xii

YEAR BEFORE THE CONFESSION

(Oliver's Point of view)

Year 2010

Bet na bet ko 'tong bagong sitting arrangement namin. Thank you ma'ammmm.

Katabi ko na si Charm ngayon di na si Eunice. Sa kabilang banda naiinis pa din ako kasi katabi din niya si Angelo na nakaupo sa bandang kaliwa niya tapos itong si Robi nasa likod pa.

Pero okay na ko basta katabi ko si Charm. Lalo ko na siyang maaasar. BWAHAHAHAHAHAHA!

Kakalipat nga lang namin sa bago naming pwesto e inasar ko na siya kaagad kay Angelo tapos idinagdag ko pang iasar sa kanya si Robi. Tumulong namang mang-asar yung pinsan niyang si Ragi.

Di na niya ako inaasar kay Eunice kasi nakikita niyang di effective, na di ako naaasar kagaya niya. HAHAHAHAHA cute pa namang maasar ni Charm.

• • •

May activity kami sa Arts, nagdra-drawing kami. Tapos ko ng gawin yung sakin kaya ipinasa ko na kay ma'am. Nagpaalam muna ako kay ma'am saglit para magcr.

Pabalik na ako ng classroom pero bigla akong kinawayan ni Ragi. Inakit niya ako sa canteen kasi andun sila Angelo bumibili ng pagkain.

Ilang saglit lang, nauna na akong bumalik sa classroom. Naiwan muna sila Angelo at Ragi sa canteen dahil di pa sila tapos kumain ng spaghetti.


Umupo na ko sa aking upuan at napansin si Charm na umiiyak kay ma'am. Wala akong kamalay-malay sa nangyayari. Narinig ko ang sumbong niya kay ma'am at itinuturo si Robi.

Sirang Robi 'to. Pinaiyak si Charm ko.

Di ko alam kung ano talagang nangyari pero nakaramdam ako ng galit kay Robi. Tinignan ko siya ng masama ng di niya alam habang naririnig ang iyak ni Charm. Bwisit 'to! Wala siyang karapatang saktan si Charm!

Pinagbati sila ni ma'am pero nakikita ko pa din sa mga namumulang mata ni Charm ang galit habang binabanggit niya ang salitang sorry.

Humanda ka sakin Robi ka. Humanda ka talaga sakin!

Nang mag-uwian kami ay kinompronta ko si Robi.

"Robi! Bakit mo pinaiyak si Charm? Loko ka!!" Di ko napigilan ang sarili ko, ibinagsak ko ang bag ko at nakahaya na ang aking kamao para suntukin siya.

Itinulak niya ako ng malakas at napaatras. "Ano bang problema mo ha? Siya naman nauna ah! Bakit ba concern ka sa kanya?" " Ano may gusto ka ba sa kanya, ha? Siguro nga may gusto ka sa kanya kaya ka nagkakaganyan!"

Natahimik ako saglit sa sinabi niya.

"Wala akong gusto sa kanya! Syempre babae siya! Dapat ang babae iginagalang di sinasaktan."  sagot ko.

Dumating naman si Angelo.

"Oli anong nangyayari dito? Robi nag-aaway ba kayo?" naguguluhan niyang tanong sa amin.

"Ewan ko sa'yo, ang labo mo!" padabog niyang sagot at umalis na sa harapan ko si Robi.

Kinuha ko na ang aking bag at umalis na din.

Habang naglalakad ako pauwi napaisip ako. Masyado na ba akong obvious kanina? Hay di bale kasalanan 'to ni Robi. Wala na kong pakialam kung mahalata nila ako. Ayoko lang kasi na nasasaktan ang taong gusto ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

♡keep on reading♡

thank youuuuu :)

~LilRedReadingBook~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top