North Star
16
Do you like messi?
------------------------------
Tahimik akong pumasok sa kwarto ni Noah. Nanunuod siya ng NBA sa loob habang kumakain ng mansanas na hindi man lang binalatan. Noong makapasok ako ay agad niyang pinatay ang TV at nginuso ang upuan sa tabi ng kanyang kama.
I sat there and he grinned at me. "Anong kailangan mo sa akin mahal na reyna?" tukso niya. I cocked my brows and punched his uninjured arm.
I took one apply and stopped midway. Iyong pulang pulang mansanas ay nanatili lamang sa kamay ko. It silently mocked me with a memory I should not remember.
Damn. Everything started with an apple. That first kiss happened because of an apple. I got addicted to him because of an apple. I am now confused because of an apple.
"Serise? Gusto mo yan?" tanong na ni Noah. I bitterly smiled and looked at him. Noah has those deep honey colored eyes. Thick brows, pointed nose, fair skin. The typical boy-next-door face was clearly his. I remembered back then that I used to admire him from afar. Kapag naglalaro sila ni Seven ng basketball ay namamangha na lamang ako sa kanya.
Somehow, I got attached to the feeling of being excited whenever he is around. Nakakatuwa iyong pakiramdam na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nasa malapit siya at kapag nililingon niya ako. I got used to that feeling.
Malaya iyong ngiti na sumilay sa labi ko. I felt the heavy pang on my chest being lifted already. "Damn it, but I loved you Noah." Anas ko. Nanlaki ang mata niya bago napangiti.
"I know Se." sagot niya. Nawala ang ngiti ko sa narinig. He knew?
"Yes." He answered as if he heard my thoughts. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinisil iyon.
"Akala ko hindi ka aware doon."
Nagkibit balikat siya. "Don't be offended Se ha? But I always believe that the love you felt for me was the same with the love Caius felt for you before. Naaalala mo iyon? Noong nagtapat siya sayo bago sila magtransfer ni Matthew?" aniya. Napangiti na lamang ako habang unti unti ko siyang naiintindihan.
"Caius said that he is in love with you, but he doesn't want to ruin your friendship. Na mas importante ang pagkakaibigan ninyo kaysa sa nararamdaman niya para sayo kaya bago pa siya tuluyang malunod ay umiwas na siya. Ano nga kasing sinabi mo noon sa kanya bilang sagot Serise?" natatawa niyang sabi. I giggled a bit before doing tiny circles at the back of his palm.
"Caius, you are not inlove with me. You are in love with the idea of me. You are in love with your attachment with me. That is not the real love Cai." Sabi ko, inuulit iyong mga salita ko noong mga bata pa kami at wala pang muwang.
"Then you told him to find somebody else. Iyong babaeng mamahalin niya kahit wala palagi sa tabi niya. Someone who will make him yearn and crave for her touch every second of his day."
"And indeed, he found her." anas ko. Noah reached for my hair and sighed.
"I love your cousin Serise. In more ways than one. I always crave for her. I long for her love. Ito ang klase ng pagmamahal na talagang matindi at pinaglalaban Se."
Tumango ako sa narinig. Huminga lamang ako ng malalim bago siya tiningnan sa mga mata.
"Serise, you are not in love with me. You are in love with the idea of me. You are in love with your attachment with me. That is not real love, Sese." Aniya, natatawa habang inuulit ang mga salita ko noon. I punched his cheeks lightly before nodding my head.
Tumawa siya kaya nahawa na ako. I suddenly realized now. Yes, I get it now. At tanggap ko na rin. Tanggap na tanggap ko na.
Noah is not my rule. Noah was never my rule.
"I heard your guard is quite good." Aniya, may halong panunukso ang boses.. Ngumuso lamang ako at tinitigan siya ng masama. Noah answered me with a gentle smile.
"Be happy Se. You deserve that." Masuyo niyang sabi. Tumango na lamang ako at nagpaalam na sa kanya. I took my purse and went out. I have to see him. I have to go to him. I have to tell him what took me long to realize. Mahal ko siya.
I love Ashton Santillan.
Kaagad akong nakarating sa parking lot kung saan ako hinihintay ni Ashton. Nakasandal na naman siya sa kanyang Ducati, sa kaliwang kamay ay hawak niya ang isang stick ng sigarilyo na hindi pa nasisindihan. He was tapping it on his open palm why surveying the whole place.
Halos takbuhin ko ang direksyon niya sa sobrang kasabikan. I feel heady with my realization. My heart is about to burst out and come right to him. I can feel it, my blood was singing his name.
"Bansot." Tawag ko rito. Nilingon niya ako bago ngumisi ng malawak. Tinakbo ko na ang distansya naming dalawa at agad na yumakap sa kanyang katawan. Hindi pa ako nakuntento, hinuli ko ang nakaawang niyang labi.
"Se-"
I opened my lips and kissed his mouth thoroughly, just like the way he wants it. I felt his mouth moving, taking me to those delicious heights again. Kusang kumapit ang aking mga braso sa kanyang leeg at mas hinila pa siya palapit. Ashton groaned and held my waist tightly.
Hinabol pa niya ang labi ko at hinalikan ako muli bago siya tuluyang humiwalay.
"Tangina Ma'am. Miss me much?" natatawa niyang sabi. Ngumuso lamang ako at kinuha ang kaniyang helmet bago iyon sinuot.
Natatawa pa siyang tiningnan ako bago siya sumakay sa kanyang motor. Agad akong yumakap sa kaniyang beywang at pinaandar niya iyon pabalik sa aking condo.
Noong makarating kami sa aking unit ay agad akong humawak sa kaniyang kamay. Ashton held my hand tighter and put it inside his jacket. He smiled at me before winking.
"Naninibago ako sayo Ma'am kong pinakamaganda sa lahat." Aniya. Ngumiti lang ako at umiling.
"Hmmn." Tangi kong sabi. He bit his lip before shaking his head. Hinila na lamang niya ako palapit sa kanya at mas hinawakan ng mahigpit.
Habang nasa elevator ay pinaglalaruan ko ang mga daliri niyang nasa akin. Nilingon niya ako bago napangisi na naman.
"May ipapakita ako." aniya. Hinila niya ang aming mga kamay na nasa kaniyang jacket bago niya itinaas ang sleeves na suot niya. He showed me his wrist, the one with the tattoo, before smiling so widely.
"And?" anas ko. Nakita ko na yan ah.
"Dito Ma'am." Aniya, itinuro ang gitna ng kanyang tattoo. Tiningnan ko iyon at hindi ako kaagad nakapagsalita.
"Ashton.."
Ngumiti siya at nagkibit balikat. "Diba sabi ko, I'm going all out?" aniya habang natatawa. Tiningnan kong muli ang tattoo niyang compass, kung saan sa gitna ng apat na arrow ay ang pangalan ko na maganda ang pagkakasulat.
"You don't have to do that." Anas ko. God, I felt my eyes stinging. No one ever made me feel this important. Yes, I have the world laid out on my feet but no one made me feel as if I am their world. No one, except him.
Kinuha niya ang kamay ko at muli iyong hinawakan. "Mahal kita Se. Mahal na mahal kita." Aniya. Tumango na lamang ako at hindi na sumagot. Ayaw kong maluha pa ako dahil lang sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko para sa kanya.
"You're my north star. Ikaw iyong lagi kong babalikan, iyong lagi kong susundan. You will always be the person that I will protect with my whole damn life." He said. I just nodded and hugged him tightly. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok at mas dumikit pa ako sa kanya.
"Ash?" tawag ko rito. Nagbukas na ang elevator at sabay kaming lumabas.
"Ma'am?"
Ngumiti ako at hinarap siya. "Thank you. For loving a bitch like me." Sabi ko. Lalong lumawak ang ngisi niya at inakbayan ako.
Noong makarating kami sa unit ko ay nagpaalam muna akong magbibihis ng pambahay. Siya naman ay nagsimula ng mangalikotsa kusina ko kaya noong makapagpalit ako ay naupo na lamang ako sa mesa.
He was busy cooking when his phone vibrated on the table. Sinilip ko iyon para makita kung text ba o tawag noong makita ko ang mensahe na nakalagay roon. Sa ibaba ng mensahe ay iyong litrato ko kanina lamang habang hinahalikan si Ashton sa parking lot ng ospital.
'From: Phyton
Kill her now, Santillan'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top