We Are Broken
19
Maikli lang to mga bes. Ang magreklamo, bibisitahin ng mga Hadezar. Sweeeg~
-------------------------
"Hindi naman malalim iyong sugat. Pero mas makakabuti kung hindi ka muna magbubuhat ng kahit na anong mabigat para hindi magbukas at dumugo ulit. Don't worry, hindi naman kailangang tahiin iyan." Paliwanag noong doktor habang binabalot iyong kamay kong duguan mula doon sa bubog ng vase na ginamit ko kanina.
I just stared at the deep cut being covered by the bandage. Sa bawat pagikot noong puting gasa ay bumabakas pa rin ang dugong bahagya pa lamang naampat.
I know this wound would scar, but atleast the skin deep inside would heal. Unlike what I feel right now, maybe after years and years I would forget about his betrayal, but I will never forget the pain. Hindi ito katulad ng sugat na ito na madali lang mabubura ng gamot. A wound of the heart is almost impossible to cure.
Noong matapos ng linisin ang sugat ko ay agad din akong nahiga. The skies are dark gray, thunder clouds are already forming and sooner rather than later, it will rain. Makikiramay na ang langit sa nangyari sa akin.
I played with my pillow while thinking about him. Ilang beses na akong pinagtabuyan ni Noah noon. I faced shameful rejections before because of Noah but none of it was painful as this one. I don't know if I should feel comfort because now I know that I really don't love Noah o ang mas manghinayang dahil sa kaalaman na ang totoo kong mahal ay manloloko.
I wonder if somebody out there would really love me. As in, really, really love me. No matter how unlovable I am. No matter if I am a beast. I wonder.
Hindi talaga ako nakatulog kakaisip kay Ashton buong gabi kaya noong rehearsals na namin para sa mini concert ay hindi ako makapagpokus. Ilang beses kaming nagbreak dahil palagi akong nawawala sa sarili habang kumakanta.
"Isa pa." anas ni Rome bago muling kinalabit ang kaniyang gitara. Noah just nodded and took his guitar too. Kumapit ako sa mic stand at huminga na lamang ng malalim.
Serise, stop this. Stop being affected. You are stronger than this. You are Serise Victoria Montreal. No one is stronger than you.
'I am outside
And I've been waiting for the sun
With my wide eyes
I've seen worlds that don't belong
My mouth is dry with words I cannot verbalize
Tell me why we live like this'
My voice broke and the music stopped immediately. Iritado ko ng tinulak ang mic stand at nahulog ang microphone. Gumawa iyon ng ingay ngunit hindi ko na iyon pinansin.
"Se." Cai called me. Hindi ko siya pinansin at umupo sa backstage. I put my face on my hands before breathing hard.
'Keep me safe inside
Your arms like towers
Tower over me'
I need your help Lo. How can I even get over Ashton's betrayal? Kung sa bawat kanta ko, sa bawat pagtayo ko sa entablado, sa lahat ng gagawin ko ay naalala ko siya?
This is just so stupid. I am so stupid Lolo. Kung bakit kasi hindi mo ako katalino. Kung sanang kautak mo lang ako, baka naiwasan kong nangyari sa akin ito.
I felt something cold being pushed into my shoulder. Noong tumingala ako ay nakita ko si Matthew na nag aabot ng tubig sa akin. Kinuha ko iyon at binuksan. Siya naman ay umupo sa tabi ko. Binuksan rin niya iyong inumin niya, iyong kalahati ng tubig ay binuhos niya sa buhok niya para mabasa ang kanyang ulo.
"Ayos ka lang?" aniya. Napanguso na lamang ako at uminom.
"No." simple kong sagot. Nilingon ko siya. His chinky brown eyes became slits while looking at me. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya bago nagkamot ng ulo.
My brows furrowed before I opened my mouth.
"Ayokong inisin ka Matthew, pero..diba sinabi mo, niloko ka ng babaeng nakilala mo sa school ninyo ni Caius noon?" panimula ko. Tumigil siya sa pagkamot ng balat bago ako hinarap.
"Were you hurt? Noong niloko ka niya?" tanong ko. Sumilay iyong ngiti sa labi ni Matthew bago uminom muli.
"Hurt is an understatement Sese. I felt betrayed, stabbed, lahat na. Minsan, kapag naaalala ko siya, napapaisip pa rin ako kung paano niya nagawa iyon. I mean, I trusted her so much but in the end she betrayed me. It's devastating." He said. I can feel the pain and bitterness in his voice. It was so real that I thought for a moment that the pain and bitterness was actually mine.
"Pero Se, wala na tayong magagawa doon. Kung niloko tayo, then fine. Hindi tayo ang nagkamali kaya bakit tayo ang mahihirapan, hindi ba?" tumatawa niyang sabi. Binuhos niya ang natitirang tubig sa buhok niya bago tinapon ang bote sa kung saan.
"Let's go?" pag aaya niya. Tumango na ako at sumunod sa kanya.
Buong rehearsals ay nakaalalay sa akin gang Legacy. If my voice drops, they would play louder. Kapag alam nilang napapapiyok ako ay si Illea o di kaya si Caius ang kakanta. Nahihiya man ako but I won't reject their help. Mas kailangan ko sila ngayon kaysa sa pride kong wala namang maitutulong sa akin.
'Cause we are broken
What must we do to restore
Our innocence
And oh, the promise we adored
Give us life again
'Cause we just wanna be whole'
Lutang pa rin ako habang nasa byahe pauwi. My lady guard, her name was Jane, sat silently while driving. Nasa may EDSA na kami noong may kinuha siya sa dashboard at iniabot iyon sa akin.
"What's that?" tanong ko. Pumihit siya at niliko ang sasakyan.
"Galing po sa Liutenant yan Ma'am. Hindi ka na niya mapupuntahan dahil ipinadala siya sa isang misyon." Paliwanag nito. Kinuha ko ang sulat at inilapag lamang iyon sa tabi.
"Saan siya pupunta?" I asked after awhile. Umiling si Jane sa akin bilang sagot.
"Classified po Ma'am."
Tumango na lamang ako. Iyong kamay kong nasa binti ko ay kumuyom.
"Will..Is he going to be safe?" I asked. Damn Se! Hindi ka na dapat nagtatanong! Huwag ka ng magtanong! Huwag ka ng makialam!
Malungkot ang naging ngiti ni Jane bago nagkibit balikat. "Iyong pinadala ng General ay ang mga pinakamagaling sa lahat Ma'am. Ibig sabihin ay delikado ang misyon nila." Sagot nito. Pakiramdam ko ay nasuntok ako sa sikmura sa narinig.
"He's going to be safe." Pinal kong sabi. Hindi na sumagot si Jane at huminga na lamang ng malalim.
Noong makarating ako sa unit ko ay agad kong kinuha ang sulat ni Ashton at binuksan iyon. The letters were written as if he was in a hurry to finish it. Bahagyang lukot na ito pero naroon pa rin iyong tanda na maingat niya iyong itinupi para hindi masira.
Sinimulan ko iyong basahin.
Ma'am na pinakamahal ko sa lahat,
Alam kong hindi ka maniniwala. But I really love you Serise Montreal. I might not love you at first, when my mission was to kill you. But I love you so much now. It's the truth.
Yes, I was hired to kill you.Hindi ko alam kung paano iyon gagawin dahil masyadong mahigpit ang seguridad sa pamilya ninyo kaya pinili kong pumasok bilang guard mo para magawa ko ang misyon. I was waiting for the perfect opportunity but hell broke loose. Ma'am I fell. Fast and hard.
Hindi sapat ang sulat para magpaliwanag. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay maipaalam sa iyo na hindi lahat ng ginawa ko ay kasinungalingan. Oo, umaamin ako na niloko kita sa simula. Pero nagbago iyon Serise.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkahumaling ko sayo Serise. Maybe it was during your pretentions. Kapag nagpapanggap kang malakas kahit alam kong nasasaktan ka. Siguro noong nakita ko kung gaano ka naging katapang noong hinarap mo ang pagkamatay ng Lolo mo. I really don't know. Maybe I fell in love with you because you're just simply you.
Mamaya ang alis namin para sa bagong misyon. Delikado ito Ma'am. Baka hindi pa kami nakakarating doon ay napatay na kami. But don't worry (kung mag aalala ka man, naiisip ko na yung mukha mong iritado na) mag iingat ako. Babalikan kita at magpapaliwanag ako.
Hindi ko hinihiling na hintayin mo ako. Nasaktan kita at wala na akong karapatang humiling pa sayo. Pero nangangako akong babalik ako Serise. Kahit dayain ko pa si kamatayan, babalik ako. Magpapaliwanag ako. Gagawin ko ang lahat para maniwala kang mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.
Sa susunod nating pagkikita.
Lt. Col. Ashton Cruise D. Santillan
--------------------------
Song Used:
Paramore - We Are Broken
A lil treat for y'all
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top