Love
11
Inilagay ko iyong pulang rosas sa puntod ni Lolo bago ako umupo. Marahan kong pinunasan ang mga nagkalat na dahon galing sa punong mangga na nasa tabi ng kaniyang puntod.
I miss him. Sometimes I close my eyes and pretend that Lolo is still here with me. If only I could go back to the days that he was still alive, I will gladly do it.
I sighed when I looked at Lolo's name engraved beside Lola. Hanggang sa dulo ay magkasama pa rin talaga sila. Such great love. Nakakatuwa.
Nakagat ko ang labi ko noong maalala ko na naman iyong mga halik ni Ashton sa akin. I remembered losing my wits because of it. I remembered feeling safe. I remembered being happy.
Lolo I am getting confused now. Why do I feel this way? It should be Noah, right? Noah is my rule. I will marry him soon. So why do I feel this when I am with Ash?
Nalilito na ako. I don't want to let go of Noah. Probably, Ashton is only a distraction. Pampaaliw kumbaga habang hindi pa rin binibitiwan ni Noah si Illea. At the end of the day, I will end up with Noah Festines. That's for sure.
Kung ano man itong nararamdaman ko para kay Ashton ay mawawala din agad. Nagkakaganito lang ako dahil siya ang nasa tabi ko. I am just distracted.
Yes. That's right. I am Serise Victoria Montreal. Nobody is better than me. I am never wrong.
Hinintay ko lamang maupos ang sinindi kong kandila bago ko iniwan si Lolo. Sa labas ng musoleo ay naroon si Ashton na naghihintay sa akin. Noong makita niya ako ay agad niyang kinuha ang isang helmet bago ako tiningnan. Noong makalapit ako sa kanya ay agad kong kinuha ang helmet para maisuot na.
"Ayos ka lang Ma'am pinakasexy sa lahat?" tanong niya sa akin. Tumango lamang ako at sumakay na. Ilang segundo din niya akong tiningnan bago niya isinuot ang kanyang helmet bago sumakay na rin. Agad kong pinaikot ang braso ko sa kanyang beywang bago niya pinaandar ang sasakyan.
Mabilis ang patakbo ng Ducati ni Ashton pero nanatili akong kalmado. It is like this every damn time. Ito ang nakakalito. I never felt scared when I'm with him.
I bit my lip. Mas humahapit iyong itim niyang tshirt sa braso niya sa bawat pagkambyo niya sa motor. I can see his thick veins bulging in his arms everytime he turns and twists to drive.
Huminto kami sa Breakwater para magpahinga saglit. Umupo ako sa semento roon habang siya ay bumili ng makakain namin. Noong bumalik siya ay may dalawa na siyang hotdog sa stick at softdrinks. Umupo siya agad sa tabi ko at pinanood rin iyong paghampas ng dagat sa mga bato.
"Ang tahimik mo." puna niya habang nguya nguya iyong hotdog. Nagkibit balikat lamang ako. Ano bang sasabihin ko? It's not as if I can tell him the truth.
"May iniisip lang ako bansot." sagot ko na lang. Ngumuso siya bago ako hinarap.
"Tungkol saan"
"You really don't have to know." sagot ko. Lalong tumulis iyomg bibig niyang nakanguso bago niya inilapit ang mukha sa akin. Awtomatiko akong napalnayo at iyong pisngi ko ay nag init.
"Ash!"
Bigla siyang ngumiti sa akin. Kinamot niya iyong ulo niya kaya doon ko lamang napansin iyong tattoo niya sa kanang pulso.
"Kapag may problema ka, sabihin mo lang at tutulungan kita." aniya. Iyong tingin ko ay hindi pa rin naalis sa tattoo niyang iyon.
It looks like a compass. Isang malaking bilog ang nasa gitna at merong apat na arrows na nakaturo sa apat na direksyon. Among these four arrows, pinakamalalaki at maganda iyong sa north.
Napansin rin yata ni Ashton ang tingin ko kaya inilapit niya ang kamay niyang may tattoo sa akin.
"North star yan. My dad had the same tattoo before he..." pagkatapos ay tumigil siya. Hindi ko napigilan iyong mga daliri kong haplusin ang umbok ng balat na galing sa tattoo. Ashton's face turned dark the moment I touched him. Bumigat ang hininga niya at napaawang naman ang kaniyang bibig.
"What does your tattoo mean?" tanong ko. Kinuha ng isa niya pang kamay ang palad ko at mariin iyong hinawakan. Alam kong dapat kong hilahin ang kamay ko pero hindi oo iyon nagawa. Not with the way Ashton is looking at me now. He was staring at me as if I am the most precious thing in the world.
"Delikado ang trabaho namin at palagi kaming ipinapadala kung saan saan. But no matter how far we are, no matter how long we leave, we will be guided home by our north star." paliwanag niya. Kinuha niya ang kamay ko at dinala roon sa bilog sa gitna ng apat na arrow.
"My father...inilagay niya ang pangalan ng Nanay ko sa bilog. Palagi niyang sinasabi na ang Nanay ang North star niya. Kahit saan siya magpunta, palaging si Nanay ang nasa isip niya. At kahit na anong mangyari, hindi siya maliligaw dahil aalagaan siya ng pagmamahal ni Nanay." dagdag pa niya. Kinagat ko ang labi ko habang pinaglalaruan ko iyong tattoo niya.
"Your circle is still empty. You still haven't found your north star yet?" Tanong ko. Tumaas ang sulok ng labi niya nago umiling.
"I've found her." huminga siya ng malaim at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.
"Serise, I told you I don't want to name it yet because I don't want it to be real. Pero sa bawat araw na dumadaan habang kasama kita..." bigla siyang tumigil bago napahilamos sa mukha. He breathe so hard. Ibinaling niya iyong tingin niya sa dagat.
"Putangina. Nakakatakot aminin ito Ma'am." sumusuko niyang sabi. Huminga rin ako ng malalim bago binalingan ang dagat. Noong makita ko iyong papalubog na araw ay nanginig na ako. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Katulad niya ay hindi ko parin matanggap.
"The first woman I loved..." aniya. Napabaling ako sa kanya. His eyes looked so distant. I know he was slowly tracing back his memories.
"She died in my arms Serise." pagkekwento niya. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng matamlay na ngiti.
"At nakakatakot na baka mangyari na naman iyon kung sakaling magmahal ulit ako. Right now, what I feel for you is probably the strongest fucking feeling I've ever felt---"
"You don't have to feel that way Ash." pagputol ko sasasabihin niya. Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nagsalita.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag. Whatever you say won't change anything." patuloy kong sabi. I stared at the simking sun before looking back at him.
This is right Se. Finish this off now. It's clear that Ashton is still trapped in his past. And you..you are in love with another man.
"M-mahal ko si.. Mahal ko si Noah." sabi ko rito. Iyong kunot sa noo niya ay mas lalong lumalim.
"Punyeta this." malutong niyang mura. Tumingin siyang muli sa dagat bago ako hinarap.
"Mahal mo si Noah?" tanong niya. Iyong boses niya ay marahas at puno ng galit. Taas noo ko siyang hinarap.
"Oo."
Napatayo na siya. "Pero naghalikan tayo Serise! Tangina ano yun?!" frustrated na niyang sabi. Nilayo ko ang tingin ko sa kanya.
"Wala lang. Friendly kiss?" balewala kong sagot. Nakagat ko ang labi ko noong marinig ko ang mararahas niyang salita.
Kumuyom ang palad ko. I keep on convincing myself that this is right. Si Noah talaga ang mahal ko.I just happened to enjoy this man's kiss. Nothing more.
"Isa pa, ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo sasabihin sa akin ang narraamdaman mo dahil ayaw mong maging totoo. Kaya uunahan na kita para hindi matuloy Ash. Wala akong nararamdaman para sayo kaya hindi ka na dapat matakot." amas ko. Bumuka ang bibig niya habang nakatingin sa akin.
"There was nothing friendly about it! Damn! I felt it Serise! Putang ina naramdaman ko talaga! Bullshit! I know you felt it too!" katwiran niya. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang dumi sa binti ko.
"I don't know Santillan! Nadala lang ako sa halik mo! Let's just blame the heat of the moment!" sagot ko naman. Natawa na lamang siya. Tawang hindi makapaniwala.
"Heat of the moment? Bullshit. Was it plain lust for you then?" his voice was acid. Niyakap ko na ang sarili ko at nilabanan siya ng tingin.
"What do you expect Ashton?" tanong ko rito. Nanghihina niyang ibinaba ang kamay na para bang sumusuko na siya.
Yumuko siya bago huminga ng malalim. Kitang kita ko ang paghihirap sa mukha niya.
"Those kisses,Ma'am,meant everything to me."mahina niyang sagot. Nagkibit balikat lamang ako.
"I don't feel the same." sagot ko. Napapikit ako ng mariin noong marinig ko iyong maliliit na boses sa loob ko na tumututol.
Tumingin siyang muli sa tubig. Mukha siyang natalo sa sugal.
"S-sorry Ashton." I said. He did not even react.
"I love Noah..." anas ko. Napapikit siya ng mariin.
This is right Serise. Si Noah ang una kong minahal. Wala pa si Ashton ay mahal ko na siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
It is our family's rule. We only have one chance to love. I've already surrendered that chance to Noah. Hindi ko kayang sirain ang batas ng pamilya namin.
Niyakap ko ang braso ko sa aking sarili.
"I love Noah." pag uulit ko para mas makumbinse pa siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top