xiii
YEAR BEFORE THE CONFESSION
(Charm's Point of view)
Year 2011
Intrams namin. Sumali ako sa larong badminton.
Pumasok ako sa school na may complete attire. Naka-jersey shirt at shorts na ko. May cap. May benda sa tuhod at nakarubber shoes. Nakasukbit na din sa kaliwang balikat ko ang aking raketa.
Ninamnam ko ang sandaling nakasuot ako ng ganito. Feeling ko ang husay kong badminton player.
Pagbaba ko sa tricycle, lumakad na ako at hinanap kung nasaan na ang mini badminton court.
Kinakabahan ako habang pinapanuod ang mga maaari kong makatunggali sapagkat ang huhusay na nila.
Tinanong ko yung babaeng malapit sa may scorer kung sino ba ang makakalaban ko.
Nagtaka ako sa kanyang sinabi ng ipinahanap ko sa listahan ang pangalan ko.
"Walang Charm Luicito dito nini! Sure ka bang nagpalista ka?" tumingin muli siya sa lista. "Wala talaga!" pag-uulit niya.
"Ate paulit po, pakitignan niyo po ng mabuti. Charm Luicito po, blue team." pagpupumilit ko kay ate habang sinisilip ang listahang nakapatong sa mesa.
"Wala nga kasi, tignan mo pa!" iniabot niya ang listahan .
Nalungkot ako kasi wala ngang pangalan ko sa listahan.
"Bakit po ganun ate? Nagpalista naman po ako e!" matamlay kong sagot habang nakayuko at hawak hawak ang aking raketa.
"Kanino ka ba nagpalista?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Sa president po namin, kay Hanee po." sagot ko naman.
"Ay pasensya ka na talaga nini, walang ipinasang lista yang sinasabi mong Hanee sa amin." paliwanag niya.
Umalis na lamang ako at pinagtitinginan na ako ng mga taong nanunuod sa laro. Nakakahiyang pangyayari! Todo bihis pa ko dito di naman pala ako maglalaro. Bakit kaya di ipinasa ni Hanee yung lista? Napahiya lang ako.
Umupo na lang muna ako sa may gilid at pinanuod na lamang silang maglaro. Maya-maya pa'y may lumapit sakin at humarang sa pinapanuod ko. Tumingala ako para makita kung sino at ang bumungad na mukha sa akin ay mukha ni Oliver.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
♡keep on reading♡
thank youuuuu :)
~LilRedReadingBook~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top