Fast and Hard
9
Iritado pa rin ako kay Ashton dahil sa paninigaw niya sa akin. Kahit sa loob ng sasakyan ay walang nagsasalita sa amin. Magkatabi sina Leroy at Rex sa harapan habang kaming dalawa ni bansot ang nasa likod.
Nilingon ko ulit si Ashton na pinupunasan lamang ang baril niya. Marahas ang ginagawa niyang pagpupunas habang nangigigil ang kamay niyang hawak iyong baril. Tumaas lamang ang kilay ko bago ko pinagkrus ang aking balikat sa tapat ng aking dibdib.
"Kung ano man yang problema mo, tigil tigilan mo na. Nakakairita na may katabing iritado din." Gigil kong sabi dito. Tiningnan lang niya ako bago niya isinaksak ang baril sa gilid niya.
I just stared at him. His brows furrowed, his jaw clenched, his breathing rough. Halatang galit siya. Ang tanong nga lang, saan?
Kinagat niya ang labi niya bago tiningnan ang kalsada na binabagtas namin. Noong makarating kami sa café ay bumaba sina Leroy para ipagorder ako. Naiwan kami ni Ashton sa loob ng kotse. Tanging iyong radyo lamang ang naririnig namin dahil wala yatang balak magsalita ni isa sa amin.
NArinig ko iyong pagtikhim ng DJ sa radyo bago siya malakas na tumawa. Imbes na pansinin ko na lang iyong pagaalburoto ni Ashton ay nakinig na lamang ako sa DJ.
"From PurplePinkBlue, ang ganda ng name, puro colors.." natatawang sabi nung DJ. I rolled my eyes. Corny. Damn, pati tuloy ako bwisit na. Yung bansot kasing iyon eh.
"Request naman po ng All About Us by He Is We. Dedicated po para sa boyfriend kong nagtatampo sa akin ngayon." Sabi noong DJ. Napanguso ako habang tumingin kay Ashton na nakikinig na rin.
"Beh, huwag ka ng magalit ha? Friend ko lang talaga si Noah. Love na love kita, alam mo iyan. Smile na po ha? I love you." Sabi noong DJ. What the hell! Noah pa iyong pangalan ng lalaki huh? Ang daming Noah sa mundo---
Napatigil ako noong maisip ko ang pangalan ni Noah. Could it be?
"Hay, sa relasyon talaga maraming ganyan, hindi ba mga kabarkada? Selosan, tampuhan, away. Pero sa huli, ang maganda naman, willing naman magsorry yung mahal natin kaya nauuwi din tayo sa lambingan." Tumatawang sabi noong DJ. Nilingon ko si Ashton na tahimik pa rin.
"B-bansot.." tawag ko sa kanya. Damn it! Nabulol ako!
Nilingon niya akoat hinarap. "Ma'am?" malamig niyang sabi. Napanguso lamang ako bago hinampas ang balikat niya. Napangiwi ako sa tigas noon.
"Aray! Pucha, masakit yun ah!" reklamo niya. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago ko hinila ang magkabila niyang tenga. Nagsisisigaw na naman siya pero hindi ko pa rin siya binitiwan.
"Aray! Pu-Serise!" reklamo na niya. Binitiwan ko siya at tinitigan ng masama. I pouted so hard while looking at him.
"Anong problema mo?" tanong niya habang hinihimas iyong tenga niyang namumula. Magsasalita na sana ako noong matitigan ko na naman siya. The strange feeling of security ran through my veins again. Palagi naman ganoon. Whenever I'm with Ash I just feel safe, really. And somehow, it's a good feeling.
'Take my hand, I'll teach you to dance.
I'll spin you around, won't let you fall down.
Would you let me lead, you can step on my feet.
Give it a try, it'll be alright.'
Nag iwas siya ng tingin bago huminga ng malalim. Ginulo niya iyong magulo na talaga niyang buhok bago ako tinitigan.
"Come on, ayaw kong manghula kung anong nangyayari sayo." Udyok ko pa. He just glared at me before putting his head on the headrest.
"It's..bullshit naman oh." Nahihirapan niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Ashton, you can tell me everything. Kaibigan mo ako." sabi ko dito. Binuksan bigla niya ang mata niya bago nanlisik ang mata.
"Kaibigan kita?" aniya. Tumango ako. Why? Hindi naman siguro niya ako tinatrato na boss lang niya, hindi ba? I mean, si Papa kaibigan naman ang mga empleyado niya. Even my brothers are friends with their employees. Posible naman iyon hindi ba?
"Yes." Sigurado ko pang sabi. Napangiwi siya bago huminga ng malalim. Umiling lamang siya bago ako hinarap, iyong mukha namin ay magkalapit na naman.
"You know what, eversince that fucking kiss..." panimula niya, pero iyong mata niya ay nakatitig na sa aking labi. Napalunok ako, iyong pamilyar na kabog ng dibdib ko ay nagsimula na naman.
"I don't want to give this feeling a name Serise. Giving it a name would make everything real." Pabulong niyang sabi. I felt his hand on my cheeks, iyong mukha niya ay palapit na ng palapit sa akin.
"Ashton.." I called him. My hand went to his chest. Intensyon ko talagang itulak siya pero noong dumampi ang kamay ko sa dibdib niya ay parang hinihila ko na siya para mas lumapit pa.
' The room's hush, hush,
And now's our moment.
Take it in feel it all and hold it.
Eyes on you, eyes on me.
We're doing this right.'
Namungay iyong mata niya. This is the first time I noticed his eyes are more brown compared to Noah. Mas malalim ang mata niya, parang nakakalunod. The hand on his chest went to his nape, hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako na ang nanghila sa kanya.
The moment our lips touched, all hell broke loose. Para na naman akong ibinato sa langit at pinaglaruan sa hangin dahil sa halik niya. Naramdaman ko ang kamay ni Ashton sa likuran ko bago ako binuhat at inilagay sa hita niya.
He groaned when I put my hands on his arms, still kissing him deeply.
"Serise. Damn." Mura niya bago bumaba ang halik niya sa aking panga. I closed my eyes and let him control the drive. Damn, iyong puso kong nangangalabog ay mas lalong nagwala. Iyong kamay ko na nasa balikat niya ay dumako na sa mukha niya. I cupped his face and kissed him hard again. He opened his mouth and the kiss deepened, until it reached the deepest parts of my heart.
'Suddenly, I'm feeling brave.
Don't know what's got into me,
Why I feel this way.
Can we dance, real slow?
Can I hold you, can I hold you close?'
I really don't know why Ashton has this effect on me. I know that I love Noah. I really do. Pero kasi, ewan ko ba. When I'm with Ashton I feel like I am just me. I am just Sese. I am free whenever I'm with him. I don't have to compete because his eyes are all on me, only for me.
It's like having Lolo again. Minus the loud bang in my chest whenever he kisses me.
Noong humiwalay siya sa akin ay inayos niya ang buhok kong bahagyang nagulo. His eyes are gentle while looking at me. Kinagat niya ang labi ko bago hinalikan muli ang tungki ng ilong ko.
"Nakakabaliw ka Ma'am." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lamang ako bago tumango. Inayos ko rin iyong damit niyang nagulo ko dahil sa pagkapit ko kanina sa balikat niya.
'Do you hear that love?
They're playing our song.
Do you think we're ready?
Oh I'm really feeling it.
Do you hear that love?
Do you hear that love?'
I stared at his face and bit my lip again. Ngayong nasa balikat niya ako ay naramdaman ko na namang ligtas ako. He smiled at me before shaking his head.
"I really don't want to name this feeling Serise." Nahihirapan niyang sabi. Nagkibit balikat lamang ako.
"Why?" tanong ko pabalik. His brown eyes greeted me again. Huminga siya na para bang nahihirapan na siya. I wonder, mabigat ba ako?
"It's too early to name it, but damn it, this is fast." Aniya. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?" tanong ko ulit. Napansin ko lang huh, tanong na ako ng tanong habang nakakandong sa kanya.
"I'm falling..fast and hard." Sagot niya.
--------------------------
Song Used:
He is We ft. Owl City - All About Us
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top