24

Kahit masakit ang ulo at inaantok pa, pinilit ko ang sarili na bumangon. Kahit walang alarm clock ay maaga pa rin akong nagigising. Ito na kasi ang nakasanayan ko mula noon kaya kahit wala rin akong tulog kagabi at may hangover pa, heto ako, gising na ang diwa kahit ala cinco pa lang.

Nakapulupot ang mga braso nina London at Sugar sa akin habang ang paa naman ni Galaxy ay nakapatong pa sa akin. Nasa iisang kama lang kami ng mga kaibigan at kami ni Sugar ang nasa gitna.

"Gising ka na?" Rinig kong tanong ni London. Napatingin ako sa kaniya at nakita siyang bumabangon na rin habang kinukusot-kusot ang mga mata.

"Hindi, tulog pa," sarkastiko kong sagot at umalis na sa kama sabay ayos ng kumot at dahan-dahang inayos ang posisyon ng mga kaibigan.

London laughed mockingly but I only gave her a playful glare. Papasok na sana ako sa banyo pero naunahan niya ako.

Lumabas ako ng kwarto at doon tumambay sa salas. Dito kami tumuloy sa condo ni London dahil kung tama ang pagkakaalala ko, dito ako dinala ni Xaviell kagabi.

And speaking of that guy...

Napapikit ako at napahawak sa labi, inaalala ang pag-uusap namin kagabi. Hindi ko matandaan ang lahat pero alam ko namang naghalikan kami.

Napasinghal na lang ako sabay higa sa sofa. Tinampal-tampal ko ang pisngi, hindi makapaniwala na ako ang unang humalik!

Damn it, Vanilla! Sabik na sabik?!

Gulat akong napabangon nang narinig ang pagbukas ng pintuan. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita na sina Orion, Jarvis, at Martell iyon.

And oh... Xaviell's here as well.

Babatiin ko pa sana sila pero pagkatapos magtama ang mga mata namin ni Xaviell ay dali-dali akong bumalik sa kwarto ni London.

Narinig ko pa ang halakhak ni Iouis pero binalewala ko iyon. Tumigil din naman kasi siya kalaunan dahil bago ako makapasok sa kwarto ay nakita ko ang pagbatok ni Orion sa kaniya.

"Don't tell me my husband's here?" Ani Sugar na kababangon lang.

"Then I won't tell you," sabi ko sabay ngiting-aso sa kaibigan at pumuwesto sa isang sofa.

Sugar groaned, making Galaxy chuckle. "Your Sweetie's just worried 'bout his pregnant wife," ani Galaxy sa kaibigan.

Sugar groaned again but this time, with a light chuckle. "Those guys are lowkey clingy," aniya na ikinatango naman ni Galaxy sabay punta sa pintuan at sumilip doon. "Him worrying 'bout me makes me worried about him too... this is crazy."

Isa-isa na kaming nag-ayos at nagpahuli ako. Hihintayin ko na lang na makaalis si Xaviell dahil ayaw ko pang lumabas. Tuwing natatandaan ko kasi iyong nangyari kagabi ay nag-iinit ang mukha ko at natitiyak kong namumula ako.

May parte rin sa akin na nahihiya kay Xaviell. Baka isipin pa niyang baliw na baliw ako sa kaniya.

"Psst! Hindi ka lalabas?" Ani Galaxy. "Wala pa namang pagkain pero bumili na sina Beaufort at Martell."

"Wala sa labas si Xaviell?"

Pinanliitan ako ng mga ng kaibigan, may ngising namumuo sa kaniyang labi pero agad din namang umiling.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali nang kinuha ang mga gamit at nagpaalam na sa kanila. Lakad-takbo ang ginawa ko palabas at maghahanap na sana ng taxi ngunit bago ko pa magawa iyon ay may humawak sa braso ko.

Napaigtad ako sa gulat at manghahampas na sana pero nasalo naman ni Orion ang kamay ko. Nagngiting-aso ako kay London. Hindi ko naman kasi alam na siya pala ang nakahawak sa akin.

"Hatid ka na namin," anang kaibigan at hinatak na ako papuntang parking lot. Hindi na ako umangal dahil mas mabuti nga na ihatid nila ako.

Nagpasalamat ako sa dalawa at dali-daling lumabas ng sasakyan nang may makitang mga pamilyar na mukha. Lakad-takbo ang ginawa ko palapit sa grupo ng mga babae, gustong manigurado na hindi ako namamalikmata.

"Coco!" Tawag ng mga pinsan sabay tili. Unang nakalapit si Bea at agad akong binati ng yakap. Sobrang higpit niyon at parang may nag-crack pa na buto sa likuran ko.

Inaya ko ang mga pinsan na pumasok at nagkuwentuhan kami habang nasa elevator. Nang makarating na sa unit ay nag-unahan pa sila sa mga guest rooms. Isang guest room lang kasi ang may view ng siyudad.

"Wala kang trabaho diba? Nag-leave ka?" Ani Mira habang nakahiga sa sofa. Katatapos lang nilang maligo at mag-ayos.

"Mhmm..." pagtango ko sabay balik ng tingin sa phone. Nakalimutan ko kasing isauli ang blazer ni Xaviell kagabi at hindi ko rin naisip na iwan kanina kay London.

"Uy! Sinong ka-text mo? May jowa ka na?" Chismosang tanong ni Vera at lumapit pa talaga sa akin para masilip ang phone ko.

"Wala!" Sabi ko sabay send ng mensahe. Kanina ko pa ito tina-type sabay bura dahil hindi ako sigurado. Pati text message ay ino-overthink ko na rin!

Nahiga ako sa tabi ni Mira at iidlip na sana ngunit ang weird sa pakiramdam ng katahimikan ng mga pinsan. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinanliitan sila ng mga mata.

"What?!"

The four of them shared a look. It seems to me that they know something I don't.

"Iba ang narinig namin," makabuluhang sagot ni Mira sabay kindat pa.

Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto na may alam ang mga pinsan! Kung may alam ang mga pinsan, isa lang din ang ibig sabihin nito! May nakakita sa amin ni Xaviell at saka ito kinuwento sa mga pinsan!

"Fine!" I tsked, then standing with both hands raised. "We kissed, okay? But that's it—"

"You kissed?!" Gulat na sambit ng mga pinsan at napatayo na rin.

Napatabon ako ng bibig nang mapagtanto na iba yata ang alam ng mga pinsan at wala itong kinalaman sa nangyari kagabi.

"Sino 'yong kahalikan mo?" Ani Lisa at nilapitan pa talaga ako. Ganoon din ang ginawa ng iba. "Ang sabi sa amin ay nag-date kayo ni Beaufort... 'yon lang..."

Napakagat-labi ako, hindi na alam kung ano ang isasagot. Sana pala ay nagtanong muna ako!

Damn it, Vanilla!

Walang may alam maliban sa amin ni Xaviell pero mukhang makakarating na rin ito sa mga kaibigan.

"Siya 'yong kahalikan mo noh?" Ani Vera pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Buti na lang talaga at nag-vibrate ang phone ko dahil wala na talaga akong maisasagot sa mga pinsan. Alam ko rin na walang silbi kung magpapapalusot ako. Based on experience, the more I try to sound less defensive, the more I sound defensive.

I unlocked my phone and checked the Instagram notification as slow as I could. Pinalibutan ako ng mga pinsan at nakiosyoso rin. May t-in-ag palang Instagram story si London sa akin.

Group selfie nila iyon at may maliit na caption sa isang sulok. Doon niya rin ako t-in-ag.

May naghahanap sa 'yo @vanillahermosa 👀 clue: hindi siya nakangiti sa pic ;) Anang caption.

"Hindi nakangiti? Ay hala! Si Beaufort pogi!" Ani Vera at pumalakpak pa. "Kayo na? Okay na kayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak lang siya. Aalis na sana ako pero tinukso ako lalo ng mga pinsan.

I shook my head and made myself comfortable on the couch, waiting for his reply. Every time my phone vibrates, I would expectantly unlock it, thinking he replied.

Nang mapansin ang ginagawa at nararamdaman ay agad naman akong napasimangot. Parang teenager tuloy ako na naghihintay na mag-reply ang crush niya!

"Gusto mo pa rin siya noh?" Pagbasag ni Bea sa katahimikan.

"Siguro?" Nagkibit-balikat ako. "Pero basta... I have a positive feeling about this... I can feel that I'm starting to stop liking him romantically... I just know..."

My phone vibrated again. And just like what I noticed, I opened it expectantly, thinking Xaviell replied. Pero nang binasa ko ang mensahe ay napasimangot lang ulit ako nang makitang galing iyon sa mobile network.

"Why isn't he replying! Damn!" Naiinis kong sabi sabay tapon ng phone sa kabilang sofa.

"Kaninong reply ang hinihintay mo?"

"Kay Xaviell! His coat's here with me..." sagot ko, huli nang napagtanto na dapat nanahimik na lang ako.

I faced my cousins. And as expected, they're all sporting teasing looks. Mira shook her head and headed to the door.

"Yeah, you're right... you're starting to not like him," ani Vera at tumango-tango pa. "That's true, Coco... that's right..."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah, basta! Sa isipan ko, off-limits siya... akala ko nga nagde-date sila ni Caramel eh!"

"Inakala mo nga ba?" Sagot ng isang boses. Napatingin ako sa may pintuan at nakita sina London at Caramel. Kaya pala tumayo si Mira dahil binuksan niya ang mga ito.

"O gusto mo lang talagang paniwalaan 'yan? Para kunyari, off-limits na siya at mas madaling kumbinsihin ang sarili mo na hindi mo siya dapat magustuhan," dagdag pa ni Galaxy.

May kung ano na naman sa uri ng pagtingin niya sa akin na hindi ko nagugustuhan. 'Yong parang may alam siya na hindi ko alam.

"'Wag kang ganyan, inaano ka ba ni Vanilla, ha?" Ani naman ni London sabay tabi sa akin, kunyari pinagtatanggol ako pero nakangisi naman at halatang may tinatagong tukso.

I rolled my eyes at them. "Sige, tuksuhin niyo 'ko..." tinaas ko ang dalawang kamay at nahiga na sa sofa. "'Pag ako kinasal, hindi kayo imbitado," biro ko pa.

Patuloy kaming nag-usap-usap ng mga pinsan at kaibigan at naputol lang nang may nag-doorbell. Si Vera ang nagbukas ng pintuan at kasabay niyon ang nakakabingi niyang tili.

"Pogi! Na-miss kita!" Aniya. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung sino ang kausap niya. Hindi nakatulong na narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya sigurado ako na nakapasok na sila.

"Beaufort!" Sabay-sabay na tawag ng mga pinsan sabay tayo para batiin si Xaviell. Napatingin ako sa kanila at nakita na kahit nakangiti siya sa mga pinsan ay nakatuon naman sa akin ang kaniyang mga mata.

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi mapigilang mainis na hindi niya ako nire-reply-an. Hindi naman sa gusto ko siyang maka-text. Nandito kasi ang blazer niya at baka makalimutan ko pang isauli.

Sandali silang nag-usap-usap ng mga pinsan. Tinanong din siya ng mga kaibigan kung ba't siya napunta rito.

"Baka may date sila!" Ani Vera. "Mag-date na lang kayo!"

I rolled my eyes again, then taking his blazer and handed it to him. "He's here for this..."

Tinanggap ni Xaviell ang kaniyang blazer at saka ako nginitian na ikinatili naman ng mga pinsan at kaibigan. Niyugyog-yugyog pa nila ako sa harap ni Xaviell. May isa pang humila ng buhok ko.

"Thanks," ani Xaviell. "My phone's here so... yeah..."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig. Napatingin ako sa mga pinsan pero lalo pa silang umingay at tuluyan nang humalakhak.

Kung alam lang nila kung gaano karami ang mensahe na ipinadala ko kay Xaviell...

"I'll get going now," pagpapaalam ni Xaviell. Isa-isa niyang tinanguan ang mga pinsan ko at si Galaxy habang hinalikan niya naman si London noo.

"Si Coco, walang kiss—"

Hindi natapos ni Bea ang sasabihin dahil mabilis ko siyang sinipa. Hinawakan ko sa braso si Xaviell at mabilis siyang iginiya palabas. Baka kung magtagal pa siya roon ay kung ano-ano pa ang sasabihin ng mga pinsan.

Babalik na rin naman sana ako sa loob pero nakita ko na hawak-hawak niya na ang kaniyang phone. Magpapalusot pa sana ako para mahiram ko iyon para mabura ang mga mensahe pero nang makita akong nakatingin sa phone niya, agad niya rin iyong binuksan.

May ngiting sumilay sa kaniyang mga labi pero mabilis niya rin itong tinago at saka ako hinarap. "It's okay... I'll pretend you didn't send these..."

I frowned. "I just wanted to return your blazer! That's all!"

He nodded, the ghost of a smile still evident. "I'll fetch you tomorrow?"

Natigil ang hininga ko nang marinig ang kaniyang tanong. He's probably pertaining to that "date" of ours!

Napakagat-labi ako sabay iling. "No..." I can't like you, Xaviell...

When I brought my eyes back to him, gone were the playfulness in his eyes. Seryoso na ang kaniyang mga tingin, wala nang bahid ng kung anong panunukso. Parang sumikip naman bigla ang dibdib ko nang makita ang nanlulumo niyang mga mata.

He nodded. "I'll wait for you at the rooftop restau... I'll be there, Valentines."

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at tinalikuran na ako. Tiningnan ko lang ang papalayo niyang bulto hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis. Kung hindi lang lumabas si London, hindi pa yata ako nakapasok.

Gusto kong kumbinsihin ang sarili na tama ang desisyon kong iyon. Kahit pa naninikip ang kalooban, iyon ang tingin ko na dapat kong gawin.

He's that special to me that I don't want to risk anything again. I'd rather be friends—even civil—with him. Mas mabuti nang ganoon kaysa sa wala. Mas mabuti nang hindi kami ganoon ka-close kaysa sa magkaaway kami o may sama ng loob sa isa't isa.

I was distracted the whole day. Hindi ako sumali sa mga kasiyahan ng mga kaibigan at pinsan. Dito rin kasi natulog sina London at Galaxy.

"Psst!" Napaigtad ako at napatingin kay London. "Ba't ka nagmumukmok dito?"

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinarap ang kaibigan. She opened her arms and I took it as a cue to hug her. Pagkatapos ng ilang sandali ay nahiga ako sa kaniyang kandungan. I curled on her lap like a child while she caressed my hair.

"You stayed here whole day yesterday and now you're doing the same," she pointed out. Patuloy niyang sinuklay-suklay ang buhok ko hanggang sa natipon ko ang lakas para tumayo.

"I guess I could use some advice from you," I admitted with a shrug.

Sabay kaming lumabas ng kaibigan at saka dumiretso sa sala. Nandoon nga ang mga pinsan at kausap si Sugar.

"Oh? Anong problema?" Tanong ni Sugar. Sandali pa akong nagulat dahil sa mataray niyang tono.

"It's the hormones," Galaxy explained in a whisper.

Naupo ako sa may sofa, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba sa kanila ang bumabagabag sa akin. Pagkatapos mag-isip-isip ay pinili kong ikuwento na lang sa kanila. Kahapon pa ako mag-isang nag-iisip pero wala akong natamo. Baka mabaliw lang ako kung ipagpatuloy ko pa ito.

"Do you need advice? Or just some ears to listen?" Ani London. Bigla ko namang natandaan si Xaviell dahil sa kaniyang tanong. Ganoon din kasi si Xaviell tuwing may kinukuwento ako sa kaniya.

Sasagot na sana ako pero naunahan na ako ni Sugar. Lahat kami natahimik nang bigla siyang nagsalita.

"You know what?! Just take the chance, Vanilla! For a person who claims to have this faltering feelings for Beaufort, you seem to talk about him a lot!" Aniya na ikinalaki naman ng mga mata ko.

Malayong-malayo ito sa mahinhin at tahimik na Sugar. The last time I saw her like this was when she real-talked Galaxy. And now, I guess I'm next on her list.

"Damn it! Everything in life is a risk so take a risk that you think is worth it!" Dagdag pa niya. "We're all gonna get hurt but that's part of life! Kahit anong gawin mo, masasaktan ka talaga! Kaya kung masasaktan ka lang naman, siguraduhin mo na lang na worth it 'yon!"

After saying those, Sugar broke down into sobs, making her husband rush to her side. "Jarvis, will you just tell her to go date Beaufort?" Aniya pa sa asawa na ikinagulat naman ng isa.

"Gosh! These people and hormones are driving me crazy! I'm so mean!" Ani Sugar at patuloy na humikbi. Si Jarvis naman, parang hindi na alam kung ano ang gagawin pero inalo pa rin si Sugar. "They'll unfriend me, Jarvis!"

"No, they won't," Jarvis said, then turning to us with a sheepish smile. "Let me talk to them while you rest."

Sandali silang nawala sa screen at maya-maya ay bumalik si Jarvis. Napakamot ito ng ulo at mukhang hindi pa sigurado sa sasabihin.

"I'm really sorry about that," ani Jarvis. Galaxy na ang sumagot sa kaniya para sa amin. Ang mga pinsan naman ay mukhang gulat na gulat pa para magsalita.

"And oh, Valentina," aniya kaya naputol ang pagkatulala ko. "I know I'm not part of this but I think you should go for it..."

Hindi kaagad ako naka-react. Kung hindi pa pinitik ni Galaxy ang noo ko ay baka patuloy lang akong tumunganga sa kawalan.

"May message ka yata," aniya sabay bigay sa akin ng phone ko.

Wala sa sarili kong binuksan ang phone. Nabalik lang ako sa wisyo nang makita na si Xaviell pala ang nagme-message.

Trespasser X:

I'll wait for you

"If you have no plans on showing up on your date, tell him," ani Bea at saka ako tinabihan. "Don't be such a spicy chicken."

"What?!" Lito kong tanong. "Chicken what?"

"Oh! I mean red flag... don't be a red flag," aniya sabay halakhak, mukhang natatawa pa sa sariling sinabi.

Napatingin ako kina Galaxy at London. Nasa may kusina sila pero nakatingin naman sila sa akin habang nag-uusap.

I gathered my strength and stood up. I went to my room and took a sweatshirt and my car keys.

"We'll drive you there," ani Galaxy sabay kuha ng susi ko. "Moral support!"

Napangisi na lang ako dahil sa narinig. Nagpaiwan ang mga pinsan at kami nina London at Galaxy ang umalis.

Tahimik kaming tatlo sa sasakyan. Nasa backseat kami ni London at si Galaxy ang nagda-drive. Alam kong maraming gustong sabihin ang dalawa pero hinihintay lang nila na mauna akong magsalita.

"I'm scared..." halos bulong kong sabi. Biglang binagalan ni Galaxy ang pagda-drive sabay sulyap sa akin sa rearview mirror. Si London naman, iginiya ang ulo ko papunta sa kaniyang balikat at saka ako inakbayan.

"Advice please? Susundin ko na this time!" Mabilis kong sabi. Alam ko kasi na sasagot si Galaxy ng "hingi ka nang hingi ng advice pero hindi mo naman sinusunod" kaya inunahan ko na.

"I know what you're feeling, Van," si London. "It's human to fear but we, humans, also have the ability to choose despite the fear... to act despite the fear... that's courage, Vanilla. So my advice is to be courageous..."

Nakita ko ang muling pagsulyap ni Galaxy sa akin mula sa rearview mirror. Hindi siya mahilig magbigay ng advice at palaging tagakinig lang kaya nagulat ako nang nagsalita siya.

"You said earlier that you don't like whatever it is that you're feeling... I think it's because you're not listening to the voice that's telling you not to succumb to the fear..."

"You've been letting your fear dictate you but what did you get? You're not at peace, right?" Aniya pa. "So since what you've been doing doesn't give you satisfactory outcomes, why not try the other option?"

Napaigtad kami ni London nang biglang hininto ni Galaxy ang sasakyan. Saka ko lang napagtanto na nasa tapat na kami ng building kung saan ginanap ang party noong nakaraang araw.

"Be courageous, Vanilla," ani ulit ni London sabay halik ng noo ko. Sa sandaling iyon ay naiiyak ako dahil sa kanilang dalawa.

Alam kong may pagkakataon na nakakarindi na rin ang ganitong eksena lalo na't ganito rin ang nangyari sa mga kaibigan. Pero kahit ganoon, hindi pa rin sila nagsasawa.

Hindi na bago ang sitwasyong ito. Ang pinagkaiba lang talaga ay kung sino ang humihingi ng payo. Pero ang problema at mga aalahanin, pareho lang.

"There are things worth taking the risk... there are people worth risking our hearts for..."

I smiled at the two, then getting out of the car. I passed by a hallway with a mirror, just realizing that I'm only wearing a pair of pajamas and a sweatshirt.

Gusto kong bumalik at mag-back out pero patuloy na nagpaulit-ulit ang mga payo ng mga kaibigan sa aking tainga. Napailing na lang ako at tumakbo na papuntang elevator.

Nang makarating sa rooftop restau ay agad kong hinanap si Xaviell pero hindi ko siya nakita roon. Tatawagan ko na sana siya nang may naaninag akong bulto sa may tagong parte ng rooftop.

Kahit nakatalikod ay alam kong si Xaviell iyon. Doon siya naghihintay sa kung saan din kami nag-usap noong nakaraan.

Kagat-labi akong lumapit sa kaniya. Kumakabog ang kalooban ko at gusto kong tumakbo palayo. Hindi dahil ayaw ko sa kaniya kundi dahil natatakot ako.

I heaved a deep sigh, then taking another step. I saw him flinch. He probably felt my presence.

Maybe it's time to be courageous. Maybe Xaviell is worth risking my heart for.

Before he could even turn to me, I went beside him, then leaning my elbows on the railings.

"Hey..." I said in almost a whisper.

Xaviell turned to me with wide eyes. He looks worn out but he still managed to smile at me.

I faced him with a smile, then offering a hand. "It's me, your Valentines..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top