xviii

YEAR BEFORE THE CONFESSION

(Charm's Point of view)

Year 2012

Kinabahan ako sa itinanong sakin ni Oliver na totoo ba.

Shems bigla akong pinagpawisan nung mga oras na yun.

Akala ko alam na niya na crush ko siya at pinapaamin ako pero buti na lamang at hindi.

Naitanong din niya sa akin ang tungkol sa fb account ko.

Nagpaparinig pa siya sa akin na gumawa daw ako ng bagong account. Kunwari pa siyang kay Ragi niya sinasabi.

Kinagabihan nga ay gumawa ako ng bagong account.

Ini-add friend ko lahat ng classmates ko pati si ma'am pwera lang kila Angelo, Robi at Oliver.

Habang ginagamit ang bago kong account ay may nagnotif .

Nakita ko ang pangalan ni Oliver at nagsend siya ng friend request.

Yung profile picture niya e nakakulay blue siyang polo shirt tapos brown na shorts tapos may ibon sa balikat niya. Ang pogi niya. Nakangiti siya at nakalabas ang dimple niya sa kaliwa.

Oliver T. Aquino sent you a friend request.

Pinindot ko naman kaagad ang confirm.

You are now friends.

Maya-maya lang ay may biglaang nagchat. Si Oliver.

7:30 PM

Hi Charm :D
Buti gmawa kna ng bago :D :D :D
Yieee nakinig sya sakin :DDD

7:33 PM

Feeling m nman!
EUNICE! EUNICE!


Diyan na kami nagsimulang mag-usap ni Oliver ng wala akong gaanong nararamdamang hiya. Hanggang sa naging chatmate na kami. Tuwing kausap ko siya ang saya saya ko kahit puro wala namang kwenta pinag-uusapan namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

keep on reading ♡

thank youuuuu :)

~LilRedReadingBook~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top