Ang Tao
Ang tao,
ay bingi sa katotohanan.
Sarado ang tainga,
sa kanilang pagkakamali.
Ang tao,
ay bulag sa pakiramdam,
iniisip ang sariling kapakanan,
nananakit sa mga walang kalaban-laban.
Ang tao,
ay may kakayahang manakit,
at magpaluha,
at hindi hadlang,
ang dugong nananalaytay,
upang ika'y kanilang pagmalupitan.
Sa mundong puno ng ganitong tao,
kailan natin makikita ang pagbabago?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top