Noah
24
Yumakap ang matipunong braso ni Aidan sa beywang ko at mas hinila pa ako palapit sa kanya. The softness of my body met the hardness of his. I can feel the beating of his chest, each sound of it is like the roaring of winds. Sobrang lakas. Nakakabingi. Katulad na lang ng pagsabog sa dibdib ko.
I didn't know why but my tears fell faster when he kissed me. It was like Ashton all over again. Ashton is here now. Ashton won't leave me.
Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi labi ni Ashton ang umaangkin sa akin ngayon. Hindi siya ito. Hindi na siya babalik.
Marahan kong tinulak si Aidan at lumayo rito. I fixed myself and stepped backwards.
"Serise.." his voice cracked. Nag iwas ako ng tingin at dumiretsyo ng tayo. I looked at his face, his rugged features, his deep brown eyes, his pointed nose. Everything about him reminds me of Ashton. Except for his height. Well, Aidan is tall.
Sinubukan niyang abutin ang braso ko pero umiling lamang ako. Niyakap ko ang aking sarili at nilampasan siya. Hindi ko na sinubukan pang magsalita dahil alam kong kapag may lumabas pa sa akin ay dalawa lang ang kakahinatnan ko. It is either I will hyperventilate or I will collapse.
And I am Serise Victoria Montreal. No matter how heartbroken I am, no one has the rights to see me weak. Nobody is stronger than me.
Magmula noong nawala si Ashton ay naramdaman ko ang pagkukulang. People crave for somebody who will make them feel as if they are not alone. Kahit isang tao lang yan, basta alam mong hindi ka tatalikuran, ay magiging sapat na.
Akma na sana akong papasok noong makita ko si Noah na nakasandal sa barandilya ng upuan. His eyes locked into mine and I froze on my spot. Did he..was he..
"N-noah.."
Malamig ang tingin na ibinigay niya sa akin bago tiningnan si Aidan na papalapit na sa amin. Bago pa man ako makagalaw ay tinabi na ako ni Noah at sinugod si Aidan.
Bumagsak ang kamao ni Noah sa pisngi ni Aidan na napahakbang patalikod.
"Puta!" sigaw ni Aidan at hinawakan ang labi niyang pumutok. Lumapit ako kay Noah para pigilan siya. Ramdam ko sa ilalim ng mga palad ko ang panginginig ng braso niya sa galit.
"Noah, please. Let's go." Anas ko. He glared at Aidan before trying to punch him again.
"Noah!" tawag ko rito. Hindi siya nagpatinag at binaklas ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Isang suntok ang dapat ay papakawalan ni Noah para kay Aidan noong may hinila si Aidan sa loob ng kanyang bulsa.
Nanlaki ang mata ko noong nakita ang isang baril na nakatutok sa noo ni Noah. Seryoso na ang mukha ni Aidan habang hawak hawak iyon.
"Sige lang. Isa pa bes, papaputukin ko talaga iyang bungo mo." Nanggigigil na sabi ni Aidan. I looked at Noah who was cooly looking at Aidan's gun.
"Nababanas na ako sa mukha mo Festines." Dagdag ni Aidan. Dahan dahan akong lumapit kay Noah para hilahin siya palayo.
"Noah please.."
Hindi ito natinag.
"Babe." Sabi ko na. Doon lang niya ako nilingon. Tiningnan ko si Aidan na nakatingin na sa akin bago niya itinago ang kaniyang baril. Isinuksok niya iyon sa likod niya bago muling tiningnan si Noah bago bumaling sa akin.
"Magkita na lang tayo sa Bukidnon Ma'am." Paalala niya sa akin bago kami iniwan ni Noah. Noong makaalis si Ashton ay doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag.
Nilingon ko si Noah na hindi pa rin nagsasalita. I bit my lip hard and looked at him.
"Noah, what you saw was nothing." Pagsisinungaling ko. I knew it meant something. It definitely did.
Huminga siya ng malalim at humarap sa akin. Ngumiti siya ng malungkot bago napailing.
"My Mom did not tell me that the only role that I have in this life is to be the fucking second choice Serise." May pait niyang sabi. napayuko na lamang ako.
"We have..arrangements Noah." Sabi ko na lang. Tumango siya.
"Yes. Pumayag kang maengage sa akin para ibigay na ng Papa mo ang MCorps sayo. I agreed to be engaged to you dahil gusto kong makalimot. I know we have arrangements Se, pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan." Paliwanag niya. Nag iwas ako ng tingin at hinawakan ang braso niya. Hindi ko na alam kung ano bang dapat na sabihin.
'Why have you gotten so far away?
This was a break up
That I really didn't want
Every time I have a long day
Without knowing, tears fall'
"You were there when your cousin broke me Se. You saw it all. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako matatali sa kanya, na susubukan ko ng magmahal ng iba. You came and I thought that maybe this time, we could work. Pero anong laban ko sa alaala Serise? Ni hindi mo kayang bitiwan si Ashton kaya nakikipaglapit ka sa lalaking iyon hindi ba? Because he reminds you of the love you lost?"
Lumayo siya sa akin at inihilamos niya ang dalawang palad sa mukha niya. Umiling iling siya ng iilang beses bago ako nilapitan. Kinulong niya ako bigla sa kanyang mga bisig at niyakap ng mahigpit.
I can feel him shaking again. Isiniksik ko ang sarili ko sa katawan niya at sinagot ang yakap niya.
"Araw araw, nagsisisi ako kung bakit hindi na lang ikaw ang minahal ko." Bulong niya sa akin. Natawa ako ng bahagya at niyakap siya lalo.
I wonder Noah, if you did not fall in love with Illea and I did not fall out of love with you, maybe we are already married now. Maybe life is not complicated. Siguro hindi na tayo nasasaktan.
'I can't easily end this
From the beginning, I wanted to start again
Wherever I go, I think of you
So it's so hard
You're the same way too
I'm changing
I'm waiting for you to come back
I want to be your last love'
"What do you want me to do? Noah, kahit na anong gawin ko ay hindi na babalik si Ashton. And I won't have Aidan just because I am reminded of Ash. Mali iyon. Tinali ko na ang sarili ko sayo at paninindigan ko iyon." Pangako ko rito. Huminga ng malalim si Noah at inilayo ako ng kaunti.
"I want to be married to you. As soon as possible." Determinado niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at napatitig sa kanya.
"Noah.."
"Pagbalik mo sa Bukidnon, papakasal na tayo Serise." Pinal niyang sabi. Iyong titig niya ay naghihintay sa aking sagot. I closed my eyes tightly.
'I don't have any greed
I just want to live in your arms
Who I only love
Until my last days on this earth
I will wait
I believe that you'll come back to me'
Serise, yes. Do it. Wala na si Ashton at si Noah talaga ang nararapat para sayo. Si Noah naman talaga noon pa. Do it.
I opened my eyes and looked at him.
"Yes, Noah."
-----------------------
Song Used:
Wendy Red Velvet - Last Love English lyrics
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top