Serise

2



"Hindi ka pa ba tapos Ma'am?" tanong niya sa akin habang nakasunod sa pang limang boutique na binisita ko. I just glared at my stupid bodyguard whose busy keeping up with me. Tulak tulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga pinamili ko.


Binalik ko ang tingin ko sa asul na leopard hand bag. I pouted before tracing the strap with my fingers. Noong maramdaman ko ang gaspang niyon ay napangiwi ako. Ang pangit ng quality.


"Kanina ka pa namimili, diba? May balak ka bang mag inventory sa buong mall?" pangungulit pa rin niya. My eyebrow raised with his tone. Napakapakialamero nitong bansot na ito. Akala mo naman maiintindihan niya ako kung bakit ako nagshoshopping eh mahirap lang naman siya. He doesn't even have the sense to wear something normal. Sapat na sa kanya iyong tshirt at ang recyclable niyang pants na palagi kong nakikitang suot niya.


"Bakit? Pagod ka na ba?" mahinahon kong tanong. Pero sa totoo lang ay naiirita na ako sa pagsunod sunod niya. Dati kapag nagshoshopping ako ay dala ko si Seth o di kaya ay si Seven. Sila ang tagabitbit ko noon at wala silang angal kung nagtatagal ako dahil takot sila sa akin.


"Hindi naman. Pero kasi, ang dami mo ng pinamili at puros mahal pa-"


Dahan dahan kong ibinaba iyong pulang stiletto at hinarap siya. "Hindi naman kita uutusang magbayad kaya huwag kang magreklamo sa presyo ng mga binibili ko Santillan." Nakangiti kong sabi. Tumaas ang kilay niya bago napailing.


"Isa pa, shopping helps the economy. I'm just doing my job as a good citizen of the Philippines. If I won't shop here, then the staff in this boutique won't have any salary. Ang bait ko pa nga kasi kahit low class ay binibili ko wag lang silang maging mahirap." Paliwanag ko. It's true. Minsan kahit hindi maganda ay binibili ko para lamang makatulong. Like duh, may pera ako, bakit hindi ko gagastusin hindi ba?


I flipped my annoying straight hair before getting the silver heels I saw on the stand. Lumapit sa akin ang isang sales lady at inabot ko iyon sa kanya.


"Give me a red one of that design. Size 7." Utos ko. Napatitig iyong saleslady bago tiningnan ang sapatos na bigay ko. Kumurap kurap pa iyong fake niyang pilikmata bago ako tiningnang muli.


"Kulay pula po?" tanong na naman niya. Napangiwi ako dahil gusto kong sabunutan ang pilik mata niya sa katangahan. Red nga diba? Kailan pa naging berde ang red? Pang tanga lang.


"Hindi. Asul. Ano bang sinabi ko? Pula diba? Oh yung size 7 alam mo na siguro?" pagtataray ko. Bakit ba lagi akong napapalibutan ng mga stupid? Una si Seven, tapos yung bodyguard ko. Ngayon naman itong pilik mata.


"Ma'am.." tawag ni Ashton sa akin. Hinarap ko siya at mas lalo akong napangiwi. Tumabi siya sa akin at hinarap iyong babae. Kinagat niya ng bahagya iyong labi niya bago ngumisi ng pangmayabang.


"Sorry, baligtad yung gising niya ngayon kaya nagsungit. Now, will you be a babe and fetch her a red stiletto with the same design as this one? Wag mong kalimutang size 7 ha?" malambing niyang sabi. Ngumiti iyong pilik mata at tiningnan muli si Ash.


"Shigi po." Maarte niyang sabi. She even emphasized her braces which made her look more stupid. Damn.


Umalis iyong babae habang ako ay nakatingin lamang sa bansot na katabi ko. I hate how he charmed his way just so the girl who doesn't know the color of red won't get pissed because I bitched on her.


"Alam mo Ma'am, huwag kang bully. Bad yan." Aniya. Pakiramdam ko ay nag usok ang ilong ko sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng magsungit? Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganiyan?


"Manahimik ka na lang pwede?" anas ko. Tinalikuran ko siya at agad na dumiretsyo sa cashier para bayaran iyong mga binili ko. Pagbalik ko ay nakita ko siyang kausap iyong saleslady bago inilagay sa cart iyong kahon ng sapatos na binili ko.


Naglakad na ako palabas ng shop at ramdam ko ang pagsunod ni Ashton sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko pa ang muntikan niyang pagbangga sa sliding door.


"Ah, punyetang bakla!" sigaw niya. Hinawakan niya iyong noo niyang nauntog yata mula sa pinto.


I crossed my arms against my chest while waiting for him. Noong makalapit siya sa akin ay agad siyang umagapay sa paglalakad ko. We were walking towards the grand carousel when I stopped on my tracks. Mula sa Third floor ay may nakalaglag na malaking banner ng Legacy. Nakaitim kaming lahat roon at ako at si Caius ang nasa gitna.


I stared at my face on that banner. Kinunmpara ko ang mukha ko sa mukha ng pinsan ko and I saw nothing that makes her better than me. Hanggang dibdib lamang siya ni Caius. Minana niya iyong tangkad niya kay Auntie Shana. Kulot kulot ang dulo ng buhok niya kaya nagmumukha siyang Sto. Nino.


Hindi naman siya maganda. Santa santita pa.


"Ma'am?" tawag ni Ashton sa akin. Nilingon ko siya bago pinagmasdan muli ang banner. Noong makuntento na ako ay naglakad na rin agad kami papunta sa paboritong steak house ni Shawn.


Pumasok kami roon at pumwesto ako sa paboritong mesa ng mga kuya ko. Lumapit sa akin ang waiter at inilabas ko ang card ni Shawn. Noong makita niya iyon ay tumango siya at tahimik na bumalik sa counter. Maya maya lang ay inilapag na nila ang pagkain sa aking harapan.


Lumingon ako sa paligid para makita si Ashton na nasa labas at nakabantay lamang. Noong makita niya akong nakatingin sa kanya ay nag iwas lamang ako ng tingin. Kinain ko iyong mashed potato bago pinabalot ang iba pa.


Habang hinihintay ko ang mga pagkain ay muli kong naalala ang mga kapatid ko. It's been almost at decade since they all went to Italy to build Casa Victoria. Noong isa isa silang umalis ay mas naramdaman ko ang pag iisa dala na nga rin ng apelyido na dala ko.


Minsan naiisip ko kung may magbabago ba kung sakaling hindi ako si Serise Montreal. Would something change if Ilea doesn't exist? Would it be better if I wast just a simple random stupid girl on the streets? Will people around me stop dictating me?


I guess not. Damn, why do you have to be emotional now Se? Nabato ka lang ng itlog ay nagkaganyan ka na? Up to the point that you miss your three stupid good-for-nothing brothers.


Dumating iyong waiter at inilapag ang mga pagkain na pinabalot ko. Sa ibabaw ng brown na bag ay may isang pirasong rosas mula roon. Bahagya akong napangiti bago tiningnan iyong waiter na malapit na kaibigan ni Shawn.


Tumango lamang ako at kinuha iyong mga pagkain. Noong makalabas ako ay agad kong iniabot kay Ashton ang mga iyon. Naglakad na kami papunta sa may parking noong makita ko iyong mga batang nagbebenta ng extrang plastic sa mga namimili.


"Ashton." Tawag ko rito. Lumapit ito sa akin.


"Po?" aniya habang lumalapit. Nilingon ko iyong mga brown bags ng pagkain.


"Kumuha ka ng tatlo doon. Tapos ibigay mo sa mga bata." Utos ko. Nanlaki ang mata niya at tinitigan ako.


"Weh?" bulalas niya. Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi niya. Bakit? Anong weh?


"Why?" I asked. Umiling lamang si Ashton bago ginawa ang pinag uutos ko. Lumapit siya sa mga bata na nagtitinda ng plastic habang ako ay nakatingin lamang sa malayo. Mukhang may sinasabi ang mga bata sa bansot kong guard noong bigla akong tinuro ni Ashton. Tumalikod agad ako bago pa ako makita ng mga bata at pumasok sa van ko.


Ilang sandali lang ay pumasok na rin si Ashton habang may dala dalang limang plastic. Kumunot ang noo ko at mukhang napansin niya iyon.


"Bumili ako ng plastic." Paliwanag niya. Hindi ko ito pinansin habang siya ay abala sa paglalagay ng mga pinamili ko. Noong matapos siya ay doon ko lamang napansin ang dalawang balot ng pagkain na naiwan.


Kinuha ko ang earphones ko at aking cellphone bago ko iyon isinuot. Akmang papaganahin na ni Ashton iyon noong magsalita ako.


"Kumain ka muna bansot." Mataray kong sabi. Sumandal na ako sa headrest at pumikit, hindi na hinintay kung susundin niya ang utos ko o hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top