YES TO TEASER!

a/n: Tentenenen!

************************************

        "You're in love, Sasha..." Nahigit ko ang aking hininga nang marinig kong sinabi iyon ni Ree.

        Titig na titig ako ngayon sa nang-uurok niyang mga mata. May palagay akong tinangay na ang buong katinuan ko ng mga nagkakarerahang daga sa aking puso at hindi ko na magawang makapagsalita pa.

        Sunod-sunod akong napalunok nang humakbang siya papalapit sa akin. "You're already in love with me, Sasha. Tick tack, game over is finally waving." Siguradong pahayag niya na ikinalaglag ng aking panga. Iyong kaninang pagwawala ng puso ko ay unti-unting napalitan ng lumot.

        Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Hinihintay kong sabihin niya na nagbibiro lamang siya pero hindi iyon nangyari. Pakiramdam ko'y unti-unting nabulabog ang mga langgam sa dibdib ko at bigla'y tila hindi ako makahinga sa sakit.

        Game over. He said it's already game over. Sa makatuwid, napatunayan niya nang katulad pa rin ako ng ibang babae. At tama siya, pinilit ko man pero hindi ko pa rin napigilang hindi siya mahalin.

        At last, bumuka ang bibig ko para magsalita. "W-What d-do y-you mean?" Nalilitong pagmamaang-maangan ko. "I-I can't p-ossibly love you. S-Sino ka ba sa akala mo? Si Aidan Gallagher?" Sinadya kong iiwas ang aking paningin sa kaniya. Lumipad ang tingin ko sa palibot na siyudad at nagtatayugang gusali na tanaw sa parte ng rooftop na kinaroroonan naming dalawa.

        Hindi. Mali itong nararamdaman kong pag-ibig para sa kaniya. Dapat ay hindi ko ito hinayaang mangyari. Sinisisi ko ang puso ko sa labis na katangahan. Ngayo'y kailangan kong gawin ang nararapat. Hinding-hindi ko kokonsintihin ang kagagahang nilalasap ng puso ko ngayon.

        I can fall in love with anyonelse but not with Ree Velasco. Isa akong Villarico. Kailanma'y hindi maaaring magmahal ng isang Velasco ang isang Villarico. Malaking kahangalan iyon para sa aking pamilya.

        Nagkamali ako. I am always confident. Bakit ba kasi pinairal ko ang pride ko. Sobrang kampante ako na hindi si Ree ang tipo ng lalaking pag-uukulan ng pansin ng puso ko noong una kaya naman sumugal ako para salbahin ang pride na iyon. Ngayon, alam ko na kung gaano ako katanga. Hindi dapat ako pumatol sa isang walang kuwentang pustahan. Kung sana'y sa umpisa pa lamang nalaman ko na agad na magkakagusto ako sa kaniya. Hindi na dapat ako sumugal sapagkat para siyang isang ilog na gaano man kahiwaga o kaakit-akit ay bawal sisirin ng aking puso.

        Nanlalaki lalo ang mga mata ko nang humakbang siya papalapit sa akin. He playfully smirk at me. Ramdam ko ang pagwawala lalo ng puso ko dahil doon pero nagpakatatag ako.

        He stopped when he's inch away from my face. "I recognized a foolish heart when I met one. I bet, hindi talento ni Adam iyon." He said, almost whispered.

       Literal na uminit ang magkabilang pisngi ko sa pagkapahiya. Madiin ko siyang itinulak palayo sa akin. "Who's Adam? My heart is no foolish! Stop accusing me of loving you, 'cause I don't." Galit na singhal ko sa kaniya. Muntikan na akong malapalakpak sa tuwa pagkatapos. Sinalba ng galit ang puso kong muntikan nang mapahiya.

        "Tss." He sighed tiredly. "Magaling ka ngang actress, Sasha, pero mas magaling akong detective. The more you deny, the more I'm assured you have feelings for me. Wala akong pakialam sa Adam mo na 'yan kaya't huwag mo siyang dinadamay sa usapan natin." Walang kakurap-kurap na sambit niya. Napansin ko muli ang kakaibang kislap sa kaniyang mga mata.

        Napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Adam? Who's Adam? Si Aidan Gallagher ba ang tinutukoy niya? Muntikan na akong humagalpak ng tawa. Mabuti na lamang at napigilan ko. Gayunma'y nag-iisip ako kung anong isasagot ko. Paano ako makakalusot?

        "Aidan not Adam, he's my fiance. We love each other kaya huwag kang nagpapatawa diyan, Ree." Nagawa kong ipalusot sa kaniya.

        Bigla'y nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Dumilim at mas lalong umigting ang kaniyang bagang. "Naalala mo pa ba ang napakabagsik na banta ng Villarico sa isang Velasco, Sasha?" May naglalarong ngiti sa kaniyang mga labi. Sunod-sunod akong napalunok dahil doon. "By hook or by crook, darling, you'll fall in love with me."

        Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Tumaas sa ere ang aking kanang kamay saka ko iyon pinadapo sa kaniyang pisngi. Nagulat ako dahil hindi siya umiwas pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. "Sabi nila maginoo ka, aba'y masyado ka yatang bastos para masabing maginoo." Pagkatapos ay tumalikod na agad ako para lisanin ang lugar na iyon.
       

************************************

a/n: Pampa-good vibes na update ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top