Guard
1
"Illea! Ang ganda mo!"
"Illea! Illea! Illea!"
"Illea lang sapat na!"
Sumandal lamang ako sa couch at sinuot ang aking earphones para mawala na sa aking pandinig ang tuloy tuloy na sigawan ng mga retarded na fans ni Illea. I just stared at my cousin who was busy waving through the glass doors. Her long hair was cascading down to her thin shoulders. Ilang beses pa siyang humagikgik kaya iyong mata niya ay mas lalong nawala.
Binalingan niya kami bago may itinurong malaking banner na ginawa ng mga fans. Kulay itim iyon at mahigit siguro limang talampakan ang haba at tatlong talampakan ang taas. The banner has LED lights that spell our band name. Nakakakuha talaga ng atensyon hindi dahil sa laki kung hindi dahil rin sa ganda nito.
"Ang ganda!" tuwang tuwang sabi ng aking pinsan. Her left cheek showed the dimple she inherited from Uncle August. I just rolled my eyes at her but she didn't seem to notice. Maybe she is so stupid to notice. Either way, I don't care. I just hate her.
Illea Auriel Ytturalde is the spliiting image of my aunt. Tanging nakuha lang yata ni Illea kay Uncle August ay iyong dimple niya at ang hilig niya sa musika. The rest was from Auntie Shana. Sa unang tingin pa lang ay mahahalatang Montreal nga siya.
I bit my lips so hard when I remembered that I look like my mother. Straight hair, almond eyes, fair skin. Damn it. Hindi ko namana iyong abong mata ni Lola o iyong alon alon na buhok ni Lolo. I don't have my father's bad boy grin. Kung hindi lamang ako maldita ay magmumukha akong mahirap. And I hate it. I guess people like Illea more because between the two of us, she is more Montreal-ish.
"Patay na patay talaga sila sayo Ya." Natatawang sabi ni Rome habang itinatali niya ang sintas ng kanyang sneakers. Namula iyong pisngi ng pinsan ko bago lalong lumawak ang ngiti. Hmmp. Malandi.
Naiirita akong tumayo at dumiretsyo sa may salamin. Inayos ko iyong itim kong midriff at maong na short shorts. Kahit na Makati iyong fishnet na stokings ay tiniis ko na lamang para mapanindigan na hindi ako pabebe katulad ng pinsan ko na nagsusuot lamang ng simpleng shirt at pants para masabihang natural ang ganda.
Maganda ako. Mas maganda ako sa kanya. No need to compare baby. I slay.
I flipped my straight as fuck hair before going out. Hindi ko na hinintay iyong hudyat ng floor director at agad na akong lumabas. Sumalubong sa akin ang nakakbinging hiyawan ng mga tao at napangiti ako. Yes. Yes, this is what I loved the most. I want them to shout for me. I want them to love me. I want to feel appreciated.
Lumapit ako sa mic stand at akmang kakanta noong may kung anong tumama sa aking pisngi. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakakilos. Naramdaman ko ang basang likido galing sa kung ano mang ibinato sa akin bago ko naamoy iyong masangsang nitong baho. I glared at the people who are now silent. Bigla ay may tumayo mula sa audience at itinuro ako.
"Betch! Mang aagaw! Inaagaw mo si Noah kay Illea!" sigaw noong babaeng paso. Nanlaki ang mata ko at akmang sasagot noong binato na naman niya ako. Tumama iyon sa gilid ng aking tenga. Ramdam na ramdam ko iyong hapdi galing sa mga nabasag na piraso ng itlog bago ako muntik na natumba.
Dalawang malalaking braso ang yumakap sa akin kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Napakapit ako rito at nakita ko na naman noong iyong babae ay akmang mambabato na naman. She's now holding a rock on her hand and it's aimed at me. Sa sobrang takot ko ay napasiksik na lang ako doon sa lalaking yumakap sa akin. Bago pa man kami makahakbang ay narinig ko na ang pag ungol ng lalaki.
"Malandi ka! Mang aagaw! Betch!"
Dumating na iyong staff ng aming concert at pilit na pinalabas iyong babaeng nagwala. Iyong ibang audience ay tumulong habang iyong iba ay gusto naman akong lapitan para kumustahin. Hindi ko sila nagawang sagutin noong maalala ko ang kahihiyan na sinapit ko. Tinulak ko iyong lalaking yumakap sa akin bago ko inayos ang aking sarili.
Damn this! Nagmartsa ako pabalik sa waiting room namin. Noong makarating ako sa backstage ay nakita ko ang mga kabanda kong nag aalala ang tingin sa akin. My hands clenched as I felt my anger burning inside me again.
"Ayos ka lang Se?" mahinahong tanong ni Illea sa akin. Iwinaksi ko ang kamay niyang humawak sa aking siko bago siya nilampasan. Tss.
Pabagsak akong umupo sa couch at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Malagkit na ang aking buhok dahil sa itlog na ibinato. Masakit pa ang aking ulo at pisngi dahil sa mga tama na nakuha ko.
I bit my lips to control my emotion. Nararamdaman ko na ang pag iinit sa gilid ng aking mata pero hindi ko hahayaang tumulo iyon. I would never cry over a rejection. Huh, akala nila. Serise Montreal will never go down just because of an egg. Hindi pa sapat iyon. Such a worldclass trash.
Bumukas ang pintuan at pumasok roon ang walang kwenta kong bodyguard. Naglapag siya ng wipes sa aking harap bago umupo sa may tukador. Hindi ko siya pinansin at kumuha lamang sa wipes na dala niya.
"I'm going to tell Daddy you're not doing your job Ashton. Dapat ay dinouble check mo ang mga fans na darating dito-"
"Pakyu. Mahigit limang daan ang tao dito, open admission pa at walang ticket para lang makapanuod. Sa tingin mo kaya kong icheck lahat ng iyon?" aniya. Masama ang tingin na iginawad ko sa kanya bago pinunasan ang buhok kong nanlalagkit. Ilang pirasong wipes na ang ginamit ko pero hindi pa rin iyon natatanggal. Sa inis ko ay ibinagsak ko iyon bago tumayo.
"You.." inis kong sabi sabay turo sa kanya. My finger was shaking due to anger,frustration, humiliation!! Damn, hindi ko na alam kung anong ikinaiinis ko. Mas naiinis pa ako habang itong kaharap ko ay walang pakialam na nakatingin sa akin habang nginunguya iyong bubble gum sa harap ko.
"Bansot!" tangi ko lamang nasabi. Tumaas ang sulok ng labi niya bago napangisi. Nagkamot siya ng batok tapos ay muli akong hinarap. Tinagilid niya pa ng bahagya ang ulo niya na para bang pinagtatawanan ako.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at napaatras naman ako bigla. Ah shit! Bakit ka umaatras Se? Wag kang matakot sa bansot na yan! Heels lang katapat niyan.
"Itong bansot na ito Ma'am, niligtas ka kanina sa bato. Kaya kung ako sayo, magpakabait ka kahit slight lang." aniya bago itinaas ang hinalalki at hintuturo para idemonstrate iyong sinasabi niyang 'slight' lang.
"Aba't!" nanlalaki ang mata kong sabi. Dumiretsyo siya ng tayo at bahagya akong tumingala. He's not towering over me and I hate him more for it. Duh. Kalalaking tao pero pandak naman. My brothers are all over six feet and yet he's so small. Paano ako mapoprotektahan nito kung ganoon?
"Ma'am, ang tunay na lalaki hindi height ang malaki." Napapangisi niyang sabi. Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya ng masama. Ang yabang. Akala mo naman may malaki talaga sa kanya. Bwisit. Ang lagkit ko na.
"Ano naman? Walang malaki sayo Ashton Santillan." I confidently said. He grinned before winking at me. Inginuso niya ang baba niya at doon ko lamang naintindihan ang ibig niyang sabihin sa malaki. My eyes followed his pout and I just found myself staring at his crotch! Damn it!
"Bastos ka! Manyak!" namumula kong sabi. Napahawak ako sa pisngi ko habang halos maghisterya na! Shit this man! Damn him!
Tumawa siya ng malakas bago umupo na ng tuluyan sa tukador.
"Ma'am, malaki po kasi talaga ang bu.."
"Fuck you, wag mong itutuloy yan!" natatakot ko ng sabi. Tinakpan ko na ang tenga ko at napapalayo na ako sa kanya. Wala na akong pakialam kahit nahahawakan ko pa iyong basang itlog sa aking buhok. Wag ko lang marinig iyon.
"Malaki kasi talaga ang bu.."
"ASHTON!!"
Nakakaloko na ang ngisi niya sa akin. "Malaki kasi ang buong pusong pagmamahal na ibinibigay ko Ma'am. Di mo naman kasi ako pinapatapos. Ang arte mo. Punyeta." Natatawa niyang sabi. Tumalim ang titig ko sa kanya at ibinaba ko na ang aking kamay.
"Jerk." Anas ko. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.
"Pero malaki naman talaga ang ti.." aniya ng pabitin. Kinagat ko ang labi ko at binato na sa kanya ang wipes na nasalo naman niya. Bwisit. Argh.
"Magtigil ka na! Ang bastos ng bibig mo!" inis ko ng sabi. Humakbang siya palapit sa akin at lumayo naman ako.
"Gusto mo bang ipakilala kita.. sa malaki kong ti---" dahan dahan niyang sabi. Hinawakan ko ang dibdib niya para maitulak siya.
"Ashton!"
"Malaking malaki ito.. matutuwa ka talaga.. you'll be satisfied once you put it in your mouth Ma'am.." tuloy tuloy niyang sabi. Morbid thoughts rushed into my head and I was not able to step anymore. Nanlalaki na lamang ang mata ko habang nakatingin sa kanya.
Lumapit siya sa akin at dinikit niya ang bibig niya sa aking tenga. Naramdaman ko ang init ng hininga niya kaya nanindig ang balahibo ko.
"Gusto mo bang hawakan.. ang tinidor ko?" natatawa niyang sabi. Tinulak ko na siya ng malakas habang siya ay tawang tawa. Umupo na siya sa couch habang ako ay nakatayo at nanggagalaiti lamang na nakatingin sa kanya.
"Putangina this Ma'am. Masyadong nakakapunyeta kausap yung virgin. Dami kong tawa sayo ah." Anas pa niya. Kinuha ko ang polbo ni Rome at binalibag sa kanya iyon.
"Get out!" sigaw ko. Tumawa lang siya bago sumandal at pumikit. Magsasalita pa sana ako noong mapansin iyong namumula ng pasa galing sa bato na tumama sa kanya kanina.
Was it true? Was it really Ash who got hit by the stone awhile ago? Kung yung itlog pa lang ay sobrang sakit na, paano pa kaya ang bato?
Tumaas lamang ang kilay ko at kinuha ang wipes. Habang pinupunasan ko ang buhok ko ay sinusulyapan ko siyang natutulog sa couch. Kinagat ko na lamang ang labi ko at huminga ng malalim. Pagkatapos niya akong inisin ay tutulugan niya ako. Abnormal talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top