1: Another 'First' With Capital H-I-M

a/n: I'll try to update this twice a day. Please, be an abangers to this one. Love ko pa din kayo kahit hindi kayo nagbo-vote. Hehe. Pero s'yempre mas love natin ang very supportive one.

************************************

AFWCHIM

"SASHA! Nakita mo ba ang gummy babe ko?" Nakaingos na nilingon ko si Jackson.

Bakit ba sa'kin niya palaging hinahanap si Barbie? Mukha ba akong google map?

Napaigik ako nang tampalin ako ni Sanya sa noo. Bigla kong nakalimutan na kinukuhaan ko nga pala si Sasha ng video ngayon. Asungot kasi na Jackson, eh. Nagmamadali na nga ang tao. "Shot me well. Huwag mong pansinin 'yang praning na 'yan." Masama kong tinitigan si Sanya. Paano'y ang sakit ng tampal niya sa noo ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa kaniya na huwag niya akong tinatampal sa noo. Nakakaasar na talaga.

Hinihingal na naupo si Jackson sa tabi ni Sanya na kasalukuyang nakamuwestra sa hawak kong camera. Ngumiti si Jackson. Ipinakita niya sa harapan ng camera ang guwapo niyang ngiti. Guwapo naman talaga si Jackson. Lalo na siguro kung hindi siya praning. Sabagay, napraning lang naman iyan simula nang maging sila ni Barbie. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya sa campus si Barbie pa ang niligawan niya.

Inilipat ko ang masama kong tingin kay Jackson. "Hoy! Jackson, tumabi ka nga. Ang panget mo." Pagsusungit ko kay Jackson.

"Mas panget ka, Sasha." Hindi siya nagpatalo sa sinabi ko. "Kaya nga hindi ka pinapansin ng first love mong si Ree, eh. Ang tagal na pala? Akalain mo, grade one pa tayo nang magka-crush ka sa kaniya. Ha-ha-ha." Muntikan ko nang maibato kay Jakcson ang hawak kong camera kung hindi lang ako agad pinigilan ni Sanya.

"Ops! No, not my precious baby." Madramang pigil ni Sanya sa akin.

Nanggigigil pa rin ako kay Jackson pero hindi ko siya magawang gantihan. Siguro, mag-iisip muna ako ng isang napakagandang ideya para bawian siya. Revenge should be as its finest. Gaganti na nga lang ako, bakit hindi ko pa todohin, right?

"Dakila kang sinungaling, Jackson. Paano akong magkakagusto sa kapre na 'yon? Aba'y walang-wala siya sa kalingkingan ni Aida Gallagher. Cheh!" Hinding-hindi ko hahayaan si Jackson na sirain ang reputasyon ko ngayon sa kolehiyo. Idagdag mo pa na first day pa lamang namin ngayon.

Nginisihan lamang niya ako ng nakakaloko. "Talaga ba?" Pang-aasar niya sa akin. Nakakainis ka talaga, Jackson Sarmiento.

Hindi talaga maganda ang araw ko ngayon kaya naman hindi gan'on kahaba ang pasensiya ko. Nagpatuloy sa pagpo-pose si Jackson sa harapan ng camera. "Hello guys, ako nga pala ang pinakaguwapong ex ni Sanya--" kaagad na hinampas ni Sanya si Jackson sa balikat.

"Damn you, Jackson. You shut up!" Iritadong singhal ni Sanya sa kaniya.

Binalewala lamang ito ni Jackson at nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung may katanungan kayo kung gaya ng, bakit nakipaghiwalay si Sanya sa akin, feel free to ask, Sanya will definitely answer it--" walang pakundangan na daldal ni Jackson sa harapan ng camera.

Hinayaan ko silang mag-away. Well, nai-off ko na rin naman ang camera. Nakakatawang Jackson.
"Argh! Who's your ex, Jackson?" Madramang umikot ang mga mata ni Sanya sa ere. "Kailangan mo 'yong i-cut, Sasha. It doesn't make sense." Iritadong sambit ni Sasha.

Tumawa ako at makahulugang nakipaglaban ng titigan sa nakabusangot nang si Jackson. "I suggest, you make your own youtube channel. Tapos ishare mo kung bakit napakaepal at napakayabang mo, Jackson." Mataray na sambit ko sa kaniya saka inayos na ang mga gamit ko na nagkalat sa lamesa. Binitbit ko ang aking bag at agad na binalingan si Sanya.

"Sanya, time's up." Sinulyapan ko ang relo sa aking kamay. "Kailangan ko nang umalis." Paalam ko sa kaniya.

May kikitain kasi akong mga suki ngayon sa mall para sa mga order nilang pampaputi at pampakinis ng mukha. Hindi ako maaaring malate.

Sumabat muli si Jackson. "Aysus! Hulaan ko, hahanapin mo si Ree? Huwag ka ng umasa, Sasha. May bagong girlfriend na naman iyon." Pang-eepal muli ni Ree sa akin.

Ramdam ko ang mas pagtaas ng presyon ko pero nanatili akong kalmado. "Kahit na jowain niya pa lahat ng Miss Universe, wala akong pake. Gets?"

Inismiran lamang ako ni Jackson.
Nakatayo na ako bitbit ang aking bag nang magsalita si Sanya. "May ten minutes pa, o." Pahabol na angil niya.

"Sasakay pa ako, Sanya. Hindi naman puwedeng haggard akong haharap sa mga costumers ko." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at nagmamadali na akong sumibat paalis.

Isang youtuber si Sanya. Tama si Jackson, ex siya ni Sanya. Sina Sanya at Jackson muna bago pumasok si Barbie. Mukhang totally move on naman na si Jackson at Sanya. Ang pinagkaiba lamang, Jackson have Barbie while Sanya stops entertaining suitors. Palagi niyang sinasabi na focus muna siya sa pag-aaral at pagba-vlog niya. Ako naman ang camera man slash editor ng mga vlogs niya.

Nasa gate na ako nang mapansin ko ang umpukan ng mga tao sa daraanan. May naririnig akong hiyawan na para bang may komosyong nangyayari doon.

Nagmamadali ako kaya naman hindi ko na talaga masyadong pinag-isipan mabuti kung anong nangyayari doon. Lumusot ako sa isang banda na may konting espasyo para sa mga dumaraan ngunit nagulat ako nang may humawak sa paa ko. Muntikan na akong mapatili. Nakapalda lamang ako ng hindi lalampas sa tuhod ang haba kaya naman pakiramdam ko'y hubad na hubad ang kaluluwa ko sa nang mapagtanto kong isang lalaki ang nakahiga sa daan.

Gulantang na tinapakan ko ang paa niya at napatalon sa kaba.

"Aray! Grabe ka naman, Miss." Napalunok at unti-unting nanlalaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako. Kaboses niya si Ree.

Hinintay kong mag-angat ng tingin ang lalaki na nakadapa sa semento. Tama nga ako ng hinala. Si Ree Villarico iyon. "Sasha?" Gulat na tanong niya.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko. Sadya iyon palagi sa tuwing nandiyaan si Ree. Bigla na lamang magsi-shift ang mood ko sa mas pina-level up na masungit. Iyon ang daan ko para itago ang pagreregador ng puso ko. Hinding-hindi ko na ulit aaminin, maski sa sarili ko na iba ang inaasta ng puso ko kapag si Ree Villarico ang pag-uusapan. Walang sekretong nabubunyag pero hindi iyon maibubunyag kung walang magsasabi at magpapakita ng motibo.

"Tulungan mo ako." Mahinang sambit niya sa akin. Nilingon ko ang tumpukan. Saka ko lamang napagtanto na nagtitilian ang mga kababaehan. Wala akong ideya kung bakit pero agad ko ding napagtanto nang maalala kong nandito na ulit si Ree.

Ree Villarico is my classmate since grade one. Kahit saan yata siya mapadpad ay magiging mabenta ang pangalan niya. Naalala ko iyong mga panahon na tuwang-tuwa ako dahil may kaklase akong artista noong grade one pa lamang kami. Madalas, kinukulit ako ng mga pinsan ko na kunan ng picture si Ree dahil nga nagkataong mag-seat mate pa kami noon. Sobrang cute siya noong bata kaya naman halos lahat ng mga dalaga ay hinihintay ang paglaki niya. Elementary pa lamang, natuto na akong mag-fan girling. Modelo na si Ree noon. Hindi iyon alam ng mga kaklase ko puwera na lamang si Sasha na bestfriend ko. Ako yata ang presidente ng Ree fans club. Hindi din iyon alam ni Ree at wala na akong balak pang ibunyag iyon. Isang napakalaking kahihiyan iyon sa akin kapag nagkataon.

High school nang magsimulang kumuha ng mga acting projects si Ree. Simula noon, mas gumwapo at sikat na siya. Masyado na rin siyang busy. Hanggang sa nagkasakit siya at kinailangan niya nang huminto muna sa pag-a-acting.

Nakatulala na pala ako kay Ree. Tama nga si Jackson. Halos buong bakasyon ay hindi ko nakita si Ree pagkatapos ng graduation namin. Ni hindi ko nga din alam kung anong kurso ang kinuha niya ngayong kolehiyo. Buong akala ko nga din ay sa Manila na siya nag-aral. Hindi pala dahil nandito siya ngayon sa mismong paaralan ko.

"Sasha, tulungan mo akong tumayo." Bumalik ako sa realidad nang marinig ko muling magsalita si Ree.

Kunwari'y bahagyang tumaas ang kilay ko. "Himala, nagpa-practice ka na palang lumangoy ngayon, Ree." Ngumisi ako bago inabot ang aking palad sa kaniya.

Alam kong magdadampi ang mga palad namin sa isat-isa pero nanatili akong matatag. Hindi niya maaaring malaman na totoo ang pang-aasar ni Jackson sa akin kapag nariyan siya.

Sumimangot si Ree. Muntikan na akong mapamura. Kahit na nakasimangot ay napakaguwapo pa din ng kapre na ito. Nahirapan ako sa paghila sa kaniya patayo. Paano'y mas mabigat siya sa akin. Tuluyan na siyang nakatayo. Ayan, nakatingala na ako ngayon sa kapre.

Ngumiti siya at nagpagpag. "Salamat, kahit na kailangan mo pa din muna akong laitin bago tulungan."

Ngumisi ako saka inilibot ang paningin sa paligid. "Anong komosyon na naman ang ginawa mo?"

Napakamot siya sa ulo. Gawain niya iyon sa tuwing nahihiya. "Huwag mo nalang silang pansinin."

Tumango ako saka siya kinawayan." Well, mauna na ako. I'm in a hurry." Paalam ko sa kaniya.

"Wai-" hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil tumakbo na ako papalayo sa kaniya bago niya pa marinig ang malakas na tibok ng puso ko.

************************************

a/n: Ano sa english ang, "bebe na kita!"

Ans. Ree my loves! Eh-hehe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top