21

"What is wrong with us?" Tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang salamin. Parang baliw akong kinakausap ang sariling replekyson. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa jet-lag o ano.

May trabaho na ulit ako bukas at kung may kailangan man akong gawin ngayon, iyon ay ang pagtulog. Pero heto ako, nasa harap ng salamin habang paulit-ulit ang sinabi ni London sa aking isipan.

Pabalik-balik akong naglalakad pero agad ding tumigil nang may matandaan.

What if... just a what if... what if nothing's wrong with me?

Napakagat ako sa kuko pero agad ding tumigil nang mapansin ang ginagawa. Mahina kong sinampal-sampal ang pisngi at dumiretso na sa kama.

Pagkabukas, nagulat ako na makita si Lucienne sa aking clinic. Binati niya ako at mahigpit na niyakap. Magtatanong na sana ako kung sino ang kasama niya pero bago ko pa iyon magawa ay bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Xaviell habang kausap ang kararating na Gela.

"Wow, you're earlier than me today, Doc," Gela pointed out.

"Yeah! It's 'cause she knows we're coming," sagot ni Lucy at saka tumingala sa akin na may malaking ngiti. "I told you that Uncle will bring me here, right?"

Biglang umubo-ubo si Xaviell kaya napatingin ako sa kaniya. Wala naman siyang iniinom pero baka nasamid yata sa sariling laway.

Xaviell turned to me and gave me an oblivious look. He scratched his head before making himself comfortable on the couch, then taking a newspaper from the coffee table.

Napakagat labi ako nang makita ang kaniyang ginagawa. Nakatabon sa buong mukha niya ang newspaper at mukhang hindi lang ako ang nakapansin ng mali dahil humagikhik din si Gela at Lucy.

Xaviell lowered the newspaper covering his face. Only his eyes were showing and he still probably doesn't know why my secretary and his niece are giggling.

"Its upside down, Uncle!" Ani Lucy at mabilis naman pumunta sa harapan ni Xaviell para baliktarin ang newspaper.

"Huh?!" Xaviell reacted almost too-exaggeratedly. "I'm a fan of Luna Lovegood, that's why!"

Gela giggled again but this time, while whispering, "Reasons!"

Hindi ko rin napigilan na matawa pero hindi ko iyon ipinahalata.

"It's okay, Uncle!" Ani Lucy sabay halik sa pisngi ni Xaviell at hinawakan na ang kamay ko at hinatak ako paalis sa waiting area.

Pagkabukas naman, naabutan ko si Xaviell at London sa labas ng clinic. Mukhang wala pa si Gela kaya hindi sila nakapasok.

"Oh? Napabisita ka?" Bati ko sa kaibigan at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.

"I want some cleaning, Van," London said with a smile. "You can leave now, Beau."

Sabay naming binalingan si Xaviell pero mukhang tulala pa siya para maintindihan ang sinabi ng kapatid. Napaigtad naman siya at napailing-iling bago mabilis na nagpaalam.

London chuckled before taking the keys from my hand. Siya na ang nagbukas ng clinic ko habang sinusundan naman ng mga mata ko si Xaviell.

Nagkasalubungan sila ni Mela at kakaway na sana ako sa kaibigan ngunit hinatak na ako ni London papasok.

"'Lam mo, gumanda ang mga ngipin namin dahil kay Kuya," anang kaibigan at naupo sa sofa. "Kahit wala namang mali, hinahanapan talaga para makapunta lang dito."

I raised a brow at her. I don't like what I think she's implying but maybe I'm just assuming again.

"Yeah, he's probably that head-over-heels Mela," I said in almost a whisper.

"What?" Tumawa si London at napailing-iling na parang hindi makapaniwala.

Sandali akong natahimik, bago lang napagtanto na baka gusto munang itago ng dalawa ang kanilang relasyon. London probably doesn't know that her brother and Mela are seeing each other so I chose to not answer her instead.

Binigyan ako ng nalilitong tingin ng kaibigan pero hindi ko iyon pinansin at sinabihan na siya na magsisimula na kami. Saktong pagkatapos namin ay dumating naman si Xavion kasama ang mga magulang nila. Hindi ako na-inform ni Gela na pamilya pala nila ang mga pasyente ko buong umaga!

"Let's go, mabilis lang lunch-break ko," pag-aaya ko sa kaibigan sabay kuha ng bag. "Daanan muna natin si Mela."

"Ah, yeah, 'bout that, she messaged me that she has to cancel," ani London sabay kuha na rin ng bag at inangkla ang braso sa akin. "I think Beaufort's with her."

Napa-"ahh" na lang ako dahil sa narinig at giniya na ang kaibigan palabas. Hindi na ako nagulat dahil nitong mga nakaraang araw ay mas napadalas ang pagliban ni Mela sa mga lunch namin. Palagi ko rin silang nakikita ni Xaviell na naglalakad-lakad sa pasilyo at may mga pagkakataon ding tuwing paglabas ko ng clinic ay magkasama pa rin sila.

"You know, Van, there's this garden restaurant that Orion and I likes to dine at," ani London habang naglalakad kami papuntang cafeteria, "you know... where he proposed..."

I turned to my friend and couldn't help but smile. I'm pretty sure that she wants to recommend that place to me although what's in her head is different. Parang teenager ito na nagkukuwento sa kaibigan tungkol sa crush niya. I could even hear the dreamy and contented sigh in her voice.

"It's a really nice garden that I just can't explain," aniya pa, mukhang nakabalik na mula sa pagmumuni-muni. "You should visit there. I'll give you the address."

Bigla akong na-excite dahil doon at iyon ang iniisip ko buong oras na kumakain kami. It would be the first time for me to drive around the State without anyone accompanying me.

Simula kasi nang makarating ako rito ay palagi kaming magkasama ng mga kaibigan. At kung solo trip naman, papuntang ospital lang.

The following days went by quickly and I was looking forward to the weekend since I'll be visiting the garden restaurant London mentioned last time.

I took one last glance at the mirror and couldn't help but smile with satisfaction at my look for today— light green satin dress with lace details, a pair of heeled sandals, and a knitted cardigan.

Suot-suot ko rin ang stockings na palagi kong ginagamit tuwing hindi natatabunan ng damit ko ang aking mga paa para maitago ang mga peklat ko.

Dahil sa suot ngayon ay hindi ko mapigilan na ma-miss ang Aldea Blanca. Ganito rin kasi ako manamit tuwing umuuwi ako roon. Pero pagkatapos niyong insidente, hindi na ako kailanman nakabalik doon kaya ito rin ang unang beses na pumorma ako ng ganito.

I drove with the windows open and let the American air hit my face with its cool breeze. Medyo nakalayo-layo na ako sa siyudad dahil tagong restaurant daw ito. Kung hindi ako nagkakamali ay membership pa ang restaurant at kaunti lang talaga ang nakakaalam.

I continued following the directions from the GPS but for some reason, I'm in the middle of nowhere. I'm pretty sure I followed the directions well and did all the turns!

Nilibot ko ang tingin, nagbabakasakali na nandito lang ang restaurant at nakatago lang nang mabuti. Bumaba pa ako ng sasakyan para makapaglibot-libot pero wala talaga.

I went back to my car and dialed London's number. Fortunately, she answered after a few rings.

"I'm lost, literally," pambungad ko sa kaniya.

"Morning, Vanilla, it's Orion," anang boses sa kabilang linya. "London's still asleep."

"Oh..." bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil naistorbo ko pa ang tulog nila. Halata naman sa boses ni Orion na kagigising niya lang.

"You're going to the garden restau, right?"

"Mhmm..."

"Well, I can't fetch you right now but I can ask someone to do so," aniya. "Don't worry, you'll thank me for this one."

Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang mumunting halakhak niya at mabilis siyang nagpaalam. I have a not-so-good feeling about this. Knowing him, his brain is probably working like London's and I'm not sure if I'm gonna like his "plan."

Ilang minuto ang lumipas at nag-ring ang phone ko. Sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan ang called ID kaya laking gulat ko naman nang marinig ang boses ni Xaviell.

"Hey, where are you?" Pambati niya at parang hinihingal pa.

"Err... okay ka lang?" Hindi ko mapigilang mapatanong. Parang hinihingal kasi siya nang todo.

The other line went silent for a while. Even the heavy breathing stopped. Inalis ko ang phone sa tainga para ma-check kung nasa call pa rin ba kami. Baka kasi pinatay niya ang tawag kaya biglang naging tahimik ang kabilang linya.

"I, uh... I'm good, I was jogging" sagot niya. "But now I'm running back to my place so I can change and meet you..." dagdag niya pero pabulong na. Sigurado akong hindi niya iyon ibig na marinig ko pero narinig ko pa rin.

I cleared my throat, then lightly pinching my cheeks since they're starting to heat up. Hindi ko ito gusto. Parang may kung anong pinapahiwatag ang katawan ko tuwing nag-iinit ang mga pisngi ko. At hindi ko talaga gusto iyon...

"I'll send you my location." Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako at pinatay ang tawag. Baka kung patuloy kaming mag-usap ay kung ano-ano na naman ang mararamdaman at maiisip ko.

Habang naghihintay, ang mga Spotify playlists ko ang pinagdiskitahan ko. I was able to make a new playlist entitled "the american dream."

Saktong pagkatapos kong pumili at mag-add ng mga kanta ay narinig ko ang tunog ng paparating na sasakyan. Basing on its revving sound, I'm pretty sure it's a sport-car. I don't have a car-fetish so I have no idea about it other than the fact that it looks sleek despite its poop-like color.

Just one look at the rearview mirror, and basing on the car's color, I already know who's inside it.

Tumigil ang sasakyan sa tabi ng akin habang bumaba naman ang salamin sa side ng driver. Xaviell's eyes were focused at the front before he turned to me. A hand was on the steering wheel while the other went to remove his sunglasses.

He flashed me his boyish grin and even waved at me. My eyes and attention were too preoccupied with him that I couldn't even raise a hand to wave back.

It was only when he raised a brow and a mischievous look replaced his oh-so-sweet smile that I got snapped back to reality. I raised a brow too and mouthed a "good morning" before turning to the front.

We convoyed to the garden restaurant and I realized that I only had a minor detour. Nakarating din kami agad sa garden at akala ko ay aalis din siya pero katulad ko ay nag-park din siya.

"Hey," tawag ko nang makababa na sa sasakyan. "Sorry for bothering you, I didn't know that Orion would send you to this rescue mission," I said, the latter part full of sarcasm.

He shrugged, his gaze still on me. Bigla akong na-conscious dahil parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko pero pinili kong huwag pansinin ang dumadagundong dibdib.

"Nah, it's good, Valentines—I mean... Valentina!" His tone was quick to transition from cool to panicky and now, with a hint of bashfulness.

I felt the corner of my lips rise but I was quick to notice it. I bit the insides of my cheeks and nodded at him. "You can use your nicknames, Xaviell," I said, faking a scoff just to prevent myself from smiling.

Sandali kaming nagkatinginan at kahit gusto ko mang ilayo ang tingin, parang may kung anong magnet ang kaniyang mga mata na hindi ko mapigilan ang sarili na tingnan ang mga iyon. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako nasasanay sa totoo niyang hitsura.

Kulay ng buhok at mata lang naman ang hindi ko nasasanayan, malaki pa rin ang impact niyon sa kabuoan niyang hitsura.

Naputol lang ang tinginan namin nang biglang may tumikhim. Mukhang katulad ko ay nagulat din si Xaviell.

The restaurant staff greeted us and guided us to the perfectly-manicured lawn, there was an enchanting-looking gazebo but instead of going there, the staff led us to the picnic table set up under a large tree.

"What's with you tryna bring everyone you know to my clinic?" Hindi ko napigilan ang sarili at nagtanong na. Kauupo lang namin dito sa picnic blanket na nilatag para sa amin at hinihintay na lang namin ang mga pagkain.

Malakas ang kutob ko na pinlano ito ng kaibigan at baka sinadya niya talagang ibigay ang maling address sa akin dahil alam niyang sa kaniya rin ako hihingi ng tulong.

Nagkibit-balikat si Xaviell at saka tinukod ang dalawang kamay sa kaniyang likuran at seryoso akong tiningnan. Magkaharap kaming dalawa at nakasandal lang ako sa malaking puno.

"I want to see you," he said in a whisper. If it wasn't for the silent surroundings, I probably wouldn't have heard him.

"What?" Gulat kong tanong.

Mukhang nagulat ko rin siya dahil bigla siyang napaigtad. "What?" Aniya rin.

"Uh... ice cream?" Nagpa-panic niyang sabi sabay bukas ng maliit na cooler na nasa tabi niya. Dali-dali niya iyong binuksan at nanginginig pa ang mga kamay.

Binigyan niya ako ng isang Cornetto habang ang isa naman ay mabilis niya ring kinain at tinuon na ang mga mata sa gilid, mukhang hindi na makatingin sa akin.

"Why do you want to see me?" I said, almost teasingly. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at sinabi ko iyon.

What if mali lang ang pagkakadinig ko? What if inakala niya na ibang tao ako? What if nag-a-assume lang talaga ako?

He turned to me and heaved a sigh while shaking his head. I thought that was already his response but I was surprised with what he said next.

"Because you're Valentines," he started, his eyes bore into me as if trying to get into the depths of my mind.

"Even though we got separated and even though we're just 'civil' with each other right now, in my mind you're still my friend..."

His intense gaze caused my insides to go wild. His words plus the look he's giving me isn't a good combination for my sanity. It was just too much even though it's supposed to mean nothing.

"Maybe you're not the same person but... yeah..." pagpapatuloy niya at tumango-tango pa habang ako naman ay biglang natulala dahil sa gulat.

Hindi ko naman inakala na sasagutin niya pala ang tanong ko! I didn't even know why I said those words in the first place!

"You're Valentines..." he said, a small smile forming on his lips at the latter word. "The one with the peaceful cottage; likes to tend to her plants as often as she can; the one who has fancy and amusing names for her Spotify playlists and listens to her sadgirl hours when something's hurting her..."

"Xav..." nanghihina kong tawag. Unti-unti nang kumakalma ang kalooban ko pero may kung anong kirot pa rin doon na hindi ko maintindihan.

Parang masakit na hindi... it's like a part of me is longing for our days in Aldea Blanca, when everything were still fine... the picnics, the seafood boil, the random talks, the gardening while he's trying to help, the hammock conversations, the long walks, and everything... I miss my old self.

Xaviell is part of the latter part of my teenage years and it's a shame that I can't reminisce without feeling the guilt of everything that happened. But now that he's starting to remind of who I was before, I couldn't help but feel reminded of the Valentina that I was... the Valentina before the incident... and I miss her...

I miss myself... and him, too.

"She's the one who likes to fix her hair in pigtails; the one who rolls her eyes at the nicknames I give her but would still smile after it; the one who likes to wear brown and green; the one who likes long walks and silence; the one who's comfortable in her own company but is still welcoming..." he continued. And as he did, the longing I'm feeling intensified.

Kung magpapatuloy pa siya ay baka kalimutan ko na ang lahat at yakapin na lang siya.

"The one who claims to be mean but is actually not..."

Narinig ko ang kaniyang pagsinghal at nabalot kami ng katahimikan. Pinaglaruan ko ang mga daliri at nagulat na lang nang may maramdamang kung anong malambot sa aking pisngi.

Marahan niyang pinahiran ang kaunting mga luha at nang magtama ang aming mga mata, nakita ko na parang may gusto siyang sabihin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at saka inilingan.

"It's okay..."

Hindi nagtagal, dumating na rin ang aming mga pagkain. Doon kami nanatili sa picnic blanket at buti naman na hindi naman kami binalot ng tensyon. Akala ko ay maiilang ako sa kaniya dahil sa nangyari bago-bago lang pero hindi naman.

May kung anong boses sa isipan ko na gusto akong patahimikin dahil baka mahulog ulit ang loob ko sa kaniya. Ako mismo ay nararamdaman din iyon pero gusto ko munang sulitin ang oras na 'to.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako nakaramdam ng ganitong kapayapaan.

Maganda ang lugar pero simple lang din naman ito. Malinis lang at naayos ang mga desinyo pero walang kagarbohan. Pero kahit ganoon, kahit nasa ilalim ng puno lang kami kumakain, alam ko sa sarili ko na gusto ko ito.

I appreciate simple moments and this is one of those.

"And ganda rito noh?" Sabi ko. Hindi ko alam kung para ba iyon kay Xaviell o para sa sarili. "No wonder London and Galaxy fell in love in this place."

My eyes remained wandering but when I noticed his silence, I turned to him. His eyes are once again fixated on me, it was really as if he's dissecting every part of me. Hindi ko alam kung mako-conscious ako dahil sa mapanuri niyang tingin o matutuwa na nasa akin ang atensyon niya.

Agad naman akong napasimangot dahil sa naisip.

Seriously? Natutuwa dahil sa atensyon? Ano 'to? Crush ko ulit siya? Teenager ka ulit, Vanilla?

"Mhmm..."

"Diba?" Sabi ko ulit, umaasa na mababawasan ang bilis ng puso ko ngunit mukhang mas nadagdagan pa at lumala ang nararamdaman ko.

Tumango-tango siya at sumulyap sa tinitingnan ko pero binalik niya rin ang mga mata sa akin.

Isn't he supposed to look at the scenery? Nagkukunwaring nakikinig lang yata ang isang 'to!

"Maganda?" Pag-uulit ko, naninigurado kung nakikinig nga ba siya.

Tumango ulit siya at hindi katulad kanina, nasilayan ko ang kaniyang ngiti na pilit niyang tinatago habang nakatingin pa rin sa akin.

"Oo, napakaganda..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top