Just A Kiss

12



Wala ng nagsalita ulit habang nagbabyahe kami.


I didn't know he would be that offended. I just said the right thing, didn't I? Ayokong umasa siya sa posibilidad ng kami dahil mali iyon. I know that deep in my heart that I loved Noah Festines. I love him. Yes, I do.


Noong makarating kami sa unit ko ay atubili pa akong bumitaw kay Ashton. Tahimik niyang pinatay ang makina bago niya inalis ang kaniyang helmet. Ginawa ko rin iyon habang nakatingin lamang sa likod niya. He's not talking anymore. He's no longer the playful bodyguard that I know.


Naglakad siya papunta sa elevator at pinindot ang buton para roon. Nauna akong pumasok at sumunod naman siya sa akin. Nanatili lang ako sa likod niya habang siya ay hindi nagsasalita.


Tiningnan ko siyang muli. His eyes were glued to the elevator's door. Ni hindi man lang niya ako magawang sulyapan. I just pursed my lips and tried to open my mouth when three men entered the elevator. I kept my mouth shut and bit the insides of my mouth.


What do you really want Se? You made it clear already, right? Ito naman ang gusto mo? You don't want him to assume. He's now back to being your guard now. He won't think of possibilities anymore because you shoved it down his throat. You are incapable of loving anymore.


Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. I badly need my Lolo right now.


Noong makarating kami sa unit ko ay hinarap ko na siya. Diretsyo ang tingin niya sa akin at walang emosyon ang mata niya. I bit my lip before looking at him.


"Ipapaalala ko lang sayo. Birthday ng Uncle Greg mo at may party siya sa Hallmark. Susunduin kita mamayang alas otso." Aniya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at agad ng tumalikod sa akin.


I spent the rest of the time trying to prepare for Uncle Greg's birthday while wondering about Ashton. Should I apologize? But why would I apologize in the first place, right? Nagsabi lang ako ng totoo at ang pagsasabi ng totoo, kahit gaano pa kasakit, ay hindi magiging mali.


Besides, I am Serise Montreal. I bow down to no one.


Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking buhok noong makarinig ako ng sunod sunod na pagring ng aking telepono. Noong sinagot ko iyon ay nalaman kong ang mga kapatid ko ay paakyat na sa unit ko. Ilang minuto lamang ay pinagbuksan ko nga ang tatlong bobo kong mga kuya.


"What?" salubong ko sa kanila. I was greeted by Seven's stupid grin. Damn him. Porket pumayag na si Chantal na magpakasal.


"Ang sungit na naman. Kaya di ka gusto ni Noah eh." Pambibwisit nito. Hindi ko na lamang siya pinansin. Ano naman kung ayaw ni Noah sa akin?


"Manahimik ka nga Seven. Se, nag aalala na si Papa. Hindi na siya makakain—"


"Puros canton na lang kinakain niya, actually." Pagputol ni Seth sa drama ni Kuya Shawn. Isinuot ko iyong tear dropped ruby earrings na bigay ni Lolo noong debut ko.


"Serise.." halos magmakaawa na si Kuya Shawn sa akin. Umiling lamang ako bago ako nagkibit balikat.


"Babalik din ako doon." Paninigurado ko. Hindi ko naman kayang matiis si Papa. Eventhough he doesn't trust me, I still love him. He is still my father.


Saktong alas otso ay dumating si Ashton. Si Seven ang nagbukas para sa kanya at nilingon pa ako ng kapatid ko, silently asking me who Ashton is.


"Bodyguard ko." Sagot ko rito. Tinitigan ko si Ashton. He was wearing a pale blue polo and night black jeans. Iyong unang pangalawang butones niya ay nakabukas, sa ilalim ng damit niya ay masisilip iyong dogtag na suot niya.


I bit my lip and wore my shoes. Nilingon ako ni Seth at ibinigay niya sa aking braso. Agad akong kumapit sa kanya at naglakad kami palabas, sa likod namin ay si Seven at Shawn.


Nakaramdam ako ng mga tusok sa aking likod. Nilingon ko si Seven na nakanguso at pasimpleng nililingon sa likod nila si Ashton.


"Seryoso? Bodyguard yan? Ang pandak." Bulong niya. Nanlisik ang mata ko bago siya siniko.


"Matangkad ka lang masyado. Kapre." Inis kong sabi. Kung makalait naman kasi. Akala mo ang gwapo. Damn him.


Noong makalabas kami ay agad akong nilamig. Nagsisi tuloy ako kung bakit iyong backless kong gown ang isinuot ko. I rubbed my palms on the sides of my black body hugging dress before entering the van. Sumunod naman sa akin ang mga kapatid ko habang sina Ashton at Leroy ay pumwesto sa harapan para magmaneho.


Tahimik kong pinanood iyong pagmamaneho ni Ashton. Katulad ng pagmamaneho niya sa motor ay parang napakadali lang sa kanya ang ginagawa niya ngayon. He was playing with his lip while his other hand was holding the steering wheel.


Lumapit si Seth sa aking tenga. "Se." aniya. Nilingon ko siya. My brother had this curious look while staring at me before glancing towards Ashton.


"Kuya ano?" tanong ko rito. Nilingon niyang muli si Ashton bago ngumisi.


"Kamusta si Noah? Siya dapat ang susundo sayo ngayon." Aniya, medyo may kalakasan sa inaasahan ko. Sasagot na sana ako noong biglang nagpreno si Ashton. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa headrest kung hindi ay mauuntog ako.


"Santillan!" inis kong sabi. Darn, baka masira ang kuko ko!


"Sorry. May pusang tumawid." Aniya. Inayos ko iyong buhok kong nagulo bago ko hinarap ang kapatid kong medyo napapasipol na.


"Nakita kong may singsing siyang dala. Baka magpopropose na." nangingiting sabat ni Seven sa usapan namin. Akma sana akong sasagot noong biglang tumugtog iyong stereo ng van. Sa sobrang lakas ay nakakabingi.


I heard Shawn cursed. Noong nanahimik ang mga kapatid ko ay namatay ang radyo. Nilingon kami ni Ashton mula sa rearview mirror.


"Sorry. Napindot. Punyeta kasi eh." Aniya, halatang nangigigil. Bahagyang natawa si Seth habang nakatitig sa akin. Tinaas ko lamang ang kilay ko sa kapatid kong nababaliw na.


"Tinamaan tayo Seth." Natatawang sabi ni Seven. Nilingon ko naman ito habang nakalahad ang kamay kay Shawn habang dumudukot ng pera.


"I'm still rooting for Noah. Siya ang kilala natin." Seryosong sagot ni Shawn bago naglagay ng limang libo sa kamay ng kapatid ko.


"But Noah has Illea." Sagot ni Seven bago inilagay ang pera sa kanyang bulsa. Huminga ako ng malalim at umiling.


"Noah will marry me—aww!" sigaw ko na noong magpreno na naman si Ashton bigla.


Nilingon ko si Ashton na iritado na ang mukha. May sinasabi si Leroy dito at agad silang bumaba dalawa. Noong pumasok sila ay si Leroy na ang nagmamaneho.


"You were saying Serise?" anas ni Shawn. Hindi ko na sinagot ang kapatid kong halatang naninimbang lang sa amin ni Ashton.


Hanggang sa makarating kami sa Hallmark, iyong hotel/resto kung saan gaganapin iyong birthday ni Uncle, ay wala ng nagsasalita sa amin. Naunang bumaba ang mga kapatid ko para salubungin ang kani kanilang mga asawa. Naiwan ako sa van dahil nag retouch pa ako. Noong binuksan ko ang pintuan ay naroon si Ashton at hinihintay ako.


Inipon ko iyong gown ko bago bumaba. Ramdam ko iyong lamig ng hangin na dumampi sa aking braso pero agad ding nawala noong hawakan ni Ashton ang siko ko para alalayan akong makababa.


Tiningnan ko siya noong tuluyan na akong makalabas. His face was dark. Iyong labi niya ay halos mag isang linya na dahil sa tinitimping galit. Yumuko ako at kinuha iyong kamay niyang nasa siko ko pa rin para alisin.


"Sorry." Mahina kong sabi. Namulsa siya bago huminga ng malalim. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Naglakad na ako papasok para sundan ang mga kapatid ko.


Sumama ako sa lamesa ng mga kaibigan ko. Napapagitnaan ako ni Rome at ni Caius habang sa harap ko ay si Illea, Matt at Noah. Lantaran kong pinapanood iyong pag aasikaso ni Noah sa pinsan ko at hinanap ko iyong pamilyar na inggit sa dibdib ko noon.


Where is it Serise? Where is your jealousy? What happened? What changed?


Kinuha ko iyong wineglass ko at uminom ng diretsyo. Nanginig ang kamay ko sa nararamdaman. I stared at my cousin who was sitting beside Noah. She smiled at him at sinuklian naman iyon ni Noah ng matamis na ngiti. Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang aking wineglass.


"Teddy bear?" takang tanong ni Rome sa akin. Kahit si Matthew ay nag aalala ang tingin na ibinibigay sa akin.


"Boss, saan ka pupunta?" anas nito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri bago hilaw na ngumiti.


"I'll just get some air." Sabi ko bago walang lingon likod na iniwan ang iba pang Legacy.


Nakarating ako sa garden noong resto. Nagkalat iyong mga chirstmas lights roon hanggang sa mga puno sa paligid ng fountain. Humakbang ako palapit roon para sana magpa lamig noong marinig ko iyong mga boses ni Leroy at Ashton na naguusap.


"Huwag mo sanang kalimutang trabaho ang pinunta natin dito, Liutenant." Si Leroy ang nagsalita. Nanatili ako sa pwesto ko at hinintay ang isasagot ni Ashton.


"Ashton naman.."


"Punyeta Leroy. Alam ko ang ginagawa ko." Sagot ni Ashton. Narinig ko iyong buntong hininga ni Leroy bago siya tumikhim.


"Matagal ng patay si Aira, Ashton. Mali na binubuhay mo siya kay Ma'am Serise." Sagot ni Leroy bago tinalikuran si Ashton. Napahawak ako sa dibdib ko noong marinig ko iyon.


"The first woman that I loved...she died in my arms Serise."


Huminga ako ng malalim noong maalala ko iyong mga salita ni Ashton kanina. Sa bawat hagod ng hangin sa dibdib ko ay ramdam ko iyong punyal na umiikot. My eyes stung with unshed tears. I don't even know why I suddenly feel like crying.


'Lying here with you so close to me

It's hard to fight these feelings

When it feels so hard to breathe

Caught up in this moment

Caught up in your smile'


Nilingon ko ulit si Ashton na nasa may fountain pa rin. The nagging pain was still in my chest, alive and burning. It is consuming me until I am sure nothing will be left of me now.


Kung tama ang pagkakaintindi ko, binubuhay lamang ni Ashton ang babaeng iyon sa akin. He kissed me, no. The moments our lips touched, it was her that he was thinking about. It is not me. It is never me.


Kumuyom ang palad ko sa naisip. Damn Serise, you're number two again.


Tiningnan ko si Ashton na nakatingin na sa direksyon kung saan ako nakatayo. Huli na para magtago dahil alam kong nakita na niya ako. Nagsalubong ang mga mata namin, sa kanya ay nagtataka habang ako naman.. I don't know what my eyes scream anymore.


Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.


"Serise?"


Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang batok at hinila siya palapit sa akin. My mouth met his and I kissed him with all that I have. I poured everything into that kiss, everything. All the words I can't say. All the emotions I can't even explain. Everything. I gave him everything.


I opened my mouth and the kiss deepened. Ramdam ko iyong init ng palad niyang humaplos sa likod kong nakalantad. He pulled me closer and I felt the hardness of his body meeting the softness of mine.


'Just a kiss on your lips in the moonlight

Just a touch of the fire burning so bright

No, I don't wanna mess this thing up

I don't want push too far

Just a shot in the dark that you just might

Be the one I've been waiting for my whole life

So baby I'm alright

With just a kiss goodnight'


Bumaba iyong halik niya sa panga ko hanggang sa aking leeg. I pulled him closer to my body, making him feel that I want him too. I want him so much I think it is already wrong.


"Is this a friendly kiss Serise?" bulong niya habang hinahalikan ang aking balikat. Napaungol na lamang ako noong maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos na sa aking hita.


"No..no it's not." Hinihingal kong sabi. My hands went to caress his chest. He groaned in response. Inatake niyang muli ang labi ko habang iyong kamay niya ay kung saan saan na napunta.


"Sabihin mo..putangina.. ano ito?" aniya. Humiwalay siya sa akin bago pinagdikit ang noo naming dalawa. I bit my lip so hard and looked at him.


"I thought we shouldn't name it because it will be real, huh?" paghamon ko. Kumunot ang noo niya bago umiling.


"You're torturing me."


"No. I never hurt the people that I own." Sagot ko. Nanlaki ang mata niya bago tumingin sa akin.


"I.." anas ko. Nilapit kong muli ang bibig ko sa kaniyang labi.


"Own you.." anas ko. Bumuka ang bibig ni Ashton bago ako hinila palapit sa kanya.


"What about me Serise?" bulong niya habang binibigyan ako ng mabababaw na halik. Nangunyapit ako sa kaniyang batok habang iyong kamay niya ay pumipisil na sa aking tagiliran.


"You can't be owned by anyone. You. Are. Mine. You're mine Serise Montreal." Aniya bago ako inatakeng muli ang aking labi. Hinayaan kong malunod ang aking sarili sa halik na iyon.


I closed my eyes tightly. No matter how scared I am, I now know the answer why. Lolo, I know the answer now.

-------------------------------

Song Used:

Just A Kiss - Lady Antebellum


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top