Ipaalala
No'ng araw na malakas ang buhos ng ulan,
Nakita kita sa gitna ng daan.
Basang-basa,
At para bang tinatakpan ng ulan ang mga luha sa iyong mukha.
Sa araw na 'yon, malakas ang hampas ng hangin sa aking balat.
Na para bang pilit binubuksan ang mga peklat.
Ng nakaraan.
Ng pag-ibig na naiwan,
At sa unti-unti mong paglapit,
Muling bumabalik ang pait.
Na akala ko ay tinangay na ng hangin,
Patungo sa kung saan.
At nang mas lalong lumakas ang buhos ng ulan,
Natagpuan ko ang iyong tinig,
Nangungulila. Nagmamakaawa,
Na muling pakinggan.
Muli mong sinigaw ang 'yong damdamin.
Muli mong binanggit ang salitang matagal nang inalon ng dagat,
At tinabunan ng alat,
Muli mong sinabi na sa 'kin - ang katagang, "Mahal kita."
Mahal, no'ng binanggit mo sa salitang 'yon,
Para bang may isang bagyo na humila sa 'kin pabalik sa mga alaala matagal ko nang tinalikuran,
Kaya naman hahayaan kong ipaalala natin sa isa't-isa ang masakit na nakaraan.
Hayaan mo ako at hahayaan kita.
Ipaalala mo sa 'kin kung gaano mo ako minahal.
Ipapaalala ko sa 'yo kung paano mo ako sinaktan.
Ipaalala mo sa 'kin kung gaano kita iniyakan.
Ipapaalala ko sa 'yo kung paano mo ako tinalikuran.
Ipaalala mo sa 'kin,
Ipaalala mo sa 'kin kung paano ka agad bumitaw.
Ipapaalala ko sa 'yo kug paano kita hinawakan at sinabing "baka puwede pa?"
Ipapaalala ko sa 'yo kung paano mo ako iniwan.
Kasi, baka puwede pang huwag ka munang sumuko.
Baka puwede pang takpan ang mga pilat ng pagmamahal.
Baka puwede na.
Baka puwede pa na huwag ka munang umalis.
Ipaalala mo sa 'kin,
At ipapaalala ko sa 'yo,
Ang sugat ng kahapon.
Na ikaw mismo ang gumawa.
Dahil no'ng bumitaw ka,
Kusa akong tumayo.
Kaya hayaan na natin ang mga alaala nating dalawa.
Hayaan na natin ito at huwag nang balikan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top