32
"Kung alam ko lang na magpinsan pala kami, sana mas kinausap ko pa!" Ani Vera sa tabi ko at parang disappointed pa.
Kasalukuyan kaming naghihintay kay Valerianna. Kami-kami lang naman ang nasa welcoming party niya dahil ani Papa na mas mabuti na family at close-friends lang muna para hindi siya mabigla.
Tumulong kami sa paghahanda kanina ngunit parang hindi naman iyon trabaho dahil kasama ko ang mga pinsan at si Xaviell.
"Beaufort! Punctual ba si Valerianna sa trabaho? Ba't late siya ngayon?" Kalalabas lang ni Bea sa kusina at may dala pang kaunting balat ng lechon.
Xaviell turned to me before bringing his eyes back to my cousins. "She's an early-bird... maybe her flight's delayed?"
Napatango-tango naman ang mga pinsan habang isa-isa kaming binigyan ni Bea ng mga pagkain na patago niya pa raw na kinuha.
I turned to Xaviell and noticed that he looks agitated. I asked him about it but he only shook his head.
"I'll tell you later," he assured with a wink, then kissing my cheeks. "It's not important."
Lumipas ang ilang oras at napagdesisyunan na lang namin na maunang kumain. Mukhang stressed na si Papa pero nakikita ko rin na ayaw niya iyong ipahalata. Si Xaviell naman, napansin ko na mas nababahala siya.
I held his wrist, then pulling him to my room upstairs. "What's wrong? You're making me worry, Xav..."
He sat on my bed and messed with his hair, then heaving a deep sigh. "I don't think she's coming," he said flatly without looking at me. "I didn't want to tell you earlier because I didn't want you to overthink about it..."
Mahina akong napatango at tumabi sa kaniya. Patagilid akong sumandal sa kaniya. He wrapped an arm around my shoulder and caressed it soothingly. "Let's just wait..."
I nodded and hugged him from the side. For some reason, I feel bad because of what he said. I guess, even though I'm not totally okay about the revelation, a part of me was excited to meet Valerianna... not as Xaviell's secretary... but as my sister...
We went back to the living room and saw that they're all gathering in the kitchen. Nasa gitna si Papa at mukhang may sinasabi. Mabilis akong lumapit at doon ko lang narinig ang pinag-uusapan nila.
"She should've told us that she won't come! Sayang ang mga hinanda!" One of my Tias scoffed. One by one, they all left the kitchen and I was left with Papa and Xaviell.
Xaviell nodded at me before leaving the kitchen. Lumapit ako kay Papa at saka tinapik ang kaniyang balikat. Hindi pa kami ganoon ka "okay" pero alam ko na kailangan kong pababain ang pride ko.
"She told me she's not ready yet," ani Papa sa mababang boses. Hindi niya man ito pinapahalata, nahihimigan ko naman ang pagkabigo sa kaniyang boses.
Papa met my eyes and gave me an assuring smile. "I spoke with Dulcinea's mother, she's inviting you to their village... go there instead."
Tumango ako at saka nilapitan si Papa para mayakap siya. Sandali pa siyang natigilan.
"Thanks, Coco," bulong niya sabay kalas na ng yakap.
Nasa salas ang mga pinsan at naroroon din si Xaviell na nakikipag-usap sa mga kababata kong pinsan.
"Punta tayo kina Nea?" Excited na tanong ni Bea. I eyed each one of them and saw that Bea already has a bag ready and she's now wearing a different attire. "Nagbihis na 'ko!"
Napailing na lang ako at inaya na si Xaviell para makapagbihis kami. Pagkatapos magpaalam, nagsimula na kami sa paglalakad. Doon daw ulit kami dadaan sa may shortcut. Meaning, kailangan kong tumawid sa ilog.
"Don't worry, I'll carry you again," pasimpleng bulong si Xaviell bago bumalik sa tabi ng isa kong pinsan at patuloy na nakipag-usap.
"Uy! Kilig ka naman," tukso ni Bea at pabiro akong siniko. Ngunit mas malakas pa rin siya kaya kahit hindi naman sinasadya, muntik na akong matalisod dahil sa pagsiko niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nagngiting-aso lang ang baliw. Nang papalapit na kami sa cottage, may nakita akong kumakaway sa amin.
"Nea!" Sigaw ko.
Lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa amin. "Tumawag Papa mo... pwedeng bukas na lang tayo umakyat? Umuulan kasi roon eh..."
We all agreed to just stay in the cottage instead. Kasama rin ni Nea ang kaniyang mga pinsan at mukhang magkakilala na sila ng mga pinsan ko kaya kami na lang ni Xaviell ang pinakilala.
We set up some tables and chairs in front of the cottage. Some went to buy some food and drinks while most of us chose to stay.
Xaviell was grilling our food with my other cousins. Kami naman nina Bea, Vera, Lisa, at Mira ay nakipagkuwentuhan kina Nea at mga pinsan niya.
"Oh, sinong may gusto ng inasal?" Ani Elian, isa sa mga pinsan ni Nea. Dala-dala niya ang mga inasal na katatapos lang lutuin nina Xaviell.
"Ako, gusto ko niyan," excited kong sagot.
"Ako rin," aniya sabay lahad sa akin ng isang pinggan. "Gusto rin kita."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig habang naghiyawan naman ang mga kasamahan ko. Napatingin ako kina Xaviell at nakita na nakasimangot siya at malamig ang tingin kay Elian.
Bumaling siya sa akin ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang mukha. Tinaasan niya ako ng kilay, tila bang nagdududa siya.
I gave him a cute smile but his attention was taken by my other cousin.
"Beaufort! Nasusunog na 'yong manok, oh!" Rinig kong sabi ng pinsan kaya agad namang binalik ni Xaviell ang kaniyang atensyon sa ginagawa.
"Taken na nga 'yan!" Ani Nea at binatukan ang pinsan. "May asawa na nga, eh..."
Asawa... napangiti ako. ang sarap pakinggan lalo na't alam kong si Xaviell ang tinutukoy.
Bigla namang uminit ang pisngi ko dahil sa narinig. Pinipigilan ko lang na ngumiti dahil baka akalain nilang natutuwa ako sa panunukso nila.
"Wala namang singsing!" Pagdedepensa naman ni Elian at tumabi na sa akin. Binigyan niya ako ng pinggan at mga kubyertos at nilagyan pa ako ng kanin!
"Hindi naman kasi lahat may gusto ng singsing!" Sagot naman ni Nea at hinatak na papalayo si Elian.
May hitsura rin siya at malaki ang pagkakahawig nila ni Nea. Maliit ang hitsura, matangos na ilong, at napakainosenteng tingnan. Kung hindi ko lang sila kilala ay baka napagkamalan ko pa silang mga bata. Mukha silang mga Barbie doll.
"Xaviell, kain na tayo," tawag ko kay Xaviell. Tapos na sila sa pagluluto ngunit imbes na pumunta sa s-in-et up naming mga mesa, dumiretso siya sa loob ng cottage.
Nadatnan ko siyang kumukuha ng pitsel mula sa ref. He took a glass and poured himself a cold water.
He leaned on the sink and turned to me with serious eyes. Umiinom lang naman siya ng tubig habang nakatingin sa akin pero ba't nagwawala ang kalooban ko? Hindi ko talaga maintindihan ang epekto niya sa akin.
"Kain na tayo," pag-uulit ko.
He raised a brow and placed the glass on the sink. "I'm surprised that Elian let you come here? He's sticking to you like a damn leech."
Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. May pangisi-ngisi pa kasi siyang nalalaman pero may pagka-bitter naman ang tono.
"Are you jealous?" Diretsahan kong tanong, pinipigilan lang ang sarili na ngumiti.
His brows furrowed before turning to the side. "No, I'm not..."
Pagkatapos niyon, niyaya niya na akong bumalik sa labas. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami pero si Xaviell, nagsasalita lang kung may tinatanong sa kaniya.
"Beaufort, totoo bang may-ari kayo ng mga malalaking negosyo sa Europe?" Manghang tanong ni Elian.
Xaviell nodded and glanced at me before turning to Elian, now with the air of confidence and a little bit of arrogance. "Yes, not just in Europe but also in the States. We're currently expanding in Asia."
Collective whisper of agreement started. Mukhang namangha talaga sila kay Xaviell. Hindi pa nakatulong na panay din ang pagdagdag ng mga pinsan ng mga kung ano-anong impormasyon kaya lalong nalalagay sa spotlight si Xaviell.
Nang matapos na kami sa pagkain, nagkaayaan na sila na umuwi dahil mahihirapan daw silang bumalik sa bukid kung gumabi na.
"Valentina! Picture tayo!" Ani Elian at saka mabilis na nilabas ang kaniyang phone. Binigay niya ito kay Xaviell ngunit dahil nakatutok ang kaniyang mga mata sa akin, muntik niya nang matamaan ang mukha ni Xaviell kung hindi ito umilag.
I saw Xaviell's icy glares towards Elian. After a few poses with Elian, Xaviell gave back his phone.
"Blurred naman 'to!" Pagreklamo ni Elian. Narinig ko ang mumunting halakhak ng mga pinsan mula sa gilid. May mga mapaglaro silang tingin at nandiyan na naman ang uri ng tingin nila na para bang may alam sila na hindi ko alam.
"Okay na 'yan," agap ni Xaviell at tinapik ang balikat ni Elian. Hindi ko alam kung sinadya niya bang lakasan ang pagtapik sa balikat ni Elian dahil napa-"aray" naman ang isa at napahakbang sa gilid, mukhang na-out balance pa.
"Alis na kayo," dagdag pa ni Xaviell at inakbayan na si Elian.
Hinatid nina Xaviell at ng ibang mga pinsan sina Nea sa may ilog ngunit nagpaiwan ako. Nasa gitna ako ng pagliligpit ng mga pinagkainan namin nang biglang nag-ring ang phone ko.
Unregistered number iyon pero bago ko pa masagot, namatay din ang tawag.
Unknown Number:
Vanilla, it's me!! Xavion.
The unknown number called again and I accepted it. I was greeted by Xavion's voice followed by London's.
"Oh, come on! Call her if you want to talk to her," I heard Xavion say. Para yata iyon kay London.
"Hi, Vanilla! How's honeymoon?"
I snorted. "Ha! By the way, Xaviell's kinda grumpy..."
Sandaling natahimik ang kabilang linya. "What happened?"
Mabilis akong nagkuwento at hinintay ang sagot ni Xavion. Baka may alam siya kung ba't ganoon si Xaviell.
"There's only one reason, Vanilla... and I can't believe that you didn't figure it out," ani Xavion.
"I'm sure she thought about it but she doesn't want to assume," I heard London say. "Suyuin mo na lang, halik-halikan mo at yakapin. It works like a charm!"
Nang makita na pabalik na sina Xaviell, agad akong nagpaalam at nagpasalamat kina Xavion at London. Dumiretso si Xaviell sa loob ng cottage at mabilis ko siyang sinundan.
I saw him take his towel before going inside the bathroom. Ako naman, hindi makapali at hindi na rin makapaghintay. I knocked on the bathroom door and leaned on the doorframe.
"You okay?" I asked, my eyes traveling down to his still-wet abdomen. Bumalik lang ang tingin ko sa kaniya nang tumikhim siya.
"Yes," he answered, his tone a bit cold than usual. Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin.
"What's wrong?" Tanong ko ulit sabay lagay ng isang kamay sa kaniyang baba at iginiya ang kaniyang mukha paharap sa akin.
The corner of his lips rose. "Seriously? I'm taking a bath."
I mimicked his expression."Answer me and I might join you," I whispered teasingly. I ran a hand down his chest but before it went lower, he was quick to hold my wrist.
"I'm not jealous..." seryoso pa rin ang kaniyang expresyon pero nakikitaan ko na ng pagkamangha ang kaniyang mga mata.
I tilted my head and raised a brow, giving him a look of suspicion. He pouted and sighed. "Fine! I am..." he said the first word with conviction. Iyong tila bang napakaangas niya. Pero 'yong dalawang panghuling salita naman, binulong niya lang.
I gave him a sweet smile and pushed him back inside the bathroom. I encircled my arms around his neck and tiptoed so I could kiss his cheeks.
"Huwag kang mag-alala," I whispered while gently caressing his hair. "Ikaw ang pipiliin ko... palagi..."
I heard him sigh again but this time, it was more of a contented one. He rested his chin on top of my head while his arms were around my waist.
"I don't know how to handle this, Valentines," pag-amin niya. "I didn't want to speak to anyone because I thought I might say something not nice..."
"It's an ugly feeling," he added in almost a whisper.
I smiled against his skin. I remembered London's words so I started planting small kisses on his neck.
"Valentines," he called.
"Hmm?"
"Mahal kita..."
Natigil ako sa ginagawa nang nanlalaki ang mga mata. Gusto kong kalasin ang yakap para matingnan ko siya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
"I just thought you should know."
What happened next passed by like a blur. One moment, I'm leaning on the tiled wall but next thing I know, we're both under the shower.
I recalled what happened and now my cheeks are heating up again. I'm sure that that "eventful" shower will replay in my mind both during my walking and sleeping hours.
"Nagugutom ako," sabi ko sabay bukas ng ref pero nakita na wala na iyong laman.
I faced Xaviell with a pout. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko at saka mabilis na nagnakaw ng halik.
"Sabi ko pagkain hindi halik." Sinimangutan ko siya, kunyare hindi nagustuhan ang kaniyang ginawa kahit parang nagpi-piyestehan ang kalooban ko.
Bumukas ang kaniyang bibig, magsasalita na sana pero biglang may nagsalita sa gilid namin.
"Should I start expecting a grandkid?" Anang isang pamilyar na boses.
Sabay kaming napaigtad ni Xaviell at napatili naman ako dahil sa gulat. Napatingin ako sa gilid at nakitang nasa may parte pala kami ng kusina kung saan may bintana sa gilid.
"You startled them!" Anang isa pang boses. "Hi, Coco, we brought some food." It was Tia Caridad.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at habang papasok sina Papa at Tia, narinig ko ang maikling pangangaral ni Tia sa kay Papa.
"Por favor, don't say something like that, Valerius," ani Tia. "Let them enjoy their marital life. They'll have kids when they're ready..."
I smiled gratefully at my aunt when they entered the cottage. She only winked at me before going inside the kitchen. Si Papa naman, parang wala lang narinig at lumapit na kay Xaviell.
"I want twins," rinig kong bulong niya bago sumunod kay Tia sa kusina. Ngumisi si Xaviell at dumapo ang mapaglaro niyang mga mata sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
Baka nakalimutan niya na ang sitwasyon naming dalawa. But hey, I wont say no to that!
"We figured that you two wanted to stay here so we brought some stocks," Tia Caridad said and started placing some fruits and vegetables inside the fridge.
Hindi nagtagal, dumating sina Bea at ang isa ko pang tiyahin. May dala silang mga frozen goods at pagkatapos nilang punuin ang pantry at ref, nagpaalam din naman sila.
I excitedly opened the ref and checked its content. Tinabihan ako ni Xaviell at ganoon din ang ginawa.
"Is that bangus? I miss that," he said in an almost dreamy tone before turning to me. "What do you want?"
Instead of answering, I only smiled. "I'll cook for you."
He raised a brow, looking amused. Nahirapan ako sa pagkumbinse sa kaniya dahil gusto niya raw tumulong. Sa huli, napatango na lang siya at lumabas na rin. Aniya na mangdidilig na lang daw siya muna ng mga halaman sa labas.
Nang makalabas na siya, saka ako nagsimula. Iyong bangus na lang ang lulutuin ko.
For some reason, I want to be nicer to him. Hindi ko rin alam kung bakit. It just feels like the right thing to do.
Matagal na rin akong hindi nakaluto ng bangus dahil noong sinubukan ko ito noon, natalsikan ako. Pero ngayon, susubukan ko ulit.
Impit akong napatili nang tumalsik ang mga mantika. Kahit pa may naka-ready akong pantakip sa kawali, natalsikan pa rin ako.
Hindi nagtagal, narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napatingin ako kay Xaviell na may nag-aalalang expresyon. He was holding a watering can while the other was full of dirt.
"What happened?" He asked worriedly, then placing the watering can on the table. Mabilis siyang naghugas ng kamay at saka tiningnan ang mukha ko. Pinahiran niya rin ang mantika na tumalsik sa mukha ko.
"Okay lang ako," pagdadahilan ko sabay iwas ng tingin. May kaunting hapdi akong nararamdaman sa mukha pero mamaya ko na 'to poproblemahin.
"Let me finish that," he offered but I shook my head. Para nga 'to sa kaniya tapos siya pa ang magluluto?
Kung kanina, siya ang kinukumbinse ko, ngayon naman bumaliktad na. Gusto niyang siya na ang tumapos nito para matingnan ko raw ang sugat sa mukha ko.
"It's nothing!" I said with conviction but he only shook his head. Wala na akong nagawa dahil siya na ang nakatayo sa harap ng stove.
Pagkatapos lagyan ng ointment ang napasong balat, sa salas ako naghintay. Hindi nagtagal, lumabas si Xaviell sa kusina na may dalang mga plato.
He sat beside me and checked my face again. "Please be careful," he said in a low voice while gently caressing my cheek with his thumb.
"Don't worry 'bout me," I said airily. "Sanay na akong mapaso..."
Tumawa-tawa pa ako pero napasimangot naman siya. I frowned too. "What? Pangit ba?"
"The what?" He asked back, now tilting his head quizzically.
I sighed and turned to the side. I can't seem to look at him straight in the eyes. "'Yong balat ko... is it... uhm... an eyesore?"
Hindi siya agad sumagot kaya dahan-dahan kong binalik ang tingin sa kaniya. "I mean... I don't mind putting concealer. Palagi pa naman—"
I was cut off when I felt his lips on my jaw, then down to my neck. He nibbled the skin on my neck, distracting me from what I was saying.
"Palagi... akong naka-shorts... kaya nakikita mo," I tried to continue but he did the same.
Napapikit na lang ako at ninamnam ang ginagawa niya. He then pulled both of my legs so now he's in between me.
"Xaviell!" It was supposed to be an "annoyed" call but it came out as something else.
"Hmm?"
"Xaviell naman eh!" Pagalit kong sabi nang matapos na siya sa ginagawa. Kung hindi ko pa nilayo ang mukha ay sigurado akong ipagpapatuloy niya pa iyon!
"I'm asking you!" I pointed out with a frown.
"That was my response," he reasoned with a shrug, a sly smile on his face. "Hindi mo na-gets? I can do it again..."
Akmang lalapit na ulit ang mukha niya pero mabilis ko siyang pinigilan. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.
"How am I supposed to interpret that? Silence means yes and kiss means no? Ganoon ba?"
He grinned at me and messed with my hair. Dumukwang siya palapit sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Nothing about you is an eyesore, Valentines," masuyo niyang sagot. Wala nang bakas ng kung anong pagbibiro sa kaniyang mga mata. "For some reason, hearing you say that made my chest ache..."
He sighed and averted his gaze to the side. Sandaling nanatili ang kaniyang tingin sa gilid bago iyon ibinalik sa akin.
"Of course, some parts of your skin is different," he said matter-of-factly, then tucking some loose strands of my hair behind my ear. "But that doesn't mean that it's ugly..."
Tumango ako. Ito rin ang sinabi niya noong nakaraan sa akin. Gusto ko lang talagang manigurado. There are really times just like now that my insecurities are so high up. Kahit pa ayaw kong ipakita, may mga pagkakataon na mas mahirap itong kontrolin.
I smiled at him and rested my head on his chest. Sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon bago kami kumain.
Pagkabukas, maaga pang pumunta ang mga pinsan sa cottage. May dala silang mga basket and backpacks at anila na ready na raw silang pumunta kina Nea.
At dahil hindi pa kami nakapag-ayos ni Xaviell, pinauna na lang sila namin. Mabilis ang pag-aayos namin at dumiretso na kami sa may ilog. 'Yon nga lang, pagkadating namin doon, mas mataas ang tubig kaysa sa normal kaya sa kabila kami dumaan.
"Are you sure you still want to go? Baka umuulan, Xaviell," nag-aalala kong puna. "Baka delikado na... alam mo ba ang daan?"
Sunod-sunod ang mga tanong ko pero tumango lang si Xaviell. "Yup, we've hiked here before."
Saka ko lang na-realize kung gaano siya kamahilig sa adventures. Alam ko noon pa lang na mahilig siyang mag-hiking pero hindi ko inakala na kahit pa hindi ganoon kaganda panahon, gusto niya pa rin.
Ilang oras na kaming naglalakad at mukhang alam talaga ni Xaviell ang daan. Paminsan-minsan, nakakaramdam ako ng kakaibang kaba pero pinili kong huwag sabihin kay Xaviell iyon.
Hindi pa nakatulong noong tumawag ang mga pinsan at sinabihan ako na nawawala raw ang isang pinsan ni Nea.
"Xaviell, baka may makita kang bata," sabi ko sabay upo sa isang bato para magpahinga. "Nawawala raw ang pinsan ni Nea..."
Nea:
Nasaan na kayo? I know the river looks enticing but please don't swim. Bumabaha ang ilog. May mga pwedeng silungan diyan at alam na ni Xaviell yan. Umuulan dito at baka mabahaan kayo riyan.
"Xaviell, umuulan daw sa taas," sabi ko ulit. "Pahinga muna tayo..."
"Xaviell!" Tawag ko ulit nang mapagtanto na hindi na siya sumasagot.
Mabilis akong tumayo at saka nilibot ang tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na wala na sa tabi ko si Xaviell!
I roamed around, panicking. Nakita ko si Xaviell na papunta sa ilog, nagmamadali.
"Xaviell!"
Huli ko nang napagtanto na kaya pala nagmamadali si Xaviell dahil may bata sa gitna ng ilog, mukhang may nakadagan na kung ano sa kaniyang paa at hindi makaalis.
"Xaviell!"
I heard a rushing sound, probably from the river. Natatandaan ko noon na palaging kinukwento ng mga tiyahin at nina Papa na kung umuulan daw sa kabundukan at may ilog na nakakonekta sa ibaba, dapat daw lumayo sa ilog dahil umaagos din pababa ang tubig.
"Xaviell! Bumabaha sa taas!"
The river was calm and there's no hint of anything worrisome. But if Nea said that it's flooding in their village—which is on a much higher altitude than where we are—and the river there is connected to the one here...
"Oh my gosh!" Napatabon ako ng bibig nang may mapagtanto.
"Xaviell! Bumalik ka rito!" I ran towards them while shouting my warning but my effort was futile.
The sound of the rushing water filled my ears and I saw it—flood water with branches and leaves, probably from the nearby trees that got carried away. Nakuha niyon ang atensyon ni Xaviell at alam kong narinig niya rin iyon.
Pwede pa siyang tumakbo pero patuloy niyang tinulungan ang bata. Na-stuck sa malaking bato ang paa niya at nakita ko na nahihirapan si Xaviell sa pag-angat niyon.
I ran towards them to help but I saw that he was able to move the large rock. He looked at the rushing waters again and stood up before turning to me.
Mas lumakas ang tunog ng umaagos na tubig at nakita kong napakalapit na niyon. He heard it too.
He lifted the child and was about to ran towards the land but the water reached them. For a split second, he turned to me with wide eyes while wrapping his arm tightly around the child's head.
When I realized what was happening, I ran towards them. "Xaviell! No!" I cried.
But before I could even reach the river bank, it happened just before my eyes—the strong current carrying both of them away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top