Drowning
32
I woke up in the middle of the night, tangled in the body of Aidan. His strong arm is tightly wounded against me, na para bang takot itong makawala ako. Umungol ako ng bahagya at dahan dahang inalis ang braso niyang nakapulupot sa akin. I took my robe and covered my naked body bago ako tumayo para pumunta sa kusina at uminom.
The whole house was dark already. Tahimik na rin ang paligid at halos wala na akong naririnig kundi iyong lagaslas lang ng batis sa tabi ng bahay ni Aidan. I opened one window to feel the air before I grabbed a glass.
I should tell Aidan my plans. Dapat ay makabalik na ako ng Maynila kaagad. I can't keep Noah in the dark, that would be really unfair for him. Kahit papaano ay minahal ko naman ang tao. Well, not as much as I loved Ashton but still, it is love.
Yes, there are degrees of love. May pagmamahal na panandalian at may pagmamahal na talagang pangmatagalan. But then, the main point of love is not the duration, but the intensity. Love is love when it will forever consume your heart.
I traced the mouth of the glass. This is it Ash. It's high time to let you go now. I still love you, but I want to give myself a chance to love somebody else. At kung may mamahalin man ako, si Aidan iyon. You won't mind that right?
Isang malalim pang buntong hininga ang ginawa ko bago ko nilagok iyong tubig. Inilagay ko ang baso sa lababo at luluglugan na sana iyon noong makarinig ako ng iilang kaluskos sa likod ko.
Shit.May multo ba?
Hindi ko na tinapos iyong paghuhugas ng baso. Dali dali kong tinuyo ang kamay para makabalik na kay Aidan. Pumihit ako pabalik sa kwarto noong may humawak sa aking braso. Akma sana akong sisigaw noong may tumakip sa aking bibig.
My breathing became ragged. Mahigpit ang hawak sa akin ng lalaki. Takip takip niya ang bibig ko at hindi ako makasigaw.
Hinila ako ng lalaking may hawak sa akin palabas. Tinulak niya ako sa kaniyang van at bago pa man ako makasigaw ay tinalian na nila ang bibig ko at kamay. I tried fighting them but they are too strong for me. Walang hirap nila akong naipasok sa kanilang van.
"Hello Serise." Bati sa akin ng isang may edad na lalaki. I blinked twice when I saw his whole profile. Nanuyo ang lalamunan ko noong makilala ko siya.
"Ms. Montreal.." tawag niya sa akin. Nanginig ang aking laman sa talim ng boses niya.
He showed me his perfectly white teeth. "Rodrigo Herrera, nice to meet you." Pakilala nito. Umurong siya ng bahagya at hinaplos ang aking mukha. I shrieked and tried to move away from him.
He's Aidan's dad! Siya iyong nakikipag usap kay Papa dati! Damn it.
Mula sa paghaplos sa aking mukha ay bigla niyang hinila ang aking buhok. Napaigik ako sa sakit na ginawa niya lalo pa't tumama ang balikat ko sa headboard ng kanyang upuan.
Hinila ako pabalik ng kanyang tauhan sa backseat bago ako tinutukan ng baril sa tagiliran.
"Itutok mo sa ulo." Utos niya. Lumipat ang baril sa aking sentido. Kinuha ng papa ni Aidan ang kanyang cellphone bago ako kinuhanan ng litrato.
"Maganda talaga ang lahi ninyo, Montreal." Aniya. Huminto ang sasakyan namin sa isang liblib na lugar. Nauna siyang lumabas at hinila ako ng mga tauhan niya. Dinala nila ako sa lawa bago ako tinulak sa damuhan roon.
Pagkasubsob ko pa lang ay lumapit na sa akin si Rodrigo. Hinila niya ang buhok ko bago marahas na inalis ang takip sa aking bibig.
"Fuck you!" sigaw ko. Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin at muli akong napahiga sa damuhan. Bumagsak ang ulo ko sa isang nakausling bato roon. Heavy pain blasted form that side and I gasped for breath as my vision swayed.
Mabibigat na ang paghinga ko habang nakatingin dito. Nanlilisik ang mata niya noong ikinasa niya ang baril at tinutok sa akin iyon.
"Your grandfather killed my mother." Deklara niya. Nanlaki ang mata ko.
"Hindi mo alam? Princess, your grandfather is not a nice man. Neither is your grandmother." Nanginginig niyang sabi. Hinila niya ang braso ko ko para mapaupo ako. Tinutok niya sa aking balikat ang baril at diniin iyon.
"W-who are you?" I asked. Pinilit kong hindi manginig sa takot. Kailangan kong maging malakas. Serise, you will survive. You are Serise Victoria Montreal. No one is stronger than you. Not even a gun threatening your life right now.
Aidan..please. Please, save me.
"Do you know how a python kills its prey, Serise dear?" tanong nito. Iyong braso niyang nasa balikat ko ay dumako sa aking leeg. I gasped when his fingers started digging into my skin.
Hindi ako makahinga!
"It doesn't have a venom so instead..it squeezes.." dumiin ang mga daliri niya lalo sa aking leeg.
"and squeezes, until its prey dies." Anunsyo niya. Bumuka ang bibig ko para makasagap ng hangin. Nagsisimula ng manlabo ang paningin ko noong bigla niya akong bitawan. Sunod sunod ang ginawa kong paghigop ng hangin habang siya ay baliw na tumatawa lamang.
"Talian siya." Utos nito. Mabilis kumils iyong mga utusan niya. Tinali nila ang paa ko, sa dulo niyon ay may nakadugtong na tatlong hollow blocks. Sinugurado din nilang mahigpit ang pagkakatali ng kamay ko bago ako nilayuan.
"Whay are you doing this?!" I shouted. Tumingin lamang sa akin iyong matanda.
"Natalia Madrigal suffered from the same shit before Serise. I don't know if you know her. But your grandfather, that damned Montreal, did that to her." anas nito. Umiling ako, alam kong hindi magagawa ni Lolo iyon. Lolo is a good person.
"You old lying dirt bag!" sagot ko. He hissed before punching me. I can feel the blow on my cheeks before I tasted the blood from my mouth. Hinawakan niya ng madiin ang mukha ko bago ako hinila.
"Namatay ang nanay ko dahil sa pamilya mo. Your grandmother took away everything from her, even her surname. Your grandfather killed her by drowning her! Putangina, pero hindi ako titigil hanggat hindi kayo nauubos!" sigaw niya. Pinaputok niya ang baril sa gilid ko at napasigaw ako.
"Nabaliw ang lolo ko dahil pinakulong siya ng pamilya mo. Nawalan ako ng pamilya at dapat lang na mawala kayong lahat. Now, they are all dead because of me." May pagmamalaki niyang sabi.
"Damn you!" sagot ko. Nanginginig ang laman ko sa galit sa kanya. Hindi ko na napigilan iyong luha na tumulo mula sa akin. I blinked back the tears and tried to move but the weight of the blocks kept me from moving.
"My revenge will end when you die. It will end when Alessandro Montreal's heiress will die."
Sinenyasan niya ang mga tauhan niya. May bumuhat sa akin at dinala ako sa isang maliit na banga. Sinakay nila ako roon bago sumunod si Phyton. Sumiksik ako sa gilid habang siya ay nakatingin lamang sa akin.
"You are really beautiful. No wonder my son fell for you." Mahina niyang sabi. Nanginig ang laman ko sa narinig.
"My son is very stupid. I ordered him to kill you, yet he fucked you instead." Aniya. Pinaglaruan niya ang baril habang ako ay hindi maintindihan ang sinasabi niya.
"You..you asked him to kill me?" paninigurado ko. Ngumisi ito bago dinilaan ang baril na hawak niya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay nilapitan lamang niya ako. Kinuha niya iyong mga hollow blocks. Habol habol na ang hininga ko noong ngumisi ito na parang demonyo.
"Goodbye, Serise Montreal." Aniya at hinulog ang mga iyon sa tubig. Napasigaw ako noong maramdaman ko ang paghila ng bigat niyon sa akin.
"Oh god!" sigaw ko. Kumapit ako sa gilid ng bangka, umaasa na may magaabot ng tulong sa akin. But then Phyton grinned before smacking the butt of the gun towards my fingers.
"Bumitaw ka! Bitaw! Bitaw you bitch! Die!" sigaw niya. Ilang beses niyang ginawa iyon sa aking mga kamay. I cried so hard.'
Please, if somebody is there..please, help me.
Isang beses pang bumagsak ang baril niya sa kamay ko bago ako napabitaw. Sunod kong naramdaman ay iyong bigat ng mga hollow blocks na humihila sa akin sa ilalim ng lawa. Hindi ko magawang lumangoy sa bigat niyon.
Narinig ko ang ilang bagsak ng tubig bago ko napansin ang bulto ng mga tao roon. I waited for them to help me but no one came. I felt the air inside of me thinning before somebody grabbed my waist. May kung ano siyang hinila sa paa ko bago niya kami hinila pataas. Sinubukan ko pa ring huminga pero hindi ko na makaya.
I tried and tried so hard. I opened my mouth to breathe but the water covered it. I was gasping for air so desperately and yet...the water...drowned me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top