Mission
17
My brows furrowed while looking at my picture with the creepy caption below it. My eyes went to Ashton who was still busy playing in my kitchen when I suddenly felt a huge surge of goosebumps.
Kill her now. Iyon ang nakalagay sa text. Her? Is that her, me? If it is me, then...
Tiningnan ko ulit si Ashton na wala pa ring muwang na kumikilos sa kusina ko. No. He won't do that. Ilang beses na niyang sinagip ang buhay ko. Kung talagang gusto niya akong mamatay, sana ay noon pa niya ginawa iyon.
I trust him. I trust my love for him. Montreal ako kaya imposibleng magkamali ang batas ko. I won't listen to this intuition.
"Ma'am? How do you like my eggs?" pilyo niyang sabi. Nilingon ko siya bago hilaw na ngumiti. Ni hindi ko magawang sakyan ang joke niya dahil sa naiisip ko.
Napansin yata ni Ashton na wala ako sa mood makipagbiruan kaya nanahimik na rin siya. Inilapag na lamang niya iyong niluto niya sa aking harapan bago ako tiningnan.
"Malalim yata iniisip mo?" puna niya. Dinutdot ko gamit ang aking tinidor iyong itlog na niluto niya.
I sighed deeply before I looked straight to his brown eyes. Sinsero iyong nakatingin sa akin. Hindi naman magagawa ni Ashton ang iniisip ko hindi ba?
"Pwede bang magtanong?" anas ko. Nabitin iyong kutsarang dapat ay isusubo niya.
"Yeah."
"How many people have you killed already?"
Nakita ko kung paano siya napangiwi sa tanong ko. I saw how his color drained from his face. He sighed several times before he shook his head.
"Hindi ko alam. Hindi ko na mabilang." Mahina niyang sabi. Sumandal ako sa aking upuan para makalma ko ang aking sarili. My heart is beating so fast already. Kasama ba sa mga taong pinatay niya si Lolo? Kasabwat ba siya?
"Serise..look, we are given missions. Kapag may ipinapapatay sa amin, kailangan naming gawin iyon at---"
Pinutol ko na ang sinasabi niya at kumain na ako. Mukhang hindi na mapakali si Ashton habang ako ay sinubo na ang itlog niya.
"Kain na." aya ko sa kanya kahit na hindi ko magawang malunok iyong pagkain.
I can feel the quiet trembling of my fingers while we sat at the dining table. Kahit na ayaw ko, hindi ko mapigilan ang pagdududa na kumakain sa akin. He's a killer. He killed people already.
Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa siya ganoon kakilala. All I know is that he is a part of the military. Pangalan lamang niya at trabaho ang alam ko. Ni hindi ko alam kung may pamilya ba siya o kaibigan. I don't even know how old he is now.
I covered myself with thorns and bullets to protect me from monsters hiding in angelic masks. The world is filled with liars and murderers, and I am afraid that there is a possibility that I have fallen in love with a monster.
Sa lumipas na araw ay iyon lamang ang nasa isipan ko. I replayed in my mind that particular text message over and over again. Nisearch ko rin kung sino iyong Phyton na iyon at kung ano ang kaugnayan niya kay Ashton. I just want to know, I really want to know if Ash is real.
"Ito iyong iniabot sa akin ng Private Investigator na pinahire mo Se." Kuya Seven informed me. Si Kuya Seth ang kumuha ng brown na envelope at nagbukas niyon.
"Sigurado ka ba sa nakita mo sa cellphone ni Ashton?" tanong ni Kuya Shawn. I hugged myself and breathe heavily.
"Sana nga mali na lang ako Shawn." I said. Tumikhim si Kuya Seth bago umupo sa may mesa.
"Hindi sinabi ni Papa sa atin ito." Panimula niya. Nilingon ni Kuya Seven ang papel na binabasa ni Seth.
"Ang alin?"
Huminga ng malalim si Seth. "Lola was killed in a car accident right? We all know that there was an engine failure, iyon ang sinabi ni Papa, hindi ba? But according to this report, Lola died because somebody intentionally cut her car's breaks." Pagbasa ni Seth. I felt my spine stiffened with what I heard. My mind travelled back to that moment when Lolo died.
'Hindi aksidente ang pagkamatay ni Phoebe Montreal. Sinira talaga ang preno ng sasakyan niya.'
I covered my mouth to suppress my sobs. Alam niya. Alam ni Ashton ang tungkol doon. He told me once. I closed my eyes tightly. Nanghihina na ako sa nalaman.
"Hindi pa rin alam ng mga pulis kung ano ang motibo ng sindikatong humahabol sa pamilya natin Se. The only lead that we have is there brand." Si Seven na ang nagsasalita. Nagtaas ako ng tingin sa aking kapatid.
"What brand?" I asked. Sinilip ni Seven ang binabasang mga papel.
"They all have a tattoo on their wrist. A compass tattoo." Anas ng kapatid ko.
"W-what? Again.." mahina ko ng sinabi. Ngumuso si Seven at binasa ulit iyon.
"A compass tattoo. Sa may pulso nila."aniya. Parang bombing sumabog sa akin iyong sinabi ni Seven. Kumapit ako kay Shawn at huminga ng malalim.
"Se? Ayos ka lang?" nag alalang sabi ni Kuya. Tumango lamang ako at nagdilat na.
Itinago ko ang mukha ko sa balikat ni Shawn para mapigilan iyong luha. I can feel the betrayal slowly consuming my being. I did not expect this. Damn it.
Napagtagpi tagpi ko na ang mga pangyayari noon. Iyong araw na muntik akong makidnap sa bar. My decision to see my friends was very sudden at that time yet the men who wanted to kill me captured me there. Hindi pwedeng coincidence lamang na naroon sila. Imposible iyon.
Somebody told them that I am at that bar.
Is this what it feels like to be betrayed? I feel as if a nail was slowly pushing inside my chest. Kung bakit ngayon pa? Tinanggap ko na na mahal ko siya? Bakit kailangan ngayon pa?
"Serise, namumutla ka." Si Seth ang nagsabi. Lumayo ako kay Shawn bago umiling.
"Nahilo lang ako."
"Ikukuha kita ng tubig."
"No. Kuya, I'm fine." Anas ko. Tumayo na ako at lumabas ng study room ni Papa. Sa may sala ay naroon si Ashton at kausap si Mama. Noong makalabas na ako ay sabay silang tumingala.
I don't know what is my face's expression but Ashton's smile faded upon seeing me. Inilang hakbang lamang niya ang hagdan at inakyat ako. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at nag aalala akong tiningnan.
"May nangyari ba Ma'am?" masuyo niyang sabi. I stared at him again. I realized that I haven't fallen in love with him. I've fallen in love with the man he pretended to be. I've fallen in love with his mask.
Hinila ko siya sa aking kwarto. Noong maisara ko na ang pintuan ay agad ko siyang sinampal. Ramdam ko pa ang pamamanhid ng palad ko sa aking ginawa.
"Serise?"
"Damn you." Buong galit kong sabi. My hands are shaking, my voice too. Halos buong katawan ko ay nanginginig na sa sobrang galit.
"Anong..."
"You're one of them right?" basag ang boses kong sabi. Kinagat ko ang aking labi para hindi ako mapaiyak. I won't cry. Crying is for the weak.
I am Serise Montreal. Nobody is stronger than me.
His eyes flashed with understanding. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero humakbang ako palayo rito.
"Magpapaliwanag ako-"
"No!" I shouted. Namula ang mata niya bago napailing na lamang.
"Hindi mo naiintindihan!"
"I understand everything Ash, hindi ako bobo! You told me you kill people because it's your mission right?" anas ko. Namutla na lamang siya. Isang beses pa niyang sinubukang lumapit sa akin.
"Serise, please.."
Ramdam ko na ang pag iinit ng aking mata. "Am I your mission?" tanong ko rito. Napapikit siya ng mariin.
"Putangina." Madiin niyang mura.
"Am I your mission?! " sigaw ko. Napahawak na ako sa pader dahil sa panghihina ng aking binti. "Am I?" mas mahina ko ng sabi.
"It was not your job to protect me. Your job was to kill me." Akusa ko. Tumalikod siya sa akin at napahilamos na lamang sa mukha.
"Punyeta Serise, hindi." He said with pure frustration. Itinaas niya ang kamay niya at doon ko na naman nakita iyong compass niyang tattoo.
"Serise, mahal kita. At kahit kailan hindi kita sasaktan."
"Sinungaling."
I hugged myself. This is by far, the most painful event that happened in my life. i don't know what is more devastating, to love someone who is filled with pretentions, or to have your trust shattered by lies.
Walang lakas niyang ibinaba ang mga kamay niya at naluluha akong tiningnan.
"Tama ka Ma'am. You are my mission." Pag amin niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Iyong luha ay tumulo na at napangiwi siya noong makita iyon.
"Hindi ko pwedeng sbaihin sayo ang lahat dahil mas lalo ka lang mapapahamak, pero Serise, maniwala ka sa akin." pakiusap niya. Tinitigan ko lamang siya bago ako umiling. Nalukot ang mukha niya at napaupo na lamang sa aking kama. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tuloy tuloy na akong lumabas ng aking kwarto.
It was so stupid of me. I did not see the mask he is using. I didn't know that he was just lying. I didn't know that the gun he used to protect me was the same gun he will use to kill me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top