xvi
YEAR BEFORE THE CONFESSION
(Charm's Point of view)
Year 2012
Napakabintangero ni Angelo!
Nawawala daw yung English notebook niya tapos ako pinagbibintangan niya na itinago ko daw! Pinipilit niya akong ilabas ko na daw e wala nga kasi sakin. Porke ako yung nasa likod niya sa akin na niya ibinibintang. Bwisit!!
"Charm ilabas mo na kasi! Para kang nakakatanga!" pagmamaktol niya sa akin na pinipilit akong ilabas ang walang hiyang notebook niya.
Para pa daw akong nakakatanga, baka siya ang nakakatanga! E hindi ko nga nakita yung notebook na sinasabi niya na tinago ko daw!
"Epal ka Angelo? Epal ka? Sinabi ngang wala sa akin!!" napatayo na pati ako sa kinauupuan ko sa sobrang inis ko sa kanya.
"MASKI KITAIN MO PA SA BAG KO!!" sabay abot ng bag sa kanya at hinayaan siyang kalutkutin ito. Nang maniwala na siyang wala sa akin ay marahan niyang ibinalik sa akin ang aking bag.
"Oh may nakita? May nakita ka? Bintangero!" hinablot ko ang bag ko sa kanya at saka bumalik sa armchair ko.
Maya maya pa sumigaw si Angelo na kung sino man nagtago ng notebook niya mamatay na.
Dumating naman itong si Hans na galing sa labas at may dala dalang notebook. Yun na pala yung hinahanap na notebook ni Angelo, hiniram lang ni Hans at nangopya ng assignment.
"Oh Angelo, notebook mo!" abot sa kanya ni Hans.
Pahiya ka Angelo no? Bintang pa nga.
Di maipinta ang mukha ni Angelo sa hiya.
Maya-maya yung notebook ko naman ang kinuha ni Hans. Tumakbo siya at tumungtong sa teacher's table at saka pilit sa aking pinaaabot ang notebook ko.
"Hans akin na nga yan!!" panggigigil ko sa kanya habang pilit tinatalon ang notebook ko.
Trip naman kaya nitong Hans na 'to? Papansin din.
Nang makita niyang tumigil na ko sa kakaabot, lumuhod siya at inilapit ang mukha sa akin. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang notebook ko at bigla niya itong ipinagitan sa mukha namin at inalis din kaagad. Ngumiti siya ng nakakaasar.
Nasagi nang naghaharutang Robi at Ragi ang lamesa at nawala sa balanse si Hans kaya mas napalapit ang kanyang mukha sa mukha ko na para na kaming maghahalikan.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa pangyayari. MUNTIKAN NA KO MAHALIKAN!!
Sa sobrang hiya, iniiwas ko ang mukha ko sa kanya at lumingon sa kaliwa at saka kinuha ang notebook ko.
Napatingin ulit ako kay Hans, nakanguso pa ito at iniinis ako.
"muahh!!" habang nakatingin siya sa akin. Binigyan ko na lang siya ng malupitang irap.
Pagka-alis ko ay nakita ko sila Hanee sa gilid na nakatingin sa akin. Yung tingin nila parang may ibig sabihin. Nagniningning ang mga ito na parang inaasar nila ako sa nangyari.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
keep on reading ♡
thank youuuuu :)
~LilRedReadingBook~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top