iv


Oliver's POV

Hay! Ikatlong araw na pero wala pa ding nangyayari.

Wala pa ding reply si Charm.

Actually, di na siya nag-oonline.

The last time nag-online siya e yung nagsend ako ng confession messages sa kanya.

Kumusta na kaya siya?

•••

"Oli! Oli!"

Nilisan ko muna ang aking kwarto sapagkat may tumatawag sakin mula sa labas ng bahay.

"Robi! Angelo! Kayo pala!" sigaw ko habang papunta sa may gate upang pagbuksan sila.

"Anong nangyayari sa'yo? Bakit hindi ka nagrereply sa chat namin?" tanong ni Angelo sakin sabay tapik sa aking balikat.

"Oo nga naman Oli. Miss ka na namin makalaro." pagiit namang sabi ni Robi.

"Tara dota mamaya!" pag-aaya ni Angelo at Robi.

"Huy Oli!" panggugulat naman ni Robi.

"Ha? A-ano? May sinasabi kayo?" sagot ko naman.

Wala ako sa aking sarili kasi iniisip ko si Charm.

"Ang sabi namin tara dota mamaya." pag-uulit ni Angelo habang kumakamot sa ulo.

"Sige alis na kami. Mamaya ha!" sabay nilang tapik sa magkabila kong braso.

Pumasok na ako ulit sa loob ng bahay.

Charm! Charm! Charm!

Ano ba kasi ginagawa mo?

Hays.

Puntahan ko kaya siya sa bahay nila?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

stay in touch :)

thank you for reading

please vote, share and comment :)

~lilredreadingbook~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top