xv

 

YEAR BEFORE THE CONFESSION

(Charm's Point of view)

Year 2012

Last year na namin dito sa school bilang elementary students. Grade 6 na kami. Nakaramdam ako ng lungkot dahil maaaring di na kami magkakaklase kapag tumungtong na kami ng high school.

Unang araw ng pasukan, habang naglalakad sa hallway ay natanaw ko na agad ang mga kaklase ko at mga kaibigan.

Tinawag ako ni Hanee at sinalubong naman ako ni Poyi, kaklase namin dati na muling bumalik.

Si Eunice naman lumipat na daw ng school. Kung kailan naman graduating na kami saka pa siya umalis. Nawalan na talaga tuloy ako ng paasar kay Oliver although hindi naman effective pang-aasar ko sa kanya.

Habang naghihintay kami ng mga kaibigan ko, naagaw naman ni Oliver ang pansin ko ng makita ko siyang lumalakad suot ang maong na pantalon at plain shirt na kulay itim habang hinahagod niya ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

Di nagtagal ay may lalaking nakasunod sa kanya na biglang umakbay sa kanya. Si Angelo. Maya-maya pa ay may lumabas galing sa parteng kaliwa at nakipag-apir sa kanya. Si Ragi. May nagmamadali namang tumatakbo galing din sa pinanggalingan ni Ragi na muntikan ng madapa. Si Robi.

Sabay-sabay silang lumakad patungo sa amin.

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako at nasa harapan ko na si Oliver.

"Oy Charm!" ikinaway kaway niya ang kanyang kamay sa harapan ko para maalis ako sa pagkakatulala. "Oy Charm!" muli niyang pag-uulit sabay tabing ng panyo sa bibig ko na may tumutulo na palang laway. Ipinahawak niya sakin ang panyo at sinabing, "Laway mo, tumutulo." sabay tawa.

Bigla akong natauhan "ah, eh." sabay punas sa bibig ko.

"Nakita mo lang si Angelo naglalaway ka na."  panunukso niya sakin.

"Yieeeeeeeeeeh!"

Nakiasar na din sila Hanee.

Nakisakay na lang din ako sa trip nila tutal kailangan maging mas masaya ang huling taon naming ito na magkakasama.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

keep on reading ♡

thank youuuuu :)

~LilRedReadingBook~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top