Chapter 2 - Return of the Unknown

After class, hapon na na-natapos ang klase namin, its 5:00 PM, everyone is ready to go home but.... me.... cleaners ako today but then yung ka-group ko iniwan ako TANGINANG MGA ESTUDYANTE TO! sarap sapakin,

pina-una ko nalang si Jasmine dahil baka matagalan ako sa pag-lilinis ng classroom, halos wala nang tao ang ibang classroom, some students decide to have karaoke before going home, yaman ehh noh! KARAOKE? ulam na namin yan guys!! samahan pa ng suka with asin PERFECT NA!

and then pumasok ang isang tao..... at si King Aaron iyon, di ko alam kung ano ang kailangan niya pero the moment na pumasok siya, na irita agad ako...GRRRR!!! sarap sapakin, itali at itapon sa ilog!!!

"Shena Anne... you're still here?" -Aaron

english ng english talaga tong mga taong ito ehh ewan ko sakanila kung anong syndrome ang sakit nila feel na feel siguro nila talaga ang weather noh?? english ehh,

"yup, naglilinis pa kasi ako, iniwanan ako ng mga cleaners, ang tatamad talaga!" sabi ko,

"then, I'll help you" sabi niya,

"hah?! nag a-as if kang mabait? sorry Aaron but di bagay sayo, umalis ka nalang" galit na sabi ko sakanya,

"matatagalan ka if nobody will help you here, just accept my invitation, wala namang mawawala sayo" sabi naman niya,

"anong purpose mo?" tinanong ko siya,

"what do you mean? tutulongan lang naman kita dito, anong purpose na sinasabi mo?"

"alam mo na, baka pinupustahan niyo naman ako or what-so-ever"

"gusto lang kitang tulungan, di to pan-loloko o pustahan namin"

"then di ko kailangan ng tulong mo ok? umalis ka nalang, sagabal ka sa mata ko"

"hindi! tutulongan kita dito sa ayaw man o sa gusto mo! di naman pwedeng pabayaan nalang kita dito na nag-iisang naglilinis at isa pa classroom ko rin to, let me help you"

di ako nakapag-salita sa sinabi niya, di ko akalaing YUN ang sasabihin niya, di ko INEXPECT na YUN ang reaksyon niya I left speechless and let him help me,

"............"

"Shena..."

"ano yun? baka ayaw mo nang mag-linis? sa bagay naman, ang mayayaman di naman talaga sanay sa paglilinis" -Shena

"hindi noh! gusto ko lang mag-sorry" 

nagulat ako sa sinabi niya, di ko ma-interpret kung joke ba yun, loko ulit ba or totoo ba kasi sa tono niya, parang seryoso siya and it's all of a sudden,

"bat ka nag-sosorry?" sinabi ko sa kanya,

"noon, nung pinustahan ka namin"

"sa pang-loloko lakas ng baba mo tas sa sorry parang tinitipid mo agad yung mga salita mo, there's no way na sincere ang pag-sorry mo oh baka nga niloloko niyo ulit ako pwes!!! di na ako tanga ngayon!! lalaban na ako sa mga walang hiya niyong panloloko saakin HAH! tandaan mo yan!" -Shena

"kunti lang yung sinabi ko, taas ng sinagot mo, wala naman tayo sa beauty contest eh at isa pa, depende na yun siguro sayo na maniwalang sincere ba ang sorry ko o hindi basta pinag-sisihan ko yun, wala akong karapatang paglaruan ang taong  walang ginawa saakin" -Aaron

"wag ka ngang mag-panggap na mabait Aaron, di nga bagay sayo!!"

sinabi ko sakanya pero, di siya kumibo, nag-patuloy siya sa paglilinis na seyoso ang mukha, di ko siya maintindihan, nanloloko siya diba? nang-iinsulto siya diba? ewan ko !!!

"there, we finish it" -Aaron

"oy Aaron! ikaw yung kusang tumulong hah! di ako nang-hingi ng tulong sayo!"

"yeah I know, wala naman akong hinihintay na kapalit sayo"

hah...........

"........"

"bat ka natahimik?" sinabi niya sakin,

"wa-wala lang, syempre noh! wag ka talagang mag-hintay ng kapalit dahil wala talaga akong ibibigay sayo!"

I got a feeling, guts ko lang na seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya saakin, di panloloko, pang-aasar at pang-iinsultolahat talaga ng sinabi niya ay seryoso,

alam ko yun pero di ko alam kung bakit ako siguradong-sigurado, dahil siguro sa expression ng mukha niya, tuwing sinasabi niya ang mga yun, tumititig talaga siya sa aking mga mata,

"for the last time Shena, sorry.... aalis na ako, maiwan na kita dito" sinabi niyang papa-alis,

"sige......salamat sa...tulong mo"

"walang anu-man, see you tomorrow" 

.............. di ko talaga alam kung anong nangyayari, is that person who used me to gain money in past 3 years? yung taong yun ba talaga si King Aaron?

imposibleng ang putang tao na yun na nag-pahiya saakin ang umasal ng ganon, is he trying to be a gentleman? no.......he's not.........no.............he is really a........nice person.

Kinabukasan, 4th subject na namin at patapos na, mag-lulunch na sana kami ni Jasmine but then inutusan ako na dalhin ang karami-raming paperworks from different sections papunta sa faculty at guess guys? 6th floor kami, then ang faculty nasa 2nd floor at marami at mabibigat pa talaga ang mga papel na yun! GOD!! can you lend me a hand?

then ang worst pa, ang kasama ko sa pag-dadala ng paperworks ay si Prince Seighart, di pa nga ako nakaka-lunch dapat pa akong sumama sa taong ito!! kung pwede lang sanang paki-usapan ang isang DRAGON na lamunin ang taong ito, sana ginawa ko na!

kung walang dragon, sana malaki nalang yung tiyan ko para akong nalang yung kakain sakanya!! ka-irita ehh!!!

"for all the people, bat pa ikaw yung kasama kong magdala nito hah? malas talaga yang mukha mo noh? Seighart?"

"baka mukha mo Shena, everytime I got headaches, it's always you who I see, I think ikaw yung source ng kasamaan at kamalasan dito sa mundo" sinabi niya,

"ako pa? ako pa? wag mong isisi saakin ang malas mo tao ka! wala akong paki sa headaches mo!"

"oo na! daldal ng bibig mo.... saakin na yang dala mo"

"hah?! anong gagawin mo? surely may gagawin ka namang di tama, nang-bubully ka puta mo!!"

"wag ka nalang daldal ng daldal jan, sakin na yang dala mo at mag-lunch ka nalang! kainis ka talaga!" sinabi niya,

anong problema niya? mabait ang peg? really?

"di na! kaya ko to! di ko kailangan ng tulong mo!" -Shena

"sakin nalang kasi yan sabi eh!! can you please shut up your mouth and give me that papers? mag-lunch ka  nalang, ako na ang bahala dito, daldal kasi!" galit na sinabi niya,

w0w, first time, nakita kong nagalit siya and out of reasons, ang babaw pa talaga ng rason bakit siya nagalit,

yun ang tulungan lang ako, CHE! as-if as-if lang yung lalaking yun! para maganda ang appearance niya sa ibang tao!! ganun yun!

"oh! eto na! kainis, sinabi mo yan hah!"

"oo na! tumahimik ka nalang" sabi niyang papa-alis,

syempre naman.......na kokonsensya ako, parang I'm taking my words too far,

"Seighart........salamat"

"kumain ka para sumira yang bibig mo!" pang-aasar pa niya,

"EWAN KO SAYO!!! magdusa ka jan!!!"

namaaan!!! may pahabol pa talaga siya!! kainis!!! pinasalamatan ko na siya tas nang-aasar pa siya?! talaga naman yung taong yun oh!! *sigh* ka-stress, 

then nag-lunch nalang kami ni Jasmine, sa classroom lang kami nag-lunch dahil may ginagawang project pa si Jasmine kaya di muna kami sa rooftop kakain,

naalala ko nalang si Seighart dahil sa rooftop, ewan ko ba, sa sinabi siguro niyang sakanya ang lugar na iyon pero pride lang niya yun diba? ang ibig sabihin nun ay mayaman siya kaya sakanya ang lugar na iyon diba? yun-yun diba?

pero di ko parin mapigilan na mag-taka kahit katangahan ang pinag-tatakahan ko,

wait nga, bat ko ba siya iniisip? may plano ba ako ulit na maging tanga?

really guys, ang mysterious naman ng mga ugali ng Prince at King dito, di ko maintindihan, yung King nag-sorry, yung Prince naman naging mabait...

SHIIT!!! THAT TWO IS FAKING THEIR PERSONALITIES!!! ALAM KONG MASAMA SILANG TAO!!! DI NIYO AKO MALOLOKO!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top