nga!... alam mo ba Shena? napapansin kong masayang-masaya si Seighart araw-araw, iba ang saya niya noon at ngayon at tuwing nag-uusap kami........tungkol sayo ang palagi niyang sinasabi" -Aaron

hah...ako? bat ako? wait...baka nag-sisinungaling lang si Aaron, oo, baka nga,

"galing ng joke mo Aaron hah!! HAHAHAHA!!!"

"wait...Shena, it's true"

"hah?"

"sinabihan niya rin ako...siguro di naman masama na sabihin ko sayo ang sinabi niya sakin" sabi ni Aaron,

gusto kong maniwala na biro-biro lang ang lahat ang sinasabi ni Aaron but pareho nung last time, di ko parin maiwasang maniwala sa kanyang sinasabi...

"makinig ka Shena, kilala ko si Seighart, magkasama kami since Grade 3 until now, ganun nga siya kayaman, ganun rin siya katalino pero masasabi kong isang bagay lang ang di niya naranasan.......at yun ang ma-inlove"

"hah? imposible yan noh!! siya? di naranasang ma-inlove? HAHAHAHA!!"

fake yung tawa ko...ano ba tong naririnig ko tungkol kay Seighart? si Aaron ang kasama ni Seighart since then until now kaya di ko maiwasang maniwala....totoo ba...talaga yun?...

"si Seighart, pinag-titinginan siya halos lahat ng babae pero kahit minsan walang naramdaman si Seighart sa kanila, ang tingin lang niya sa mga iyon ay mga kaibigan, alam niyang may gusto ang babae sakanya pero wala siyang paki-alam, kung pinag-desisyonan ng mga kaibigan niyang lokohin ang babae para sa pustahan o sa laru-laro lang, gagawin niya, di siya na-inlove kahit nino man sa mga magagandang babae o matatalinong babaeng nakapaligid sakanya" -Aaron

"to-totoo ba yan Aaron?"

"oo pero dito ka dapat makinig at maniwala ng mabuti Shena"

ano kaya yun?... di ako ready sa sasabihin niya... ano ba ang sasabihin niya? for some reasons, kinakabahan ako, di ko alam kung bakit, di ko alam kong paano, di...ko na alam,

"Shena, for the first time in his life...na-inlove siya" sabi ni Aaron,

"hah?"

"at alam mo ba kung sino yun Shena?"

"ikaw yun..."

"ha-hah?..."

really...really? wait, *badum* *badum* *badum* wait!! totoo ba yun lahat? hindi!! there's no way!! tandaan mo Shena, ang taong nag-sabi ng lahat ng iyon ay isa sa mga taong nang-loko sayo noon, bat ako maniniwala?!....bat naman ako........maniniwala....

"depende na yan sayo Shena kung maniniwala kaba basta sinasabi ko sayo, totoo lahat yun"

"........"

umalis akong di alam kung ano ang i-rereact sa narinig ko galing kay Aaron, umalis akong nakatulala lang at nag-lalakad, kahit narinig ko na ang bell, signal na mag-sisimula na ang klase, nag-lakad lang ako at di alam ang gagawin,

di yun totoo...diba? ewan ko na... dapat diba masaya ako dahil nalaman kong ang crush ko ay may gusto saakin? pero bakit ganun... mas nadarama ko ang takot....bat ako? sabi ni Aaron, first time ma-inlove ni Seighart at...ako yun, bat feel ko di ako bagay para sa kanya, hamak na Sporsored By lang ako, siya, isang matalinong mayaman...

wait nga, bat ba ako naniniwala sa sinasabi ni Aaron? baka di yun totoo or pang-aasar lang niya yun saakin diba? ang assuming ko naman, na-isip ko agad yung di ako bagay sakanya, assuming ko talaga, basta Shena, ok ka lang!! di yun totoo ok? hindi ok? hindi...ok....hindi ako ok...

After class, 

umuna akong umuwi kay Jasmine, sinabihan niya akong maghintay sakanya kasi malapit na siyang matapos pero namilit akong uuwi na talaga ako, wala kasi ako sa mood ngayon, parang gusto ko lang humiga pero nakalimutan ko palang may party pa pala sa bahay ng tita ko, kaya umuwi ako para naman mapag-handaan ang party,

sa patunggo labas ko sa campus, naka-salubong ko si Seighart, umiwas ako sakanya pero he approached me,

"Shena! uwi kana?"

"oo..."

"himala ata, nawala yung energy mo, isn't it possible to happen? you are always saying things in a cheerful way, that makes you a talkative person HAHAHAH!" -Seighart

"oo na... uuwi na ako, bye..."

"sandali! may problema kaba? wala ka ata sa sarili mo, anong problema?" tanong niya,

"wala... gusto ko nang umuwi"

"sige... mag-ingat ka..."  -Seighart

di ako sumabay sa mga  sinasabi niya...di ko parin malimutan ang sinabi saakin ni Aaron, di ko mawala sa isipan ko ang mga narinig ko kanina, di naman yun posible diba? siya? isang Prince may gusto saakin? parang pan lang pinalamanan mo ng tubig,

di bagay... kaya nga di ako naniniwala pero...somehow... gusto kong paniwalaan, pero kahit di man ako sumabay sa mga sinasabi niya, may sinabi pa siyang "mag-ingat ka", lalo akong nahuhulog sayo puta ka, bakit ikaw pa hah?! ikaw tong nang-loko eh!! asar!!!

naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kung ano ako kalambot dahil lang sa pag-ibig!! ASAR!!! ................

Dumating ako sa bahay namin, dun, nakita ko si tita, dala-dala ang dress ko, si mama nag-bibihis na, sabi ng tita ko ihahatid daw niya kami sa kanilang bahay gamit ang sasakyan nila pero bago daw yun, pagagandahin muna niya daw ako,

nag hire si tita ng make-up artists para samin ni mama, ang dress naman na binigay ni tita ay kay ganda, kanina nawalan ako ng gana dahil sa mga nalaman ko pero tuwing maiisip ko ang party at ang...PAGKAIN, parang na-eexcite ako, YEEEEE party!!! maraming pagkain!!! magandang suot!!! PAGKAIN!!! PAGKAIN!!! 

natapos na akong pinag-makeup, ready na ready na kami at ready ng umalis papuntang party, sabi ni tita, sa party, inimbitahan niya ang mga kaibigan niya sa trabaho at sa kompanya, puro mayayaman ang nandoon, kami lang siguro yung naiba pero kahit  na, sa itsura namin ngayon, di naman siguro halata,

describing my look, ang dress ko kulay black pero may green na halo, yung buhok ko naman pinaganda kahit maliit lang, may make-up at may dalang sosyal na handbag sporsored ulit ng tita ko, ready na talaga ako!!! ready na akong KUMAIIN!!!

sumakay na kami sa sasakyan nina tita, ang ganda talaga! at lalo na nung narating na namin ang bahay nila, marami-rami na ang tao at ang laki pa! halos lahat ng tao ang so-sosyal! grabe! then isa sa mga kaibigan ni tita sinalubong siya, nag-usap silang dalawa then pinakilala kami ni tita sa kanya,

"Shena, Sally(mama ni Shena), siya si Ms. Margaret, nagmay-ari siya ng isang malaking kompanya dito sa Pilipinas" sabi ni tita,

"hello po" bati ko naman,

"oh, how beautiful girl you are!" sabi ni Ms. Margaret,

"ah di naman po, I think you are more beautiful that I am this night" pa-english na sagot ko, nahiya naman, english eh,

"so you are that girl? your tita, Amanda told me about you, siya ang nag-babayad ng pang-aral mo diba? your name is Shena right? you are a wonderful girl, mabait ka daw at nakikita ko yan sayo"

"salamat po"

"you know what? I like you, someday, I would like you to marry my son! dont worry, he is reliable and intelligent person!"

"ah but ma'am, honestly, I would like you to know that I am only an average person and you also know that hindi kami mayaman" pababa sa sarili kong sinabi,

"Richness and Intellectuallity never reached how high the quality of the personality of a person is! di naman yan sa mayaman kami at average ka lang, ang mahalaga naman diba ay nasa loob?"

"may tama nga rin naman kayo" -Shena

then naputol ang usapan namin dahil tinawag na si Ms. Margaret ng mga kaibigan niya at mga taong mula sa ibang kompanya,

"Mrs. Morseno! how are you?"

"maiwan ko muna kayo Shena, Sally, Amanda"

"Hi! I'm okay as ever" 

wait...Morseno? si Ms. Margaret yun? ohh... sounds familliar guys, Morseno...wait- HAH? Morseno?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top