xxviii
Oliver's POV
Ilang oras na ang lumipas pero di pa din nag-oonline si Charm.
Bago sumapit ang alas dose ay naglog out na ako at nakisama sa mga pinsan kong naghihintay mag alas dose sa may kalsada sa tapat ng bahay namin.
Naglaro muna kami ng patintero panglipas oras. Habang naglalaro ay di ko naiwasang tumingin sa kalangitan na puno ng mga nagkikislapang bituin. "Merry Christmas Charm." sambit ko sa aking isip at biglaang lumungkot ang mukha. Dismayado pa din kaya siya sa confession ko sa kanya? Kakainis sana hindi na lang ako umamin.
"Hoy Oli!!" sigaw ni kuya Rover.
"Ayan wala na! Nakalusot na sila." isa pang sigaw mula naman kay Kuya Rap. Nagsi-ayos sila muli at bumalik sa kanilang mga pwesto.
"Tayo ulit ang taya." dagdag naman ni Sien na napakamot pa sa ulo.
"Naku sorry." paghingi ko naman ng pasensya at saka iniunat ng mas mabuti ang mga kamay upang di na sila makalusot pa ulit. Bago magsimula ulit ang laro ay di ko pa din maiwasang isipin si Charm.
Maya-maya pa ay tinawag na kami ni lola dahil sampung minuto na lang ay mag-aalas dose na. Dali dali naman kaming nagsitakbuhan ng mga pinsan ko sa loob ng bahay.
Nang sampung segundo na lamang ang nalalabi ay nagsimula ng magbilang ang aking mga pinsan na sinabayan naman naming lahat. "MERRY CHRISTMAS!!!" masayang bati ng lahat sa isa't isa maliban sa akin na nagpipilit lamang itago ang lungkot na aking nararamdaman.
Sabay-sabay kaming nagsalu-salo ng pumatak na ang alas dose. Kanya-kanya kaming kuha ng mga pagkain na nais namin kainin.
Nariyan at may spaghetti with cheese sa hapag, pansit, may hamon, mayroon ding puto at kutsinta. May fried chicken at salad din.
Pagkatapos sumandok ng pagkain ay naghanap na ang bawat isa ng mapu-pwestuhan. Tumungo ako sa may sala kung saan naroon sila kuya Rap at nanuod ng tv.
"Bakit ganyan mukha mo Oli? Undas pa din ba?" tanong ni ate Jiy.
"Di mo ba tanggap na talo kayo sa patintero kanina?" tanong naman ni Gray na may halong pang-aasar.
"Wala lang 'to, trip ko lang sumimangot." sambit ko naman sabay nginitian ko din naman sila ng saglit.
Di nagtagal ay dumating sina tito Rojer, papa ni kuya Rover at si papa na may dala dalang letchon.
Sinalubong sila ni lolo at ng iba ko pang pinsan para bantayan at agad makakuha ng bahagi nito.
Nagpasya akong kunin ang cellphone ko na ipinatong ko sa may taas ng ref at subukang mag-online. Wala pa din, di online si Charm.
Malungkot akong sumubo ng puto at inilapag ang cellphone sa tabi ko.
Tumingin ako sa may orasan namin na nakasabit sa pader malapit sa pintuan namin. 12:20 AM na pala.
Matapos kong kumain ay agad kong inilagay ang pinagkainan sa may lababo at kumuha ulit ng isang puto sa mesa. Isinubo ko ito ng buo at saka kumuha ng tubig sa ref at nilaklak ito.
Lumakad na ko ulit patungo sa sala. Huminto ako habang nakatingin sa may orasan namin. 12:31 AM na. Uminom ako ulit sa lalagyan ng tubig na hawak hawak ko.
Umupo na ko ulit sa upuan namin sa sala at nag-online ulit. Ang lungkot sa aking mukha ay napalitan ng saya ng makita ko ang pangalan ni Charm sa messages ko.
Mal. Cha Luicito
12:28 AM
Merry Christmas Oliver!!
Sayang at di ko siya naabutang online.
12:32 AM
hi Cha :)
Merry Christmas din
I miss you
Matapos noon ay masaya akong naglog out. Hindi ko maiwasang mapangiti sa simpleng message na iyon ni Charm.
I miss her so much.
Thank goodness nagchat na din siya kahit isang beses lang.
"Yieeeee! Nakangiti na si Oli!" pansin sa akin ni ate Jiy. "Tito mukhang may girlfriend na ata tong anak niyo." sumbong pa niya kay papa na busy maghati ng lechon. Tumingin sa banda namin si papa "Hayaan mo lang." sigaw niya at saka bumalik na sa paghihiwa ng lechon.
"Tara na lang ulit laro!" masayang akit ko naman sa kanila. "Tagu-taguan naman." dagdag ni Sien. Pumayag naman sila. Binilisan ng iba ko pang pinsan na kumain at sumunod samin sa labas.
~~~~~~
~LilRedReadingBook~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top