29
"Coco!" Parang nakalimutan ko ang kabang nararamdaman nang marinig ang boses ng mga pinsan. Xaviell let go of my hand and took my backpack. Tumakbo ako sa kinaroroonan ng mga pinsan at isa-isa silang niyakap.
Suddenly, I feel like I'm in my teenage years. Ang pinagkaiba nga lang ay noon, si Papa ang kasama kong pumunta rito pero ngayon, si Xaviell na.
Hindi na rito nakatira ang mga pinsan dahil sa kanilang mga trabaho pero nang nalaman na babalik ako rito ay nagsipag-leave sila. Anila na matagal na raw nila itong hinihintay na mangyari.
Just like the old times, we took our mandatory airport photo. May dala silang sasakyan ngunit si Xaviell ang pina-drive nila.
"Crush mo noon pero boyfriend mo na ngayon," nanunudyong sabi ni Mira. "That's the ultimate glowup!"
Buong biyahe ay napakaingay nila. Hindi pa nakatulong na panay ang tukso nila at nakikisakay naman si Xaviell.
Habang patuloy sila sa pagkukuwentuhan, tinuon ko ang mga mata sa mga dinadaanan namin. Aldea Blanca seems so different but also the same.
It's the same because it's still Aldea Blanca—tall trees, green sceneries, fresh air—but different because I'm seeing things with a new lens. Hindi na ako 'yong batang Vanilla na bumabakasyon lang dito. It's nostalgic.
Dumiretso kami sa family house at naghihintay sa amin sina Papa kasama ang mga tiyahin. Nandito rin ang mga kasintahan at asawa ng mga pinsan.
Katulad noon tuwing bumibisita kami ni Papa rito, may handaan ulit. Nang nalaman kasi nila na kasama ko si Xaviell ay mas na-excite siguro at nagpa-lechon pa!
"Hindi ko inakalang magkaka-boyfriend ka," bulong ni Tia Caridad nang magkabungguan kami. She winked at me before going back to the kitchen.
Ako naman, napailing-iling na lang sa sarili. Hindi ko alam kung compliment ba 'yon o ano.
Hinanap ng mga mata ko si Xaviell. Kanina ay nakikipagkuwentuhan siya sa mga pinsan pero ngayon ay nasa harap na siya ng portrait nina abuela at abuelo.
I stood beside him and his arm swiftly made its way to my waist. Seryoso ang kaniyang tingin at mukhang may bumabagabag sa kaniya.
He turned to me with a curious look. I was about to ask him when my cousins went to us. Sandali nilang tinitigan ang mga litrato bago nagsindi ng kandila. Habang ginagawa nila iyon ay napansin ko ang mapanuring tingin ni Xaviell. Pabalik-balik iyon mula sa mga portrait tapos sa mga pinsan tapos sa akin.
"What is it? You're scaring me," I whispered.
He shook his head. "Your resemblance just astounds me..." he turned to me with his still-curious eyes. "Does everyone in your clan share particular features?"
Tumango ako. "Mhmm... you would know if someone is a relative of ours in just one look."
Tumaas ang kilay ni Xaviell. Inalis niya ang tingin sa akin at mukhang may malalim na iniisip. I want to ask him but I also don't want to probe. I'm sure he'll tell me when he's ready to share.
We ate lunch in the garden and after that, Xaviell and I went for a walk. May kung anong bumalot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. A mixture of nostalgia, pain, and relief and other emotions I can't name came rushing. Parang naiiyak ako.
We were walking hand-in-hand and everything felt peaceful. There were some noise from the distance and it's from the fiesta my cousins told me. It's not the main fiesta of Aldea Blanca but I think there are some important celebrations right now.
Nakakakalma ang maberdeng kapaligiran at ang mahinang hampas ng hangin. Hindi masyadong mainit at marami pang mga puno kaya may silong kami habang naglalakad.
Kahit ilang taon na akong hindi nakabalik dito, pamilyar pa rin ako sa mga daan. I've imagined myself visiting Aldea Blanca but it was when I was too indenial that I missed this place. It's really different to imagine than to actually be here.
Nagdadalawang-isip ako sa pagbalik dito dahil natatakot ako na pagkatapak ko rito ay agad ding babalik ang mga gusto kong kalimutan. I was scared that I'll get reminded of all my fears and all my nightmares.
Ayaw ko nang maramdaman ulit ang mga naramdaman ko noon. Ang pagkasisi, ang takot, at ang sakit. I have a lot of good memories here since childhood. But what happened that fateful summer affected me too much.
Pero ngayon nandito na ulit ako, aaminin kong may kaunting pagkabalisa akong nararamdaman pero mas nangingibabaw ang kapayapaan.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pag-iisip na ilang taon na rin ang nakalipas at unti-unti na akong nakakabangon o dahil kay Xaviell. His presence is calming.
Xaviell stopped walking and I did the same. I was about to ask why but then I saw a familiar house. I turned to the side and I saw the large tree where we used to hang out before.
"It still looks the same!" Mangha kong sabi. We took our time there, just sitting under the shade of the tree.
Sandali pa akong nakatulog habang nakahilig sa kaniyang balikat. Ginising niya rin ako kalaunan dahil aniya na may pupuntahan pa kami.
Patuloy kaming naglakad habang nag-uusap pero nang mapagtanto kung saan ang tungo namin ay natigil ako. Bigla akong kinabahan pero may parte rin sa akin na na-e-excite.
"Come on," ani Xaviell at saka naglahad ng kamay. I heaved a deep breath and took his hand. A few moments later, I saw it again.
I spent many summers fantasizing about this and now I'm here. I'm back in my cottage.
"Xaviell," I called, my heart pounding inside my chest. "Why is it like that? Na... nasunog 'yon... bakit..."
Binalingan ko siya, hindi makapaniwala sa nakikita. Sigurado ako na noong umalis ako rito ay walang natira sa cottage ko. Kaya bakit parang wala lang nangyari? Everything were restored and it looks like nothing happened to it. From the grassland to the hammock and to the cottage itself!
Xaviell pulled me but I stopped him. "Hindi ko na pag-aari ito. Baka magalit 'yong may-ari."
He turned to me with a smile. "Don't worry, I won't get mad."
Bago pa ako makapag-react ay kinindatan niya lang ako at nauna nang maglakad. Sandali pa akong tulalang tumayo roon at nabalik lang sa realidad nang tinawag niya ulit ako.
Sa likod siya ng cottage dumiretso at kinailangan ko pang tumakbo para mahabol siya. Katulad kanina ay natigil ulit ako dahil sa gulat.
Katulad noon ay may vegetable patch din at samu't saring mga halaman. Parang wala talagang may nagbago.
"I don't understand," nanghihina kong bulong.
Tinabihan ako ni Xaviell habang ang tingin ko ay nakatuon pa rin sa mga halaman.
"When I came back, it was on sale so I bought it," simple niyang sabi.
Buong araw kaming nanatili roon at hindi pa rin ako lubos na makapaniwala sa mga nangyari. I never thought I'd come back here nor get to have my cottage back.
The following day, we went back to the cottage again. We bought some food and drinks with us. We had a picnic by the lawn and for some reason, everything felt... normal... it's like nothing happened and that we're back in our younger days.
"Uy, lovebirds!" Napatingin kami sa isang grupo na nagba-bike at huli nang napagtanto na ang mga pinsan iyon. If it wasn't for their teasing voices, I probably would've thought that they're just a bunch of teenagers.
"May dala kami," ani Lisa at saka nila nilapag ang mga dalang basket. Tiningnan ko ang mga iyon at nakita ang mga baked goods at ilang bote ng kung anong inumin.
"Lambanog 'yan," Vera said and sat beside Xaviell. "Hi pogi! Mas gumwapo ka! Tulo-laway siguro pinsan namin—"
Bago pa niya matapos ang sasabihin ay tinapon ko ang isang basket sa kaniya pero mabilis niya naman itong nasalo.
"Defensive!" Tukso nila na ikinangiti-ngiti rin ni Xaviell.
"Anyways, alis na kami," Mira said and got up from the picnic blanket. "Drink responsibly, kids."
"Pero seryosong usapan, kahit high-tol ka pa, grabe ang tama niyan," ani Bea sabay nguso sa mga bote. I feel like she's speaking based on experience.
Nang makaalis sila, kinuha ni Xaviell ang isang bote ng lambanog at kuryoso itong tinitigan. "I think I'm gonna try some of these."
Na-curious din ako dahil hindi pa ako nakatikim niyon kaya nakiinom din ako. I'm not a heavy-drinker but for some reason, I want to try something new. And it so happens that that "something new" is heavy drinking.
Xaviell and I played drunk-UNO and when we got bored, we played truth or dare. Every time we refused to answer a truth or do the dare, we get a number of drinks.
"Hindi naman 'to nakakalasing," puna ko sabay lagok mula sa isang bote. Hindi ko na mabilang kung ilan na 'yong naubos namin dahil nililigpit agad ni Xaviell.
"I think we had too much, mamaya naman," aniya pa sabay tayo ulit pero hindi katulad kanina ay mukhang nahihirapan na siya.
"Low tolerance ka?" Tanong ko sabay halakhak. Sinimangutan niya ako at saka umiling.
"My head's aching," aniya at saka nahiga na lang sa picnic blanket. Sumasakit na rin ang ulo ko at may kung anong init sa may dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Nahiga ako sa kaniyang tabi at saka ipinalibot ang mga braso sa kaniyang baywang. "Pahinga muna ako. Kung may gagawin akong kabaliwan, pigilan mo 'ko ha?"
He laughed at my words and started caressing my hair. Mabilis akong nakatulog dahil doon. Nagising lang ako nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Kinusot-kusot ko ang mga mata at parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil sa sakit at isa pa, may brasong nakapulupot sa baywang ko.
I stayed lying down and only got up when I felt better. My head's still aching like it's gonna burst but it's not as bad as it was a while ago.
I stretched my arms, expecting to see some green sceneries since I'm pretty sure I fell asleep on the picnic blanket. But instead of seeing such, I saw some bookshelves and a crumpled blanket.
Nilibot ko ang tingin at hindi ko alam kung saan ako dapat unang magulat. Should I be surprised that Xaviell and I are inside the cottage? Or about the fact that I'm naked with only the blanket covering my body? Or should I be surprised about the metal band on my ring finger?
Napatabon ako ng mukha nang magka-ideya sa nangyari. Tiningnan ko si Xaviell at nakitang tulog-mantika pa rin ito. Wala itong suot pang itaas at kung tama ang hinala ko ay sa ilalim ng kumot ay wala rin siyang suot.
"What the—"
Mabilis kong tinabunan ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at parang naestatwa ako sa kama.
Xaviell moved a bit, making me panic. I pulled the blanket more to my side but it only caused some of his "parts" to be put into show. Napapikit ako ng mga mata, agad na nagsisi dahil sa ginawa.
"Damn that lambanog," bulong ko sa sarili.
Aalis na sana ako ng kama pero agad ding napahiga ulit dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Xaviell's arms encircled on my waist but after a few moments, I felt him flinch.
Ilang segundo ang lumipas at mabilis siyang bumangon pero agad ding napamura at saka bumalik ulit sa pagkakahiga.
"What the fuck?" Aniya.
"Yeah, I feel you," sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.
He groaned. "What happened? Why are we—oh my fuck!"
Kahit nagpa-panic na rin ako deep inside, hindi ko napigilan ang sarili na matawa. Hindi ko alam kung para saan iyon pero sigurado akong nararamdaman niya rin ang naramdaman ko kanina. Madalang lang din siya magmura dahil kahit ano pa ang nangyayari ay palagi siyang composed. Pero ngayon...
I pulled the blankets towards my face. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kaya magtatago na lang muna ako.
"Are you okay?" He asked gently.
"Mhmm... I need some meds for the headache though," mahina kong sagot, ngayon lang nag-si-sink in ang mga nangyayari.
Wala man akong may matandaan pero mas mabuti na rin siguro iyon dahil baka lalo lang akong mahiya at mawalan ng hitsura na maihaharap sa kaniya.
Sana naman wala akong ginawang kabulastugan. I hoped silently.
I felt the cushion move and Xaviell probably left the bed. I heard some cabinets being opened and in a few while he went back.
"Here's some pain relievers and toast," I heard him speak. "I'll shower first."
Hinintay ko muna na makaalis siya bago umalis sa kama. Kinailangan ko pang pilitin ang sarili na bumangon dahil nakakatukso ang pagtulog ulit.
The clothes I wore are now neatly folded beside the glass of water Xaviell brought. Lalong uminit ang mukha ko na pati undergarments ko ay nandoon din. Sigurado akong pinulot ang mga iyon ni Xaviell dahil nasa sahig ang mga iyon kanina!
Nasapo ko na lang ang mukha. May parte akong natatandaan na tuwang-tuwa ako sa panaginip ko dahil parang ang saya sa pakiramdam. Hindi ko naman alam na katotohan na pala ito.
Dali-dali akong nagbihis at saka ininom na ang gamot. I ate the piece of bread he gave me and wrapped the blanket around me.
My scar burns are exposed and I have no plans in telling Xaviell yet. I took my phone and was about to call my cousins but when I opened it, my gallery was opened.
Sa pagkakatanda ko, puro halaman at picture namin ng mga kaibigan ang nandito. Hindi rin ganoon kadami ang photos at videos ko pero laking gulat ko na sobra sa sampung libo ang photos ko. Wala akong mga video rito sa phone pero may mahigit 500 na ngayon.
Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato at puro blurry ang mga iyon kaya 'yong mga video na lang ang pinanood ko.
'Yong pinakauna ay nasa damuhan kami ni Xaviell. Ito 'yong huli kong natatandaan.
"Xaviell say hi!" Sabi ko sa video. Nakahiga kaming dalawa at nakatabon ang braso ni Xaviell sa kaniyang mukha. He waved at the camera and snuggled on my neck.
I said a lot of things in the video yet most of them didn't make sense. In the first part, I talked about plants, and then I started complaining about Xaviell sleeping. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ko pero umabot sa mga alien invasion ang pinagsasabi ko.
Napailing-iling na lang ako sa sarili, matatawa na sana hanggang sa nakita ko ang sarili na tumayo sabay gising kay Xaviell.
Kung pwede ko lang mapigilan ang Vanilla na 'to, gagawin ko na. May masama talaga akong pakiramdam dahil sa kaniya. Ngunit kahit nakakahiya at nakakakaba ito, kailangan ko 'tong panoorin dahil mukhang wala ring kaalam-alam si Xaviell sa mga nangyari kahapon.
"Xaviell... let's not drink ever again," sabi ng Vanilla na nasa video. Tumango-tango naman si Xaviell sabay sabi ng "I'm not drunk." Ilang beses niya iyong sinambit at kalaunan ay may tono na ang pagkakasabi niya.
"I can hear some music... maybe there's a paaarrttyy?" Sabi ko pa sabay taas ng kilay. Nasapo ko na lang ang mukha nang narinig ang British accent na palaging tinutukso ng mga kaibigan sa akin tuwing nalalasing ako.
Akala ko noon ay biro lang nila iyon. Ngayon ko lang tuluyan na napagtanto na bigla akong nagiging katunog ni Peppa Pig kung lasing.
F-in-ast forward ko ang video dahil nag-usap-usap pa ulit kami ni Xaviell. Kung tutuusin, hindi naman kami mukhang lasing lalo na si Xaviell dahil walang ipinagbago ang pananalita niya. Nakakalakad din siya nang maayos. Iyon nga lang, paminsan-minsan ay kumakanta-kanta siya.
I watched myself talk to the camera and I couldn't help but groan. Nakakahiya ang mga pinagsasabi ko at nagrereklamo na ang lasing na Vanilla tungkol sa inflation.
I fast-forwarded the video again until Xaviell and I reached the plaza. From what I'm watching, for some reason, there were a lot of people in white walking in the background.
The drunk Vanilla seemed to notice it too and even started waving at some people. Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil ang sahig na ngayon ang nasa video. I increased the volume, trying to at least hear what's going on.
I could hear myself saying congratulations as the video progressed. Ilang sandali ang lumipas at nakita ko na ulit ang sarili sa video.
"I'm a vlogger!" I said with an exaggerated British accent, pronouncing vlogger as "vlowgah."
"Mayor!" Xaviell said and left my side. The video ended and I thought that was it but when I swiped, there's another one.
Ang unang video ay front camera ang ginamit pero ngayon ay na-switch na. Tinuon ko ang camera kina Xaviell at sa lalaking tinawag niyang "mayor."
I paused the video and zoomed it in, then realizing it was actually the mayor of Aldea Blanca!
Xaviell turned to me and so did the mayor. Drunk Vanilla might've felt conscious yesterday since the camera angle was lowered. Ang sahig na ulit ang nakikita ko ngunit naririnig ko pa rin ang usapan.
"May kasalang bayan kasi, Beaufort! Diba sponsors kayo ni Xavion?" Basing on the voice, I'm sure it was the mayor.
"Ahh, yeah! I remember!" Xaviell said.
My insides started panicking even more and for some reason, I feel like I'm about to reach the climax of this. Kinakabahan ako lalo na't may na-mention na kasalan. May kung anong ideya na pumapasok sa isipan ko pero ayaw ko munang mag-overthink.
"Magpapakasal din kayo, Sir?" Anang isa pang boses. Hindi ko kilala ang nagsalita pero 'yong kasama ata ito ng mayor. "Malaki naman ang donasyon niyo kaya kahit tapos na ang programa, magagawan 'yan ng paraan."
"Omg! Really?"
Parang gumuho ang mundo ko nang narinig ko ang sariling boses na nagsalita. Napatayo pa ako dahil sa gulat sabay replay ng parteng iyon.
I tried to convince myself that I just misheard it but I'm pretty sure that I heard it right.
"We're getting married!" Sambit ko ulit sa video. Tinaas ko na ang phone at nakita ko na nasa loob na kami ng parang opisina. Naroon si mayor, ang kaniyang asawa, at ang isa pang matandang babae.
"Mayor, pwede to-follow na lang the requirements? We were in a hurry kasi!"
"Oh my gosh!" Naiiyak kong sambit nang marinig ulit ang sinabi ko sa video. "Walang hiyang Vanilla!"
I even gave my phone to the mayor's wife and asked her to take a video. My exacts words were "it's for documentation purposes."
I scrutinized Xaviell and me and I realized that neither of us looked drunk! Pangiti-ngiti lang kaming dalawa at panay ang hagikhik pero mukhang inakala nila na kinikilig lang kami at excited na magpakasal.
Hindi ko na nakayanan ang pinanonood kaya f-in-ast forward ko ulit ang video. Nasapo ko na lang ulit ang mukha nang makita na may pinipirmahan na kami ni Xaviell.
"Holy shit!" Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.
Hindi ko namalayan si Xaviell at mukhang katulad ko ay nagulat din siya sa nakikita.
"Did we actually?" Aniya na nanlalaki ang mga mata.
I bit my lips but instead of answering, I focused my eyes on the video. Nahihiya ako kay Xaviell at hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin at dapat na maramdaman.
"We're back in the cottage!" Drunk Vanilla said in the video and even did a mini "cottage tour."
"It's honeymoon time!" Sigaw ko ulit sa video.
Akala ko ay wala na akong mas ikagugulat pa pero nagkamali ako. Kung kanina ay napatayo ako dahil sa gulat, ngayon naman ay tuluyan ko nang nabitawan ang phone.
Mabilis iyong kinuha ni Xaviell at may kinalikot siya roon. Pagkatapos ng ilang segundo ay hinarap niya ako sabay iling. "Don't worry, it's safe... nothing scandalous... no pun intended."
We both chuckled but immediately stopped. Mukhang katulad ko ay sandali niya ring nakalimutan ang sitwasyon namin.
With shaky hands, I took my phone from him and continued watching the video. Drunk Vanilla placed the phone on the bedside table before ending the video.
I handed my phone to Xaviell and made my way to the bathroom. I stood under the shower, just letting the water cascade down my body. I was hoping that the cold water will wash away every inch of alcohol and embarrassment.
I was trying to wash off the soap from my body when I felt something weird in my chest. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kaya sandali akong sumandal sa dingding.
I closed my eyes and a few snippet of what happened yesterday came rushing to my mind. From the shower, to the water cascading down my face, and the hands gliding down my body.
"Oh gosh..." bulong ko sa sarili nang may mapagtanto.
No wonder I felt something weird earlier! I'm guessing that after my drunk self ended the video, I took a shower too. It shouldn't be a problem. But then, I'm pretty sure that yesterday, I didn't shower alone.
"Of all places, dito pa talaga." I shook my head and sighed. It's weird because what I can remember are just a few seconds of snippets from yesterday yet somehow, I'm getting these "emotional memories."
Gusto ko lang naman maligo pero kung ano-ano na ang nararamdaman ko. I just want to wash off the soap from my body but all I can feel is someone else's touch.
Binilisan ko ang pagligo at dali-daling lumabas. Baka kung magtagal pa ako roon sa banyo ay mabaliw lang ako sa mga naiisip.
Babalik na sana ako sa kwarto pero naghihintay sa labas ng banyo si Xaviell. He was holding a towel and I'm pretty sure that he's about to give it to me but he suddenly stood rigid while his eyes were on me.
Unti-unting bumukas ang kaniyang bibig, parang may gustong sabihin pero mukhang gulat na gulat pa. Alam ko kung ano ang nakakuha ng kaniyang mga mata.
I saw how his eyes wandered around my body and I couldn't help but feel conscious.
"It's not a pretty sight... I know," I said matter-of-factly, trying to sound cool and unbothered.
Our eyes met and even though no words were said, I can see that he has a lot of questions. The look he's giving me is enough to tell me that he needs some explanation.
I sighed and looked down, then loosening the tie of my bathrobe to expose more skin in my neck and chest area. "It's from what happened years ago... you know... what happened here," I said with a forced smile.
Xaviell heaved a deep sigh before closing the space between us. His arms wrapped around my waist and I felt his lips on my forehead.
Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. Hindi rin ako sigurado kung dahil ba ito sa pangamba at pagkalito tungkol sa nangyari kahapon o ano.
"Do you find me ugly?" Humihikbi kong tanong. "Because of my skin?"
"What?" Gulat na sagot ni Xaviell at kinalas ang yakap. Pinahiran ko ang mga luha at sinandal ang ulo sa kaniyang dibdib. Hindi ko siya kayang tingnan nang diretso.
"I had to go through a lot just to get these treated but for some reason, they just won't fully disappear," I shared. "But this is better than what it was. Trust me, I was unrecognizable... it's shameful to admit this but ako mismo, parang nandidiri sa sarili."
"Valentines... look at me," aniya sa masuyong boses. "Your skin looks different... you have scars... but that doesn't mean that anything in you is ugly..."
I was never a fan of validation from other people... ngayon lang talaga at sa kay Xaviell lang.
He ran a hand through my hair and wrapped it with the towel. He bent down and placed a quick kiss on my lips before pulling me towards the room.
Mabilis akong nagbihis at saka kami dumiretso sa bahay. Kahit nasa labas pa lang kami, rinig na rinig na namin ang tawanan na nanggagaling sa loob.
Pangiti-ngiti ang kasambahay na nagbukas ng gate at parang may gusto pang sabihin. Nalilito kong tiningnan si Xaviell pero nagkibit-balikat lang siya.
"Oh, here's the newly-wed!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni mayor. Nasa may salas sila Papa at nandoon din ang mga pinsan at tiyahin, mukhang hinihintay kami.
My cousins squealed and jumped excitedly while I turned to Xaviell with wide eyes.
Napakagat-labi ako dahil sa napagtanto.
Xaviell and I are actually married!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top