Number One Fan
3
I rested my head on Lolo's lap while scrolling through my phone. He's busy browsing the family photo album and I wanted to stay with him a little bit longer before I go home to celebrate Christmas with my family.
"Can't you really spend Christmas with us? Auntie Shana will be there too." I said. Lolo grinned before raking his fingers through my awfully straight hair. Napanguso na lamang ako noong maalala kong kulot ang buhok ng halos lahat ng mga babae sa pamilya namin. Somehow I feel like an outcast just because of my fucking hair.
"No one will stay here tonight Sese. Malulungot ang Lola mo kapag walang sumalubong ng pasko dito sa bahay." He explained. I just pouted before looking at him. He was currently holding a brownish picture of Lola Phoebe.
Nakangiti ang Lolo ka sa litrato habang karga karga iyong maliit na si Auntie Shana sa kanyang balikat. I smiled and took the picture from Lolo's hands.
"Sana kasi hindi mo pinauwi yung mga katulong para may tao dito. Papa's quite sad because you're all alone this Christmas."
Umiling siya. "I'm not alone. Your Lola is with me." Sagot niya. Napanguso na lamang ako at hinila ni Lolo ang aking ilong. I just laughed at him before putting my head against his shoulders.
Lolo is the only constant thing in my life right now. Everyone around me prefers Illea, pero si Lolo.. si Lolo, he's my number one fan. He never tried to change me. He saw right through this thick mask I am wearing.
I guess I am being unfair to my father, but I know deep in my heart that I am closer to Lolo than to him. With Lolo, I could just simply be Sese. I don't have to compete with somebody for recognition.
"May New Year's Eve concert kami. You'll come right?" I reminded him. Lolo chuckled before kissing my hair.
"Of course. Pipila pa ako para makapapaautograph sa paborito kong Legacy." Biro niya. I laughed a little with what he said before looking at him.
"My forever number one fan, huh?" anas ko. He pinched my nose again before smiling.
"You don't know how great you are, Sese. You have magic inside your throat and a heart that is bigger than anything in this world. I am so proud of you, sunshine." He sweetly said. I blinked back my tears because I really don't cry. I feel like tears are just pure manifestation of weakness. Hindi ka iiyak kung mahina ka. Mahina ka kung umiiyak ka.
My thoughts were interrupted when Lolo tucked my hair at the back of my ears. "But someday, I hope that someone will be able to break through that thick mask of yours and see my wonderful Sese hidden beneath it." He said. I rolled my eyes and that made him laugh.
Hihiga pa sana akong muli sa hita niya noong makarinig ako ng tatlong magkakasunod na yapak. Noong nilingon ko iyon ay nakita ko si bansot na nakatayo na sa may likuran ng sofa at nakatingin sa amin.
"Good evening po Sir." Magalang niyang sabi kay Lolo. Tumango lamang ang huli bago tiningnan si Ashton.
"Iuuwi mo na ba ang apo ko?" tanong ni Lolo. I felt down when I heard him. Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pa dito kay Lolo.
"Tumawag na po si Sir Stanley. Si Ma'am Maldi..si Ma'am Serise pinakamaganda sa lahat na lang po hinihintay." Aniya. Lihim akong napangiti noong marinig ko iyong sinabi ni Ashton. Ang sabi ko kasi sa kanya ay hindi ko siya seswelduhan hanggat di niya sinasabing maganda ako.
"Go on sweetheart. Mag iingat kayo sa daan." Bilin nito. I kissed Lolo's cheeks before taking my purse.
"Merry Christmas Lo."
He smiled at me. "Merry Christmas sunshine." He said. Naglakad na ako palabas pero nilingon kong muli si Lolo na pinapanood ang pag alis ko. I smiled at him and waved again.
Akmang lalakad na akong muli noong mapansin ko iyong maliit na pulang tuldok sa bandang dibdib niya. Was that laser? Or glitter? Wala naman kanina-
Nabigla ako noong tinulak ako ni Ashton kaya natumba ako. I was about to curse when he suddenly ran towards Lolo. Kasabay ng hakbang niya ay isang malakas na putok sabay ng pagtumba ng Lolo Sandro.
"Lolo!" sigaw ko. Nasapo ni Ashton si Lolo bago ito dahan dahang inihiga sa may carpet.
"Punyeta!" anas ni Ash sabay hugot ng revolver sa ilalim ng kanyang jacket. Mabilis siyang nagtago sa may pader bago sinilip iyong bintana kung saan nanggaling ang putok.
"Lolo.." tawag ko dito. Tatayo na sana ako noong bumaling si Ashton sa akin.
"Dumapa ka lang, tangina!" sigaw niya. Nagpakawala siya ng tatlong putok na bumasag sa salamin ng bintana. I covered my ears while looking at Lolo. Nakatingin ito sa akin, his face clouded with worry. Tiningnan ko si Ashton na nakasilip pa rin sa bintana. He pressed his ear then looked at me.
Hindi ko na pinansin kung anuman ang ginagawa ni Ashton. Sunod sunod kong narinig iyong palitan ng putok at ang paghingi niya ng back up pero wala na akong pakialam. I went to where my grandfather is, soaking on his own blood.
"Lolo.."my voice broke. Nagdilat siya, iyong kamay niyang nanghihina na ay pinisil ang aking ilong.
"Don't..cry. Serise Montreal...doesn't cry,..right?" mahina niyang sabi. Tumango ako bago ko nilingon si Ashton. Yumuko ito bago may kinuhang puting panyo sa kanyang bulsa.
"Subukan mong patigilin ang dugo. Tumawag na ako ng back up, parating na sila." Aniya. Inabot ko iyong panyo at ginawa ang iniuutos niya. Nanginginig ang kamay ko sa takot, I can feel the lump in my throat but I refuse to cry. I won't cry.
"Lolo.." tawag ko dito. Huminga siya ng malalim bago nilingon si Ashton na naglalagay ng panibagong mga bala sa kanyang baril.
"Take her.." utos nito. Natigilan kaming pareho ni Ashton sa sinabi nito.
"Po?" si Ashton na hindi makapaniwala sa narinig. Agad akong umiling at kumapit sa braso ni Lolo.
"You can't make me leave!"
"Stop being..stubborn, sunshine." Natatawa pang sabi ni Lolo. Umiling ako, ramdam ko na iyong luha sa gilid ng aking mata. Nanginginig na ang katawan ko sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.
"Lolo, please..."
Hinaplos niya ang aking pisngi bago pumatak iyong isang luha sa gilid ng kanyang mata.
"I don't want to leave you.. I can't leave you.."
"Ma'am.."
"Shut up!" I snapped. Hinawakan kong muli iyong sugat ni Lolo para maampat iyong dugo. Dalawang putok muli ang narinig ko at napayuko ako. I can feel Ashton's body covering mine.
What the hell is happening?! Bakit may nagpapaputok? Why? Why should it be my Lolo?!
Nagkaroon muli ng putukan sa labas bago iyon huminto. Sunod ay ang pagbukas ng pintuan at ang pagpasok ng pitong lalaki na nakaitim. Dalawa sa kanila ay agad na kinuha si Lolo at inilagay sa stretcher.
Mabilis akong sumunod sa kanila noong pinigilan ako ni Ashton. I harshly wiped his arm off before running after my grandfather.
"Ma'am!"
"What?" I was shaking. If something happens, no, nothing will happen. Lolo will be safe. He'll be safe. He's Alessandro Joaquin Montreal. Everybody fears him. No one can hurt him.
Binitawan niya ako kaya mabilis akong sumakay sa ambulansya para sundan si Lolo. Kasalukuyan na siyang binibigyan ng first-aid. Kinuha ko ang palad niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
Isinugod agad si Lolo sa Emergency Room at naiwan ako sa labas. Nanginginig pa rin ako habang si Ashton ay nanatili sa aking tabi. Umupo ako sa isa sa mga stool roon at tumayo naman siya sa tabi ko.
"Oh." Aniya. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakaabang na kape sa kanyang kamay. Kinuha ko iyon at ipinatong sa aking hita.
"He'll be alright, right?" basag ko sa katahimikan. Dumausdos si Ashton sa sahig bago pinatunog ang kanyang balikat. Hinubad niya ang kanyang jacket at doon ko napansin ang isang malaking sugat sa kanyang braso. Tinalian niya iyon ng panyo bago huminga ng malalim.
"Malapit sa puso ang tama ng Lolo mo Serise." Diretsyo niyang sabi. Nanlamig ako bago umiling.
"You're lying-"
"I've been in this business for years now. Alam ko sa isang tingin pa lang kung saan ang tama ng isang tao." Madiin niyang sabi. iyong panyo na nakabalot sa sugat niya ay agad nagkulay dugo.
Isinandal niya ang ulo sa pader bago pumikit.
"Iyong bumaril sa Lolo mo.. malakas ang kutob ko na sila rin ang pumatay sa Lola mo." Aniya. Natigilan ako at napatingin dito.
"What?"
Dumilat siya at tumingin sa ceiling. "Hindi aksidente ang pagkamatay ni Phoebe Montreal. Sinira talaga ang preno ng sasakyan niya."
I stared at his tired face, trying to understand everything he is saying. But Lolo said it was an accident..matagal ng panahon na wala ang Lolo. She died when I was twelve. Labingtatlong taon na ang nakakalipas. Bakit hinuhukay ulit ni Ashton-
"Binabantayan ng team ko ang bawat miyembro ng pamilya ninyo. Mukhang kayo ang target ng sindikato na may galit sa inyo. Una ay ang Lola mo, ngayon naman ay ang Lolo mo." Paliwanag niya. Umiling lamang ako at ginaya ang pwesto niya.
"Maaring ikaw na ang isusunod Serise. Alam ng lahat ng kapag wala na si Alessandro ay ikaw ang papalit sa kanya---"
"Shut up! My Lolo won't die!" sigaw ko. Tinakpan ko ang aking tenga bago huminga ng malalim. The familiar lump in my throat came back. My eyes felt the stinging pain from my unshed tears.
"He won't die. Manunuod pa siya ng concert ko."
"Ma'am Serise.." tawag ni Ashton sa akin. Tumayo lamang ako at tinalikuran siya.
"Go to the doctor and show them your wound. Iwan mo muna ako dito kay Lolo." Utos ko. Hindi ko na nagawang hintayin ang sagot niya dahil bumukas na ang pintuan ng ER at inilabas roon ang Lolo.
He was immediately transferred to the ICU. Habang inililipat siya ay tinawagan ko na sina Papa at Auntie Shana para makapunta dito. We were burning lines and I can feel my father's fear.
Nagsuot ako ng scrubs at pumasok sa kwarto ng Lolo. Lumapit ako sa kanya na mahimbing na natutulog. I sat on his bed before taking his hand.
"You're my number one fan right? You'll not miss my concert." Kausap ko dito. Ngayong kami na lamang dalawa at wala ng makakakita ay hinayaan ko ng tumulo iyong luhang kanina ko pa pinipigilan.
"You can't leave me. Ikaw na lang kakampi ko Lolo. My stupid brothers are gone. Ikaw na lang meron ako." basag na ang boses kong sabi. I harshly wiped my tears. Kaya ayaw kong umiiyak eh. It makes me feel so weak. It is so un-Serise like. Hindi bagay sa akin.
"Please Lolo, huwag mo munang puntahan si Lola.." pagmamakaawa ko. Humilig ako sa may pader at pinanood ang kanyang paghinga.
"I don't want to be alone. You're the only one I have. Please, I can't afford to lose my number one fan." Nanginig iyong labi ko habang sinasabi iyon. I hope he can hear me. I know he hears me right now.
"Alam mo Lo, lahat sila mas mahal si Illea. She's prettier, smarter, more kind. I don't say this out loud, sometimes I try to cover up my insecurities with my confidence, pero kasi deep inside me I know that they're right. Illea is way better than me. If not then why does the man I love loves her? Kung mas magaling ako, bakit mahal ni Noah si Illea?"
Hinaplos ko ang natutulog niyang pisngi. "I can accept Noah choosing Illea. I can accept anyone choosing Illea over me. As long as I have you. As long as you're mine. As long as it is my name that you are shouting whenever I sing. As long as you're are here. I don't care if the world will abandon me for Illea, as long as you will remain my fan." Umiiyak ko ng sabi. I sobbed so hard like the little girl that I was. Iyak lamang ako ng iyak sa tabi niya.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandoon sa tabi niya. Ilang beses ng labas pasok ang ginawa ko, palitan kami ng Papa at ni Auntie Shana sa pagbabantay. Noong dumating iyong mga pulis ay kinausap ang magkapatid kaya naiwan ako sa tabi ni Lolo. Umupo ako sa stool at ipinatong ko ang baba ko sa kanyang palad. I can still feel the blood running on his veins. He's still here Sese. Lolo won't leave you.
Nakaramdam ako ng paggalaw kaya napadilat ako. Lolo has his eyes wide open. Bumuka iyong bibig niya kaya inilapit ko ang tenga ko roon.
"Lolo!" I called him. Mabilis kong pinindot ang buton para sa kanyang doktor bago ako lumapit muling sa kanya.
"Can you hear me?" I asked. He looked at me before smiling.
"S-sunshine.." he said. I smiled but my tears fell. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Naramdaman ko iyong mabini niyang paghinga. I can hear him whispering that's why I put my ears over his lips.
"Y-you..are my sun..shine..my o-only sunshine.." pagkanta niya. My tears fell one by one while looking at him. I touched his cheeks before smiling through my clouded tears.
"You..make me h-happy...when skies are gray.."piyok ko. He smiled at me, Iyong dibdib niya ay mabilis na ang pagtaas baba.
"I..love you Sese." Aniya. Tumango lamang ako. Pumikit siya at huminga ng malalim. His vital signs started lowering and I panicked. Sakto naman ay ang pagpasok ng doktor.
Lalong lumakas iyong paghihirap sa paghinga ni Lolo. Kung ano ano na ang ginawa sa kanya habang ako ay nakatayo lamang sa isang tabi.
"M-manong!" narinig ko ang boses ni Papa. Pumasok siya kasama si Auntie Shana na umiiyak na.
"Tay.."
Agad kong pinahid ang luha ko habang nakatingin kay Lolo na sinusubukang irevive ng doktor. My hands went to my mouth and I almost fell on the floor if not for a pair of arms that strongly held me.
"Don't fall." Bulong nito sa akin. I was shaking so hard while the doctor tried to bring Lolo back.
"Manong! Tay, wag muna." Si Papa, basag na ang boses at luhaan. Yumakap sa kanya si Auntie na humahagulgol na.
"Kuya,si Tatay.." aniya. Kumapit ako sa brasong may hawak sa akin, para bang doon ako humuhugot ng lakas.
Lolo, please...please, please..
Tumigil iyong doktor bago tiningnan ang kanyang relo. I closed my eyes tightly, my heart is hammering inside my chest. The pain was eating me from the inside. Hindi ko kayang marinig, hindi ko gustong marinig. No. Not my Lolo. Not him. Please...
"Time of death. 10:29 p.m." anunsyo nito.
Napangiti ako ng mapait sa narinig. You really love Lola that much Lolo? You even have the same time of death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top