Epilogue
[Marco]
"Mayumi! Hey! Where are you going?!" Singhal ko sa babaeng aking sinundo sa airport.
Bigla na lang kasi siyang tumakbo kung saan kaya walang pagdadalawang-isip ko siyang hinabol. Halos madapa pa ako sa bawat pagtakbo na aking ginagawa. All my life! I've never been chase a woman before!
Nadatnan ko siyang hinihingal na naka-upo sa daanan ng mga tao. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Papa," bulong niya na saktong narinig ko lang. Iginala ko ang mata ko sa paligid ngunit bumungad sa akin kumpol-kumpol na mga tao.
Itinayo ko siya at saka na dinala sa sasakyan. Habang nasa byahe ay panay naman ang pangungulit niya sa kanyang mga salita. Tila walang nangyari kanina sa bawat ngiti na sumisilay sa kanyang labi.
"Bakit ka tumakbo kanina?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Pilipino ka?!" Tanging tugon niya sa akin.
"Malamang! Ano akala mo sa akin hapon? Mas gwapo pa ako sa hapon noh!" Usal ko kasabay ng pagngisi ko sa kanya.
Natawa naman siya sa akin at saka na rin siya nagsimula na asarin ako. Nalaman ko rin naman agad ang dahilan niya sa pagtakbo kanina kaya bigla akong nakaramdam ng awa.
Masakit din kasi sa akin na makakilala ng isang tao na may broken family. Nakaka-alis ng pagkalalake ang mga amang nang-iiwan ng anak.
Sa unang araw niya sa trabaho ay naging maganda naman ang takbo nito. Sa mga oras na iyon ay tila pinaglalaruan ako ng tadhana dahil bigla na lang siya umalis ng apartment niya pagkatapos ng duty namin sa restaurant.
Bakit ba ang kulit ng babaeng 'yun?!
"Umuwi na tayo, Yumi."
"Hahanapin ko pa si Papa."
Huminga ako nang malalim at saka siya tinitigan habang 'di inaalis ang mga kamay ko na nakasuklob sa kanyang palad.
"Sasamahan kita na hanapin siya."
Sa 'di malamang dahilan ay nangako ako na tutulungan ko siyang hanapin ang papa niya. Tila may tumutusok kasi sa aking puso nang makita ko siyang nahihirapan at ang kagustuhan niyang makasama ang kanyang ama.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na paghahanap namin sa kanyang ama. Sa panahon na iyon ay mas lalo akong napalapit sa kanya at alam ko sa sarili ko kung ano ba 'tong nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
"Good afternoon, Marco. I already found the address of Mr. Mitzuka Hakamori but we also found out that he was in comatose since last week. He was admitted in Osaka Hospital."
Natigilan ako nang marinig iyon sa kabilang linya ng cellphone. Paminsan-minsan pa akong sumulyap sa kanya at may bakas ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Alright! Wait for me for thirty minutes." Binaba ko ang tawag at mabilis na niliko ang kotse pabalik ng apartment.
Panay ang tanong niya sa akin ngunit walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Alam ko na mahihirapan siyang tanggapin kapag nalaman niya ang kalagayan ng kanyang ama.
Alam kong mali pero tinago ko ang lahat sa kanya. Gabi-gabi ang pagdalaw ko sa hospital para hintayin ang paggising ng kanyang ama. Halos inuumag na rin ako dahil sa pagbabantay.
"Who are you?" Tanong ng babaeng pumasok sa kwarto. Ang mukha nito ay may halong itsura ng papa ni Mayumi.
"I'm Marco and you?."
"I'm Megumi. Daughter of the patient. What are you doing here? What do you need from my father?"
"I don't need anything from him but my special friend needs to see him."
"Who's your special friend?"
"Her name is Mayumi Hakamori."
"She's my sister! Where is she? Bring her here!"
"It's not the right time! I'll tell her when your dad is already fine."
"No! She needs to know this!"
"Please! I'll handle everything."
Lubos-lubos ang pagsisisi ko dahil mas lalo ko lang nasaktan si Yumi sa aking pagsisinungaling. Nasaktan ko siya nung panahon na nag-aalala siya pero ako naglilihim lang sa kanya.
Nasaktan ko siya nung mga oras na nasaksihan ko mismo ang pagkawala ng hininga ng kanyang ama. Imbis na siya ang makasaksi no'n ay ako ang nandoon sa tabi ng kanyang ama.
"Patawarin niyo po ako! I'm sorry for not letting your daughter to see you. I'm sorry, Sir!" Hagulgol ko habang nakatitig sa walang buhay na katawan ng matanda.
"I promise that I'll make her happy. I know that she'll never forgive me but I promise that I'll do everything for her. Babawi ako sa kanya, pangako."
Nalaman niya ang lahat sa loob ng office ko. Labis ang pighati sa kanyang puso at punong-puno ng galit ang kanyang damdamin. Kinasuklaman niya ako hanggang sa magdesisyon siya na umuwi ng Pilipinas.
Tila pinarusahan ako ng langit nang hindi ko na siya nakitang muli. Gabi-gabi akong binabangungot ng mga nagawa kong mali sa kanya. Hindi ko na nga nagawang maasikaso ang restaurant kakaisip lang sa kanya.
Walang araw na hindi ako humingi ng tawad sa aking isipan. Walang oras na hindi tumibok ang puso ko para sa kanya.
Nag-resign ako sa trabaho. Kumuha ako ng flight pauwi ng Pilipinas at una kong pinuntahan ang lugar kung saan siya dati nagtrabaho. Sumalubong sa akin ang manager nila pati na ang ilang mga katrabaho.
Sinabi ko ang lahat ng nangyari kay Mayumi at sa akin. Sinabi ko sa kanila na nais kong humingi ng tawad sa babaeng pumukaw ng aking puso. Laking pasasalamat ko dahil tinulungan nila ako na puntahan ang taong minamahal ko.
Sa mga oras na nakaharap ko siya ay bumalik lahat ng masasayang alaala na nakasama ko siya. Sa mga minutong nakayakap ako sa kanya ay tila milyon-milyong pagmahahal ang dumadaloy aking puso.
Nang marinig ko ang isang pagkakataon mula sa kanya ay 'di ko na sinayang pa ang lahat. Nagpakilala ako sa mama niya at humingi na rin ng tawad sa kanilang lahat.
Makalipas ang ilang linggo ay dinala ko siya sa aking pamilya. Bakas sa mukha ng aking magulang ang tuwa nang sabihin ko na nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang babaeng hindi ko pagsasawaan na mahalin.
"Are you ready?" Tanong ko habang dahan-dahan na inaalis ang panyo na nakatakip sa kanyang mata. Tumango naman siya kaya muling sumilay ang ngiti sa aking labi.
Dinala ko siya sa lugar na pinaka-espesyal sa aming dalawa. Sa damuhang bahagi ng restaurant ay may nakapalibot na mga rosas na hugis puso. Sa gitna no'n ay may lamesa at dalawang upuan na para sa aming dalawa. Bukod doon ay nasisilungan kami ng isang tent na pinalibutan ng mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa aming dalawa.
Tinanggal ko ang panyo hanggang sa tuluyan na niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang tinititigan ang kanyang reaksyon. Bukod sa inihandang romantic atmosphere ay bumungad sa gilid namin ang mga katrabaho niya na masayang kumakanta ng mga love songs.
Pinaramdam nila sa amin kung gaano ka-espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa.
Halos mapunit ang kanyang labi sa sobrang pagngiti kasabay ng pagningning ng kanyang mga mata. Inalalayan ko siya sa pag-upo niya habang nililibot pa rin ng kanyang mata ang buong paligid.
Nang makaupo ako sa kabilang upuan sa kanyang harapan ay nagtama ang aming mga mata. Isang abot tenga na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Ang effort naman! Thank you," wika niya.
"Basta para sa 'yo," banat ko naman sa kanya.
'Di nakatakas sa akin ang pagpula ng kanyang pisngi kaya naman natawa ako sa bawat kinikilos niya.
"Ang corny mo, Tanda!"
Sabay kaming natawa at napailing dahil sa pagtago ng kanyang kilig. Pinagsaluhan namin dalawa ang mga pagkain na inihanda sa amin ngayong gabi.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagkain. Hindi pa kami lubos na nakakapagpahinga sa pagkain ay tumunog na ang musikang kanina ko pa hinihintay.
Tumayo ako at nilahad ang aking kamay sa kanyang harapan. Nagpabalik-balik siya ng tingin mula sa aking kamay patungo sa aking mata. Isang malaking ngiti naman ang ginawad ko sa kanya nang tanggapin niya iyon.
Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kanyang balakang at ang isa naman niyang kamay ay nakapatong sa aking balikat habang magkasuklob sa isa't isa ang aming mga palad.
Kasabay ng pagsayaw naming dalawa ay siya ring pagsabay ng tugtog. Halos yumuko siya sa aking dibdib dahil unti-unting dumadami ang mga tao sa paligid.
"Thank you for giving me a chance for your love, Yumi. The chance of loving you until the end," bulong ko sa gitna ng aming pagsayaw.
"We both deserve another chance, Marco."
Ngumiti ako sa kanya at saka dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Pumikit ako at inilapat ang aking labi sa kanyang noo.
Wala na atang mas titibay sa pagmamahal na nabuo mula sa isang mapait na karanasan. Ang pagmamahal na naging daan para mabuo ang pagtao ng bawat isa.
Hindi man tayo perpekto pero kapag puso ang kumilos ang lahat ay tila perpekto sa ating paningin.
Naniniwala ako na nasa tamang oras ang lahat at malalaman mo 'yun kapag nahanap mo na ang tamang tao para sa 'yo.
"I found you, Yumi," malambing kong saad nang matapos ang tugtog ng musika.
Nakangiti siyang tumitig sa akin at isinukbit ang kanyang mga kamay sa aking leeg.
"I found you too, Marco."
*****
T H E E N D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top