36

"Vanilla!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng mga pamilyar na boses. I saw London, Galaxy, and Caramel running towards me.

Isa-isa ko silang niyakap at biglang nakuryoso kung ba't wala silang ibang mga dala kundi shoulder bags lang.

"Pinauna na namin sa hotel ang mga bagahe," ani Galaxy, mukhang napansin ang pagtitig ko sa mga bags nila. "Just transfer to our hotel. Saka ka na lang bumalik sa Ritz kapag nakaalis na kami."

"Sorry na late kami," ani London sabay nguso. "One week late pero at least nandito kami... late celebration na lang," aniya pa sabay pa-cute sa akin.

I'm supposed to celebrate my birthday with them but there was an "emergency" which caused them to come here a week later. Tinuloy ko iyong plano ko na lumayo-layo muna kay Xaviell. Gusto ko sana mag-Europe trip pero baka makasalamuha ko rin siya roon kaya nag-Singapore na lang ako.

"Anong emergency pala?" Tanong ko. Ayaw kasi nilang sabihin noon. Anila na enjoy-in ko lang ang birthday month ko at kaya na nila ang mga nangyayari roon kaya hindi na rin ako nabahala.

Nagkatinginan ang tatlo at bigla naman akong kinabahan. "Is it... about Xaviell?" I trailed off. Bigla akong nanghina nang binanggit ko ang kaniyang pangalan.

During the days that I've been here, I tried really hard not to think about him. Kaya ko naman lalo na tuwing umaga dahil busy ako sa kamamasyal. Pero tuwing sumasapit ang gabi, kung kailan dapat tulog na ako, nag-e-emote ako.

It's like I'm this strong, independent woman in mornings but a simp for romance and a heartbroken traveller during nighttime.

"Yeah... he got hospitalized," London said in a casual tone. "But he's okay now," habol niya. Bigla kasi akong kinabahan at magpa-panic na sana at nakita niya siguro iyon.

"He's okay now?" Paninigurado ko, unti-unti namang binalot ng pangamba ang dibdib ko.

"Yup, alive and kicking," si Caramel ang sumagot at inangkla na ang mga braso sa akin. Hinatak niya ako papasok sa isang sasakyan.

Nag-taxi lang ako papuntang airport dahil may sasakyan silang nirentahan. Kaming apat lang ang naroroon dahil sina Martell at Orion daw ay nasa isa pang sasakyan.

"Nag-van sila? Ganoon ba kadami ang mga bagahe niyo?" Kuryoso kong tanong.

"Medyo," sagot ni Galaxy. "Tapos hindi lang naman sila—" natigil si Galaxy nang makita na tinitingnan siya ni Caramel.

"Don't tell her." Caramel wiggled her brows and smirked before turning to the window.

"Caramel!" Singhal ko pero nanatili sa may bintana ang kaniyang tingin, mukhang walang balak na pansinin ako.

"Basta may mga sumama," ani London at sumandal na sa upuan.

I turned to Galaxy and gave her an expectant look yet she only shrugged with a small smile before leaning on her seat as well.

Nang makarating kami sa Ritz Carlton, tinulungan nila akong mag-impake ng mga gamit dahil gusto talaga nila roon sa Marina Bay tumuloy. Anila na roon dapat kami para mas-feel namin ang pagiging turista.

"Caramel!" Tawag ko sa kaibigan. "Sino pa 'yong mga kasama niyo."

She rolled her eyes. "Let's just celebrate your birthday!"

"Last week pa 'yon!" Singhal ko at binilisan ang paglalakad. Nasa unahan namin sina London at Galaxy. Si Caramel naman ay malalaki ang hakbang kaya mas nauna siyang nakaabot sa dalawa.

"Alam ko," ani Caramel nang tinabihan ko siya. "Kaya nga late celebration diba?"

Ako naman ang napairap. "How's Sugar? When's her due?"

"Nanganak na," simple niyang sagot habang natigilan naman ako.

"What?!" Gulat kong sambit. "And you didn't tell me?"

"Hindi ka nagtanong," pamimilosopo pa niya.

"Uso ang pag-inform!"

"Well, now you're informed."

Sinipa ko siya pero nginisihan niya lang ako. "I hate you!" I hissed, then turning to London and Galaxy. Wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya.

"She told us not to tell you," Galaxy explained. "She knows that you'll visit her if you knew. Aniya na mag-relax ka raw muna."

I frowned. Excited pa naman akong makita ang pamangkin. At isa pa, isa kaya ako sa mga pinagbuntungan ng mood swings ni Sugar kaya nararapat lang na makita ko 'yong dahilan!

"We can visit her after this," ani naman London, pampalubag ng loob kumbaga.

We stayed in our hotel room the whole afternoon. Nang sumapit ang gabi, nagsimula kami sa pag-aayos para sa aming dinner. Sa rooftop restaurant kami ng hotel kakain.

I wore my usual stocking to cover the scars on my legs, then a cream mini dress with light green watercolor prints. It has bell sleeves so I didn't have to put concealer on the marks on my arms. Galaxy offered to style my hair and she did two loose braids and secured them at the back with a ribbon.

Maganda ang view dahil kitang-kita mula sa kinakainan namin ang siyudad. The towering heights of the surrounding buildings and the city lights, plus the cool yet comfortable atmosphere, made our dinner one of the most peaceful dinner I ever had.

Pagkatapos kumain, nagkayayaan kami ng mga kaibigan na maglakad-lakad muna. Naabutan pa namin ang light show sa Gardens by the Bay at pagkatapos niyon ay dumiretso naman kami sa may Waterfront.

Even though we just ate, my friends bought a box of pizza and fries just so we have something to eat while watching Spectra, the famous water show here in Marina Bay.

Nang matapos ang show ay naglakad-lakad ulit kami ng mga kaibigan hanggang sa nagyaya si Caramel na mag nightclub. Hindi na kami nakaangal dahil nauna na siyang maglakad at sumunod na lang kami.

"Welcome to Marquee," ani Caramel nang makapasok kami sa isang club. Medyo marami-rami na ang mga tao pero hindi naman ganoon kadami para magsiksikan.

Pumuwesto kami sa isang couch habang nililibot ko naman ang mga mata, namamangha sa nakikita. Hindi ko naman hilig na mag-clubbing kaya hindi ako sanay sa ganitong setting.

Ang mas nakakamangha pa sa club ay may indoor ferris wheel! Mas na-excite pa ako na subukan iyon kaysa sa pag-inom.

"Pass muna," pagtanggi ko nang nag-offer si Caramel ng kung ano-anong mga inumin. Aayain ko pa sana sila na subukan iyong ferris wheel pero bigla kong nakalimutan ang sasabihin nang may namataan ako sa kabilang booth.

"He's here," gulat kong sambit.

I turned to my friends and I saw them turn their heads to where I was looking at. Xaviell's here! Damn! He's here!

"Yeah... sumama sila," ani London. "It's for business though."

Napatango-tango naman ako at napaupo na lang ulit. Patuloy kong tinitigan ang booth nina Xaviell. Nakita kong sabay na dumating sina Orion, Martell, at Iouis. May iba pa silang kasama na mga kamag-anak. Hindi ko ka-close ang mga iyon pero nakilala ko dahil sa mga party na dinadaluhan.

The three guys went to our table. I saw how Xaviell's eyes followed the three until our gaze locked for a moment. My heartbeat thumped loudly in my chest. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaniya o sa nakakabinging music.

Naputol lang ang tinginan namin nang may isang grupo ulit na dumating. May ilang mukha akong napapamilyaran pero ang iba ay hindi ko kilala. Pero sigurado akong nasa iisang circle lang silang lahat.

"That's the daughter of the businessman whom we're trying to partner with," ani ulit ni London sabay turo sa babaeng katabi ni Xaviell. Siya rin ang dahilan kung bakit naputol ang tinginan namin ni Xaviell.

The two were chatting animatedly and as expected, I felt a stinging sensation in my chest. It didn't help that two sat even closer, probably because they couldn't hear each other because of the booming music.

Napalunok ako dahil sa nararamdaman. It's an ugly feeling but I also can't do anything about it.

Ang alam ko lang ay parang gusto ko nang umalis dito para hindi ko na masaksihan ang paglalandian nila. O 'di kaya'y ilabas ang inis at manabunot... but then, that's not me. I mean, yes, I admit it, it's tempting... but it's not me... hindi ako nananabunot. But hey! I can glare at them! It's not like they'll see it.

"Damn, Vanilla!" Singhal ko sa sarili nang biglang nagtama ang mga mata namin ni Xaviell. Sinamaan ko sila ng tingin dahil hindi ko naman in-expect na titingin pa siya sa direskyon namin.

"He's allowed to work?" I asked in a casual tone, trying to mask the envy with curiosity.

Alam kong nakita iyon ng mga kaibigan pati na rin ng mga lalaki. I could even see the ghost of a smile on Iouis' lips! Hindi man lang tinago!

"No," si London ang sumagot. "I mean.. yes... but Xavion and our sister's helping. Hindi naman napupuruhan si Xaviell."

"It's just that she's quite fond of Xaviell," pagsali ni Iouis sa usapan sabay akbay kay Caramel na mabilis namang tinapi ang kamay nito. "But don't worry, he's not into her," aniya pa, nagpapatay-malisya lang sa masamang tingin ni Caramel sa kaniya.

"Thank you, that's so comforting," I said sarcastically, then taking the menu to browse for some drinks.

May bago na kaagad siya? Ba't ang bilis? Ah, bahala na. Edi sila na! We're not together anymore. I mean... how I wish we're still together but... I shouldn't be affected! I mean... oh damn it! Iinom ko na lang 'to!

"Kamilah Armani, cousin of our best friend. A Filipino-Arabic architect and currently the CEO of her father's real estate company and the President of her mother's architectural firm. She also owns—" bago pa matapos ni Iouis ang binubolong niya sa akin, tinapik na siya nina Orion at Martell sa balikat.

Nang makaalis ang mga lalaki ay seryoso kong hinarap ang mga kaibigan. "Iinom ako," pag-iimporma ko. "But, please, bantayan niyo 'ko! Baka pagkagising ko bukas, kasal na naman ako!"

They chuckled and shared a look. London then transferred beside me and placed an arm around my shoulders. "Don't worry, I won't drink."

"Bakit?" I asked, turning to her with a suspicious look. Baka tinutukso niya lang ako. Minsan mahirap din kung palabiro ang mga kaibigan dahil hindi na ako sigurado kung seryoso ba sila o ano.

"Because..." she shrugged then winked.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, sinusubukang hulaan kung bakit. Sandali akong nag-isip-isip hanggang sa may napagtanto.

"Don't tell me..." tanong ko na nanlalaki ang mga mata.

"Yup! We're expecting!" She said with a giggle. Kitang-kita ang kasiyahan at excitement sa kaniyang mukha.

I pulled her into a hug and shook her shoulders, suddenly feeling excited too! "When did you find out?" I asked after congratulating her.

"Noong February," aniya sabay ngiti.

"Oh..." wala sa sarili kong sambit. "But you were stressed... you're okay, right?"

She placed her arm around me again and rested her head on my shoulder. "It's okay, Van... I have regular checkups so don't worry."

Tumango-tango naman ako dahil sa narinig. I then turned to Galaxy. "How about Maxence? How's he?" I asked, pertaining to her child.

"He's with my sister and Martell's parents," sagot ng kaibigan sabay pakita sa akin ng phone. "We'll video call him later."

Pagkatapos namin mag-usap ni Galaxy, si Caramel naman ang hinarap ko pero mabilis niyang tinaas ang dalawang kamay na parang nag-su-surrender.

"Don't ask me," she said in an almost defensive tone. "Sayaw na lang tayo!"

Mabilis akong umiling at saka tinaas ang isang kamay. I have to have some drinks first to loosen up. Sober Vanilla is boring Vanilla.

Nang dumating ang drinks ay ako ang unang uminom. My friends chuckled while cheering on me. Pagkatapos ng ilang shots ay saka ko inaya si Caramel na pumunta sa dance floor. Dumami na rin ang tao kaya mas naging energetic ang ambiance ng buong bar.

Sinunod ko lang ang ginagawa ni Caramel hanggang sa mas naging natural na ang galaw ko. Sumama rin sina London at Galaxy sa amin at tinatawanan lang nila kami.

I raised both hands and closed my eyes, savoring the moment while swaying my hips. Alcohol is already in my system but I can still feel that stinging sensation in my chest.

I ran a hand through my hair, then gliding it down to my neck down, then to the side of my chest and to my hips. I danced to the rhythm, not minding my seductive moves. I could feel some eyes on me but I couldn't care less.

A part of me feels different since I don't usually do this but... I'm heartbroken. And my heartbreaker is here too! But who cares, right? Nakahanap na nga siya ng bago, eh!

We stayed at the dance floor for I-don't-know-how-long. Nagpaalam ako sa mga kaibigan at dumiretso sa may bar counter. Surprisingly, hindi naman ako ganoon ka napuruhan kaya maayos pa akong nakalakad.

I ordered some cocktail drinks and sat on the high stool. The seat beside me was unoccupied until I felt someone's presence beside me. Hindi ko man nakikita ang hitsura ng tumabi sa akin, base naman sa pagkabog ng kalooban ko, hindi na mahirap hulaan kung sino iyon.

Damn it! Why does he still have an effect on me?! But, well... it's only been a few weeks. Hindi naman ganoon kabilis mag-move on!

"Hey," I heard him speak. Hindi ko siya tiningnan dahil baka magmumukha akong assuming. Malay ko naman kung sino ang kausap niya.

"Hey," he repeated. I could see him looking at me. Both of his arms were resting on the counter.

I raised a brow.

Huwag mo nang kausapin, Vanilla. Baka pinaglalaruan ka lang ng mga tainga mo! Ba't ka naman niya kakausapin? Pinaalis ka nga diba?

"How are you?" Rinig kong tanong niya. Buti na lang at dumating na ang in-order ko kaya iyon ang pinagtuunan ko ng pansin. Aalis na sana ako roon at babalik na sa booth namin nang nagsalita ulit siya.

"Belated happy birthday."

Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan nang napatingin sa kaniya. I glanced at the side. Wala namang ibang nakatingin sa kaniya kaya ako nga talaga ang kinakausap niya.

"Thanks," I said with a nod. I got up from the seat and turned around. The woman Xaviell was with earlier appeared in front of me.

She raised a hand and beamed. "You must be the lucky wife of Beaufort!" Aniya.

"What?" Tumawa ako at saka inubos ang inumin. Oo, lucky ako at wife niya nga ako pero noon 'yon. Ngayon, hindi ko na alam. Wala sa dalawa...

"Dr. Hermosa-Vuitton? Right?" Itinagilid niya ang ulo at saka sumulyap kay Xaviell na may nalilitong expresyon. "I'm sure it's you. I've seen your photos."

Umiling ako at saka pinatong ang glass sa counter. I rolled my eyes at Xaviell before turning to the woman. Kamilah's her name, if I'm not mistaken.

"We're divorced!" I said in a loud voice. Saktong pagkasabi ko niyon ay pinatay ang music dahil magsasalita yata ang DJ. Pero dahil sa sigaw ko, may ilang napatingin sa direksyon ko.

Buti na lang at nagsalita na ang DJ bago nagpatugtog ulit kaya naghiyawan ang mga nagsisiyawan.

"Really?" Kamilah asked in an intrigued yet amused voice before turning to Xaviell. "You didn't tell me that, Beau!"

Tumaas ang kilay ko. Dito pa talaga sila magdi-diskusyon, ah? And he didn't tell her? I'm surprised.

"Don't tell me your lawyers didn't inform you?" Nakangisi kong sabi sabay baling sa kaniya.

I finished my drink in one gulp and ordered another. Isang bote ng Cuervo ang kinuha ko at saka aalis na sana pero mabilis na hinawakan ni Xaviell ang palapulsuhan ko. He took the bottle from me and placed it back on the counter.

"That's enough," aniya sabay hawak naman sa magkabilang tagiliran ko at inalsa ako paalis sa upuan. He turned to Kamilah. "Excuse us."

Kamilah opened her mouth, may sasabihin pa yata pero pinagsalikop na ni Xaviell ang mga daliri namin at hinila ako paalis doon. Bago kami tuluyang makaalis ay nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Kamilah sa mga kamay namin ni Xaviell. Iyon din ang pinagtuonan ko ng pansin hanggang sa makalabas kami ng bar.

I felt the cold breeze on my face. Huli ko nang namalayan na nasa may entrance na kami ng hotel. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya na ikinagulat naman niya.

"What? Go back to your Kamilah!" I know I sound bitter but I am!

Pumasok ako sa hotel at dumiretso sa topmost floor. Dito na lang ako iinom para kung makatulog ako, at least nandito na ako sa hotel.

The whole time I was drinking, Xaviell was just looking at me. I can see a look of disagreement in his eyes but I already told him off.

"You've had a lot already," aniya nang dumating ang una kong in-order.

I glared at him. "So? Why do you care?"

I raised a brow, waiting for his response. He's been acting weird and I don't like it. There's this voice in my head that's telling me some possibilities but... no, I'm done hoping.

"Because..." he trailed off, then looking away. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pag-inom.

I could feel the insides of my chest heating up so I rested for a bit. Pinatong ko ang mga braso sa mesa at saka roon pinahinga ang ulo.

Nagising ako dahil sa mga nag-uusap na boses. Though my head's spinning and it feels like it's gonna slice in half, I forced myself to open my eyes.

A thick comforter covered half of my body. I'm still wearing the dress from last night minus my stilettos. On my right is a glass window overlooking the Super Tress and in front of me is a topless man with skillfully sculpted back muscles.

"Damn, Vanilla!" I hissed to myself. Kahit likuran lang, alam kong si Xaviell ito. Wala siyang ibang saplot maliban na lang sa tuwalyang nakapalibot sa kaniyang bawyang.

I felt my cheeks heating up because of the sight. I want to say something but my throat seemed dry.

Hawak-hawak niya ang kaniyang phone bago ito pinasandal sa mesa na nasa harapan niya. Napaigtad pa ako dahil sa gulat nang biglang may sumigaw mula sa kaniyang phone.

"Just because you have history and such, it doesn't mean that you can just take her with you!" Boses ni London iyon.

"You don't know what's going on in her mind!" Dagdag ng kaibigan, sumisigaw. "Siya na nga ang lumayo kaya please, 'wag mo nang pahirapan!"

Napakagat-labi ako, hindi mapigilang ma-touch dahil sa sinabi ng kaibigan. 'Yon nga lang, ayaw ko ring ma-stress siya.

"You should've at least told one of us!"

"Lond—"

"Don't speak!" Rinig kong sigaw ng kaibigan. Kahit hindi ako ang sinisigawan, napaigtad din ako katulad ni Xaviell. "Ginagalit mo 'ko!"

"Let me talk to him." It was Orion this time. Xaviell took his phone and turned around. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagharap kaya hindi ako nakabalik sa pagkakahiga.

He pressed something on his phone, probably turning the speaker off since I could no longer hear what they're saying in the other line.

Habang may kausap si Xaviell ay bumangon na ako at inayos ang higaan. Naghilamos ako at saka hinanap ang mga heels. Nang masigurado na wala na akong naiwang gamit, hinarap ko si Xaviell.

His eyes were already on me. A part of me still feels conscious but never mind... gusto kong magsalita pero hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin.

Napalunok ako at tinanguan na lang siya. I turned my back on him and straight to the door. I'm not sure if that was rude but... what am I supposed to say? We're already in this complicated and awkward situation and there's no handbook that could teach me how to act.

Napailing na lang ako sa sarili at pumunta na sa kwarto namin ng mga kaibigan. I braced myself for some nagging since basing on London's tone earlier, she's not happy with my disappearance last night. But then, it's not my fault! I'll just tell her that it was Xaviell's doing!

"Hey you!" Ani Caramel nang pinagbuksan ako ng pintuan. She's already in her oversized shirt and maong shorts so I'm guessing she's not that hungover.

I expected London to nag at me but surprisingly, she didn't. Baka kay Xaviell lang siya galit!

"Van, halika," tawag niya pa sabay tapik sa espasyo sa tabi niya. Kahit sumasakit ang ulo ay sumunod na lang ako. "We're calling Sugar!"

Binigay niya sa akin ang phone at si Jarvis ang una kong nakita.

"Jarvis! We want to see Sugar not your nostrils!" Ani Caramel na ikinahalakhak ko naman. Nagulat naman ang isa at mabilis na pinaharap ang phone kay Sugar.

"Hi!" Sugar beamed at us. "Say hi to the twins!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. I turned to my friends and saw them smirk.

"'Yan din ang reaksyon namin," ani Galaxy na may hawak na phone. "I'm just recording your reaction."

Napailing na lang ulit ako at tinuon na ang mga mata sa phone. Sugar held the phone and focused the camera to the twins.

"Both girls?" Gulat kong sambit.

"Meet Annie, in short for Daphne Ambrosia. And Lillie—Delilah Amari," pagpapakilala ni Sugar. "You can visit us anytime!"

Patuloy kaming nag-usap ng mga kaibigan at natigil lang nang nagising ang isa sa kambal. The four of us then planned our trip to Europe so we can visit Sugar. Akala ko ay sa mga susunod pa na mga araw pero anang mga kaibigan na dahil naka-leave naman ako, pwede na kaming dumiretso roon.

We spent a few more days in Singapore before we flew to Italy. Sina London at Galaxy lang ang kasama ko kasi naunang umalis si Caramel para sa trabaho. Sa mga lalaki naman, sina Orion at Martell lang ang kasama namin.

May bahay na sina Sugar pero doon sila sa kaniyang in-laws tumitira ngayon para may katuwang sa pagbabantay ng kambal. Doon din kami dumiretso.

Hindi naman kami magtatagal kina Sugar dahil luluwas din kami sa karatig na bansa. Inimbitahan din kasi kami ng mga magulang ni London. Bibisita muna kami sa kanila bago bumalik sa States.

"Mama's inviting you to an art gallery slash auction," ani Sugar bago pumuwesto sa kaniyang reclining chair. Kami ng mga kaibigan ang tagakarga ng kambal kaya nakapagpahinga siya. "It's in Paris. Pupunta rin naman kayo roon, diba?"

Si London na ang sumagot sa kaniya. Habang karga-karga si Annie, hindi ko mapigilang isipin kung kailan ako magkakaganito. Hindi ako lumaki na kumpleto ang pamilya kaya minsan, napapaisip ako.

Kung hindi kami nagkahiwalay ni Xaviell, may posibilidad kayang aabot kami sa ganito? Pero baka hindi. Kasi nagkahiwalay nga kami diba? Ibig sabihin, hindi para sa amin.

I sighed, then embracing Annie while caressing her back. Galaxy then took her from me so I took Lillie from London. May binigay na mga envelopes si Sugar sa kay London at para na yata sa auction na tinutukoy niya.

We only spent three days in Italy before going to France. London assured us that our lodgings are taken care of but I didn't know that we're staying in their chateau! I mean... I had a hunch but I thought we're staying in their hotel, not their house!

"Come on, Vanilla," anang kanilang ina. I gave her a small smile but she welcomed me with an embrace. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung paano siya pakitunguan dahil hindi naman kami ni Xaviell.

"Even though you're," she paused with a sigh, "Beaufort's ex-wife, you're still London's friend!"

Napatango-tango naman ako at pumasok na sa mala-palasyo nilang bahay.

"Mine too!" Anang pamilyar na tinig ni Xavion bago lumapit sa amin. "She's my friend too!"

"Yes, yours too, Xavion," their mother added with a small smile while shaking her head.

Binati rin ako ng isa pa nilang kapatid ng yakap pero bago niya lampasan si Xavion ay may binulong ito. "Papansin!"

The corner of my lips rose when I heard her remark. Xavion smiled and turned to me with a pout so I tapped his shoulder. He opened his arms, about to hug me, but Xaviell appeared out of nowhere behind Xavion and he held Xavion's collar, then pulling him away.

"We have a meeting. It's urgent," ani Xaviell at bumaling sa akin. I saw him swallow, his serious eyes examining me before turning back to Xavion.

Sinundan ko ng tingin ang papalayo nilang bulto ngunit natigil nang naramdaman ko na may nakatingin sa akin. I turned around and saw that everyone was looking at me.

"Huh?" Patay-malisya kong tanong.

No one answered but Tita Sylvianne averted our attention by telling us that our bags are now in the guest rooms. Sinamahan niya kami sa mga kwarto namin at nag-offer na magpapunta ng mga designers dito sa bahay nila para makapili kami ng mga susuotin para sa art auction.

I'm not sure if they're invited and going to the gallery-auction but I think they are. While waiting for the designers, I decided to roam around their chateau.

Nang mapagod sa kalalakad ay dumiretso ako sa garden para makaupo ako roon sa swing nila. Medyo malayo-layo pa lang ako, nahimigan ko na agad ang seryosong boses nina Xaviell at Xavion.

I can't understand their conversation because of their muffled voices but I'm sure that they both sound anxious and problematic.

Aalis na sana ako dahil ayaw ko namang makichismis pero narinig ko ang pangalan kaya automatic na mas lumapit ako.

"When are you planning to tell your Valentines?" Xavion asked in an almost-mocking yet still serious voice. "You'll both be miserable."

Valentines? What does this mean? Anong dapat sabihin ni Xaviell? Is it a deal-breaker?

Bigla akong kinabahan dahil sa narinig. Pero may parte rin sa akin na unti-unting umaasa na...

I shook my head. I doubt it.

"I don't know!" Xaviell hissed. I peeped through the bushes and saw him sitting on the swing with both hands messing with his hair.

"I don't know!" He repeated, then looking up to Xavion who's standing in front of him. "I mean... fuck! Why didn't you stop me?"

Xavion scoffed. "What? You're the one who signed those papers and not me! I wasn't there!"

Are they talking about our divorce? Why is Xaviell telling his twin that he should've stopped him? Did he regret it? What does this mean?

Maybe it tarnished his reputation. Maybe it's bad for their businesses. A part of my mind said.

Napahilamos si Xaviell ng kaniyang mga kamay bago nahiga sa swing. "Can't it be reversed?"

Hindi sumagot si Xavion kaya bumalik ang tingin ni Xaviell sa kaniya. I could only see Xavion's side profile but I can see the disbelief on his face.

"You're hilarious! Seriously?" Natatawang sagot ni Xavion. "Pakasalan mo na lang ulit."

"You're not helping," Xaviell hissed, then getting up from the swing.

"Well... then start over," Xavion suggested with a shrug.

Napahalukipkip si Xaviell. "Damn you! It's not that easy."

Kahit hindi naman ako ganoon kalapit sa kanila, naririnig ko pa rin ang mga mumunting pagsinghal ni Xaviell.

"Well... then, bahala ka," ani Xavion at tinapik sa balikat ang kakambal. "Magdusa ka."

Alam kong paalis na sila kaya aalis na rin ako dahil baka maabutan pa nila ako. Wala naman akong nilikhang ingay para mapatingin sila sa direksyon ko pero sigurado ako na sa hating segundo na tumalikod ako, bago ko sila tuluyang tinalikuran, nagtama ang mga mata namin ni Xaviell.

I ran back to our room and fortunately, the designers arrived. I'm sure that I'll be preoccupied for the whole day so there's no need for me to overthink about what I heard and worry that I'll bump into Xaviell.

They started prepping us. And among all the different cocktail dresses they brought, I settled with a champagne-colored bodycon dress. It has a sweetheart neckline and a wrist-length puffy sleeves.

Light makeup lang ang pinalagay ko—sakto lang na makulayan ang maputla kong balat pero hindi naman sobra-sobra. My hair was styled into mermaid curls, with the front part pinned with pearl clips.

Sabay kami ng mga kaibigan na pumunta sa museum at limousine pa ang service namin! Nagkuwentuhan kami buong biyahe hanggang sa makarating kami sa party.

A lot of things happened since the last time we were here. Noong pumunta kami rito noon, ang Mama rin ni Jarvis ang nag-imbita sa amin.

Nagpapagaling pa lang noon si Sugar at unti-unti pa lang silang nagkakamabutihan ulit ni Jarvis. Pero ngayon, may mga anak na sila!

Sina London at Orion naman, hindi pa nagkikita. She was heartbroken and down in the dumps during those time yet now, they're both married and expecting!

Si Galaxy at Martell naman, kasal na rin noong mga panahon na iyon pero ngayon, may anak na rin sila.

Kami na lang yata ni Caramel ang walang masyadong ganap kung love life ang pag-uusapan... yata? Noong huli akong pumunta rito, hindi pa kami nagkikita ni Xaviell at may hinanakit pa ako sa kaniya.

Napatingin ako sa mga kaibigan, ngayon lang napagtanto na kasama na ng mga kaibigan ang kanilang mga partner. Nilibot ko rin ang tingin, nagbabakasakaling makita ko si Xaviell.

Wala lang... gusto ko lang siyang masulyapan. I guess I'm in one of my "sad girl" hours— times when I feel lonely and getting the "pressure" stemming out from all the comparisons.

We spent the whole night roaming around the museum and socializing. Sa gitna ng pag-uusap-usap namin, namataan ko ang kararating na Xaviell. Hindi nagtagal ay sumunod din si Kamilah at mabilis na pinulupot ang braso sa kay Xaviell.

Pinigilan ko ang sarili na mapasimangot. Hindi pa nakatulong na ang kinakausap ko ay tinanong ako tungkol sa amin ni Xaviell.

"You know, we sent you and Beaufort a wedding gift!" Aniya. "How come you're not together? Shouldn't you be one of the star couples of the night?"

Napakagat-labi ako at napakuha na lang ng champagne sa dumaang waiter. I glanced at London and gave the woman a half smile and light chuckle, unsure on how I should respond.

Buti na lang at to the rescue ang mga kaibigan. They smoothly changed the topic and I'm sure that the woman didn't even notice it!

While they were engaging in the conversation, I slipped out from our circle and went to the secluded part of the museum. Gusto ko lang naman sana lumabas at magpahangin pero may nakita akong hagdan.

This way to the terrace. It says.

Nagkibit-balikat ako at umakyat na. Wala namang may nagsabi na bawal pumunta rito.

As expected, the view from above is breathtaking. Malamig ang hangin at hinayaan ko lang na liparin nito ang buhok ko. Nakakakalma talaga.

Kahit pa may kaunting kirot akong nararamdaman, pinili ko na lang ipokus ang atensyon sa kung ano ang nagpapagaan ng loob ko.

But yes, a part of me is hoping that Xaviell arrived with me and not Kamilah. But then, what am I supposed to do?

Every time I correct people the I'm conversing with that Xaviell and I are no longer together, my heart feels like it's simultaneously being crushed and dropped. The pitiful look given to me doesn't help as well. Na-drain na ang enerhiya ko.

I heaved a deep sigh, then placing my palms on the railings. Tinuon ko ang mga mata sa ilalim, tinitingnan ang mga tao na nasa garden.

Kaunti lang ang naroroon dahil ang main event ay nasa loob naman ng museum. Pero kahit ganoon, may iba pa rin na nakikihalubilo sa labas. Kabilang na roon sina Galaxy at Martell.

Nakita ko ang dalawa na pasayaw-sayaw sa ilalim ng isang lamppost. I took my phone out and snapped a photo of the two.

My heart is happy but at the same time, longing— happy that Galaxy is with the love of her life, dancing under the moonlight as if nothing else matters; and longing because I want that too.

Aalis na sana ako roon para makabalik na sa ibaba pero natigil ako nang may mapagtanto. I'm sure there's someone behind me and basing on the scent, there's no doubt that it's...

"Xaviell," I whispered. Sandali akong nagulat nang maramdaman ang kaniyang mga braso sa aking baywang. Dumoble ang tibok ng puso ko at mahihimatay na yata ako.

I felt his chin resting on my shoulder, then planting a light kiss on it. Napasinghap ako dahil doon. Napalunok na lang ako at pinili na huwag siyang harapin.

"What are you doing?" Nanghihina kong bulong, naguguluhan.

His arms around my waist tightened. "I missed you, my Valentines."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top