Bikini
WAKAS
Chos lang. Haha
13
Huminto iyong itim na Audi A6 ni Ashton sa isang tagong resort sa Bulacan. Pinagbuksan niya ako at dumiretsyo naman ako palabas.
"Why are we here bansot?" tanong ko. Ngumuso lamang siya habang inilalabas ang mga maleta ko. Kinuha niya iyong dalawa kong luggage para hilahin habang iyong bag ko ay inilagay niya sa kanyang balikat. Gusto ko sanang mapahagikhik dahil mukha siyang alalay pero masyado kasi siyang gwapo para magmukhang inutil.
Sumandal ako sa kotse habang pinapaikot ko sa mga daliri ko ang susi niya.
"Ito ang Headquarters namin Ma'am kong pinakamaganda sa lahat. May meeting kami at magtatagal iyon hanggang bukas. Hindi naman kita pwedeng iwanan sa Maynila kasama lang sina Leroy kaya isinama na kita." Parang bata niyang sabi habang ngumunguso pa. Kumunot lamang ang noo ko para pigilin iyong ngiti kong nagpupumilit na lumabas.
Naglakad na kami papasok. Iilang beses na may sumaludo kay Ashton habang iyong iba ay binabati siya. May mga iba naman na nilalampasan siya at hindi pinapansin.
"Lahat ba ng nandito bansot ay sundalo rin?" tanong ko. Nilingon ako ni Ashton bago umiling.
"Hindi. Iyong iba ay mga kliyente na itinago rito pansamantala." Paliwanag niya. Tumango na lamang ako at umagapay sa paglalakad niya.
Tatlong binatilyo ang sumaludo muli sa kanya bago kami nilampasan. Nilingon ko ulit si Ashton sa aking tabi bago ako mas dumikit sa kanya. Iniyakap ko ang braso ko sa balikat niya bago siya nginitian. Niyuko rin naman niya ako habang napapailing na lamang.
Mabilis lamang kaming nakarating sa villa namin. Pumasok kami roon at inihatid niya ako sa kwarto ko.
"Pupuntahan ko muna si Commander. Ayos ka lang bang mag isa ha?" aniya habang tinatanggal ang pagkakabutones ng kaniyang puting polo. Napalunok ako habang sinusundan ko iyong unti unting pagpapakita niya ng katawan.
"Serise." Tawag niya muli sa akin. Tiningala ko siya.
"Huh?"
Napangisi na lamang siya. "Aalis na ako. Ayos ka lang bang mag isa?" aniya. Pinalobo ko na lamang ang pisngi ko at tumango.
"May pool doon. Can I swim?" sabi ko noong maalala ko iyong bean shaped pool malapit sa mga sunflower. Oh! And may matandang mukhang naliligo naman na nagtitinda ng ice cream. Perfect!
Kumunot ang noo niya. "What will you wear? Marami akong tshirt diyan." Aniya pa. Nanlaki naman ang mata ko.
"Shirt? No. Yuck!" anong gagawin ko sa shirt? Duh. Di naman ako three years old. Bwisit na bansot ito.
"Serise." Aniya, iyong tono niya ay naiinis na. Para bang bata akong maliit na hindi sumusunod sa patnubay ng magulang.
"But it's a pool Ashton. If you'll insist in wearing a shirt then might as well wear a pajama! Mukha akong tanga!" anas ko. Inihilamos niya iyong kamay niya sa hibla ng mga buhok niya.
"Serise, hindi kita mababantayan."
"Hindi naman ako malulunod!"
"Maraming nakakalat na sundalo Serise! May iba pang mga guest!" tumaas na ng tuluyan ang boses niya. At dahil mataas na ang boses niya ay pinagtaasan ko na lamang siya ng kilay. Iyong mataas na mataas na hindi na niya maaabot dahil bansot siya.
Tinitigan ko lamang siya ng masama bago napadabog. Nilabanan niya iyong tingin ko bago ako napanguso. Umupo na lamang ako ulit sa kama bago tumango.
"Fine. Dito lang ako sa kwartong ito hanggang sa mag ugat ako. Asar." Inis kong sabi bago siya tinalikuran. Narinig ko iyong malalalim niyang buntong hininga bago ako nilapitan.
"Stay here. Please." Aniya bago hinalikan ang aking noo. Kinuha niya iyong isang khaki na shirt at mabilis na sinuot bago lumabas. Noong wala na siya ay napahawak pa ako sa noo kong hinalikan niya.
Damn you Santillan.
Nakatulog ako ng umaga na iyon at nagising noong bandang hapon na. Medyo ginugutom na rin ako kaya nagpasya akong lumabas na lamang para humanap ng makakainan. Wala pa rin si Ashton sa villa at mukhang mamaya pa siya babalik.
Nagpalit ako ng baby blue na swimsuit bago ko ipinatong iyong floral pink kong maxi dress. Kinuha ko rin iyong floral hat ko at shades bago lumabas ng villa. Pasimple ko pang sinilip si Ashton na baka nasa paligid lamang bago ako tuluyang lumabas.
Dumiretsyo ako sa may barbeque malapit sa pool at bumili ng buns at hotdogs. Hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng tatlong stick ng barbeque bago ko nakita iyong shawarma at fries sa isang tabi. Kumuha ako ng iyon bago ako uminom ng orange juice at four seasons na shake.
Sa sobrang busog ko ay nagpasya akong humiga muna sa isang sun lounger na bakante roon sa pool. I was about to sit down when I saw some watery spots on the lounger.
Kadiri. Baka pawis pa yan.
Nilibot ko ang tingin ko para maghanap ng ibang sun lounger pero wala na akong nakitang bakante. Sa huli ay hinubad ko na lamang ang maxi dress ko at iyon ang inilatag para makahiga na rin ako.
Kinuha ko iyong phone ko at nagpatugtog na lamang ng kahit na ano. I settled myself on the lounger and made myself comfortable. Nag inat pa ako ng bahagya at akmang matutulog na noong maramdaman ko ang presensiya ng kung sino na tumayo mula sa katabi kong sun lounger.
"Hey miss. Are you alone?" matigas na sabi noong lalaki sa akin. I glared at him through my sunglasses before closing my eyes again.
"Do you see someone with me?" mataray kong sagot. Brusko siyang tumawa at umupo ng paharap sa akin.
"Feisty. I like that." Aniya. Itinaas ko lamang ang kamay ko bago ko ipinakita sa kanya ang middle finger ko. Lalong tumaas ang sulok ng labi niya bago tiningnan ang aking katawan. Napailing na lamang ako at hindi na sumagot. Mas lalo siyang lumapit sa akin at naalarma na ako.
"I'm so going to kick your ass if you move closer." I warned. Lalo siyang nangiti sa sinabi ko. Kinabahan na ako sa asta noong inutil na lalaki kaya napatayo na ako.
"Serise Montreal."
Nanginig ako sa lamig ng boses na narinig. Napaharap ako kay Ashton na matalim ang tingin sa aming dalawa. Kumilos iyong mata niya sa suot ko bago niya tiningnan iyong lalaking nasa harapan ko.
"Putangina." Matigas niyang pagmumura. Inilang hakbang niya ako at nilapitan. He immediately scooped me and carried me lick a sack of rice.
"Oh my! Ashton!" sigaw ko. Pinagpapalo ko pa ang likod niya dahil nakakahiya.
"Ibaba mo nga ako! I left my dress on the lounger! Darn!" sigaw ko pa. Nanigas iyong braso niya sa pagwawala ko.
"Damn it Serise!" gigil niyang sabi. Naramdaman ko iyong labi niya sa tagiliran ko at napasinghap ako. I felt his wet kisses there before he bit me hard.
"Aaw!" hiyaw ko. Ibinaba niya ako sa pintuan ng villa bago masama akong tinitigan.
"Bakit mo ako kinagat?! Bwisit ka!"
"At bakit ka lumabas kahit nangako kang diyan ka lang sa villa?!" sigaw niya pabalik. I just stared at him before putting my hands on my waist.
"Hindi ako nangako! I simply said it, but I did not promise anything! Yung dress ko bansot!" nangigigili ko ng sabi. He held my arms and pulled me closer to him.
"Fuck your reasons! At nakasuot ka pa ng ganiyan! You know you'll attract boys Se!"
"And so what?" paglaban ko. Pinilit kong hinila ang mga braso ko pero itinulak lang niya ako papasok sa villa.
"So what? So what? Pucha!" inis na inis na talaga siya. Bumitaw siya sa akin at tinulak ko naman siya.
"Hey Santillan! I can wear whatever I want to wear! Hindi ko kailangan ng permiso mo o ng kahit na sino tungkol sa susuotin ko!" ganti ko. Napahila na ako sa buhok ko sa sobrang iritasyon sa kanya.
Nagtaas baba ang dibdib niya sa malalalim na paghinga. His eyes roamed my face for a few seconds before finally staring at my body. Bumaba ng bumaba ang tingin niya na para bang hinahagod niya ang aking katawan.
I bit my lip so hard when I felt the air between us changed. There was still the tension but it is different now. Something is up. Something..unexplainable.
"Damn this." Mahina niyang sabi bago ako kinabig. Bumangga ako sa dibdib niya at sinalubong ako ng atake sa labi niya. Iyong kamay niya ay agad na humaplos sa impis kong beywang. Malalalim at sabik iyong halik niya habang iyong kamay niya ay naglilikot na sa aking likod.
Hinalikan niya ang ilalin ng tenga ko habang iyong kamay niya ay naglalaro sa strap ng aking bikini top. Hinuli kong muli ang labi niya bago ko siya tinulak sa may couch.
"Ash.." hinihingal kong sabi. Bumagsak siya sa couch at agad akong pumaibabaw sa kanya.
Nakalas na niya iyong bikini top ko pero hindi niya pa rin iyon ibinababa. I can feel his desire slowly unfolding beneath his pants. Mas idiniin ko ang sarili ko sa kanya at napaungol siya.
"Ash please.." hindi ko na alam ang hinihingi ko sa kanya. I just want him. I want him so much.
"You're mine. Serise, you're mine. Tangina, mababaliw ako." bulong niya sa akin. Hinaplos ng daliri niya ang dibdib ko at napaigtad ako. The burning sensation travelled from my chest to the middle of my thighs. Kumapit iyong kamay ko sa kaniyang buhok habang siya ay nakatitig lamang sa akin.
"Ash..Ashton..Ashton please." Tawag kong muli. Bumaba ang labi niya sa aking dibdib at muntik na akong mapahiyaw. His lips pressed on my still covered chest. The electrifying feeling suddenly consumed me blindly. Damn this.
Hingal na hingal na ako at hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. I felt Ashton's rough hands on my legs, pinaghihiwalay na iyon bago marahang hihilutin.
"Ashton!" sigaw ko na naman. Napangisi siya at hinalikan ang aking panga.
"Are you mine?" he huskily said. I gasped when I felt his hand between my legs. Napakapit ako sa braso niya noong maramdaman ko ang paghawak niya sa akin roon.
"Ashton!" tangi kong nasabi. He teased and picked on my sensitive part. His lips are still on my chest while his fingers are on my underwear. Halos maluha na ako sa sabay sabay niyang pagsalakay. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibabaling itong atensyon ko.
"Are you mine?" tanong niyang muli. Binuka ko ang mata ko at buong pusong tumango.
"Yes. Yes, I'm yours." Hinihingal ko ng sabi. Napangisi lamang siya. Iyong strap ng aking bikini ay tuluyan na niyang hinila at ibinaba.
"Fuck. I love you Ma'am." Aniya at tinanggal naman niya iyong pangibaba ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top