I Love You

29



"What is the matter?" bungad ni Aidan sa akin. Hinarap ko siya pero bigla ko ring nakalimutan ang dapat kong sabihin noong makita ko ang katakam takam na almusal ko.


Wala na ang tshirt niya kanina. His gray jogging pants hung low on his pelvis. Mukhang malapit na itong mahulog, enough to reveal his perfectly sculpted v-line. Add that to his arousing glistening six packs and hell yeah, I have my breakfast now.


"Ma'am?" untag niya. I closed my mouth, wait. What? Tinitigan ko ba siya ng nakanganga? Shiz!


"H-huh?"


Ngumisi siya at gusto ko siyang hampasin ng sofa. Darn it! Huwag kang ngingiti Aidan Herrera!


"Kain ka na." aniya. Binuhat niya ang tray at inilagay iyon sa coffee table. Noong makalapit siya ay mas lalo akong natakam sa mamawis mawis pang pandesal at malalaking itlog. Idagdag mo pa iyong perpektong pagkakaprito ng mamula mulang hotdog. Hmmn, sarap.


Hiniwa niya ang isang pirasong hotdog at iniumang iyon sa bibig ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin kaya talagang nagulat ako. My eyes almost went out of its socket because of him.


"Eat, Ma'am." Utos niya. Wala sa loob na binuka ko ang bibig ko at sinubo niya roon ang hotdog niya. Tahimik lamang kaming dalawa habang pinagsisilbihan niya ako ng almusal. Habang ngumunguya ako ay nilalagyan niya ng binalatang orange ang plato ko.


Noong nangangalahati na ako sa pagkain ay saka ko lang napagtanto ang saya na nararamdaman ko. I grew up having people wait on me all the time. Every need, every caprices that I have, somebody will get it for me. Pero iba pa rin ang saya na nararamdaman ko ngayon habang kasama si Aidan. Pakiramdam ko ay ginagawa niya ito dahil gusto lang niya, hindi dahil sa trabaho niya ito o dahil binabayaran siya ng malaki.


Somehow, being with him makes me feel like as if I am with Ashton again.


Nanikip na naman ang dibdib ko kaya mabilis kong dinampot ang gatas at ininom iyon. Tuloy tuloy kong nilagok ang laman noon hanggang sa maubos ko iyon bago ako tumayo.


"Salamat." Anas ko. Nagtatakang nakatingin lamang si Aidan sa akin. Alanganin ang naging ngiti ko bago ako dumiretsyo sa itaas para magkulong sa aking kwarto.


Pumikit ako ng mariin patapos kong maisara ang pintuan. I have three weeks to stay here in Bukidnon. Tatlong linggo para paulit ulit na ipaalala ni Aidan sa akin na naiwala ko na si Ashton. I don't know if I will be able to survive these three weeks.


Noong ako na lang sa kwarto ay inilabas ko mula sa ilalim ng suot kong shirt ang dog tag ni Ashton. I touched the cold metal and a lone tear dropped from my eye. Marahas ko iyong binura sa aking pisngi. Hindi na dapat ako umiiyak. Matagal na siyang wala kaya hindi ko na siya dapat iniiyakan.


Alam kong maling nagsisisi ako. Dapat sa una pa lang, noong nandyan pa siya ay binigay ko na lahat. He deserves to receive my love. Pero wala akong ginawa dahil mas mahalaga para sa akin ang pride ko kaysa sa pagmamahal.


I guess the saying is true. You will never realize the worth of a person unless you lose him permanently. And the most painful part of this life is everything that is permanent.


Kung maibabalik lang sana ang panahon, pero hindi na pwede.


Tatlong katok ang narinig ko kaya agad kong tinago ang dogtag ni Ashton sa ilalim ng aking damit. Pinagbuksan ko si Aidan na nag aalalang nakatingin sa akin.


"Can I come in Ma'am?" aniya. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto.


Tuloy tuloy siyang pumasok sa aking kwarto at umupo sa kama. Ilang sandaling walang nagsasalita sa amin hanggang sa nagpasya siyang basagin na ang katahimikan.


"May nasabi ba ako kanina?" he asked, trying to test the waters first. Ngumuso lamang ako at umupo sa sahig, katapat lamang niya pero sapat para mailayo ko ang sarili ko sa kanya.


'I was playing back a thousand memories, baby

Thinking 'bout everything we've been through

Maybe I've been going back too much lately

When time stood still and I had you'


"Wala. May naalala lang ako." I honestly answered. His eyes flashed with pain and regret. I stared at him for a moment before I shook my head. Pinaglaruan ng daliri ko iyong tela ng damit ko habang naghahanap ako ng mga salita.


"You..remind me of him." Anas ko. Hindi siya nagsasalita. His jaw clenched before he breathe hard.


Nag iwas ako ng tingin at pinanood na lang ang mga ibon na naglalaro sa hardin niya.


"I miss him so much it hurts." Sabi ko. Nabasag ang boses ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.


"Serise.."


"Gusto ko pa ng isang beses Aidan..kahit isang beses lang. Hindi na ako hihiling pa ng mas doon. Just once, I want to see him once more."


Narinig ko ang paggalaw ng kama at ang paglapit niya sa akin. his hands cupped my face and made me looked at him. I was greeted by his deep brown eyes, eyes that are too similar to that of Ashton's.


"Tell me everything you wanted to tell him Serise." He said, his voice thick with emotions I can't even name. I stared at him before I shook my head.


"Why would I? You're not Ash."


Ngumisi siya. "Tell me. Pretend that I am him. Kapag sinabi mo na sa akin ay parang sinabi mo na rin sa kanya." paninigurado niya. Kinagat ko ang labi ko at yumuko.


"Remove the mask you're wearing Ma'am. Be the Serise he fell in love so deeply and passionately. Huwag ka ng magpanggap na ayos ka lang dahil hindi iyon ang totoo." Bulong niya. Suminghot ako at hinampas ang dibdib niya.


"I hate him." Piyok kong sabi. Hindi ko makayang magsalita ng tuloy tuloy dahil natatakot ako sa mga luha ko.


"Pretend that I am him Ma'am." Udyok niya. Tumulo ang unang luha ko. Muli ko siyang hinampas.


"I wish I could unlove him as quickly as I fell in love with him. Ayoko na siyang mahalin Aidan." Panimula ko. I grabbed his shoulders to get some strength.


"Ang sakit sakit na. I just want him back. I want you back Ash. Bumalik ka na please?"


Tinakpan ko ang bibig ko noong maging matunog ang ma hagulgol ko. Aidan wrapped his arms around me to comfort me.


"Please... I promise I won't be bitchy anymore. Tuturuan na kitang buohin ang rubix cube. Hindi na kita tatawaging bansot. Hindi na ako lalapit kay Noah. Kakain na ako ng apple. Bullshit, kahit ano gagawin ko, bumalik ka lang Ashton."


'Come back, come back, come back to me like

You would, you would if this was a movie

Stand in the rain outside 'til I came out

Come back, come back, come back to me like

You could, you could if you just said you're sorry

I know that we could work it out somehow

But if this was a movie you'd be here by now'


"Mahal kita. Alam kong hindi ko nasabi sayo yun dati kaya bumalik ka na. Please, I love you so much Ash." I cried. Inilayo ako ni Aidan sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.


"Mahal kita. I am willing to wait. If you can't come back in this lifetime, then probably in the next lifetime. O sa susunod pa. Patuloy akong mangungulit sa tadhana hanggang sa ibalik na na niya. Ashton, mahal na mahal kita."


Pinunasan ni Aidan ang luha sa pisngi ko habang nakatitig lang sa akin.


"Mahal na mahal kita bansot." Anas ko. Ngumiti si Aidan.


"And putangina this Ma'am, but I love you so much. I love you so much Serise." Sagot niya.


--------------------------

Song Used:

If This Was A Movie - Taylor Swift

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top