xi

YEAR BEFORE THE CONFESSION

(Oliver's Point of view)

Year 2010

Di ko alam pero iba naging trip ko.

Nakita ko na sina Charm at Angelo na lang ang natitirang tao sa loob ng classroom. May naisip tuloy akong kakaibang trip.

Habang humahagikgik e dahan dahan kong hinila at isinara yung pinto. Syempre hindi nila namalayan kasi busy pa silang nagsusulat tapos maingay pa dito sa labas kasi uwian na kaya di na nila narinig yung pagsara ko sa may pintuan.

Naghintay ako ng ilang minuto sa labas at parang naramdaman kong parang tapos na si Charm magsulat kasi itiniklop na niya ang kanyang kwaderno. Napatingin ako sa may pinto at nakitang nakasabit sa gilid ang kandado. May naisip na naman akong kagaguhan. Tahimik akong lumapit sa pinto sabay kinando ito.

Umupo ako sa tapat sakto namang papalabas na si Charm.

Natatawa ako sa hitsura niyang pikon na pikon.

Tinawag niya si Angelo at pinapabuksan sa kaniya ang pinto.

Nag-usap pa sila, nakita ko pang hinablot ni Charm ang ballpen at notebook ni Angelo. Natatawa ako kasi naiinis na naman si Charm.

Maya-maya pa ay pumunta na si Angelo sa may pintuan pero nagtago muna ako para di niya ako mapilit.

Pinuntahan ko muna si ma'am sa faculty para hiramin ang susi para pagkatapos ni Charm magsulat e nabuksan ko na kaso pagdating ko dun wala na pala si ma'am, nakauwi na. Patay!

Bumalik ako sa tapat ng room tapos sumigaw na si Charm.

"OLIVER BUKSAN MO NA KASI YANG PINTO! KANINA PA KO HINIHINTAY NG SUNDO KO!"

Lalo na akong di mapakali.

"W-wwala  na si m-ma'am e, nakauwi na s-siyaaa. Kin-nan-d-dado ko k-kasi yang p-pinto."  nanginginig ko ng sabi habang palakad lakad sa harap nila.

Mabuti na lang dumaan yung principal namin kaya ayun nabuksan yung pinto. Pinagsabihan pa kami. Nagpasalamat kaming tatlo at pagkalabas ni Charm e binigyan niya ako ng napakalakas na suntok sa kanang braso. Arayy!! Tapos may irap pang kasama.

Natuwa naman ako kasi naasar ko na naman siya.

Binatukan naman ako ni Angelo bakit ko daw yun ginawa.

"Nasuntok ka tuloy!" paasar na sabi ni Angelo.

Tinawanan ko na lang siya at inakay na pauwi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

thank you so much for reading :)

keep on reading :))

~LilRedReadingBook~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top