Name
27
White. Red. White. Red. White. Red. White.
Nanliit ang mga mata ko habang papalit palit lamang ang kulay na umiikot sa aking paningin. Naramdaman ko na naman ang pagikot ng tali sa aking binti at pulso, pahigpit ng pahigpit hanggang sa mapaungol ako sa sakit.
Naramdaman ko iyong malamig na nguso ng baril sa likod ng aking ulo. Marahas na hinila ang aking buhok para mapatingala ako.
Mayabang ang ngisi ni Phyton habang kaharap ako.
"You are Aidan James Herrera-"
"Putangina you." Sagot ko. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong magsimula ang paglalaro nila ng kuryente. Nanginig ulit ang katawan ko, hindi na naman ako nakagalaw. Ang alam ko lang ay ang sakit na dumadaan sa bawat ugat sa aking loob.
White. Red. White. Red. White. Red. White.
Iyon na lang ulit ang aking nakikita. At ang sakit na lang mula sa kuryente ang aking nararamdaman.
----------------------
I woke up from my nap when I heard Aidan's soft groans. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at agad siyang nilapitan doon sa couch kung saan siya nakatulog. I instantly grabbed his shoulders and shook him.
"Aidan!" I called him. Dalawang beses ko pa iyong ginawa bago siya tuluyang nagdilat. Basang basa ang katawan niya ng pawis. His eyes are unfocused and his whole body is shaking.
Lumuhod ako sa harapan niya at kinuha ang kaniyang kamay. Damn it. What happened?
"Are you alright?" I asked him. Tiningnan niya ako bago siya huminga ng malalim. He grabbed me suddenly and hugged me so tight.
"You're here. Damn it. You're real." Bulong niya. Sinagot ko ang yakap niya at ramdam ko na naman ang panginginig ng katawan niya. Aidan pulled me closer to him. I can feel the nagging beating on his chest. He is clearly afraid.
But the question is, from what?
Huminga na lamang ako ng malalim at pinaikot ang braso sa kanyang katawan. "I'm here Aidan." Sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya at lumunok. Ilang sandali lamang ay binitiwan niya ako.
"Let's go out. Malapit na rin tayong mag landing." Parang wala lang niyang sabi. Kinuha niya ang aking kamay at inakay niya ako palabas ng kwarto. Bumalik kami sa upuan namin kanina at tinangka kong muling abalahin ang sarili ko sa pagsusulat ng kanta para sa Legacy.
Our fathers are legend in the industry. Bata pa lamang kami ay inihanda na kami ng pamilya namin para sumunod sa yapak nila Papa. We are the AEGGIS' Legacy. Kami ang ipinamana nila sa mundo noong iniwan nila ang entablado. I feel as if we are all obligated to become good---no, better than the AEGGIS. We are born with the privilege of being their children thus we are obligated to be so good.
But somehow, I want to have a normal life. Away from the press or to the eyes of those who only wait for a single mistake to be committed. I don't want special. I just want normal.
I want to have that 'normal' with Ashton. Pero base sa kinwento ni Aidan ay malabo ng mangyari iyon. All I have now are pictures and name patches. Wala na akong pwedeng mapanghawakan kung hindi ang mga alaala niya dahil wala ng Ashton na babalik sa akin. Guess I will never have my normal at all.
Hindi na kami nag usap ni Aidan hanggang sa makalapag kami sa Bukidnon. Pagkababa namin sa airport ay sinundo kami kaagad ng mga tauhan niya sa rancho. Sila ang kumuha ng gamit namin at inilagay iyon sa truck na dala nila.
"Wala ka na bang ibang sasakyan?" reklamo ko. Hindi naman sa nag iinarte pero maarte talaga ako. Why would I ride that death trap?
"Pasensya ka na Serise. Hindi pwede iyong mga maliliit na sasakyan dahil malubak ang daan." Paliwanag ni Aidan habang inilalagay sa likod ng truck ang maleta kong Hermes. Titig na titig pa ako doon kasi baka maibagsak niya.
"Ow, careful please." Nasabi ko na lang noong medyo tumama ang gilid ng aking maleta sa truck. God.
"Wala bang taxi dito? O kahit tricycle lang. Basta may air con." Anas ko. Ang init naman kasi eh. Tapos sa truck pa kami sasakay? Wala namang aircon yun eh. Papawisin pa ako.
Napangisi si Aidan bago umiling. "Wala namang tricycle na may aircon." Sagot niya. Tumaas ang kilay ko. Pinapahiya niya ba ako?
Magrereklamo pa sana ako noong pinisil niya ang aking ilong. "Tangina this Ma'am. Ang cute mong magsungit." Natatawa niyang sabi bago sumampa sa likod ng truck.
Tinitigan ko lamang siya ng masama. How can I even ride that? Tapos sasampa pa? Ano ako, taong gubat?
"Ma'am?" inilahad niya ang kamay niya sa akin. Ngumuso lang ako. Ayaw ko naman sa loob ng truck kasi mabaho yung driver. Naamoy ko kaya siya kanina noong kinuha ang gamit namin! Like eew, never.
Inisang talon lamang ni Aidan iyong truck bago umupo sa aking paanan. Hinawakan niya ang binti ko at muntik ko siyang masipa sa gulat.
"What are you doing?!" mataray kong sabi. Kinalas niya ang buckle sa aking sapatos.
"Tinatanggal ko Ma'am, para hindi ka mahirapan sa pagsampa. I forgot to tell you not to wear heels." Aniya. Noong maalis niya ang pagkakabuckle ng sapatos ko ay agad niya akong binuhat.
"Aww shit!" sigaw ko. Kumapit ako sa leeg niya para hindi mahulog. I felt his smile against my cheek. Nilapit niya ang bibig niya sa aking tenga at marahan akong hinalikan doon.
"Aidan!"
I can feel the corner of his lips on my ears.
"Punyeta Ma'am. Nakakahorny ka." Bulong niya sa akin. What. What?!
Aangal pa sana ako pero inilapag na niya ako sa upuan ng truck. Hindi na ako nakapagsalita noong dinampot niya ang sapatos ko at sumampa sa truck. May sasabihin pa sana ako pero nawala iyon noong makita ko kung paano nag ugat ang braso niya dala ng bigat ng katawan niya sa pagsampa.
Napapikit ako ng mariin. Damn it Se. Sumasampa lang iyan! Walang sexy sa ginagawa niya! Shit. Ako pa yata ang horny.
-------------------------------
Malamig. Putangina.
Iyon ang agad na naramdaman ko noong magising ako. Dapat ay manhid na ang katawan ko. Dapat ay wala na akong nararamdaman. Pero ang kuryente ay pinanatili akong gising. Binibuhay nito ang pakiramdam ko.
May isang babaeng nakaputi ang umupo sa aking harapan. Kinuha niya ang aking kamay at hinawakan iyon. Gusto ko sanang tanungin kung sino siya pero...
Pero sino nga ba ako? Hindi. Alam ko kung sino ako..
"Anong pangalan mo?" tanong noong babae. Parang nanantya lang, hindi talaga niya gustong malaman ang sagot.
"Ash-" natigilan ako noong dumaloy na naman iyong malakas na boltahe ng kuryente. Ramdam na ramdam ko iyong dugo sa katawan ko na halos lumabas na. Nabasa muli ang katawan ko ng pawis. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Iyong ulo ko ay parang sasabog na.
Naramdaman ko iyong malamig na kamay noong babae sa aking pisngi.
"Honey, your name is Aidan."
Nanliit ang mata ko. Iyon ba ang pangalan ko?
Ngumiti iyong babae. Teka, kanina pa ba siya dito?
Napapikit ako ng mariin. Bakit ako nakatali? Bakit basa ako ng pawis? Bakit ako nanginginig?
"Honey.." narinig kong tawag ng babae. Teka, kanina pa ba siya dito?
"You're Aidan James Herrera. Your name is Aidan James Herrera." Sabi noong babae. Ilang beses akong kumurap bago ko tuluyang pinikit ang mata ko. Hindi pa man ako nakakadilat ay may kung anong itinusok sa aking balat. Gumapang ang kakaibang init sa katawan ko bago lumapit muli sa akin iyong babae.
Hinawakan nito ang aking pisngi at dumilat ako. Nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya dito?
"Aidan." Tawag niya. Ilang sandali bago ko siya tiningnan.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "You are Aidan Herrera."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top