v
YEARS BEFORE THE CONFESSION
(Oliver's Point of view)
Year 2006
May program sa school namin. Muse namin ang crush ko na si Charm. Grabe ang cute talaga ng crush ko. Sayang lang kasi di ako escort niya pero ayos na din kasi hindi si Robi. Di ako selos dahil si Ragi na pinsan naman niya ang escort niya. Sana next time ako naman escort niya.
Year 2007
Nakakainis si ma'am kasi pinagpartner na naman niya si Charm at Robi sa sayaw tapos kami na naman partner ni Eunice.
Di ko din gusto yung step namin dun, sa huli yung magpartner bubuo ng heart. Nakakainis gusto ko na lang di sumali.
Naipresent na namin yung sayaw, presentation namin yun kasi graduate na kami. Grade 1 na kami sa pasukan.
•••
Grade 1 na kami.
Nakita ko na naman si Charm.
Ang cute niya pa din.
Kahahatid lang sa kanya ng mama niya.
"Charm!" pagtawag ko sa kanya.
Huminto siya at lumingon siya sakin.
"Sandali! Sabay na tayo pumasok!" sigaw ko habang nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya.
"Ako na maghihila ng bag mo!" sabay kuha sa bag niya.
"Akin na yang bag ko!" sigaw niya sakin.
Napatakbo ako dahil bigla niya akong hinabol.
"Sige ka! Ibibigay ko ito kay Robi." pananakot ko sa kanya habang tumatakbo.
Tumigil siya sa pagtakbo at ako din. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom.
"Sumbong nga kita kay Eunice." mahina niyang sabi.
"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya na kunwari ay wala akong narinig na sinabi nya.
"Wala!" sabay hiklas sa bag niya na aking hawak-hawak at dali dali ng umupo sa kanyang upuan.
Hays!
•••
At last! Nangyari na ang pinakahihintay ko.
Founding Anniversary na ng school namin at may parade ulit na magaganap.
Si Charm ulit ang muse pero this time ako na ang escort niya.
Yes! Feeling ko prinsesa ko siya tapos prinsipe niya ako. Ang saya!
Year 2008
Grade 2 kami nila Charm.
Biglang tinanong ni Angelo kung sino crush ni Charm.
At that moment, katabi ko si Angelo at pasimple akong nakikinig sa kanila.
I wanted to know kung sino crush niya.
"Charm, sino crush mo?" tanong ni Angelo.
"Secret!" yun lang narinig ko sa kanya.
Pagkatapos nun inakit na ko ni Angelo sa labas para maglaro.
Tinitignan ko si Charm sa classroom habang naglalaro kami sa may playground.
Sino kayang crush niya?
Tinanong ko si Angelo.
"Sino kayang crush ni Charm?"
"Di ko alam, secret nga daw di ba?" sagot naman ni Angelo habang paakyat sa may slide.
Hala! Baka kaya si Robi crush niya! Oh no!!
Maya maya pa lumabas si Hanee sa may classroom at pinutahan yung mga kaklase naming babae.
"Angelo! Angelo!" sigaw ni Robi habang tumatakbo sa kinaroroonan ni Angelo.
"Alam mo ba? Crush ka daw ni Charm." sabi niya habang hinihingal na nakayuko at nakahawak sa kanyang dibdib.
"Paano mo naman nalaman!?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Sabi ni Hanee, sinabi daw ni Charm." sagot niya.
Napatigil ako sa paglalaro.
"Tara puntahan si Charm!" sigaw ko at lumakad kami ni Angelo pabalik ng classroom.
Inasar-asar ko siya kay Angelo kahit na nagseselos ako.
Si Angelo naman feel na feel niya na crush siya ni Charm.
Dalawa na kaagaw ko kay Charm pero this time si Angelo ang pinakamatinding kalaban ko kay Charm dahil crush siya nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
keep on reading :)
support!!
I would love to hear feedbacks from all of you :)
~lilredreadingbook~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top